Chapter 26: Grooming

I EXPECTED Captain Onyx to be strong, but the word strong is not enough to define how able he was to stop me from getting wilder. He has this fearsome strength that could take a man down without any difficulties. And with his soothing words, he easily tamed me. The fury ignited inside me suddenly stood down.

"It's me, it's okay. I'm your Captain," patuloy niyang bulong habang pinipigilan akong umatake. "Calm down, no one will ever attack you again. It's alright."

Sa ganoong salita niya ay tuluyan akong nahintong magpumiglas. Naramdaman ko ang pagbabalik sa dating kulay ng mata ko, nasisiguro kong nag-iba ang mata ko kanina nang maging pusa ako. Ramdam na ramdam ko iyon dahil aktibo ang aking bisyon, ngayon ay bahagya na itong humina.

"It's fine..." huling bulong ni Kap atsaka nanghihinang bumagsak sa aking dibdib.

Doon ako tuluyang natauhan, tila ba naapula ang galit sa aking loob at nagising ako mula sa nag-aalab na pagkakatulog.

"K--kap?" Taranta kong tanong at pilit na niyugyog si Captain na hindi na gumagalaw sa aking ibabaw, "KAP!" Tuluyan na akong nataranta.

Mabilis akong kumilos upang pagpalitin ang aming pwesto. Ganoon na lamang naghuramentado ang puso ko nang mapagtantong nawalan ng malay si Kap. Nang lumingon ako sa paligid ay wala nang nakatayong nilalang, lahat ay nakahandusay na sa lupa.

Gayunpaman ay walang team na na naubos, dahil nakatakas si Aurelius at ako naman ang natira sa Felidae.

Niyugyog ko si Kap ng todo, ngunit hindi na talaga ito gumigising, "KAP ONYX?!"

Shit! Kinapa ko ang tiyan niya at pinakiramdaman kung humihinga pa s'ya. Kung nasa matinong sitwasyon lamang kami at mahihibang na naman ako dahil naramdaman ko ang pagtama ng mga daliri ko sa mga abs ni Kap. Ngunit hindi ako natutuwa, nababalot ako ng takot dahil lahat ng kasamahan ko'y mga tumba.

"Oh goodness!" I frustratedly sighed, "He's breathing... he's breathing." I composed myself.

It's time to heal them.

MY TEAM is undoubtedly awesome, fearlessly strong. They are the bravest persons I've ever met in my life aside from my family. I never considered any random persons or strangers my family, but these persons are more of what I expected. I don't find comfort in random people, but watching them gives me chills and good vibes.

Kahit na nakahilata silang lahat sa harapan ko at walang malay ay kunot na kunot parin ang mga noo nila, animo'y nakikipagtagisan parin sila sa kani-kanilang mga panaginip.

I carried each of them to the edge of the river opposite to our opponents and far from the fighting place. I used the blue healing potion my mother gave me. Maingat ko nang itinago ang berde na naglalaman umano ng aprodisyak, mahirap at baka mag-init ang mga kasama ko.

Inabot na ako ng gabi sa panggagamot, at walang likido mula sa asul na potion ang natira para sa aking sarili. Nakakaramdam ako ng sakit ng katawan, ngunit hindi ko na iyon pinansin. Ang kailangang magamot ngayon ay ang mga kasama ko, saka ko na iisipin ang aking sarili.

Naagaw ng atensyon ko ang sugat ni Kap sa kaniyang leeg. Bigla ay gusto ko itong hawakan. Natatakot akong makakita na naman ng masalimuot na nakaraan sa kabila ng mga sugat, ngunit pinapatay ako ng kuryusidad.

"Kap..." bulong ko at lumapit sa natutulog naming Captain, "I'm sorry." Dagdag ko pa at walang pasabing hinawakan ang peklat sa kaniyang leeg.

Ganoon na lamang ako umarko sa gulat nag magsimulang pumasok sa utak ko ang ala-ala ni Kap nang siya ay bata pa;

"Run child, run!" Sigaw ng isang lalaki sa batang nakatunganga lamang dahil sa gulat, "Onyx, run now!"

