Chapter 28: Devastation
"KAP! NASAAN NA KAYO?"
Muling umalingawngaw ang tinig ni Shawn sa aming wristwatch, "Destroy the enemy's base! We'll defend the base and flag!" Dugtong pa nito.
"H--hindi pwede..." Aligaga kong bulong habang hinahabol si Kap, "Hindi maaari, hindi iyon totoo!"
"Saka na tayo magtuos, Feline. Let's do our jobs here, if you'll just space out better not to follow me anymore." Seryoso nitong saad nang hindi ako nililingon.
Feline. He never called me by my name, he calls me hybrid. But now, he just called me Feline. Talagang galit siya sa pumatay sa kaniyang Ama. At pinaniniwalaan niyang ang Ama ko ang may gawa niyon, kaya pati sa akin ay nawala ang pagiging komportable niya.
Ano ba ang nakita nang sandaling nagdikit ang aming mga balat? Nakita niya kayang mapapahamak ako? Ngunit kung iyon ang nakita n'ya, paano niya nasabing ang Ama ko ang pumatay sa kaniyang Ama?
This is insane! Ito ang papatay sa akin dito.
"K-kap..." Naluluha kong tawag, hindi ako huminto sa pagsunod sa kaniya.
"Please, stop being dramatic. Enough following me, save yourself. I won't save you anymore."
Mas lalo ako doong naguluhan. He won't save me during fights? He said he won't, he didn't said he can't but he won't, meaning he have no plans on saving me if ever I put myself in danger.
Why the hell is my heart breaking so hard?
Ito na nga ba ang sinasabi ko. May kapahamakang mangyayari sa akin at nakita iyon ni Kap! At hindi niya daw ako tutulungan, wala s'yang balak na tulungan o iligtas ako.
Why am I hurting so bad? Dahil sa hindi niya pagpansin sa akin ay umusbong ang pride ko.
"Okay then, believe what you want to believe! I'll prove you wrong whatever it takes!" Sigaw ko at humiwalay ng daan sa kaniya. Inihanda ko ang aking espada, mga punyal, pana at palaso para sa matinding depensa at pag-atake.
Tuluyan na akong humiwalay kay Kap. Ngunit sa loob loob ko'y umaasa akong tatawagin niya ako pabalik at sasabihing huwag akong humiwalay sa kaniya kahit na hindi kami magkaayos. Ngunit nakailang hakbang na ako palayo ay wala akong narinig na tawag, hindi na ako pinansin ni Kap. Wala na siyang pakialam sa akin.
Kaya naman huminto ako at malungkot na lumingon sa pinanggalingan ko upang tingnan kung ano ang ginagawa niya.
He was gone. He already left, he really left without me. Does he not care for me anymore? Hindi na bilang babae, kahit bilang myembro na lang-- wala na ba talaga s'yang pakialam?
I guess so. Because he didn't really bother coming back to get me. Mukhang sobrang naapektuhan s'ya sa pagkamatay ng kaniyang Ama kaya naman ganito na lamang s'ya magreact.
"Fine." Bulong ko sa hangin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa base ng kalaban.
Hindi ko alam kung saan na papunta si Kap, maging ang iba ko pang kakampi ngunit wala na akong pakialam. Dumeretso na ako sa base ng kalaban kahit na mag-isa lang.
"Kap!" Sigaw ni Seven mula sa wristwatch, "Nasa ilog kami! Mukhang magkakaroon ulit ng team fight, nasaan ka?"
"I'm on my way to the base!" Sagot naman ni Kap.
Hindi ko alam kung bakit tila gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang pangalan niya. Knowing he's doing good is enough for me to feel better.
"Forget it, let's wipe them out! They are on their way here." Ani Seven.
"They are after the flag and our base. Let's defend first!" Singit naman ni Zeen.
"Alright, but someone needs to attack the enemy's base!" Ani Kap na tila nalilito na sa kaniyang gagawin.
Hindi lang ako nagsalita, nakinig lang ako sa pag-uusap nila habang nagpapatuloy patungo sa base ng kalaban. Ganoon na lamang kalakas na nayanig ang mundo namin nang makarinig kami ng nakakakilabot na anunsyo mula sa kalangitan.
