Chapter 27: Cruel Fate

MY GROOMING with Captain Onyx ended, and that was my most comfortable bathe with someone. I admit having already morphed makes a lot of advantage for hybrids like me, we can freely do things without any malice and issues. And it's flabbergasting how we connect with our minds.

"Are you not going to morph into human yet?" Captain asked.

I immediately looked at him, he was staring at me as if I was the only creature in the world. I have no idea why that thought came out from my mind, but it was the thing I've read from his mesmerizing eyes.

"I think I need to get used being Filis nigripis."

"Astonishing how you were able to wipe everyone out. My girl did a very good job out there."

"Of course it was astonishing because you never expected me to do anything in the first place." I started running towards Captain and jumped at his back, "Well, it does makes sense to me now. Living with no expectations is better because people will be amaze the moment you do something they don't expect."

"See, just be thankful with your life. We, men, are struggling with the expectations of this Kingdom."

"That's why need to suggest equity! We are also struggling since everyone lacks trust and respect to us."

I started stinging my claw on Captain's back.

His tail suddenly wagged, "What are you doing at my back by the way? And please stop harrowing me, do you plan to take my skin away?"

I just smiled, "I'm on the top of the world!"

Captain roared, "How come you're on top of the world? You're just a kitty playing at my back."

And then suddenly, playful words came barging in my mind exiting abundantly from my mouth without any hesitation.

"You are my world." I responded and started balancing on his back without properly realizing what I've said.

Kaya naman nang nanahimik si Kap ay nahinto ako sa paglikot at tuluyang inisip kung ano ang problema sa sinabi ko. Ganoon ko na lamang kabilis ba naramdaman ang aking pamumula at agad na bumawi,

"L-let's just say you are the world and I'm on top of you- so-"

"On top of me?"

Shit. Mukhang mas napamali ako doon ah.

Ganoon na lamang ako kabilis na napatalon pababa sa kaniyang likod. At sa isang iglap ay bumalik na ako sa pagiging nang hindi sa kaniya lumilingon. Tinamaan ako ng napakabigat na hiya, pakiramdam ko'y nag-iinit ang pisngi ko ng sobra, hindi lang ang pisngi ko kundi literal na nag-aalab ang katawan ko.

Naramdaman ko ang bahagyang paghalakhak ni Kap sa aking likuran. Nakasunod siya kaagad sa akin, ibig sabihin lamang ay bumalik na rin siya sa pagiging tao.

"Idiot." Dinig kong saad niya na mas lalo kong ikinahiya, "I'm hope you're the one who's pretty aware of the words coming out from your mouth, kitty."

DAHIL AGAD na bumuti ang pakiramdam ng mga kasama ko sa tulong ng potion na padala ng Mama ko ay hindi na kami nagsayang ng oras pa. Naghanda na kami para sa kaniya-kaniya naming responsibilidad, umaasa nang maya't maya ay may anunsyo galing sa palasyo para sa rurok ng laro. Ang kaibahan nga lamang ay doble ingat na silang lahat at hindi na ako naeetsepwera.

Sabay-sabay kaming napalingon sa biglang nagliwanag na kalangitan, at nang oras na iyon alam naming iyon na ang sukdulan ng aming laban para sa Alpha Cup.

"Good day, warriors. Since we only have two objectives remaining, we'll be finishing the cup this whole day until tonight. Find the main flag and destroy the enemy's base. Your time, starts now."

Kunot noo kaming napalingon sa paligid upang magmasid, nag-iingat na baka maambush na naman kami.

"Ibig sabihin hindi natin tatapusin ang isang linggo?" Tanong ni Seven.

"Kung kaya lang naman kasing tapusin sa loob ng ilang araw lang bakit hindi diba?" Sagot ni Shawn.

"You have a point. Anyway, we should do our tasks here-- but, Kap, what should we do now?" Ani Kugo.

Nagbuntong hininga muna si Kap, animo'y hindi rin sigurado sa sasabihin niya. "Just like the old plan, the ones who were assigned to defend the turrets must defend. We'll find the banner, and the remaining will destroy the enemy's base."

"Kap, paano kung halimbawa kami ang makahanap ng bandila at kayo ang napunta sa base?" Sa wakas ay tanong ni Hunter matapos ang ilang sandali naming pagsasama-sama.

"Good question," ani Kap, "Then so be it. We'll destroy the base and make sure to keep the banner safe with us. Pwede iyong agawin ng kalaban, at kapag nasa kalaban ang bandila ay dapat naman natin iyong maagaw."

"Alright, copy, Kap!" Sigaw ng mga kasama ko maliban sa akin na nanunuod lamang sa kanila.

