10-Summy

"Anong klasing lakad yan? Lumpuhin nalang kaya kita ng matuloyan ka?"

Kanina pa ko naiinis sa lakad ng babaeng to pinag titinginan nalang kami dahil sa kalokohan niya. Pag sinasaway iniikutan lang ako ng mata, brat.

"What? I don't want to be here but you force me!" maktol niya bago padabog na nag lakad at nauna sakin.

Ngayon palang masusure ko na magiging isa ito sa sakit ko sa ulo lalo na pag pumayag yung Summy na sumali sa gang. Baka araw-araw puro gulo at bangayan ang makikita o maririnig ko nito.

Ang sabi niya alam niya daw kung saan ang dorm room nito pero hito kami ngayon at nag tatanong sa front desk kung saan ang dorm ni Summy, dalawang beses na kami halos pabalik-balik dahil alam niya daw ang daan. Yun pala nililigaw niya ko para mapagud.

Wala talaga akong maaasahan sa babae na'to mabuti nalang at makakausap ko si Summy ngayon, sa pag papakilala ni Ethel kay Summy mahinhin ang dalaga at hindi masiyadong maingay. Mabuti yun ng may makausap akong nasa tamang pag iisip.

"Pero nakita ko kanina si Ms. Summy papuntang class niya kaya wala siya ngayon sa dorm niya," saad ng babaeng nasa front desk.

"You sure? Hindi mo pa nakitang bumalik? Have you seen her schedule? May copy ka?" sunod-sunod kong tanong.

"Wala pero sinabi niya na nasa science lab siya sa mga oras na'to, sinasabi niya samin ang oras ng klase niya para pag pumunta at mag tanong dito ang mga officers may masasagot kami."

Ngumiti si Ethel dito bago mag pasalamat, nauna na kong umalis at lumabas ng Mercury Building bahala na si Ethel don malaki na naman siya.

Busangot ang muka at tagpu ang kilay nito habang nag lalakad papuntang kinatatayuan ko ngayon. What's her problem na naman? What with that long face?

"Alam mo yung laboratory diba? Ituro mo sakin ako nalang ang pupunta para makauwi kana."

Inismiran niya lang ako bago bastos na naunang nag lakad. Hindi ko nalang kinontra at baka sumabog pa mag ingay pa at mag wala tapos pag kamalan pa kaming mga baliw.

Hindi ko naman alam na malayo pala ang science lab kisa sa inaakala ko, nadanan na namin ang music area bago mahanap ang science lab sa likod.

Hindi ko na inisip pa na maliit ang science lab dahil mukang wala namang maliit sa school na'to, dorm nga para ng palasiyo rooms pa kaya? At sa lahat ng subject science ang pinaka kailangan ng malaking space dahil sa mga kagamitan pa nito.

"We're here samahan nalang kita para may kasama ka pabalik."

Seryoso ang muka kong sumunod sa kanya papasok, mag papatuloy pa sana kami sa pag lalakad ng naramdaman ko ang kung anong bagay na papalapit sa gawi namin.

"Ilag!" marahas kong hinablot ang kwelyo ni Ethel para iiwas siya sa paparating na bagay.

"Putangina niyo talaga! Gusto niyo bang sirain ang lab na'to?! Mga siraulo! Tarantado!"

Nanlalaki ang mata naming pareho ni Ethel ng marinig ang sigaw na iyon, alam kong malakas akong mag mura pero hindi namin ganito. Hindi ko ginagawang rap ang mga mura na lumalabas sa bibig ko.

"Hindi naman kami ang nag tapon ah, bakit kasalanan namin? Ikaw naman yun," sagot ng kasama niya.

"Eh tarantado ka nga talagang hayop ka! Linisin mo yun kung ayaw mong ipakain ko sayo ang mga bubog!"

Tulala parin kami pareho at hinihintay na makita ang babae na kanina pa sigaw ng sigaw, like bro she can rap the curses HAHAHA.

Isang babae na may puting kasuotan ang lumabas, halata sa muka niya ang galit habang nag sisipatakan naman ang mga pawis niya. Sino ba naman ang hindi pag papawisan sa suot na yan?