"Sardonyx!" Sigaw pa ng isang babae at pinuntahan ang bata upang ilayo sa lugar na iyon. Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngunit alam kong nasa kapahamakan sila, "Don't mind us, okay? Run and never look back. Just run!" Saad ng babae sa bata na wala paring balak na tumakbo.

Huli na nang mapagtanto nila ang lumilipad na mga punyal patungo sa bata.

"ONYX!" Sigaw ng babae at tumalon upang saluhin ang mga punyal na iyon.

Ngunit hindi nakaligtas si Onyx sa isang punyal na dumaplis sa kaniyang leeg. Iyon lamang ang sugat niya, ngunit nanghina siya dahil sa libreng dugong bumubuhos mula sa kaniyang sugat.

Mas lalong nanghina ang bata nang mapagtantong bagsak na ang babaeng sumalo ng mga punyal na dapat ay patungo sa kaniya.

"M-Mama!"

...

Napasigaw ako sa matinding takot, gulat at pagkalito matapos makita ang katakot-takot na ala-alang iyon. Ganoon na lamang ako kabilis na napaatras palayo.

"Oh shit!" I frustratedly cursed myself.

Hindi na iyon mauulit! Hindi na ako hahawak ng sugat! Ayoko na! I won't invade someone's painful past anymore, because the moment I sew it, it starts haunting me, it becomes a disturbing scene in my head as if it was my own memory.

Nag-init ang pakiramdam ko kahit na malamig ang simoy ng hangin. Mabuti na lamang at hindi ko sila naistorbo, sinamantala ko na lamang ang pagkakataong iyon upang maligo sa ilog. Tutal ay bagsak silang lahat, pwede na akong maligo.

Lumayo ako sa kanila ng bahagya, sinigurong hindi nila ako makikita kahit na magising pa sila.

I looked around to check if someone's invading me, and when I made sure I was all alone, I removed all my clothes. I slowly traipsed the river, feeling the water's coldness. Lumikha ng tunog ang pagtapak ko sa tubig, napangiti ako at masiglang dumeretso. Sa wakas ay nakaramdam na ako ng tubig, nakakabuhay nga talaga ng loob.

Mabilis akong tumakbo patungo sa malalim na parte ng tubig at lumangoy. Sinulit ko ang pagkakataong iyon, hindi ako kaagad bumalik. Sa tingin ko nga ay inabot na ako ng oras sa paglangoy, ang sarap lang sa pakiramdam dahil ilang araw rin akong hindi nakaligo.

Sandali akong nahinto at tumingala sa langit, pinagmasdan ko ang madilim na kalangitan at ang paliit nitong buwan.

"Are you watching me?" Hindi ko maintindihan kung sino ang kinakausap ko, basta ko na lamang na kinausap ang langit, "Thank you."

Akma na akong lalangoy muli nang makarinig ako ng pamilyar na sigaw mula sa tabing ilog at sa waterproof wristwatch na suot. Ganoon na lamang kalakas at kabilis na dumagundong ang puso.

Ano'ng ginagawa ni Captain Onyx dito? Mabuti na ba ang pakiramdam niya?

"Where the hell are you again this time, hybrid?" Iritado nitong tawag habang patuloy na lumalapit sa ilog, "Hybrid! Fuck it! I've told you not to leave without me, haven't I?"

Napasinghap ako at aligagang inilapit ang wristwatch sa aking bibig, "I--I'm fine, Captain." Hindi ko napigilan ang panginginig, nakaramdam na ako ng lamig.

"What the-- where are you?" Tanong pa nito.

Tuluyan akong napalingon sa tabing ilog at sabay na nagtama ang paningin. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin, dumapo sa nagkalat kong damit ang kaniyang paningin. Pagkatapos ay mabilis siyang napaatras ngunit hindi tuluyang umalis.

"So, you're finally taking a bath." He whispered, we are talking now using the wristwatches.

"Yes, I'm good. You should go back and have some rest now."

Muling lumingon sa akin si Kap, "Lahat ng gagawin mo, sabihin mo sa akin."

Nangunot ang noo ko, "You're crazy. Kahit na maliligo ako?"

"Kahit na maliligo ka," aniya at nagbuntong hininga. "Don't make me look stupid by looking for you all over the wilds."

