Chapter 24
"Sir, Sir Gavin? andyan po ba kayo?"
Tinig mula sa labas na nagpahinto sa ginagawa nila ni Gavin. Nilayo ng kaunti ni Gavin ang katawan sa kanya. Nakaramdam nanaman sya ng pagkadismaya. Alam nyang hindi nanaman matutuloy ang ginagawa nila. Nagbuntong hininga sya at nilayo ang hubad ng katawan kay Gavin.
"Answer her" bulong nya. At inayos na ang sarili. Tinakpan ang hubad na katawan gamit ang mga braso.
"Why?" may irita sa tono ni Gavin.
"Sir, may bisita po kayo. Si Ma'am Sabrina po" Nanlaki ang mga mata nya ng marinig ang pangalang Sabrina. Nilingon nya si Gavin, nanantili itong nakamata sa pintuan.
"Tama ba ang narinig ko? andito si Sabrina?" taas kilay na tanong nya.
"I guess" tanging sagot ni Gavin. At tumayo mula sa kama.
"I be there in a minute" sabi nito sa kasambahay na nasa labas ng pinto. Bumuntong hininga sya, hindi alam kung ano ang sasabihin, kung may dapat ba syang sabihin pa.
"Fix yourself. Bababa lang ako" sabi nito, bago naglakad palapit sa pinto. Nanatili syang walang kibo, nakasunod lang ng tingin kay Gavin na papalabas ng pintuan. Hindi man ito nag abalang magtakip muna ng katawan bago lumabas.
"Damn it!" hiyaw nya. At binato ang unan sa pinto, nang makalabas na si Gavin sa silid.
"Sino ba sya?!" Gigil na tanong nya. At naalala si Aya. Mabilis na kinuha ang cellphone sa side table ng kama. Nakita nyang may reply na si Aya sa kanya. Nanginginig ang mga kamay nya habang binuksan ang message ni Aya.
Hi, sorry for the late reply. Late kasi ako nagising dahil kay Julian. Anyway I will answer your question, but Ellise you don't hear it from me ah. Sabrina is Gavin ex girlfriend, his first love actually
Tila sya nanlambot matapos mabasa ang mensahe ni Aya.
"First love?" kunot noong tanong nya sa sarili.
"Gavin's first love?" muli nyang tanong. At nabitawan ang cellphone. Bumagsak yon sa sahig. Nanghihina din syang napaupo sa kama.
"His first love" ulit nya. Ewan nya pero may sakit syang naramdaman. Kaya ba hindi ito matanggian ni Gavin? kaya ba isang text lang nito, hindi na alam ni Gavin ang gagawin? Tanong nya sa sarili, nag angat sya ng mukha. Hindi ba't pinakilala na syang girlfriend ni Gavin sa mga tauhan nito? Well kung ganoon, kailangan nyang umastang girlfriend nito. Sa naisip mabilis syang tumayo mula sa kama, mag aayos sya para makaharap si Sabrin, at sa wakas makakaharap na nya ang babaing laging umiistorbo sa kanila ni Gavin.
Naligo sya at nag ayos ng buhok. Wala nanaman syang maisuot kaya naman kumuha sya muli ng damit ni Gavin. At pinapasalamat nyang may undies pa syang natitira sa bag nya. Pula nga lang ang kulay non.
Matapos makapagbihis sinulyapan ang sarili sa salamin. Alam nyang kahit simpleng T-shirt lang ni Gavin ang suot ay lutang ang natural nyang ganda. Kung mala dyosa si Sabrina, wala syang pakialam, basta ang alam nya maganda sya at malakas ang appeal. Isa pa naaakit nya si Gavin.
Pagbaba nya ng hagdan wala sa sala si Gavin at si Sabrina. Inikot nya ang mga mata sa loob ng malaking bahay. Wala syang nakitang Gavin at Sabrina.
"Asaan naman kaya sila?" tanong nya. Napansin ang kasambahay na lumabas mula sa isang pinto, may dala itong tray. Mukha andoon ang dalawa.
"Nasa loob ba sila?" tanong nya sa kasambahay.
"Yes po Ma'am, nasa loob po si Sir Gavin, kausap po si Ma'am Sabrina" sagot nito.
"I see" taas kilay na bulong nya. At lumakad palapit sa pintuan. Kailangan na nilang magharap-harap.
Mariin nyang hinawakan ang pintuan. At humugot ng malalim na hininga, bago piniit pabukas ang pintuan. Tumuloy sya sa pagpasok. Nakita nyang isang library room ang pinasukan nya. Puno kasi yon ng mga libro. Agad nyang hinanap ang dalawa, hindi naman sya nabigo. Nakita nyang nakaupo sa malaking sofa ang babaing kausap ni Gavin. She's wearing a black elegant dress with a expensive heels. Maganda ang babae nakaayos ito, at tila pinaghandaan ang pagsugod sa bahay ni Gavin. Hindi nga lang sya sigurado kung alam ba ng babaing ito na nasa bahay sya ni Gavin.
"Ellise" tawag ni Gavin. Marahil ng mapansing natititigan silang dalawa ng babaing kausap nito.
"Ellise?" ulit ng babae. At sinuri sya ng tingin. Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa. Alam nyang maganda sya kahit anong suutin nya. Isa pa damit to ni Gavin.
"Sya si Ellise?" tanong muli ng babae.
