12-Deal

"Tangina mo ka! Hintayin mo sabi ako eh!"

Until now hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon, papasok ako ngayon kasama ang dalawa at hinihintay kung ano ang magiging sagot ni Odeza sa mga sinabi ko.

"Tatanga tanga kasi! Tumayo ka nga nakakahiya!" dinig kong sigaw ni Ethel.

Halos nasamin ang paningin ng lahat dahil sa ingay ng dalawa, maybe pati sila na ninibago sa pag sasabay ng dalawang to.

Minsan naririnig kong nag tataka sila kung bakit daw mag kasama ang dalawa eh noon pa man mainit na ang dugo ni Ethel kay Summy dahil nga sa usap-usapan tungkol kay Summy and Kenneth.

"Ano ba naman yan wag mo na ngang isipin yung kahapon, kung ayaw niyang sumali edi don't may mga kilala akong mas magaling don," biglang sabi ni Summy na nasa kaliwa ko na pala.

"Wala ng mas gagaling pa kay Odeza, kaya niyang pasukin ang computer ng office at kumuha ng mga info doon na hindi manlang napapansin ng iba," depensa naman ni Ethel.

"Kingina mo ka! Tatanggapin parin natin yun? Di mo nakita yung ginawa sa labi ni master?" si Summy.

"Wag mo kong tawaging ganyan kung ayaw mong lagyan din kita nito," pag babanta ko sabay turo sa sugat ko sa labi.

Nag sign naman siyang zinip ang labi bago tahimik nalang na mag lakad natatawa naman si Ethel kaya masama ang naging tingin ni Summy sa kanya.

"Hi Summy mabuti at lumabas ka ngayon?"

Lahat kami natigil dahil sa lalaking bigla lang sumulpot, kung hindi ako nag kakamali ito ang lalaking naging dahilan kung bakit hindi maganda ang unang pag tatagpu ni Summy at Ethel.

"Shit ka Kenneth, wag mo kong bwesitin ngayon kung ayaw mong kumalat na may bold ka," naiinis na ani ni Summy.

"Pero may favor lang talaga ko mabilis lang to promi---"

"Mauna na ko sa room sunod nalang kayo, master una na ko."

Hindi ko binalingan ng tingin si Ethel dahil na kay Kenneth ang paningin ko, i want to know kung ano ang magiging reaction niya after niyang malaman na iniiwasan na nga siya ni Ethel.

"Wag nalang pala mauna na ko may gagawin pa kong importante," paalam ni Kenneth at pareho kay Ethel ang deriksiyon na tinahak.

Nag katinginan kami ni Summy sabay na ngumiti dahil alam namin kung ano ang dahilan ng pag lapit ni Kenneth.

Ang hirap naman ng buhay ni Summy nong una kinamuhian dahil pinag kamalang kabet tapos ngayon ginagawang tulay.

Ito talaga ang mga ayaw ko lalo na sa mga lalaki yung gagamit ng tao para malapitan ang taong gusto niya, after they hurt the person they loved gagawa sila ng paraan na parang mga bobo at tanga.

"Nakakainis naman mukang hindi na naman ako papansinin ng kukarets nayun," dinig kong bulong ni Summy sa tabi.

"Wala ka namang ginagawang masama so don't worry lalo na ngayong alam ni Ethel na mag pinsan kayo," saad ko.

Nag tataka kong nilingon si Summy ng hindi ito tumugon sa mga sinabi ko, para siyang tanga na naka tingin lang sa gilid kaya tinignan ko din ang tinitignan niya.

It's her Odeza, may hawak siyang papel na hindi ko malaman kung ano ang nakasulat, palalapit siya sa kinatatayuan namin ngayo.

Ayoko man mag assume pero feeling ko papayag siya sa sinabi ko kaya siya nandito, well good choice yun kung pumayag siya.

"Hi madam mabuti nandito kana! Tangina namang lakad yan parang sasali sa miss world!" hirit ni Summy.

Inikutan lang siya ng mata ni Odeza bago ibinigay sakin ang papel na hawak niya kanina.

Binigyan ko siya ng Anong gagawin ko diyan look pero nag attitude lang siya bago kunin ang kamay ko at ilagay doon ang papel.

Wow ha, ang sama naman ng ugali mo hindi ka pa nga nag sosorry sa sampal mo kahapon tapos ganyang act ang ipapakita mo sakin ngayon? Sarap mo namang hambalusin ng baseball bat ko.

"Pumapayag na ko pero sa isang kondisyon," pabitin nito.

"Maling tao ata ang pinuntahan mo Odeza kayang kaya ni Master gawin ang lahat kaya mukang maling move yan," tawa ni Summy.

"Shut the fuck up i'm not talking to you," bumaling ulit siya sakin bago ako tinitigan. "I know na kilala mo si Frank Luanco ang bad boy ng S. O. G. U i want you to talk to him."

"Bakit ex mo rin?! Pukingina ang lakas naman ng karisma ng pandak nayun HAHAHAHA."

"I said shut the fuck up!" galit na sigaw ni Odeza.

"What about him?" sabat ko para hindi na sumagot pa si Summy.

She smirk and lean closer to me.

"Talk to him and ask him to fight me not using gun and fist but using mind, code and internet."

"Pano pag nagawa ko?" me.

"Sasali ako at gagawin ko ang lahat para matulungan ka at ang mga bobo mong kakampi."

Agad siya umalis at iniwan kaming hindi nakapag react agad dahil sa sinabi niya, did she just call my member tanga at bobo?! Like what the fuck?!

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Summy ng bigla itong kumilos para habulin si Odeza. I warned her, not right now kailangan pa namin siya kaya wag muna ngayo.

Pag dating namin ng classroom agad na lumapit si Summy kay Ethel at sinabi dito ang mga tinuran ni Odeza kanina.

"Sabihin mo na malakas lang siya sumampal pero kaya ko parin siyang balatan ng buhay! Tangina siya ang galing niyang mang insulto.

"Ganyan lang talaga ang ugali niya," sagot ni Ethel.

"Kahit na parang hindi ko kere makipag usap sa kanya pag nagawa nga ni Master ang deal nila."

Napapansin kong kanina pa kuda ng kuda si Summy pero blanko lang ang muka ni Ethel at kung hindi tango puro iling lang ang nagiging tugon nito samin.

Ganito ko siya unang nakita at hindi ko masasabing hindi ako sanay na ganito siya dahil ilang araw palang kami nag kakilala.

Pero base sa mga araw na nakakasama ko siya, subra siyang maingay at parang hindi natitigil ang bibig niya kakaingay.

"Kung may nararamdaman ka parin wag mong itago dahil habang matagal mo yang itatago mas lalong sasakit ang mararamdaman mo," pag liko ko sa usapan.

"Ano ba naman iyan Master biglang nag iiba topic natin eh, bakit may pinag huhugutan ka ba? In love the ba master?" ngising aso ni Summy.

Nginisihan ko nalang din siya para ilito at hindi niya malaman na si Ethel ang pinag sasabihan ko.

Bumaling ako kay Ethel na ngayo'y na sakin na ang tingin, maliit siyang ngumiti sakin bago tumango at bumalik ang sigla sa muka.

Ito nalang ang maitutulong ko sa ngayon ayoko man idikit ang sarili ko sa inyo dahil ayoko masanay pero hindi naman pwede na puno ng mga pag iisip ang utak nila at hindi magawa ng mabuti ang kanilang dapat gawin.