"All right then, team Felidae," ani Kap at inilagay ang kamay niya sa gitna na tinitigan lang namin, "Put your hands now, we are a team."

"Kap naman eh, ganyan ka pala ka-sweet." Ani Zeen at agad na ipinatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ni Kap, "Team Felidae!" Malakas pa nitong dugtong.

Sumunod na rin sina Shawn, Kugo, Seven at Hunter. Isang kamay nalang ang kulang, mabubuo na ang Team Felidae. Ngunit hindi ko inilagay ang kamay ko, inunahan ako ng hiya at takot na baka hindi nila ako isinasama sa kanila.

I belong to team Felidae, but I don't belong with them.

Ang akala ko'y wala silang pakialam, ngunit natunaw ang puso ko nang lahat sila'y napalingon sa akin.

"Matatawag ba tayong team Felidae kung wala ka, hybrid?" Nakangiting ani Seven.

Namuo ang luha sa aking mga mata, ngunit kinontrol ko ang aking sarili. Dumapo ang mga mata ko kay Kap na nakatitig lang sa akin.

"Come on, hybrid. We are sorry for judging you, we are now speechless for what you did to us. You just saved us, so stop spacing out for the nth time and just put your hand to complete the team!" Ani Zeen.

"What are you doing, brave girl? Join us." Anyaya pa ni Hunter na mas lalo kong ikinalambot.

Unti-unti akong humakbang palapit sa kanila at nagsimulang ilapat ang aking kamay sa ibabaw ng patong patong nilang mga palad.

"You belong with us, hybrid. You complete the team Felidae." Sa sinabing iyon ni Kap ay aktibo at awtomatiko kong nailapat ang aking palad sa ibabaw ng mga palad nila at mainit na ipinagdiwang ang pagiging opisyal ko sa grupo.

"TEAM FELIDAE!" Sigaw ni Kap na sinundan ng bilog naming mga tinig.

"YES CAPTAIN?"

"WE CAN DO THIS!"

---

WE SPENT the whole day doing our jobs. We stayed connected using our active wristwatches, I and Captain stayed together as well finding the banner.

Sa gitna ng paglalakad ay hindi ko maiwasang maalala ang masalimuot niyang nakaraan. He managed to become a good man, he really did well. Harap-harapang pinatay ang kaniyang Ina, at ang sabi niya pa'y pinatay rin ang kaniyang Ama. Ang iba siguro'y napariwara na at nagrerebelde kung ganoon ang naranasan, ngunit heto s'ya, matiyagang naghihintay ng tamang pagkakataon upang makasalubong ang taong pumaslang sa kaniyang pamilya. At habang naghihintay ay gumagawa siya ng tama sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga medalya at pagiging Kapitan sa ilang grupo.

How strong are you, Captain, that you managed to live well despite your dark past?

"Anything wrong, Hybrid?" Bigla nitong tanong sa gitna ng aming paghahanap.

Kumalabog ang puso ko, bigla ay nakonsensya ako. Kinain ako ng tuluyan ng aking konsensya, para bang hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. Para bang hindi ko kayang itago sa kaniya ang katotohanang nakita ko ang ilan sa kaniyang nakaraan.

"W--wala." Ang tanging naisagot ko.

"Tell me, something's bothering you. And please, be honest with me."

Para naman ako niyong sinampal ng paulit-ulit, natunaw talaga ang puso ko. Saka ko rin nasigurong hindi ko talaga kayang magsinungaling sa kaniya.

Napahinto ako sa paglalakad at mabilis na napayuko, "I--I'm sorry, Captain."

Naramdaman ko ang kaniyang paghinto. Bakas ang pagkalito sa kaniyang mukha dahil sa bigla kong iniasta.

"Hm?"

"I'm really sorry," halos pumiyok na ako sa pagpipigil na umiyak. Nanubig ang mga mata ko, masyadong malakas ang pagkalabog ng dibdib ko at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Be honest, Kornalina. Be honest to Captain Sardonyx.

"Tell me," Agresibo nitong tanong habang papalapit sa akin.

Mabilis naman akong napaatras, "I'm s--sorry for invading your privacy."

"What do you mean?"

Hindi ko na kinaya, tuluyan nang lumabas ang pagiging Honesto ko. Hindi ko rin naman talaga kayang magsinungaling sa kaniya.

"I-- I have this weird ability, Kap. Hindi ko alam kung sumpa ba 'to, at hindi ko rin ginustong magkaroon ako nito." Nanginginig kong saad habang patuloy na umaatras dahil hindi s'ya humihinto sa paglapit sa akin, "N--nakikita ko ang nakaraan sa likod ng mga sugat. Ka--kapag nakakahawak ako ng sugat, pumapasok sa utak ko kung paano ito nangyari."

