23-The Queen Of Arena Vs. The Goddess Of War

"Good luck master! Gusto mo hipuin kita ng mahawa ka sa swerte namin?" ngising saad ni Summy.

Iba din, dahil tapos na siyang lumaban malakas na ang loob na dumaldal habang kanina parang wala ng dila dahil sa pagiging subrang tahimik.

"Don't touch her baka kadaldalan ang mapasa mo sa kanya," sabat naman ni Odeza bago mahinang hampasin ang kamay ni Summy na humihipo sakin.

"Aray ko naman! Hindi ako madaldal sadyang friendly lang kaya maingay!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong friendly diyan? maingay ka nga pero minumura mo naman ang mga taong nakapalidig sayo."

"Burn!" sigaw ng dalawa.

"Master naman eh, akala ko ba pamilya tayo dito?" nguso niya.

Natawa nalang ako bago muling tinignan ang malaking screen kung nasaan ang score ng bawat gang, kung matalo man ako ngayon na never naman mangyayari hindi ibig sabihin na talo kami, tatlo ang panalo namin kaya hindi mahahabol ng pabebeng si Vallery ang score naming iyon.

"Straight na ang panalo nila kaya tignan natin kung magagawa bang panalunin ng leader nila ang grupo! Let's welcome Amanda from Nobody and Vallery from Imposters!"

Maraming sumisigaw sa pangalan ni Vallery pati narin ang pangalan ng grupo nila. Ang dami mo namang supporter bitch, ano kaya ang mararamdaman nila pag nilampaso kita sa arena na ito? Sa arena na naging siyang dahilan ng pag laki niyang ulo mo.

"Inaagaw mo si Liam sakin at pinabayaan kita and now you wanted to steal my throne as the queen of arena?"

Umiigting ang panga niya habang hawak ang isang Scythe nag mumukha siyang malanding version ni kamatayan.

"Oh? talaga? pano ba yan wala pa nga kong ginagawa naaagaw ko na si Chase Liam sayo, paano nalang kaya pag ginawa ko na ang panlalanding ginagawa mo? edi mas lalong naulol yun?" ngisi kong pang iinis.

Mas lalong sumama ang mukha niya dahil sa mga tinuran ko ang lakas mag simula pikon naman pala.

"Hindi ko hahayaan mangyari yan! I'm the queen of his life! and this arena is mine too!"

Nabalot ng malakas kong tawa ang ring dahil sa pinag sasasabi niya, edi sa kanya na anong mapapala ko rito? Hindi ako desperada para makipag agawan sa walang kwentang kagaya niya.

"You're the queen of this arena? HAHAHA ridiculous you're just the Queen but i'm a Goddess so watch your fucking words or else i'll cut your sharp tongue bitch."

This is a war between the self proclaimed Queen of Arena and me, the Goddess Of War let's see kung ano ang mangyayari at sino ang uuwing iiyak.

(SOMEONE's Point Of View)

Lahat ng tao tutuk na tutuk sa mga pwede mangyari kahit hindi pa kumikilos ang dalawang tao na nasa loob ng arena alam na ng lahat na may tensyon na nangyayari.

Habang ang grupo ng kalalakihan ay nag aabang kung sino ang mauunang susugod at mapipiko.

"Boss mukhang inaasar ng misis mo si Vallery," natatawang saad ng lalaking may nag lalakihang hikaw.

"Who?" malumanay naman na tanong nong isa.

"Gago, late updated ka nga pala."

"Don't gago me!"

"You two! Get out!" naririndi na sigaw ng boss nila.

Wala dapat ni isa ang mang isturbo sa panunuod niya dahil ang babaeng gusto niya ang nasa loob ng arena, alam niya kung paano mag laro si Vallery kaya kung may mangyaring hindi maganda dapat nakafocus siya para matulongan ang dalaga.

"Tangina! Ang smooth!"

Iba't ibang komento ang maririnig mo sa kanila dahil sa bacl flip na ginawa ni Amanda, sa subrang gaan ng katawan nito parang hinipan lang at siya na ang kusang umikot.

Hindi kapanipaniwala na magagawa ng isang babae ang ganon sa loob lang ng ilang linggong training, halata naman sa lahat na maraming improvement ang nangyari pero hindi sila makapaniwala sa pinamalas ni Amanda.

"My girl never failed to amaze and surprise me," he said while smirking.

"Boss, si Sandy Fableon nakabalik na."

Gumuhit ang ngisi sa labi ng lahat dahil sa sinabi ni Kenneth.

"Good to know that tell them to prepare dahil babawi tayo sa mga ginawa nila," saad niya.

"Noted boss."

Sa kabilang kwarto naman seryoso ding nanunuod ang isa pang rango at ito ang Rank Three na pinamumunuan ni Sandy Fableon na pinaka mahigpit na kalaban ni Chase Liam sa lahat ng bagay.

Hindi mo aakalain na sa subrang delikado ni Chase may tao pa palang handang isugal ang buhay niya para lang makipag kumpitinsiya.

"Who's that girl? Newbie?" Sandy asked.

"Yes, i heard she desrespect Govannie's fight light week."

Mahinang natawa ang binatang tinatawag nilang Sandy bago tumutuk sa babaeng walang kahirap hirap na iniiwasan ang sandatang hawak ni Vallery.

Naging kalaban narin nila si Vallery at ang grupo nito before pero hindi nila hinahayaan na matablan sila sa panlalandi ng mga to, Vallery don't deserve to be called queen of arena dahil ang totoo wala namaj talaga itong kwenta at walang ibang ginawa kundi ang mag pasikat sa walang kabuluhang bagay.

'I like her and no matter who interrupt my intention to her will die, kahit ikaw pa iyan Chase.'

(AMANDA's Point Of View)

"Weak," walang gana kong komento bago siya sipain sa pangalawang beses.

Marahan niyang pinunasan ang dugo na tumutulo mula sa kanyang ilong bago tumayo at akmang susugod pero sinipa ko ulit, hindi ko pa siya ginagamitan ng kamay dahil hindi naman na iyon kailangan, sa bawat sipa ko pangalan halos mag hingalo na paano pa kaya pag sinamahan ko na ng kamay.

"You'll pay for this! You'll pay for stealing what's mine!" he scream all the pain ng apakan ko ang kamay niya gamit ang boots na suot ko.

"Think before you speak bitch baka hindi lang kamay mo ang durugin ko," lumuhod ko para hawakan ang panga niya pababa sa kanyang leeg.

She messed with the wrong person, sakin pa talaga siya nag kaganyan na wala akong pinapalampas na tao, kalmado man ako sa lahat ng oras pero hindi matatago non ang pagiging demonyo ko pag dating sa labanan at patayan.

Magagawa kong takutin ang isang tao gamit lang ang salita ko, makakaya ko silang patayin gamit ang mga paa, at madudurog ko sila ng pino gamit ang lahat ng ito.

"We're not expecting this right?! Let's congratulate our new rank five! Nobody! Let's give them a round of applause!"

Nasipalak pakan ang lahat pero ako nakay Vallery parin ang tingin habang inaakay siya ng kanyang mga kagrupo.

The Queen of Arena is gone now let's see kung paano lumaban ang rank three at kung ano ang kayang gawin ng leader nilang na si Sandy Fableon o mas kilala bilang Prince Of Jail.