18-Forehead Kissess

Naalimpungatan ako dahil sa katok na nag mumula sa pintuan ng kwarto, hindi ko pala na lock ang pintuan ng dorm dahil focus ako sa pintuan ng kwarto at mga bintan nito.

"Master mag umagahan kana nandito na lahat!"

Babangon na sana ako ng makitang mahimbing parin ang tulog ni Liam sa dibdib ko. Hindi pa siya umaalis? Shit! Nasalabas sila Summy! Pano na to?!

"L-liam! Liam wake up nasalabas sila Summy!" pabulong kong sigaw dito habang ginigising.

"I'm still sleepy, baby."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, anong baby pinag sasasabi ng gagong to? Natulog lang siya dito tapos baby niya na ko?

"Wag mong hintayin na itapon kita mula dito sa floor ko hanggang baba nitong building," pananakot ko pa.

"But i'm still sleepy!"

Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya dahil baka marinig kami sa labas. Ang lakas ng loob sumigaw akala mo siya machichismis?!

"Wala akong pakialam tumayo kana diyan at umuwi ayokong maging headline ng chismis!"

Parang bata siyang umupo at kinusot ang mga mata, tumayo siya at walang pasabi na pumasok sa banyo. Pag labas niya, Tadaaa! Parang isang Greek God ulit.

"I will visit you later okay?"

Tinaasan ko siya ng kilay bago itulak sa may bintana, hahalik pa sana siya sa pisngi ko ng mahina ko itong sampalin.

"Hihirit ka pang animal ka."

Kumaway siya sakin bago tumalon, napasinghap pa ko dahil hindi akalaing mabubuhay pa siya o makakatayo after niyang tumalon sa napakataas na palapag na to.

"Master?"

Kinalma ko ang sarili bago panatilihin ang expression na meron, hindi nila dapat malaman na kinakabahan o may nangyari na kung ano.

"Bakit pawisan ka Amanda?" Odeza asked.

"May inayos lang ako sa bathroom," pag dadahilan ko.

"Akala ko nag ano ka kaya ka natagalan," ngisi ni Ethel.

Binato ko siya ng hatdog bago sinimulan ang pagkain, lahat sila nakaschool uniform na while me ito mabaho parin.

Si Odeza na ang nag prisentang mag huhugas ng pingga, binantaan niya pa ko na kung hindi ko bibilisan ang pag ligo sasaksakin niya ko mismong pag labas ko.

"Stupid, hindi ako magiging leader ng gang kung hindi ko kayang saluhin iyang katiting na kutsilyong iyan."

"Stop talking, go take a fucking bath." Odeza.

Sinunod ko nalang ang gusto nito at pumasok sa banyo para maligo. Pag labas ko blinower ko nalang ang buhok bago ipitan ito sa sides para may designs.

Pag pasok namin sa classroom puro bulongan agad ang naabutan namin, hindi man namin alam ang topic nila pero alam naming tungkol ito sa mga officers nanaman.

"Oo si Pres nga talaga yung nakita ng pinsan ko, tumalon daw sa building ng Mercury nakapantulog pa nga daw," saad ng isa.

"Sino kaya ang babaeng katabi ni Pres matulog? For sure ang swerte swerte niya at special para tabihan."

Anong swerte don? Ang sakit kaya sa dibdib na ginagawa kang unan!

"Anong mukha yan master? Parang kunti nalang mandudurog kana ng tao?" bulong na tanong sakin ni Summy.

"Baka nag seselos don sa chicks ni Pres?" sabat pa ni Ethel.

"Binubulong-bulong niyo diyan?" Odeza.

I showed them my middle finger and left them.

Chicks? Mukha ba kong sisiw? Ang papanget naman ng term na yan halatang hindi pinag isipan.

Tinuon ko nalang ang buo kong atensiyon sa labas ng room at pinanuod ang mga studyante na nag lalakad, meron pang nakatambay lang habang nag uusap at yung iba nakasilong sa malalaking puno at nag babasa ng libro o di kaya natutulog.

Kumunot ang noo ko ng makita ang isang pamilyar na bulto, may kasama itong matangkad na babae at mahaba ang buhok.

Mas inaninag ko ito dahil baka nag kakamali lang ako, mahina ko pang tinapik tapik ang mukha para gisingin kung na nanaginip lang ba ako.

"Sinong tinitignan mo diyan?" tanong ni Ethel at nakisilip din.

"Siya ata yung Mercury na sinasabi nila. Hmm, not bad maganda naman pala ang taste nitong si Pres," Odeza, binaba niya pa ang salamin niya at sinuri ang babaeng palalakad papuntang room namin.