"Yes, she's Ellise my girlfriend" pakilala ni Gavin. Muntik pang tumalon ang puso nya sa sinabi ni Gavin. Nakita nyang tumayo si Gavin mula sa kinauupuan, at naglakad palapit sa kanya sa may pinto. Buti nalang at nagbihis muna ito, bago hinarap si Sabrina. Naka white T-shirt lang ito at short, at napaka fresh nitong tignan.
"Hey" malambing na sabi nya, sabay kawit ng mga kamay sa matipunong braso ni Gavin. Nakita nyang tumaas ng bahagya ang kilay ni Sabrina. At sinuri sya nito, mula ulo hanggang paa, obvious ang ginawa nitong pagsuri sa kanya. Pero nagtaas sya ng mukha, alam nyang maganda sya, kahit wala syang ayos o make up maganda sya. Isama pang suot nya ang damit ni Gavin, oo damit ni Gavin ibig sabihin lang na sa kanya si Gavin dahil suot nya ang damit nito. Ngumiti sya ng bahagya kay Sabrina, para ipakitang hindi sya apektado ng aura nito. Nakaayos lang ito kaya mukha itong maganda.
"Anong pinag-uusapan nyo?" malambing na tanong nya kay Gavin, at sinulyapan ito, habang naglalakad palapit sa upuan.
"Nothing serious" sagot nito. At naupo sa sofa kasunod sya. Hindi parin nya inaalis ang mga kamay na nakapalupot sa braso ni Gavin. Nais nyang ipakita kay Sabrina kung sino sya sa buhay ni Gavin. Tutal pinakilala na rin naman sya ni Gavin na girlfriend, eh ba't hindi nya gampanan ang role ng isang girlfriend.
"Well, nice to meet you Ellise" nakangiting sabi ni Sabrina. Nais nyang mapasimangot dahil sya ang kinakausap, pero kay Gavin ito nakatingin, at pansin nyang malalagkit na tingin ang pinupukol nito kay Gavin. Naiinis sya nais nyang hilahin ito sa buhok at kaladkarin sa labas.
"Me too" tipid na sagot nya. At wala sa sariling siniksik ang katawan kay Gavin.
"May importante kasi kaming pinag-uusapan ni Gavin" sabi ni Sabrina, na halatang na te-tense sa nakikitang closeness nila ni Gavin. Bakit hindi? girlfriend sya hindi ba? tama lang na magpaka sweet sya kay Gavin.
"Gaano ka importante?" tanong nya at sinulyapan si Gavin. Wala itong ekspresyon sa mukha. Tila nakikinig lang ito sa kanila ni Sabrina. Napangisi sya. Kung ipinakilala syang girlfriend ni Gavin kay Sabrina na Ex-girlfriend nito, ay ibig sabihin lang na ginagamit sya ni Gavin. Ginagamit ba sya ni Gavin para layuan na ito ni Sabrina? ginagamit ba sya ni Gavin para pagselosan si Sabrina? Napalunok sya sa naisip at napatitig kay Sabrina.
Maganda at mukhang edukada. Tila sya walang maipipintas, mukha galing din sa kilalang pamilya. Lutang sa mga kagamitan nito sa katawan, lahat mamahalin. Pero hindi, hindi sya papatalo sa Sabrina na to. Hindi pa nila nagagawa ni Gavin ang mga dapat nilang gawin.
"I didn't know na narito ka Ellise" sabi ni Sabrina. Makalipas ang mahabang sandali.
"Wala naman kasing nababanggit itong si Gavin" patuloy nito, at sinulyapan si Gavin na. Sumadal ito sa sofa, at bumuntong hininga. Hindi nya alam kung para saan ang pagbuntong hininga na yon ni Gavin. Pasimple nyang binawi ang mga kamay sa braso nito. Nagalukipkip sya ng braso at inis na binagsak ang likod sa sandalan.
"Bakit? kung nasabi ba nyang andito ako hindi ka pupunta?" may inis sa tono nya, at nagtaas ng kilay. Nakita nyang ngumiti si Sabrina, ngiting nakakaloko.
"Pupunta pa rin naman" sagot nito na lalong kinainis nya.
"But, sige I'll talk to Gavin some other time nalang, when he is alone, para naman makapag-usap kami ng maayos" Litanya nito. Napakunot ang noo nya at liningon si Gavin na tahimik lang.
"Ano bang sasabihin mo sa kanya? bakit hindi mo sabihin ngayon?"
"Ellise!" tawag ni Gavin.
"Why?" iritang tanong nya.
"Sabrina, we can talk some other time" sabi ni Gavin. Hindi man pinansin ang tanong nya.
"Yeah, i guess much better na next time nalang tayo mag-usap Gavin. Pag wala ang girlfriend mo" sagot ni Sabrina na nahimigan ang panunuya sa tono nito. Lalong lumalim ang kunot sa noo nya. At magsasalita pa sana sya ng tumayo na si Gavin mula sa upuan.
"Ihahatid na kita sa labas Sabrina" sabi ni Gavin at mabilis na tumalikod at naglakad patungo sa pintuan. Naiwan syang nakaupo.
"I'll see you soon dear" maarteng paalam ni Sabrina sa kanya. At naglakad narin palapit sa pintuan kung saan naghihintay si Gavin rito. Inis syang tumingin sa dalawa. Nais nyang batuin ng unan si Gavin dahil sa napaka cold treament nito sa kanya bigla.
"Kainis!" hiyaw nya ng makalabas na ng pintuan ang dalawa.