"The green small turret has been destroyed! Team Felidae, your base is under attack!"
Literal kaming nagkagulo, hindi malaman kung ano ang dapat na gawin. Hindi na mahinto sa pagmumura ang mga kasama ko habang ako'y napahinto sa pagpatuloy dahil nalito na rin ako kung ano ba ang dapat kong unahin.
"Damn it! Use the transportalis! Defend the base!" Sigaw ni Kap sa kabilang linya. "3 will defend, the other's will remain to wipe the enemies out in the river!" Dagdag niya pa.
"Pero Kap, mauubos ang transportalis! Wala na tayong iba!" Ani Kugo.
"Just fucking defend! Protect the base and banner!" Desididong sigaw ni Kap.
"Alright, copy!" Tugon ng mga kasama ko.
Hindi ko sila nakikita ngunit pakiramdam ko'y nagkanya-kanya na silang kilos para sa aming ikakapanalo.
Tuluyan na ngang dumagundong ang palitan ng putok ng mga baril at bomba sa arena. Naabot pa ang pagyanig sa kinatatayuan ko, nasisiguro kong malayo ako sa kanila ngunit ramdam ko parin ang pagyanig ng lupa.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagtakbo patungo sa base ng kalaban habang bitbit ang mga sandata ko. Ilang metro na lamang ang layo ko sa base ay nanatili ako sa ilalim ng isang puno upang maghanda. Maigi kong sinilip ang kanilang base, dalawa ang nakabantay roon na sa pagkakatanda ko ay sina Terrel and Evren.
Lumikha ng tunog ang wristwatch ko, at dahil nga'y masyado silang atento at matalas ang kanilang pandinig ay hindi iyon nakaligtas sa kanila. Naipit pa akong lalo sa sitwasyon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung itatapon ba ang wristwatch o ako na lamang ang aalis.
Ngunit hindi pwede, nandito na ako. Wala na akong ibang maitutulong kundi ang wasakin ang base ng kalaban. Ang mga kasama ko'y nagbubuwis buhay na para lang manalo kami, kaya hindi ako pwedeng umatras dahil sa pagkalito at takot.
"Hybrid?" Umalingawngaw ang malabong tinig ni Hunter sa aking wristwatch. Napalingon tuloy sa akin ang dalawang bantay, "Nasaan ka--"
"Shit!" I cursed. I immmediately removed the wristwatch device and threw it away.
Hindi na ako sumagot kanila Hunter, sa halip ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa kasalukuyan. Tama si Kap, hindi na muna ang nakaraan at hinaharap ang dapat naming isipin. Kailangan naming pagtuunan ang hinaharap at lampasan ito, at ito ng hinaharap ko.
Isang panganib.
"Look around!" Dinig kong utos ni Terrel kay Evren, "Someone's here! Make sure to get rid of that fucking someone."
"You should search as well, idiot." Sagot naman niyong Evren.
"Not the right time to fracas, motherff-- just search!"
Maigi akong nagtago sa likod ng isang puno at ginawa ang mga dapat kong gawin nang doble ang bilis. Alam kong naaamoy nila ako, alam kong nararamdaman nila ako, alam ko iyon dahil pare-parehas kaming hybrid at ganoon ang mga hybrid. Higit na malakas ang pakiramdam kumpara sa mga ordinaryong tao.
I tied the timing bomb from the tip of my arrow, making sure it will explode the moment I shoot it to the base. I measured its time of explosion, and I made 3 of it.
"Evren, dito. Nararamdaman ko," ani Terrel habang patungo sa pwesto ko.
Ganoon na lamang ako kabilis na napakilos dahil sa pangamba. Bahagya akong lumabas sa aking pinagtataguan upang puntiryahin ang kanilang base, at walang pag aalinlangan ko ngang binitawan ang palasong agad na bumulusok patungo sa base ng Canidae.