"Tangina ang tabas din pala ng dila nitong babae na'to, hindi ko inakala na si Summy nga ang nag mumura kanina," mahinang bulong ni Ethel. Sakto lang para marinig ko.

S-siya si Summy? Asan ang mahinhin at matinong kausap diyan? Mukang wala na kong pag asa, mukang wala na kong makakasamang matino sa lugar na'to.

"Summy?"

Huminto siya sa pag lalakad bago bumaling sa gawin namin.

"Pukingina naman, pagud ako kaya hindi muna ako makikichismis kaya kung gusto niyong makita si Kenneth wala akong alam sa putangina na'yun," bored niyang sagot.

Tinaasan ko naman siya ng kilay bago seryoso na lumapit.

"Ikaw ang sadya ko."

Nag tataka man pero sininyasan niya kaming sumunod sa kanyang pag pasok pabalik sa loob.

Tinuro niya ang dalawang kasama niya kanina sa loob at sininyasan na lumabas, tumango agad ang dalawa tapos nag mamadaling umalis.

Sa itsura niya mukang takot talaga ang mga kasamahan niya sa kanya, kung hindi lang ako ganito siguro natakot narin ako sa lakas ng boses at ang sama niyang mag mura.

"Anong kailangan niyo sakin? Kung tinatanong niyo kung may picture ako sa tarantado nayun wala kayong makukuha at isa pa kahihiwalay la non sa girlfriend niya kaya wag niyo lang munang gulohin baka kayo kalbuhin," mahabang salay-say nito sakin bago gulat na tumingin sa Ethel.

Mukang kilala niya kung sino si Ethel ah, halata sa muka niya ang gulat kanina bago tumawa ng malakas at tinuro ang pikon na muka ni Ethel.

"What the fuck is your problem?!"

Nangisi naman ako dahil sa reaction ni Ethel, kahit kailan talaga takaw gulo ang babae na'to kung sino-sino lang ang tinatarayan at sinisigawan.

"Jackpot! Ikaw yung shota ni Kenneth diba? Nag balikan na ba kayo ng siraulong yun? Buti pinatulan mo ulit?" natatawang tanong nito.

"Hindi ako tanga para bumalik o tanggapin ang lalaki na'yun kaya kung gusto mo siya, edi sayo na ganon ka naman diba? Mahilig sa tira-tira," banat pa ni Ethel.

Para akong nanunuod ng mga batang nag aaway sa kalye dahil lang sa batang crush nila, para silang mga tanga na nag tatanga tangahan, ang hirap intindihin.

Ang buong akala ko mapipikon ito dahil sa masamang biro ni Ethel pero hindi iyon nangyari, isang malakas at masakit sa tinga ang sunod na lumabas sa bibig ni Summy.

"Putangina naman! HAHAHA animal! Ano ba ang sinabi ni Kenneth sayo? Na ako ang bago niya? HAHAHA ang tanga mo naman para maniwala! Mag pinsan kami ng tarantadong yun hindi lang halata."

Isang mapag larong ngiti ang binigay ni Summy kay Ethel bago ito tapikin sa braso, may binulong ito ng kung ano at basta nalang nalukot ang muka ni Ethel.

Lumapit naman sakin si Summy at nilahad sakin ang palad niya, ngumiti siya sakin bago inguso ang palad niya.

"Alam ko naman talaga kung ano ang sadya niyo, kung tinatanong mo kung sasali ako then my answer is. Yes, mukang masaya ang magiging grupo at may makakasundo ako," bumaling siya kay Ethel bago bumalik saki. "Kaya sabihin mo sakin kung ano ang mga kailangan gagawin ko."

"Good to hear that."

Nag paalam na kami para puntahan ang susunod na taong magiging parte ng grupo, isa nalang at pwede na kaming mag simula.

Isang hacker nalang ang kailangan namin para makapasok sa system ng laro, yung hindi kami madadaya o kung ano pa.

At ang kaibigan ni Ethel ang alam kong pwede dito, pangalan palang alam kong magaling na at hindi ako nag kakamali sa kutob ko.

At ang Summy na'yun alam kung magagamit ko siya para magawa at matupad lahat ng mga plano ko.