20-Nobody

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa lugar na iyon, napag alaman kong iyon pala ang hide out or head quarter ng Hellion. Doon sila nag plaplano sa mga laro o laban na gaganapin nila.

"Pinapasok ka ni Pres sa head quarter namin? Akala ko ba bawal ang babae don?" Frank asked.

"Isa na iyong patunay na hindi talaga babae itong si Amanda kaya siya dinala ni Pres doon," pang gagagu pa ni Ethel.

Babatukan ko sana ito ng lumapit samin si Vallery na may busangot na mukha at may bahid ng inis ang mga mata.

Pumunta siya ng gawi ko at parang bata na nag tatanong.

"Have you seen Liam? Last time i saw him is he's with you. Saan kayo pumunta? Anong ginawa niyo? Bakit ang tagal niyo?" sunod-sunod niyang tanong. Praning lang ang ferson? Hindi niya ata alam na nakakatanda sa tao ang subrang stress.

"Why are you asking that much? Nasa head quarter siya kaya puntahan mo nalang pag mahanap mo," sagot ko sa mga tanong nito.

"Bakit nga subrang tagal niyo?!"

Hindi ko ineexpect na sisigaw siya dahil lang don, like the fuck girl?! Nag tatanong ka lang kaya dapat hindi ka sisigaw!

"Calm down Vallery baka sa susunod na sigaw mo kulang kana sa ngipin," ngisi ni Ethel.

"I'm not s-scared."

Natawa ako dahil sa sinabi niyang iyon, kahit halata naman sa mga mata niya ang takot nagagawa niya paring mag hambog.

"We're not scaring you idiot. Get your face our of here before i took those," puno ng kilabot kong saad habang nakangisi.

Hindi daw siya takot pero halos liparin ang pagitan ng upuan namin at pintuan ng classroom.

Finally, naging tahimik din ang paligid maliban nalang sa tawanan at usapan ng mga kasama ko.

I remember na sa susunod na linggo na ang unang laban namin pero kahit isang training hindi pa namin nagawa.

"Frank? Iwan mo muna kami may pag uusapan lang importante," kuha ko sa atensiyon nito.

"Alright."

Napawi ang ngiti ko pag kalabas nito sumunod naman ako para ilock ang pinto nang walang makaisturbo sa pag uusapan namin.

"Ngayong kompleto na tayo training nalang ang kulang satin. I hope na aware kayong next sunday na ang unang laban natin, hindi mahihinang gang ang kinalaban ko dahil kung gusto nating umangat dapat matataas na rango ang targeten natin."

"So pang ilan sa rango ang makakalaban natin?" tanong ni Summy.

"Pang lima sa rango, ang gang nila Vallery pero sa tingin ko hindi niya pa alam kaya may lakas ng loob pa siyang tanongin at sigawan ako kanina."

"Anong mangyayari kung matalo tayo? Or sila?" Ethel.

"Pag matalo tayo hindi na natin magagawa pang baguhin ang school na to dahil hindi na tayo pwede sumali sa gang fight, pag matalo sila magiging atin ang rango na dapat sa kanila at makakakuha tayo ng karapatan sa kalahati ng school na ito," sagot ko.

Natahimik sila pero hindi ko alam kung dahil sa ano, dahil ba sa hindi na kami makakalaban ng gang fights o dahil sa pwede naming matanggap pag manalo kami.

"What are we waiting for? Mag training na tayo sayang yung mga pwede mapunta satin pag mag kataon," saad ni Odeza na naging dahilan para mag si kilos ang iba.

"Wait. Before that may gang name na ba tayo? Meron na ba master?" Summy.

"Nakapag isip na yan first day palang kaya wag na kayong mga alala," Ethel the feeling mature. Chos.

Ang sabi sakin ni Ethel noon pag may rango na kami pwede nang gumawa ng sariling Head Quarter at sagot ng dean lahat ng gastos from materials to builders kaya wala ng problema.

Nasa mismong arena kami at dahil walang laban ngayon tahimik ang arena, wala pang tao.

Dito namin naisipang mag training sakto may baon kaming damit dahil nga sa PE namin kanina, nong una hindi pa kami pinapapasok ng guard pero ng makita ako bigla itong bumait.

Iniisip niya parin ba na kakilala ko ang unang ranggo? Mukhang may maganda benefits pala ang mga katarantaduhan ko.

"Si Ethel ang mag train sa inyo dahil mas may experience siya kumpara sa ibang nandito."

Sininyasan ko si Odeza na sumama sakin sa mall dahil may bibilhin kami, narinig ko pa ang ungot ng iba dahil sa ang unfair ko daw at dapat isama ko rin sila.