"Pre dito--"
Sabay silang nahinto dahil sa malakas na pagsabog na nangyari sa kanilang base. Ganoon na lamang sila kumaripas ng takbo pabalik upang i-check kung may nakapasok na doon.
Isang anunsyo mula sa langit ang dumagundong sa kagubatan.
"Team Canidae, your base is under attack! Defend your base!"
Ilang sigawan ng pagmura ang narinig ko mula sa dalawang bantay. Ngunit ang atensyon ko ay biglang naagaw nang palitan na pagsabog sa di kalayuan, sa tingin ko'y sa ilog iyon galing. They're having team fights again, and I have no idea who's surpassing who already.
"Team Felidae, your base is under attack! Defend your base!"
Binalot na naman ako ng kaba. Nasisiguro kong nagsisigawan na naman ang mga kakampi ko dahil inaatake na ang aming base. Kaya naman gumawa na ako ng paraan, kinuha ko ang pangalawang pana at palasong tinalian ko ng bomba pagkatapos ay muling pinuntirya ang base ng kalaban.
Walang pag-aalinlangan ko iyong pinakawalan, animo'y tantyado at sigurado nang tatama iyon sa tore nila. Muli na naman iyong lumikha ng pagsabog, nayanig pa nga kami sa aming kinaroroonan.
"Team Canidae, your base is under attack! Defend your base!"
Nagsimula nang maging marahas sina Terrel at Evren, sa isang iglap lamang ay nagsipalit na ito ng anyo. Muli akong nilamon ng takot nang tumakbo na ang mga ito patungo sa aking direksyon, animo'y alam na nila kung saan ako magtatago.
"Team Felidae, your base is under attack! Defend your base!"
Muli kong inihanda ang huli kong palaso. Tuluyan na akong nakita ni Terrel, kaya naman tumaas ang tensyon na aking nararamdaman. Isang mataas na pagtalon ang kaniyang ginawa upang atakihin ako, ngunit bago niya ako inabot ay tuluyan ko nang napakawalan ang aking palaso.
Kasabay ng pagsabog ng base ng kalaban ay ang pagbagsak ni Terrel sa akin, gumulongh-gulong kami sa lupa at naramdaman ko ang pagtusok ng matatalim na kuko ni Terrel sa iba't-ibang parte ng aking katawan.
"Team Canidae, your base is under attack! Two more hits and your base will be destroyed, defend your base!"
Ganoon na lamang ako napasigaw sa gulat at sakit nang maramdaman ko ang matutulis na pangil ni Terrel na tumusok sa aking leeg. Ni hindi ako nakakurap, naramdaman ko na lamang ang aking panghihina at panlulupaypay.
Sa gitna ng sakit na iyon ay pinilit kong lumaban. Buong lakas ko siyang inalis sa ibabaw ko, at nang sandaling naalis ang pangil niya sa balat ko ay para akong sinunog. Animo'y isang beses niya pang gawin iyon ay haharapin ko na si kamatayan.
Kaya naman gamit ang buong lakas ko'y sinipa ko siya palayo kasabay ng paglabas ko ng aking espada.
"Team Felidae, your base is under attack! Two more hits and your base will be destroyed, defend your base!"
Isang pag-atake ang ginawa ni Terrel, ngunit mabilis akong tumalon sa mga puno palapit sa base ng kalaban. Wala na akong pakialam kung muli nila akong makuha ni malapa man, ang gusto ko na lamang ay masira ang kanilang base.
"ARRRGHH!" Atungal ni Terrel at hinabol ako kung saan ako lumiko.
Nadagdagan pa ang problema ko nang biglang lumitaw si Evren sa aking harapan, at sa isang iglap lamang ay gumugulong na kami sa lupa at pareho nang tao. Evren morphed back the moment he got me. He threw heavy punches on my face making me almost lose my consciousness. Nalasahan ko ang sariling dugo nang pumutok ang aking labi, nainom ko pa ang dugong nagmula sa aking ilong nang paulanan niya ako ng mas mabibigat na suntok.
