Chapter 22

Sumilip sya sa bintana mula sa silid. Nakita nyang papalabas na ng malawak na bakuran ang kotse ni Gavin.

"Saan ka ba pupunta Gavin? pupuntaan mo ba si Sabrina? gano'n na ba sya ka importante sa iyo?" tanong nya habang nakamata sa kotse'ng papalabas. Kinagat nya ang mga labi, nais nyang pigilan ang mga luhang nais pumatak. Ewan nya kung bakit gano'n nalang ang pakiramdam nya, kung bakit sya naiiyak, at kung bakit sya nalulungkot? Bakit nga ba? Hindi ba't sinabihan na sya ni Gavin na ilugar ang sarili. Hanggang kama lang sya, binili sya ni Gavin para sa kama nito. Kaya huwag na syang umasa pa, dahil masasaktan lang sya.

Bumuntong hininga sya, at napansin ang pintuan papunta sa may veranda. Lumapit sya doon at binuksan yon. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Napayakap pa sya sa mga braso. Suot parin nya ang jacket ni Gavin. Lumabas sya at tiningala ang langit. Puno ng mga bituin na syang nagbibigay liwanag sa malawak na paligid.

"Kung sana pwede kong hilingin na pabalikin na si Gavin dito sa bahay" bulong nya. Habang nakatingala saga bituin.

Naupo sya sa bakal na upuan, at muling sinulyapan ang malawak na bakuran. Umaasang makita ang sasakyan ni Gavin. Pero wala syang nakita. Sinilip nya orasan sa cellphone. Madaling araw na. Kung hindi gano'n ka importante si Sabrina kay Gavin, hindi ito aalis ng ganoong oras. Bumuntong hininga sya at nagkibit balikat. Wala paring sagot si Aya sa text nya. Nais na kasi nyang malaman kung sino si Sabrina. At kung bakit napaka importante nito kay Gavin.

Buong magdamag syang gising, labas masok sa silid at sa veranda, sinisilip si Gavin kung dumating na. Pero halos mag umaga na wala parin si Gavin. Tila sya asawang naghihintay sa asawa nya. At ewan nya kung bakit ganon ang pakiramdam nya. Antok na antok na sya ng pumasok sa silid. Wala na syang energy para hintay pa sa pagdating ni Gavin. Nahiga na sya sa malambot na kama.

"Ano kayang ginagawa nya?" tanong nya sa sarili, at napapikit. Hindi na nya kayang labanan ang antok.

Kinaumagaan nagising syang wala parin si Gavin. Napabalikwas sya ng bangon at agad hinanap ng mga mata si Gavin.

"Dumating na kaya sya?" tanong nya, at lumabas ng veranda. Sumilip sya kung naroon na ang sasakyan ni Gavin. Kumislap ang mga mata nya ng makitang ang kotseng nakaparada sa bakuran.

"Gavin" usal nya, at napangiti. Nagtatakbo sya papasok ng silid. At mabilis na dumeretcho sa banyo. Maghihilamos muna sya bago nya harapin si Gavin. Ewan nya pero tila tumalon ang puso nyang makita ang sasakyan ni Gavin. Nakatulong kasi sya kaya hindi nya tuloy alam kung anong oras dumating ito.

Paglabas nya ng silid. Nalula sya sa laki ng bahay ni Gavin, at hindi alam kung saan ito hahanapin. May tatlong silid kasi sa itaas. Ang isa kung saan sya nanggaling.

"Ali kaya dito ang silid ni Gavin?"

"Magandang umaga po Ma'am" napapitlag pa sya ng may bumati sa kanya. Nakita nyang ang may edad na babae na paakyat ng hagdan. Alanganin syang ngumiti.

"Good morning po" bati nya rito.

"Nasa baba na po si Sir Gavin. Pinapagising na nga po nya kayo, buti nalang gising na kayo Ma'am" paliwanag nito.

"Nasa baba na si Gavin?" excited na tanong nya. Napansin nyang napangiti ang babae. Marahil napansin ang excitement nya ng banggitin si Gavin.