"Anong gagawin natin dito?" Odeza ask.

"Bibili tayo ng mga gagamitin sa pag gawa ng karatula at iba pang dapata meron tayo sa pag t-training," sagot ko.

Una kong pinuntahan ang equipment area habang nasa national bookstore naman si Odeza para hanapin ang alam niyang gagamitin namin sa pag gawa.

May nakita akong mga gulong na alam kong magagamit namin, may malalaki na para sa malalaking sasakyan at isang sakto lang para sa bikes or motor.

Naalala ko tuloy ang baby ko, sana naman inaalagaan nila ng mabuti dahil mas mahal pa iyon sa sweldo nila. Kahit hindi ko naman talaga alam kung magkano ang sahod nila.

"Bakit puro gulong yang binili mo? Anong gagawin natin sa mga yan?"

Nakakunot ang noo ni Odeza habang nakatingin sa nag lalakingang gulong na pinamili ko, pinahakot ko muna sa isang staff ng mall at pinadala sa arena.

Bumili ako ng malalaking cutter at rope na pwedeng gamitin para sa DIY na gagawin ko, mas okay na ito dahil marami at mas nakakatipid.

"Maste-- t-tangina?! Anong gagawin natin sa mga yan?! Akala ko pagkain ang mga binili nito?!"

Halata sa boses ni Summy ang disappointment after niyang makita ang mga dala namin.

Binulong ko kay Odeza kung anong name ang ilalagay niya at sinabi kong siya na ang bahala sa design basta wag subrang colorful dahil nakakawala o bawas ng angas yun.

"Don't worry everyone cause after this mag i-ice-cream tayo sa mall at libre ko," ani ko.

Natuwa naman sila at mas energetic na sumunod sa mga inuutos ni Ethel sa kanila.

Minuminuto kong tinitignan ang gawi ni Odeza na seryosong gumagawa ng karatula, i told her that i want it to be perfect.

"Ethel! Summy! Try this equipment guys!"

Turo ko sa ginang equipment gamit ang buo at malaking gulong na may tali para mahihila nila, this one can help their muscles to be strong and awaken.

"Pukingina?! Seryoso ka diyan Master? Baka hindi ko pa nahihila sumuka na ko ng purong dugo?" OA na react ni Summy.

"Well we can bring you to the hospital," sabat ng seryosong si Odeza.

"Move para lumakas ka lalo," utos naman ni Ethel kay Summy.

Natatawa kong pinapanuod ang dalawa habang nag hihirap na hinihila ang nag lalakihang gulong.

It's not my intention to torture them, ginagawa ko lang ang lahat ng ito dahil alam kung makakatulong to para lumakas sila.

Kumuha ako ng subrang liliit na gulong yung alam kong kakasiya sa paa nila bago inilagyan ng steel bar sa loob para bumigat.

"Odeza! Come here wear this one!"

Bored na nag lakad si Odeza sa gawi ko at ganon din ang dalawa, nakita kong tumalim ang tingin sakin ng dalawa habang kinakabit ko sa mga paa ni Odeza ang gulong na ginawa ko.

"Favoritism, yung sa kanya iyan lang samin subrang laki?" Summy.

"Tara na wag natin pansinin iyang si Amanda bahala siya sa buhay niya!"

Aalis na sana ang dalawa ng marinig nila ang mura ni Odeza.

"F-fuck! I can't fucking m-move my feet! What have you fucking d-done?!" nahihirapan niyang tanong.

"Go, continue what you're doing and call me if you're done," utos ko.

"Pero hindi ko magalaw ang mga paa ko!"

"Breath in and out before you step, ganon lang masasanay ka rin," paliwanag ko.

Pag masanay siya hindi impossible na makatalon siya ng subrang taas, dahil nga sa gravity na humahatak sa kanya para hindi makapag lakad pag masanay siya, kahit kailan hindi niya na mararamdaman ang bigat at magiging magaan na ang pag dala niya sa katawan niya.

This is it, kunting kunti nalang maitataas ko na ang pangalan ng grupo ko. Hindi ko lang mababago ang paaralan na ito kundi magagawang palayain ang mga studyante na walang ibang ginawa kundi ang pumatay para mabuhay.

Dahil sa paaralang ito.

Sa kagustohan mong mabuhay, kinakailangan mo munang pumatay.

At ang NOBODY ang mag papaalala sa kanila at mag papatunay na mas mabubuhay ka pag may mga kasama. Hindi kailangan mag tiwala basta may nagawa kang maganda sa iba mag taong mag susukli sa tulong na ginawa mo.