Chapter 21

Napansin nyang lumapag ang helicopter sa mataas na building. Sumilip sya sa bintana, pero wala syang makita dahil sa dilim. Hindi tuloy sya sigurado kung nasaan na sila.

"Asaan tayo?" tanong nya. At liningon si Gavin.

"San Sebastian" wala sa mood na sagot nito. Alam nyang nainis nya ito, dahil sa paguusisa nya kay Sabrina. Kahit hindi sabihin ni Gavin, alam nyang si Sabrina ang dahilan kung bakit biglaan ang pag-alis nila ng Isla.

"Let's go!" mariing utos nito. Sumimangot sya. Nauna na itong tumayo at naglakad pababa ng helicopter. Nakasimangot naman syang sumunod. Mabigat ang mga paang sumunod kay Gavin pababa. Hindi tulad kanina, hindi na sya inalalayan ni Gavin pababa ng helicopter. Kaya naman lalo syang nainis rito.

"Saan tayo pupunta?" tanong nya habang hinhawi ang mahabang buhok na linilipad ng malakas na hangin.

"Sa bahay ko" tipid na sagot nito. Nagkibit balikat nalang sya. Hindi na sya magtataka kung sa buong pilipinas ay may bahay si Gavin Saavedra.

Nauna nanaman ito sa paglalakad matapos magpaalam sa piloto at makaakyat na muli sa ere ang helicopter

"Gavin" tawag nya. Hindi naman sya takot sa taas ng building, kahit papano kase may liwanag naman sa paligid. Isama pa ang mga bituin na nakakadagdag liwanag sa rooftop.

"Gavin, wait" Muli nyang tawag rito. Liningon lang sya nito. At kahit papano napansin nyang binagalan nito ang paglalakad. Kaya naman mabilis syang lumapit rito. At sabay na silang naglakad papasok ng building.

Alam nya ang San Sebastian. Karatig bayan lang naman ito ng San Miguel. Medyo moderno lang ang San Sebastian kumpara sa San Miguel. At nabasa nyang ang mga Saavedra halos ang nagmamay-ari ng Bayan ng San Sebastian. Kaya hindi na sya magugulat kung sa mga makikita nyang karangyaan kay Gavin.

Pagbukas ng pinto sa building ay may sumalubong sa kanilang tatlong naka uniporme. Mukha bodyguard ni Gavin ang dalawa at ang isa guard sa building. Bumati pa ang mga ito sa kanila. Tumango lang si Gavin sa mga ito. Alanganing ngiti naman ang binati nya sa mga ito.

Tahimik silang naglakad pababa, kasunod ang dalawang bodyguard ni Gavin, na nasa harapan ang isa, nauuna sa paglakad sa kanila. At ang isa naman nasa likuran nila. Pakiramdam tuloy nya mayaman na din sya at may bodyguard na. Kahit si Gavin naman ang pinprotektahan ng mga ito.

Tahimik syang sumakay sa likod ng mamahaling sasakyan, na naghihintay sa kanila sa labas ng mataas na building. Magkatabi sila ni Gavin sa likod ng sasakyan. Buong biyaheng tahimik si Gavin at panay at silip nito sa cellphone. Napakagat labi sya, alam nyang si Sabrina ang iniisip ni Gavin, at kung bakit ito hindi mapakali ay hindi nya alam. Dahil hindi nya alam kung anong nangyayari, pero sigurado syang si Sabrina ang dahilan ng lahat.

Kanina sa helicopter tinanong nya si Gavin kung sino si Sabrina. Pero wala syang narinig rito. Tanging sagot lang nito. Mind her on business daw. Kaya naman hindi na sya nagtanong pa ulit rito. Sinilip nya ang sariling cellphone, umaasang may reply na si Aya sa kanya. Nais na kasi nyang masagot kung sino ba si Sabrina, at tila napaka importante nito kay Gavin. Bumuntong hininga sya ng makitang wala pang sagot si Aya.

"What's that for?" Gavin asked. Liningon nya ito sa tabi nya.

"What?" nagtatakang tanong nya.

"Kanina pa kita kinakausap, but tila wala rito ang isip mo" sagot nito. Hindi nya namalayan na kinakausap pala sya ni Gavin.

"Ah... eh... ano ba yon?" tarantang tanong nya, at sinuksok sa bag ang cellphone.

"Ihahatid lang kita sa bahay, then I need to go somewhere. May aasikasuhin akong importante" Sabi nito.

