Chapter 20

Inis na inis syang bumalik sa sariling silid. Wala syang pakialam kung hubad syang naglakad sa pasilyo. Nais nyang makalayo kay Gavin. Wala na itong ginawa kung di paasahin sya. Puro ito simula, pero hindi nito tinatapos. Nakakainis pa kung bakit ba sa tuwing tatawag ang Sabrina na yon, ay natataranta si Gavin. At hindi pwedeng hindi nito sagutin ang tawag ng babaing yon.

"Sino ba sya?" inis na tanong nya. Sumampa sya sa kama at binalot sa kumot ang hubad na katawan. Masamang, masama ang loob nya kay Gavin. Sya na nga ang gumagawa ng paraan para may mangyari sa kanila, pero ito naman ang tila umiiiwas o sadyang ayaw nitong may mangyari sa kanila. Pero bakit naman? hindi ba't binili nga sya nito ng sampung milyon para makatalik? para saan pa at gumastos ito ng ganoong kalaki kung hindi rin naman sya nito aangkinin? Nagmamadali ba sya? Minamadali ba nya ang lahat? Isang buwan sila sa Isla yon ang pagkakaalam nya. Mananatili sila ni Gavin sa Isla sa loob ng isang buwan. Ang sa loob ng isang buwan pagbabayaran nya ang sampung milyon sa kama ni Gavin. Pero bakit hindi ganoon ang nangyayari? Bakit?

Mga tanong na gumugulo sa isip nya. Nang biglang bumukas ang pinton. Niluwa no'n si Gavin. Nakahubad ang ito at tanging boxer short lang suot. Napalunok sya ng mapaglandas ang mga mata sa kabuuan nito.

"Why?" may inis sa tono nya. At nagkibit balikat. Para saan pa ang paglalaway nya sa katawan ni Gavin kung hindi rin naman matutuloy. Kung bibitinin lang din naman sya sa ere ni Gavin.

"We need to go" sabi nito. Habang naglalakad palapit sa kama nya.

"Ano?" nagtatakang tanong nya. Habang hindi maiwasan ng mga mata ang mapatingin sa magandang katawan nito.

"Magbihis kana. Aalis na tayo. Maybe in minute andito na sila" Sagot nito. Nang huminto sa tapat ng kama.

"Bakit tayo aalis?"

"May importante akong aasikasuhin sa San Sebastian"

"Ano? hindi ba't nakabakasyon ka? hindi ba't isang buwan tayo rito?" gulat na tanong nya. Hindi namalayan na dumausdos na pala pababa ang kumot. Kaya naman naantad ang hubad nyang katawan.

"Emergency" Maiksing sagot nito. At napansin ang paglandas ng mga mata nito sa katawan nya. Doon nya napansin na hindi na pala natatakpan ng kumot ang katawan nya. Kumislap ang mga mata nya ng mapansing naaakit nya si Gavin. Lihim syang nasiyaan. Kaya naman hindi na sya naabalang takpan pa ang katawan. Nasisiyaan syang makitang naaakit nya si Gavin. Anong malay nya kung bago sila umalis eh may mangyari na sa kanila ni Gavin. O di naman kaya sa helicopter nila gawin.

"Fix your self. Baka biglang dumating ang sundo natin" malamig na utos nito. Bago tumalikod at naglakad papunta sa pinto.

"Gavin" tawag nya. Huminto ito at liningon sya.

"Kung babalik na tayo. Paano ko mababayaran ang sampung milyon mo?"

"You can still pay me, kahit saan tayo pumunta"

"You mean? isasama mo parin ako?"

"Yes. Isang buwan ang usapan natin na pananatili mo rito sa Isla. Nagkataon na kinailangan kong umuwi. So no choice, kailangan kitang isama"

"Saan?"

"Sa San Sebastian" sagot nito. At nagtuloy na sa paglabas ng pinto. Naiwan syang naguguluan. Naguguluan kung saan nanaman sya isasama ni Gavin. Kung ganoon tatlong linggo pa syang mananatiling kasama si Gavin?

Halos wala naman syang dadalhin na mga gamit. Dahil ewan nya kung saan dinala ni Gavin ang mga damit nya. Isa pa wala syang maisusuot kaya naman, kumuha sya sa mga damit ni Gavin. Puting T-shirt and tanging undies lang sa ibaba ang suot nya. Wala din syang suot na bra.

Nakitang nyang kumunot ang noo ni Gavin ng makita ang suot nya.

"Wala ka bang ibang maisusuot? Hindi lang ako ang kasama mo. May ibang lalaki tayong kasama" May galit sa tono nito. Nagtaas sya ng kilay.

"Tinago mo mga gamit ko. Tapos ngayon hahanapan mo ko ng maayos na maisusuot?" Inis na sabi nya rito.

"Damn! We don't have much time" Inis na sabi nito. At hinubad ang suot na leather jacket.

"At least cover your self. Baka kung ano ang isipin ng mga makakita sa iyo. Isa pa hindi mo dapat kung kani-kanino pinapakita yang katawan mo!" matalim na sabi nito. At iniabot ang jacket sa kanya. Sumimangot lang sya. At sinuot ang jacket. Buti nalang mahaba yon umabot lagpas sa sa damit nya. Kaya naman medyo natakpan ang mahahaba nyang binti.

"Bakit kailangan nati'ng umalis agad?" tanong nya. Nang papalabas na sila ng malaking bahay. Dumating na kasi ang helicopter na sasakyan nila.

"May emergency" tipid na sagot nito. Inalalayan pa sya nito sa paglalakad. Hinawakan nito ang siko nya. May kuryente syang naramdaman sa simpleng pag hawak lang ni Gavin sa siko nya. Sinulyapan nya ito. At kahit madilim na masasabi nyang ang gwapo parin nito. Kahit simple itim na t-shirt lang ang suot nito at maong. Andoon parin ang malakas na sex appeal nito. Sigurado syang maraming babaing nag hahangad kay Gavin. At maswerte sya dahil kahit sa sandali lang ay nakasama nya ang isang tulad ni Gavin.

"Magpahinga ka na muna" Sabi nito ng makasakay na sila. Tumango lang sya. At sinilip ang ibaba. Pataas na sila ng pataas sa ere. Nakaramdam sya ng lungkot. Alam nyang hindi na sya kailan man makakabalik sa Isla. Alam nyang hindi na sya muling dadalhin ni Gavin sa Isla nito. Baka sa susunod si Sabrina na ang dalhin nito. Napakagat labi sya sa naisip at pasimpleng sinulyapan si Gavin. Busy ito sa kaka cellphone. Naiinis sya dahil madaling araw na pero tila busy parin ito kay Sabrina.

Sino ba kase si Sabrina? bulong nya sa sarili. At mabilis na hinila ang cellphone sa bag. Naisip nyang i text si Aya. Alam nyang kilala ni Aya si Sabrina.

Hi, sorry I know late na. But, can I ask you something? Sino si Sabrina?

Message nya kay Aya. Alam nyang may makukuha syang sagot mula kay Aya. At malalaman na nyang kung bakit ito importante kay Gavin. Muli nyang sinulyapan si Gavin.  Saktong lumingon ito sa kanya.

"May problema ba?" tanong nito ng mahuli sya nitong nakatingin sa kanya.

"Nothing. Curious lang ako. Sino ba si Sabrina?" nakuha nyang itanong. Habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata.  Nakita nya bagyang nagulat ito. Pero agad din naman nakabawi.

"Why?"

"Gusto ko syang makilala"