Tuluyan siyang tumigil sa paglapit sa akin. Nang lingunin ko siya'y wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha, blanko iyon, animo'y nagsalita ako ng isang bagay na hindi kapani-paniwala ngunit sa likod nito'y naniniwala siya.

"K--kap, pasensya na. Nahawakan ko ang sugat mo sa leeg, pasensya na talaga."

Hindi s'ya kumibo, sa halip ay kumurba ng bahagya ang kaniyang labi at nagsalita ng isang malutong na mura.

"K--kap..."

"So, you're a reverse soothsayer?" Tanong nito atsaka mariin akong tinitigan.

Ganoon na lamang sabay sabay na pumasok ang napakadaming tanong sa aking utak. Katulad na lamang ng 'kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Reverse soothsayer?"

He cursed again, "Damn it, I thought I am the only one suffering from such thing."

Namilog ang mga mata ko kasabay ng pagkalabog ng aking dibdib, "A--ano? Ano'ng ibig mong sabihin? Nakakakita ka rin ba ng nakaraan?"

Umiling-iling siya, "No, hybrid. I am the total opposite of you. I am a Demise soothsayer."

Literal akong napanganga, "Ano?"

"Demise soothsayer," pag-uulit niya kasabay ng pagdilim ng kaniyang mukha. "I don't easily touch people, because I can fucking see how would they die or struggle in the future."

Bigla akong kinilabutan, literal na nanginig ang mga tuhod ko. Hindi makapaniwala sa aking narinig.

"K--kap?"

He nodded, "You heard me right, Hybrid. Takot akong humawak ng tao, dahil nakikita ko kung paano sila mapapahamak. At kargo ko pa ang kaligtasan nila minsan dahil kinakain ako ng konsensya at umaabot pa sa puntong ang buhay ko ang nalalagay sa alanganin."

"Kada hawak mo ba sa sugat nakikita mo agad ang kapahamakan nila?"

Umiling-iling siya, "Hindi naman tayo lagi napapahamak. Kapag mapapahamak sa nalalapit na hinaharap pagkatapos ay nahawakan ko, doon pumapasok sa utak ko ang mangyayari."

Tinakpan ko ang bibig kong nakaawang, "So, I'm not the only one. Akala ko'y baliw na ako."

"Let's admit it, mine is more dangerous and scary. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kakaibang abilidad na mayroon ako. Nakita ko na noon kung paano mamamatay ang Mama ko, pero hindi ko iyon napigilan."

"Oh goodness, I'm sorry I brought this up." Saad ko at lumapit sa kaniya, ngunit sya naman ang umatras.

"Please don't look at me like I'm a pitiful mutt."

I gasped, "N--no, Kap..."

"Nakita ko na rin kung paano mamamatay ang papa ko, ngunit hindi ko rin iyon napigilan. Marami na akong napigilang kapahamakan, at hindi ko naman inakalang buhay naman ng pamilya ko ang kapalit sa pagliligtas ko sa mga dapat na mapahamak."

Tuluyan ko s'yang hinabol upang abutin at pakalmahin ngunit pilit siyang lumalayo.

"Captain, I'm sorry. You don't have to tell me all of this."

Tila s'ya nawalan ng kontrol sa kaniyang sarili. Tila s'ya nawala sa kaniyang sarili, nag-iba ang captain na nakilala ko. Para bang nilamon siya bigla ng masalimuot niyang ala-ala at umaatake ang mga iyon sa kaniya ngayon.

Tama pa bang paglapit ko sa kaniya? Hindi kaya ay mapahamak pa ako?

"I'll look for that damn man in the cape and mask! He was the one who killed my father! And a minister who was there told me his name." Emosyonal na saad ni Kap at iniharang ang kaniyang kamay upang pahintuin ako sa paglapit sa kaniya.

"I'm really sorry, huwag na natin 'tong pag-usapan."

Did I just ruined the day all of a sudden? Hindi kaya maapektuhan ang laro namin ngayon? Ito pa naman ang sukdulan.

"I already have his address, one day I'll show up in his house to confront him and sue him for everything."

"Do you know the name? Maybe I can help."

Sa kagustuhang maabot s'ya ay tuluyan kong sinakop ang agwat namin na sana'y hindi ko na lang ginawa. Dahil kasabay ng pag-abot ko sa kaniya ay ang pagbanggit niya ng isang pangalan na tumatak sa aking tainga. At dahil sa kontra naming abilidad ay sabay kaming tumilapon palayo sa isa't-isa matapos maramdaman ang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa pareho naming katawan.