"Ano yon?"

"Ellise, like what I've said earlier. Mind you own business. Hindi kasama sa usapan ang pati personal kong mga gagawin ay kailangan mo pang malaman" May inis sa tono nito. Napakagat labi sya, at nagyuko ng ulo. Alam nyang wala syang karapatan magtanong. Nagkamali sya dahil nakakalimutan nya ang lugar nya. Binili sya ni Gavin para sa kama nito, at wala syang karapatang malaman ang tungkol sa personal na buhay nito. At wala syang karapatang magtanong rito, kung anong gagawin nito at kung saan ito pupunta. Dapat ngayon palang alam na nyang ilugar ang sarili kay Gavin, para hindi nalang sya masaktan pa.

"Are we clear?" he asked, sabay hila sa baba nya. Nagulat man sya ay hindi nagpahalata.

"Are we clear here Ellise?" tanong nito ulit.

"Yes" maiksing sagot nya. At dahang-dahang binawi ang babang hawak nito.

"Good" tanging sagot nito, at binalik sa cellphone nito at atensyon. Bumuntong hininga sya at nagkibit balikat. Sumulyap sa labas ng bintana. Wala syang ibang natatanaw kung'di mga ilaw sa poste ng mga naglalakiang bahay. Hindi nya alam kung nasaan sila at saan sila pupunta ni Gavin.

Makalipas ang ilang sandali. pumasok ang sasakyan sa malaking gate. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ang malawak at magandang bakuran.

"Wow" anas nya. Habang sa labas nakatuon ang mga mata.

"Dito muna tayo, habang may inaasikaso pa ko" narinig nyang sabi ni Gavin. Liningon nya ito.

"Bahay mo to?"

"Yes" tipid na sagot nito. At huminto ang kotse sa loob ng magandang bakuran.

"We're here" Sabi nito, at mabilis na binuksan ang pinto. Nauna na itong bumaba sa kanya. Napasimangot sya, ewan nya kung bakit, pero pakiramdam nya malulungkot sya kung iiwanan sya ni Gavin mag-isa. Isang katok sa bintana ang nagpagulat sa malalim na isipan. Si Gavin, at binuksan ang pinto.

"Let's go" may inis nanaman sa tono nito. Marahil naiinis na ito sa kanya. Isa pa baka excited na itong makita si Sabrina. Pinagbuksan pa sya nito ng pinto, at bumaba na sya ng kotse.

Kaagad silang pumasok sa loob ng malaking bahay. May sumalubong sa kanilang medyo may edad na babae. at binati sila.

"Manang She's Ellise my girlfriend" Pakilala ni Gavin sa kanya. Nagulat sya at naramdaman ang pagtalon ng puso nya ng ipakilala syang girlfriend ni Gavin.

"Magandang gabi po Ma'am"

"Magandang gabi rin po" nahihiyang bati din nya.

"Let's go" yaya ni Gavin sa kanya at hinila sya sa kamay. Nagtuloy sila ni Gavin sa mataas hagdan. Hawak hawak parin nito ang kamay nya habang paakyat sila sa mataas na hagdan. Tahimik lang sya at panay sulyap sa kamay nyang hawak ni Gavin. Ayaw man nyang aminin pero may kakaiba syang nararamdaman sa paghawak ni Gavin sa kamay nya.

Pagdating sa itaas, sa ikalawang pinto sila pumasok ni Gavin. At tulad sa Isla, malaki at magandang silid nanaman ang tumambad sa kanya.

"This will be your room" sabi ni Gavin, at binitawan na nito ang kamay nya.

"Salamat" tanging sagot nya. At naglakad palapit sa malaking kama.

"Kailangan kong umalis, inihatid lang kita. Magpahinga kana muna, bukas na tayo mag-uusap" sabi ni Gavin at tumalikod na ito para lumabas ng silid.

"Si Sabrina ba?" hindi nya mapigilang lumabas sa bibig nya. Nais nyang pagsisihan ang sinabi. Pero hindi na nya mabawi pa. Nakita nyang nagkibit balikat si Gavin, bago sya nilingon nito.

"Ellise, you know your place right?" he asked.

"I know"

"Then stop asking stupid question" matigas na sagot nito. At tuluyan ng lumabas ng silid. Naiwan sya sa loob na hindi alam kung ano ang mararamdaman. Hindi nya maintindihan kung bakit sya nasasaktan. Nagseselos ba sya kay Sabrina? pero bakit?