Malawak ang ngiti nito at ganon din si Liam, putangina mo! After you sneack in? After you slept with me? Ang pukingina mong gago ka!

"Thank you Liam ang saya ng araw ko," ngiti nito.

Did he just let that bitch called him Liam?!

"You're always welcome Vallery."

Kumaway ang babaeng nag ngangalang Vallery kay Liam bago pumasok at umupo sa upuan nito.

Huminga ako ng malalim bago ibalik ang tingin sa labas, muntikan pa kong makasigaw ng makitang nakayuko na ngayon si Chase Liam sa harap ng bintana.

"Good morning baby," saad nito na walang lumalabas na tinig mula sa kanyang bibig.

Inikutan ko lang ito ng mata bago yumuko at ignorahen.

"Hey?" dinig kong tawag nito.

Naririnig ko ang tilian sa loob dahil ata nakita na nila si Chase Liam sa bintana ko.

"Vallery nakakakilig naman kayo ni Pres!"

"Sabi ko na nga ba na ikaw ang pinuntahan ni Pres kagabi at don siya natulog sa dorm mo eh!"

"Ang gwapo ni Pres tapos maganda si Val! Bagay na bagay kayo!"

Naiiling nalang ako dahil sa mga tili nila, hindi ba sila nahihiya na yung pinag chichismisan nila nasa labas lang at nakasilip? Mga walang hiya!

Iniangat ko ang ulo para tignan ang bintana kung may tao pa ba doon pero wala na siya, agad namang nag si ayus ng upo ang lahat ng makitang pumasok ang propesor.

"Good morning Mercury," paunang bati nito.

"Good morning Mrs. Aquilo!"

"Take your seats everyone! First of all ready na ba ang lahat sa P. E.?"

Para namang takas mental ang lahat dahil sa iba't-ibang sagot ng mga to pero kung susumahin lahat lahat sila agree or ready na.

"We're having our first activity sa P. E. at iyon ang mag select ng mga sasayaw para sa pag visit ng Mr. Owner," ngiti na sabi ni Mrs. Aquilo.

Lahat ay nagulat dahil kagaya nga ng sabi ko noon pa never pang nag pakita ang owner ng school kaya isa itong mahalagang information para sakin, kaya kailangan kong makuha ang isa sa mga position.

"Sino po ang magiging partner namin para sa practice?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"No other than! Get in everyone!" Mrs. Aquilo.

Isa isang pumasok ang mga gwapong lalaki at sunod ang magagandang dilag, para silang mga diyos at diyosa sa ayus nila at tindig.

Huling pumasok si Chase Liam na parang inagawan ng candy dahil busangot ang mukha, minsan pa itong tumitingin sa gawi ko at tataray ako. Si Kenneth ang kasunod nito na walang tigil sa kakakaway sa mga kababaehan at nag flying kiss pa. Then Govannie na as expected malaki ang ngiti at Frank na may nginunguyang bubble gum.

"They will be your partner for that dance participation they are the top students of this school and also known as Saturn Students."

Unang tinawag ni Mrs. Aquilo ang mga magiging partner ng kaklase ko, hanggang sa sunod sunod ng nauubos ang mga kasama kong nakaupo.

"Summy De Leon is with Kenneth Dagami!"

"Tangina naman napunta pa talaga ako sa tarantado," bulong ni Summy bago pekeng ngumiti at tumayo.

"Ethel Agustine is with Frank Luanco! Next is Vallery Chenen is with Chase Liam Slaxar! Odeza is with me para sa examples and Amanda Vens Balthazar is with Govannie Mendoza!"

Nabaling ang tingin ko kay Vallery na halos yakapin na si Chase Liam dahil sa pag kakakapit nito sa braso ng lalaki.

The fuck is wrong with me? Why am i acting like this na parang big deal na ang pag lapit ng tarantadong yun sa ibang babae?! Ano nga ba ang pakialam ko?!

"First, Gentleman kiss the forehead of your partner and bowdown."

Narinig ko ang malutong na mura ni Chase Liam pero hindi ko iyon pinansin dahil nakapikit na ko at ninanamnam ang halik ni Govannie sa noo ko.

"I will fucking kill you asshole! Fuck! Fucking fuck! My baby is fucking mine!" dinig kong malulutong na mura at impit na sigaw nito.

Nag simula na kaming sumayaw at hindi iniinda ang masasakit na paa dahil ilang beses ng naapakan o naipit sa kung saan at ng kung nino.

Gosh, bakit parang affected at nang hihinayang ako? Why for me his forehead kissess hits different kahit hindi ko pa nasubukan.