Chapter 28

Pagsakay sa kotse wala silang kibo pareho ni Gavin. Sa Restaurant palang nainis na sya rito, naiinis sya dahil nais sya nitong gamitin para lang burahin si Sabrina sa buhay nito. Naiinis dya dahil nais sya nitong gamitin laban kay Sabrina. At handa itong gumastos ng malaki at para sa pekeng kasal nila. Lahat ng yon ay para lang mabura nito si Sabrina. Inis nyang liningon ito na nakaupo sa tabi. Walang ekspresyon ang mukha derecho ang tingin nito. Bumuntong hininga sya. Liningon sya ni Gavin, marahil narinig ang mabigat nyang buntong hininga.

"What's that for?" he asked.

"Nothing!" matigas na sagot nya, at tumingin sa labas ng bintana. Naiinis sya at nais nyang magwala, dahil sa mga ginagagawa ni Gavin para kay Sabrina ay nakakaramdam sya ng selos, selos alam nyang hindi nya dapat maramdaman. Hindi dapat sya magselos dahil wala syang karapatang magselos. Binayaran sya ni Gavin para makipaglaro sa kama nito hanggang doon lang yon. Kung magkakaroon ng feelings na involve ay magiging kumplekado ang lahat, hindi sya dapat mamuhunan ng damdamin sa isang tulad ni Gavin Saavedra, dahil masasaktan lang sya.

Pagdating sa bahay isa-isa nyang binitbit ang mga pinamili nila ni Gavin sa Mall. Tinulungan pa sya nito, pero hindi nya maiwasang hindi iparamdam ang inis nya rito. Padabog syang umakyat ng hagdan kasunod si Gavin.

Pagpasok sa silid agad nyang hinihagis ang mga pinamili nila, tinaggal din ang sandals na suot at basta nalang inihagis yon kung saan.

"Bakit ka nagdadabog?" tanong ni Gavin na nasa likuran pala nya, bitbit ang mga ilang paper bag na pinamili nito sa kanya. Masamang tingin ang pinukol nya rito.

"Sabihin mo nga sa akin Gavin. Ano bang tingin mo sa akin?" taas noong tanong nya.

"Why are you asking that?"

"I need to know"

"Well, You are beautiful Ellise and I like you" sagot nito. Like? Magkaiba ang like sa love Ellise so huwa mangarap. Anas ng isip nya.

"No, I mean why you always offer money?  bakit kailangang may perang involve lagi?"

"Dahil yon naman ang kasunduan natin hindi ba? kaya ka nga narito dahil sa perang offer ko, so anong pinproblema mo?" sagot nito, na tila naiinis na rin sa kanya. Paano ba nyang i e-explain rito ang nararamdaman.

"But, I can't marry you" bulong nya. Pwede naman sana nyang pakasalan ito, dahil ano pa nga ba ang hahanapin nya sa isanh Gavin Saavedra? malinaw pa sa tubig ang future nya, mabibigyan sya ng magandang buhay nito, mamumuhay syang parang prinsesa na nakukuha ang ano mang gustuhin. Matutulungan din nya ang mga magulang at dalawang kapatid. At nakakasigurado syang hindi na kailan man nya poproblemahin ang pera, dahil isang Gavin Saavedra ang mapapangasawa nya.

"Come on Ellise, it's a fake married ok? hindi tayo pakakasal ng totoo, we're going to make a fake wedding ceremony and a fake wedding paper" litanya ni Gavin na, na tila wala man itong pakialam kung masaktan sya sa sinasabi nito.

"Tatanggap ka ng malaking halaga once you accept my offer"

"Magkano?" tanong nya na wala sa sarili. Wala kasi syang alam sabihin. Naguguluhan kasi sya sa mga sinasabi ni Gavin sa kanya.

"Well, at least I can give you five million and after the contract you will recieve another five million" mabilis na sagot nito. Na tila ba planado na nito ang lahat, na tila ba matagal na nitong napag-isipan ang bagay, bagay. Humugot sya ng malalim na hininga at sinulyapan ang gwapong mukha nito. Masasabi talaga nyang iba ang kagwapuhan ni Gavin, iba ang dating sa kanya ang appeal nito.

"Kung hindi ako pumayag?" tanong nya, habang nakatingin sa mga mata nito. Nagtaas ito ng kilay at bumuntong hininga bago sya sinagot.

"Ellise, you know the answer for that right? bored na tanong nito.

"No" sagot nya.

"Ellise, you know I can find another woman right? alam mong kaya kong humanap ng kapalit mo kung aayaw ka" Walang emosyong sagot nito. Ewan nya pero nasaktan sya. Nasaktan sya dahil hindi nya ma imagine si Gavin na ikasal sa ibang babae, kahit pa sabihing pekeng kasal lang yon. Hindi sya nakakibo. Lumipas ang tila napakahabang sandali sa pagitan nila Gavin.  Nakatingin lang sya sa magagandang mata nito. Napalunok sya at tila nararamdaman ang pamumuho ng mga luha sa mata. At bago pa sya tuluyang umiyak sa harapan ni Gavin. Kaagad na syang tumalikod.

"Pag-iisipan ko" sagot nya, at naglakad papunta sa bathroom.

"I'll give you 3 days Ellise. I need your answer with in 3 days" narinig nyang sabi ni Gavin. Napahinto sya sa paghakbang. Sunod-sunod na lunok ang ginawa nya dahil nanunuyo ang lalamunan nya, at naramdaman ang pagpatak ng mga luha sa pisngi. Pinatigas nya ang mukha.

"I'll let you know, as soon as possible" sagot nya na hindi man ito nililingon. Ayaw nyang makita sya nitong umiiyak. Unang-una wala naman syang dapat iiyak pa.

"Fine" sagot nito at bago pa nya tuluyang marating ang pinto ng bathroom, ay narinig nyang bumukas at sumara ang ang pinto ng silid.  Mabilis nyang nilingon ang pinto, wala na roon si Gavin. Bumuga sya ng hangin at tuluyang umiyak. Umiyak sya ng umiyak na hindi alam kung bakit. Kung bakit sya nasasaktan sa mga sinasabi at pinapakita sa kanya ni Gavin. Ano bang dapat nyang gawin? tanong nya sa sarili at naupo sa kama. Sinulyapan ang mga paper bags na nakakalat sa kama.

"I don't need all these" bulong nya. At narinig ang cellphone na tumutunog sa may bag. Agad nyang kinuha yon mula sa bag.

"Ellise!" bungad ni Aya sa kanya sa kabilang linya.

"Anya. Napatawag ka?"

"Gavin called us, he invit us for a dinner tonight"

"Tonight?" gulat na tanong nya kay Aya.

"Yes, isn't nice? we can talk later" Masiglang sabi ni Anya sa kanya. Napangiti sya. Tamang-tama kailangan nya ng kausap ngayon.

"I'll see you later Ellise"

"Yeah, sige" tanging sagot nya. At maya maya pa wala na si Aya sa kabilang linya.

"Bakit sila inimbita ni Gavin? sasabihin ba nito ang plano nitong pakasalan sya? I mean pekeng kasal" sabi nya sa sarili. At liningon ang pinto ng silid.