Hindi siya huminto hangga't hindi ako pumipikit. Ngunit inasahan ko na ang bagay na ito, na mabubugbog ako. Alam ko nang kapahamakan ang daratnan ko o kaya naman ay hahabol sa akin, kaya naman habang sinasapak niya ako'y pasimple kong kinuha ang punyal na nakatago sa aking kapa at walang pasabing itinusok ito sa kaniyang tagiliran.
"OH F--" Malutong siyang napamura at umalis sa aking ibabaw nang mapagtantong malalim ang pagkakasaksak nito.
Wala na kaming pakialam kung nagkakasakitan na kami, kulang na lang ay magpatayan. Dahil ito naman ang gusto ng Palasyo, ang makitang magpatayan kami para lang makuha ang posisyon na pinapangarap ng lahat.
Do we really need to hurt each other in order to get the cup? Sino ba ang may pakana nito? Siguro akong may iba s'yang motibo!
"Pu-- arghh!" Tuluyan nang nanghina si Evren at napahandusay sa aking tabi.
"I've learned it from you, guys. Puting poison to weaken the enemy," nanghihina kong saad habang tumatayo. "Don't worry, it'll just make you weak and lose your senses. You won't die."
Just when I thought I am gonna hit the base free, I tumbled away when Terrel suddenly attacked me. I almost forgot, he's still alive and kicking.
"ARGH!" I squealed and took another dagger out of my cape and fought him.
He threw scratches and punches all over my body. Kaya naman buong katawan ko'y puro na sugat at kalmot, naliligo na rin ako sa sarili kong dugo. Nahihirapan na rin akong huminga dahil bumabara ang dugo sa aking ilong.
Makakatulong pa kaya ang mga gamot ni Mama para sa mga sugat ko?
"Damn you!" Terrel cursed as he continued throwing heavy punches and scratches, "I don't hit women, but you've totally got into my nerves--"
"Oh, I'm honored..." I responded and showed him the dagger on my right hand which he immediately dodge, but it was just a part of my plan, the heavy part was about to come which he never expected.
He focused on the dagger on my right hand, and he didn't noticed the sword I'm holding at my left hand. Without any word, I immediately attacked him using my sword and sliced his skin on his chest.
He immediately withdraw from my top which I already expected, so I immediately kicked him making him fall all over me again. But then before he could fall on my top, I swiftly moved again dodging him while drawing my dagger at his back.
"ACK!" He arched and squealed in pain the moment he my dagger dug at his back.
"Team Felidae, your base is under attack! One more hit and your base will be destroyed. Defend your base!"
I know my teammates are doing their best to defend our base. Kung walang dumepedepensa doon ay kanina pa nadurog ang base namin at isang hit nalang sana ay matatalo na kami ngunit dahil magagaling ang mga kakampi ko'y muli nila iyong nadepensahan.
I know they're struggling to come here as well because they were ambushed at the river. And it was only me who reached the base, so it is only me as well who has the chance to destroy it.
I immediately ran to their base to destroy it using my sword. I smashed it, hit it with all my strength and might. Hindi ko naman inakalang hindi pala kami doon pwedeng pumasok, dahil nang sandaling pumasok ako sa base turret nila ay para akong sinunog. Naramdaman ko ang pag-aapoy ng aking katawan kahit na hindi naman ako nasusunog, ngunit ang init na nararamdaman ko ay tagos hanggang sa aking kaibuturan.
All I could do is to hit the base on bended knees because I was too weak to stand up. With my remaining strength, I blew my final smash before losing my senses. Then suddenly I felt myself hitting the ground heavily. I was about to lose my hope, but a familiar voice from the firmament suddenly spoke.
"Team Canidae's base turret has been destroyed. Team Felidae has the banner. Team Felidae wins! Congratulations for your victory!"
Just as when I thought everything's going to be fine since we won, I didn't know it was the beginning of my heavy downfall. I just found myself struggling for another devastation again. A man in cape and mask who looks honorable with everything he has is standing before me.
I almost died during the destruction of our enemy's base, yet I survived. But now, I don't see any hopes of survival. A familiar minister just draw his sword at my neck.
"Finally, a weak Feline in my field."