Chapter 25

Nakataas ang kilay nya habang hinihintay si Gavin sa pintuan ng sala. Hinihatid kasi nito si Sabrina hanggang sa kotse. Nakita din nyang nagbulungan pa ang dalawa, bago tuluyang umalis si Sabrina, na lalo nyang kinainis. Pinagsalikop nya ang mga kamay sa dibdib at lalong tinaas ang mga kilay habang papalapit sa mau pintuan si Gavin. Nakita nyang tumingin si Gavin sa kanya. Pinanatili nya ang tigas ng mukha.

"Bakit sya pumunta rito?" hindi matagong inis na tanong nya. Huminto si Gavin sa tapat nya. Nagtaas sya ng kilay, ewan nya kung bakit pero naiinis sya, at naiinis sya ng sobra.

"Ano bang pinag-uusapan nyo? bakit kailangan pa nyang pumunta rito? hindi ba't magkasama nakayo gabi? hindi pa ba sapat ang magdamag na magkasama kayo, at kinailangan kapa nyang puntahan dito?" pigil hiningang litanya nya.  Nanatili lang nakatingin sa kanya si Gavin, walang kibo sa mahabang litanya nya.

"Gavin ano ba?" at hinampas ito sa braso. Pero hindi man ito natinag kahit hubod ng lakas na ang hampas nya rito.

"Come on!" sabi nito. At bago pa sya makapagsalita. Hinila sya nito sa braso at pinasan sa balikat nito na walang kabigat-bigat. Nagtitili sya sa gulat.

"Gavin ano ba? what are you doing?! ibaba mo ko!" hiyaw nya. Pero hindi man sya pinansin ni Gavin, nagtuloy sila sa pagakyat sa mataas na hagdan. Nagtitili sya para ibaba ni Gavin.

"Ah....... ibaba mo ko" sigaw nya. At napansin ang pagkaripas ng takbo ng dalawang kasambahay, marahil narinig ang mga sigaw nya. Nahinto sya sa pagsigaw ng makita sya ng dalawang kasambahay na pasan-pasan ni Gavin sa balikat nito. Napansin nyang pigil ang ngiti ng dalawang kasambahay, bago tumalikod at naglakad pabalik ng kusina.

"Gavin!" at pinagpapadyak ang mga paa. Narinig nyang bumukas ang pinto, at malakas na sumara yon. Kasabay ang pagbagsak nya sa malambot na kama.

"Ah...." tili nya. At mabilis na bumangon paupo, at humila ng unan, buong pwersang binato yon kay Gavin. Nasalo naman ni Gavin ang unan bago pa tumama sa rito.

"I hate you! I hate you!" sigaw nya na parang bata.

"Anong bang nangyayari sa iyo?" Kunot noong tanong ni Gavin.

"Naiinis ako sa iyo! naiinis ako kay Sabrina!" tili nya. At tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.

"Naiinis ako dahil basta-basta mo nalang akong iniiwan para kay Sabrina!" hiyaw nya at galit na naglakad palapit kay Gavin.

"Kung may Sabrina ka naman pala, bakit kinailangan mo pa ko rito? bakit hindi mo nalang kay Sabrina gawin ang mga gusto mong gawin sa akin! for sure papayag yon ng libri!" sigaw nya dahil sa galit. Hindi nya mapigilan ang galit na nararamdam o selos ba ito o ano. Basta galit sya kay Gavin, naiinis sya kay Gavin.

"Ellise! Enough!" galit na sabi ni Gavin, at marahas syang hinawakan sa magkabilang braso.

"Bitiwan mo ko!" hiyaw nya at nagpumiglas.

"Kumalma ka nga muna Ellise! habang pigil-pigil sya sa mga braso.

"I hate you Gavin" ang umiiyak na sabi nito. Ewan nya kung bakit kailangan nyang maiyak sa sitwasyon, wala naman nakakaiyak sa mga nangyari, mga nakakainis lang talaga.

"I hate you..." Ang umiiyak na ulit nya.

"Ellise? why are you crying?"

"Naiinis ako sa iyo"

"Nagseselos ka ba kay Sabrina?" tanong nito ng kumalma na sya sa panlalaban. Hinawakan nito ang mukha nya at hiniharap sa rito ang luhaang mukha.

"Hindi mo kailangan umiyak Ellise" may panunuyo sa tono nito, na lalo nyang kinahagulgol ng iyak. Alam nyang wala silang relasyon ni Gavin, wala nga itong alam tungkol sa personal nyang buhay, basta binili lang sya nito. Binayaran lang sya ni Gavin para sa kama nito. Pero sya tila sya nag invest ng emosyon.

"Tama na" bulong nito at naramdamdaman ang mga labi nito sa pisngi nya.

"Gavin" usal nya.

"Let's talk about it"

"About what?"

"Everything" sagot nito, at binitiwan ang mukha nya. Mabilis nyang pinunasan àng mga luha.

"Fix yourself aalis tayo" utos nito at tumalikod na, naglakad patungo sa pintuan.

"Gavin" pigil nya rito. Huminto ito sa paglabas at liningon sya.

"I have nothing to wear" sumisingot na sabi nya.

"Just wear somthing comfortable. Lalabas tayo para mamili ng mga gamit mo, at para ma klaro ang isip sa sitwasyon natin"

"Sitwasyon natin?"

"Yes, Ellise" sagot nito at muli syang hinarap.

"It seems hindi mo alam kung ano ang papel mo sa buhay ko. I guess masyado akong nakampante at hindi naipaliwanag sa iyo ang lahat"

"What do you mean Gavin?" nagtatakang tanong nya. Alam nyang sumobra ang ginawa nya kanina. Dahil kung makaasta sya tila sya asawa ni Gavin na nagseselos. Alam nyang lumagpas sya sa dapat.

"We can talk about this later. Magbihis kana" utos nito at tumalikod na, tuluyan na itong lumabas ng silid.

"Bakit naman kasi ako nagwala ng ganun" inis na tanong nya. At narinig ang tunog ng cellphone. Mabilis nyang kinuha yon.  Nakita nyang si Aya ang tumatawag.

"Anya"

"Hey Ellise, how are you?"

"Ayos lang" malungkot na sagot nya at naupo sa kama. Naiiyak nanaman sya, nais nyang maglabas ng sama ng loob, nais nyang ikwento kay Aya ang lahat, ang tungkol kay Sabrina at sa sitwasyon nila ni Gavin.

"May problema ba Ellise?" tanong nito. Marahil nahalat ang tono ng boses nya.

"Wala naman. Aya sino ba si Sabrina kay Gavin?" Hindi nya maiwasang itanong.

"His ex, we can meet some other time if you want to talk about it"

"Sige, actually nasa San Sebastian nakami ni Gavin"

"That's great I can visit you or you can visit me anytime"

"Oo" maiksing sagot nya at nagpaalam na muna sya kay Aya. Kailangan pa nyang maghanda, lalabas sila ni Gavin.

"Ano kayang sasabihin nya? tungkol ba kay Sabrina? kainis naman bakit kasi kailangan kong umastang tila asawa nya? bakit kase hindi ko mapigilan ang emosyon ko kanina!" inis na sabi nya sa sarili. Nais nyang sabunutan ang sarili sa inis. Marahil halata ni Gavin na nagseselos sya kay Sabrina, samantalang wala naman syang karapatan kay Gavin, at kung nasasaktan sya problema na nya yon. Kung bakit kasi hindi nya napigilan ang galit, isama pang umiyak sya sa harapan ni Gavin.

"Damn"