"Louie Feline."

Wait? Did I hear him right? Why did he mentioned my dad?

Damn it, don't tell me---?

Ganoon na lamang ako kabilis na napatayo at napatalon palayo sa gulat nang dumagundong ang galit na tinig ni Kap sa kagubatan. Animo'y may nakita s'ya nang sandaling magdikit ang aming mga balat.

"Your father, killed my father!"

Isang nakakabingi at nakakahimatay na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Pareho kaming tensyonado, ang aming nararamdaman ay maihahambing sa isang taong hinahabol ng iba't-ibang uri ng mababangis na hayop at wala nang matatakbuhan.

"Your father, killed my father!"

Minsan pang umalingawngaw sa tainga ko ang tinig na iyon ni Captain. Ang tensyon na namamagitan sa amin napakataas, nakakakilabot, animo'y anumang oras ay may mangyayaring malakas na sagupaan sa pagitan namin.

What did he say? Paano niya iyon nasabi? Putangina! We just touched-- what did he saw? Anong nakita niya? Ang sabi niya'y kamatayan o kapahamakan ang rebelasyong nakikita niya. Pero bakit niya nasabing ang tatay ko ang pumatay sa tatay niya? Ano'ng nakita niya?

Suddenly, our fire ignited that resulted to fury. Tuluyang nag-alab ang apoy ng galit sa pagitan namin. Ngunit mabilis itong natupok gayong hindi naapula nang sandaling nayanig ang lupa dahil sa isang malakas na pagsabog.

At mula sa aming wristwatch ay dumagdag na naman ang isa pang problema, "We found the flag! Back up! Back up! Destroy the enemy's turret, we'll defend the flag!"

"Anyone? Please respond! Defend our base turret, they are coming! We got the flag! Somebody needs to destroy the enemy's base turret as we lure them in the wilds!"

"Come on! Fuck it! Kailangan na kailangan ang kooperasyon dito? Nasaan na kayo? FELIDAE! KAP!"

Saka lamang ako nakabawi at tila nagising sa katinuan nang magsimulang tumalikod si Kap sa akin, animo'y pilit na tinutupok ang nag-aalab niyang galit at itinutuon sa kasalukuyan ang atensyon.

"No, hindi niya magagawa iyon!" Sigaw ko, dumidepensahan ang Papa ko, "He would never do that! Yes, he was removed from the palace but I'm pretty sure he would never do such thing!"

Matalim na sumagot si Kap, "Save it for later, we need to focus!"

Pagkatapos ay mabilis na siyang tumakbo patungo sa isang lugar, sa tingin ko'y aatake na s'ya sa base ng kalaban dahil nakuha na ng mga kasama namin ang bandila.

"I'll prove you wrong! Hindi iyon magagawa ng papa ko!" Sigaw ko habang hinahabol siya.

"You said he worked at the palace back then, right? Did you ever ask him the reason why you suddenly transferred to Heimdall? Of course there will always be a reason, and that's the reason!" Matigas niyang sagot habang naghahanda ng baril.

Kinilabutan naman ako doon, baka barilin ako ng isang 'to bigla.

"What the fuck did you saw? What the hell appeared on your vision for you to have a conclusion like that?" Garalgal na ang tinig ko, "Did you saw how did it happen? I'm pretty sure you were just a kid back then, just like me!"

"I need not to see it, someone with a high position told me that! Why would not I believe him?"

May-- may nakakita?

"Who told you that?"

"Minister Shin. He's in charge of the cities and districts of Fatum, the palace trust him so much. Why would not I? I believe in him." Ani Kap atsaka itinutok ang baril sa paligid, handa nang pumatay sa kung sinong kalaban ang mahuli niya, "He has done so much things for Fatum, like this incursion."

"You don't know, Captain. My dad will never do such thing!"

"I am curious as you are, I want to know everything as much as you do, but let's do our tasks here. We need to settle things in the present before thinking about the past and planning the future." Iyon lamang ang sinabi niya pagkatapos ay mabilis na siyang naglaho sa aking paningin, huli na nang mapagtanto kong tumakbo siya sa hindi ko inaasahang bilis at ilang metro na ang layo naming dalawa.

Bigla akong nanghina, ito ba ang dahilan kung bakit ayaw akong papuntahin ni Ama sa palasyo? Kaya ayaw niya akong isama sa incursion anuman ang mangyari?

I don't know what to believe anymore. I know my dad will never do such thing, but right at the very moment, I know I can never tame the mad fury.

Is fate playing with us? And isn't this too much? Damn it, life is so cruel.