"Hindi ko sinabing hanapin mo ako, Kap."

He glared daggers at me, "I just find myself looking for you. So if you don't want to see your Captain gone mad by looking for his sheep, behave and just tell me everything you're going to do."

Napailing-iling ako, "You sound like you're obsessed, Captain Onyx."

Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. Mas lalo pa akong napaatras nang tuluyan na siyang nakatapak sa tubig, hindi alintana kung mababasa ba s'ya.

"It doesn't look much, but I care for my team." He said and stopped walking when he realized I was naked under water, "I care for you, hybrid. Don't make me mad."

Kumalabog ng napakabilis ang puso ko. Pakiramdam ko'y namula na rin ako at sa tingin ko'y hindi ko naitago ang pamumula ko. What the heck is happening to me? And what the hell is he doing?

I blinked, "Alright, I'm sorry. I won't go anywhere without your permission."

"If I sounded obsessed to you, then so be it. Just don't leave without my knowledge again."

I gasped when he continued moving towards me. I became hysterical all of a sudden, does he still not realize I'm completely naked? What the hell is he doing?

"D--diyan ka lang!" Sigaw ko na ikinahinto niya. Tila naman siya nagising sa katinuan nang sumigaw ako, "I've told you, I'm better now. Please, just let me take a bath and then I'll go back."

Nakita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata. Animo'y nagtataka rin kung bakit tumuloy pa siya. Narinig ko ang ilang malulutong niyang mura bago tuluyang tumalikod sa kaniya, "Make it fast. You have morphed already, you can bathe yourself tomorrow."

Pagkasabi niyon ay tuluyan na siyang umalis palayo sa akin. Hindi parin mahinto sa pagkalabog ang dibdib ko kahit na wala na ang presensya ni Captain Onyx, at sa tingin ko'y hindi niya na nga lilisanin ang utak ko.

Wait-- he's right, I can morph already so I can easily bath myself the way how cats clean themselves. Does that mean, I'm going to lick my whole body? What the hell!

Pagkatapos umalis ni Captain Onyx ay agad na rin akong umahon at bumalik sa kanila. Nadatnan kong mahimbing na silang natutulog, maging si Kap ay ganoon rin.

'Ang bilis namang nakatulog ng putik.'

Dala ng matinding pagod at simoy ng hangin, tuluyan na rin akong dinalaw ng antok.

SUMAPIT na ang umaga. Naalimpungatan ako sa dumadagundong na ugong ng isang hayop. Mabilis akong napabangon, nang lingunin ko ang mga kasama ko'y tulog pa ang mga ito maliban kay Kap Onyx na naging leon na at umiinom ng tubig sa ilog.

"Urgh, grabe naman uminom si Kap. Nakakatigas," Bulong ni Zeen sa aking tabi na bahagya na ring nagising. "Why does he looks hot while drinking? Yung dila, ay tangina! Pa'no yung dila?"

'Kaaga-aga napakabwisit naman ng isang 'to.'

Pakiramdam ko'y nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya, mas lalo pang nadagdagan ang pag-iinit ko nang tumingin sa amin si Kap nang hindi humihinto sa pag-inom.

"Ugh, shit!" Ani Zeen at muling bumagsak, "Ganyan pala s'ya dumila at kumain ng ano habang nakatingin sa'yo!"

Awtomatikong bumagsak ang kamay ko sa dibdib ni Zeen na agad na umaray dahil sa lakas niyon, "Napakakalat ng utak mo! May ubo ba yan?"

"Ano?"

"May ubo ata utak mo eh, ang kalat! Baka tuluyang mabulok, ingat."

"Damn you," ngisi niya atsaka lumingon sa akin, "Said the one who's blushing hard. You're turned on as well, aren't you?"

Umirap ako at tumayo upang lumayo sa kaniya, "Shut up."

Zeen chuckled, "By the way Hybrid, thank you."

Lumingon lamang ako sa kaniya at ngumiti. Pagkatapos ay mabilis akong nagpalit ng anyo upang tumungo kay Kap nang komportable. We are comfortable with each when we morph, simply because everything we do is normal in our state.