"Opo, nagpahanda po ng almusal si Sir sa may swimming pool po" Sagot nito. Ngumiti sya rito. At sumunod na sa pagbaba.

Habang pababa ng hagdan, napansin nyang panay sulyap ng babae sa kanya. Doon nya napansing wala nga pala syang ibang suot, kundi ang t-shirt lang ni Gavin at undies pang ibaba, wala nga din pala syang suot na bra. Nahihiya syang ngumiti rito. At binilisan ang pagbaba.

Pagdating sa labas, agad nyang nakita si Gavin, na nakaupo sa bakal na upuan sa tabi ng swimming pool. Kahit malayo sya lutang na lutang ang kagawapuan ni Gavin. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at khaki short, habang nagbabasa ng dyaryo. Malaya nyang napagmasdan si Gavin, habang papalapit sya rito, nasa dyaryo kasi ang atensyon nito, kaya hindi pa sya nito napapansin. Nakita nyang maraming pagkain ang nasa mesa, karamihan mga prutas at tinapay.

"Good morning" Pigil na ngiting bati nya kay Gavin ng makalapit rito. Tumingala ito sa kanya mula sa dyaryo. Nagtama ang kanilang mga mata, para namang tumalon ang puso nya ng masilayan ang gwapong mukha ni Gavin.

"Good morning sweetheart" nakangiting bati ni Gavin sa kanya. Nagulat sya tinawag nito sa kanya. Tama ba narinig nya? sweetheart? Tinawag sya ni Gavin na sweetheart?

"Hi" alanganing bati nya. Ramdam nya ang pamumula ng pisngi nya.

"Have a sit" turo nito. Nahihiya syang hinila ang upuan at naupo sa tapat mismo ni Gavin.

"Did you sleep well?" tanong nito, at hinila ang taas ng kape. Humigop ito ng kape sa tasa. Nakasunod sya ng tingin rito, at ewan nya kung bakit may kakaiba syang nararamdaman, sa simpleng pag inom lang nito ng kape mula sa tasa. Napalunok sya at nag-iwas ng mata. Masyado na syang obvious.

"Yeah" tipid na sagot nya, at humila ng baso ng juice.

"Hindi kapa nagkapag bihis?" biglang tanong nito. Sinulyapan nya ito at nakita nyang sa suot na damit nya ito nakatingin. Umayos sya ng upo, alam nyang saktong umabot lang sa undies nya ang t-shirt, kaya exposed ang mga binti nya.

"Wala akong ibang damit" sagot nya. At nagkunwaring sa pagkain ang atensyon.

"I see. Pwede tayong mag shopping later"

"Shopping?!"

"Yes" tipid na sagot nito. At nilagyan ng ubas ang plato nya.

"You look thin, kailangan mong kumain ng kumain" Sabi nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato nya.

"Salamat. Ikaw din" yaya nya rito. At nagsimula ng kumain. Habang kumakain kumukuha sya ng tyempo, kung paano itanong rito kung anong oras ito dumating. Alam nyang wala sya  sa lugar na tanungin ito. Pero tila naman syang mamamatay kung hindi nya itatanong rito, kung saan ito galing at anong oras ito umuwi.

"Ah.. Gavin" simula nya. Nalipat sa kanya ang tingin ni Gavin, habang kumakain.

"What?"

"About last night" simula nya.

"Hmmm"

"Saan ka nagpunta?" lakas loob na tanong nya.

"I see" sagot ni Gavin, at binitawan ang hawak na kubyertos, pinunasan ang bibig at sumandal sa upuan.

"I guest hindi mo ko titigilan until hindi ko nasasabi sa iyo ang sagot" Sabi nito. Nahihiya syang tumango.

"I went to see Sabrina" Sagot nito. Alam naman nya na si Sabrina ang pinuntaan nito kagabi. Kaya nga nagawa nilang magbiyahe sa kalagitnaan ng gabi eh, para lang puntaan nito si Sabrina. Expect na nya ang isasagot nito, pero ewan nya kung bakit tila may tumusok sa dibdib nya. Hindi nya mapaliwanag ang sakit na naramdaman sa dibdib.