Nagdidilaan ang mga hayop, nililinisan nila ang bawat isa lalo na ang mga pusa. At napaka normal niyon, walang halong anumang malisya. Pero kung tao, nevermind.

Masigla akong tumakbo patungo kay Kap, mabilis namang huminto ang leon sa pag-inom upang panuorin ako sa pagpunta sa kaniya.

"What are you doing here?"

Napahinto ako nang pumasok sa utak ko ang tinig ni Kap. Ngunit sa halip na matakot ay mas lalo akong na-excite. We can communicate using our minds! And it's freaking exciting! Muli akong tumakbo patungo kay Kap at tumalon talon sa mga bato.

"I want to drink, too."

"You're thirsty all of a sudden?"

"Yes."

I reached his place, and without any hesitation I did what Kap just did.

"You are cute."

I stopped drinking and looked at him.

"Are you aware of your words right now? Or you're still not feeling well?"

"I mean it. You're such a cute kitty. I never thought someone like you can save and wipe a team out at the same time."

Kusang kumilos ang sarili ko upang maglinis na para bang gawain na talaga iyon ng mga pusa.

"Want me to clean you? I can make it fast."

Napahinto ako sa pagdila sa aking sarili at napatitig kay Kap. Mukha akong ligaw na pusa sa harap ng isang leon na nasobrahan ng tapang ngunit maya-maya ay malalapa.

Sa tingin ko'y normal na talaga ito sa mga pusa, kaya naman buong pusa kong tinanggap ang kaniyang alok.

"Yes please."

He then immediately came towards me and stick his tongue out to clean my body. I became relaxed all of a sudden when he groomed my neck, down to my body and back to my neck.

"What a healthy kitty."

"Thank you."

Napapikit pa ako dahil sa sarap ng pakiramdam. Mas epektibo nga ang malalaking pusa, mas mabilis niya akong nalilinisan dahil napakaliit ko. Huwag niya lang akong lamunin, kayang-kaya niya akong lamunin. Mumultuhin ko siya at sisiguraduhin kong hindi ako hihinto hanggang hindi nakakapaghiganti.

Medyo malayo ang distansya namin ni Kap sa mga kasama ko, ngunit dinig na dinig ko ang usapan nilang nakakairita.

"Ugh, grabe dumila si Kap!" Dinig kong pangunguna ni Zeen, "Ako nga rin, dilaan mo."

"Gago ka ba, dumila ka mag-isa mo." Sagot naman ni Seven. "Tangina nakakasira ka ng araw. Layuan mo ako!"

"Pre, nakakatigas talaga."

Gusto ko silang sugurin at isa-isang pangkakalmutin. Nakakasar na kasi ang pag-uusap nila, nakakaramdam na tuloy ako ng hiya. Napadilat ako nang bigla huminto si Kap. Kumalabog tuloy ang dibdib ko, nakakairita lang dahil umusbong ang hiya ko kaya naman mabilis akong napaatras.

Bwisit kasing mga kasama ko, kung ano-ano sinasabi hindi na tuloy kami komportable ni Kap sa isa't-isa. Ang akala ko'y naapektuhan siya sa pag-uusap nila Zeen, ngunit mukhang huminto siya sa ibang dahilan. At iyon ay upang asarin ako.

"Want me to lick you more?"

I suddenly became happy again, like everything is normal and there's no place for awkwardness.

"Yes please!"

He growled, "Beg."

"What?"

"Good girls beg."

I just rolled my eyes. Hindi naman ikakababa ng pride ko kung susundin ko s'ya diba. So I did what he told me to do, I tried letting out some roar again.

"Meow."

But only a meow came out from my mouth. And then all of a sudden, he roared hard making me whimpered in shock, confusion and fear.

"ROOOOOAARR!"

Napaatras pa ako dahil sa lakas niyon. Nagsitawanan naman ang mga kasama ko dahil sa ginawang pananakot at pang-iinis ni Kap. Matalim ko siyang tinitigan at inatake ang kaniyang paa na halos kasing size ko lang.

Marahas ko iyong kinagat-kagat at sinipa sipa, ngunit wala akong talab.

"Fuck you Captain Onyx with respect!"