Chapter 23: The Ambush
HINDI KO alam kung side effect pa ba ito ng aphrodisiac o nasa katinuan na talaga si Captain Onyx. Hindi niya na kasi ako nilisan hanggang sa nakaupo ako sa punong pinaglalagyan ng aming mga gamit. Balak ko pa sanang umalis na muna upang makabwelo sila sa pagligo, ang kaso ay ipinagpipilitan ni Captain na manatili na lang ako sa ilalim ng puno upang huwag na akong mawala sa paningin niya.
It doesn't look much, but he really cares with his team. I can tell it, I can see it. He cares a lot.
"I can't summon you, so I need you... to summon me."
'Leche naman, Kap. Kailangan ba talaga ganon ang mga linyahan mo? Napakaletse!'
Hindi parin umaahon ang mga kasama ko. Sabi nila'y nawasak na nila ang mga tore ng kalaban. Maghihintay na lamang kami ng hudyat sa paghahanap ng bandila at pagwasak ng base ng kalaban. At habang hindi pa nag-aanunsiyo ay mag-eenjoy na muna daw sila sa pagligo.
Nakakahiya naman, ako nga ang dapat na maligo sa amin. Nangangamoy na kaya ako? Mula nang hanapin ko ang tupa hanggang ngayon ay wala pa akong ligo. Gusto ko na ring maligo. Ngunit hindi ko iyon pwedeng gawin sa umaga, sasamantalahin ko na lang ang pagligo mamayang gabi kapag natutulog na ang lahat.
Mabuti na lamang at bawal na umatake sa gabi, mas agresibo ang mga 'to sa gabi. Kawawa na naman ako. At mabuti na lang ay inaanunsyo sa amin ang dapat naming gawin, baka kung kaniya-kaniya kami'y nagpapatayan na 'tong mga 'to, kawawa na naman ako.
Gayunpaman, kailangan naming maging maingat lalo na sa ngayon. Ang kailangan naming bantayan ngayon ay ang pagsalisi ng mga kaaway. Malamang ay wawasakin nila ang huli naming maliit na tore, maliban doon ay pwede nila kaming maambush kaya naman kailangan naming mag-ingat.
"Are you not going to take a bath?" Tanong ni Captain Onyx na biglang sumulpot sa aking tabi.
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Akala ko'y naliligo na ang isang 'to.
Umiling-iling ako, "Saka na, kapag tulog na kayo."
"Well then," aniya at nagsimulang maghubad ng damit.
Halos magkandaugaga naman ako sa kakaiwas ng tingin. Hindi ba pwedeng maghanap siya ng lugar malayo sa akin bago magtanggal ng pang-itaas niya?
"Sa likod ka ng puno, maliligo ako." Aniya habang nakatingin sa akin.
Napairap ako at mabilis na sumunod, "As if namang maninilip ako."
Ngumisi siya, "Nagpapasiguro lang."
Muli akong umirap, "Kasilip-silip ka ba?"
"Wag lang kitang mahuling nakatingin sa'kin," aniya at tuluyang hinubad ang pang-itaas.
Literal akong napanganga nang gawin niya iyon. Pakiramdam ko'y nasunog ang pisngi ko, at kinakailangan ko rin ng malamig na tubig upang mabawasan ang init na nararamdaman. Tumaas kasi ang init sa aking katawan nang tumambad ang matipunong katawan ni Captain sa aking harapan.
'Walang hiya! Napakawalang hiya!'
"You're drooling." Captain chuckled.
I immediately looked away and moved at the back of the tree, "Tsk, I'm not."
"Oy, Kap! Pabidahan ba 'to ng katawan?" Hamon ni Kugo, "Game ako!"
"Idiot." Tanging sagot ni Kap atsaka narinig ko ang paglubog niya sa tubig.
"Papabida ka kay hybrid eh!"
Napairap ako, "Hindi ah--" Iritado akong napalingon sa kanila na sana'y hindi ko nalang ginawa. Dahil lahat na sila'y wala nang pang-itaas at nakaahon sa tubig. Kitang-kitang ko tuloy ang matitipuno nilang katawan.
Talaga nga namang maganda ang pangangatawan ni Kugo, kaya ang lakas ng loob manghamon eh. Pati na si Shawn na mukhang galing sa mayamang pamilya, pakiramdam ko nga ay hindi pinapayagang madapuan ng lamok 'to. Hindi rin papatalo si Seven na badboy na badboy ang datingan, parang mangbabaril anumang oras. Lalo naman si Zeen na mukhang modelo, sayang ng isang 'to pwede 'tong modelo napunta pa sa sandatahang lakas. Magpapahuli ba si Hunter? Mukha siyang si adonis! Naiintindihan ko na iyong babaeng nagmamakaawang balikan s'ya, napakasayang nga namang pakawalan ng isang 'to.
"'Yo, stop staring at them!"
Naagaw ang atensyon ko ni Captain na sana'y hindi ko na rin nilingon. Dahil literal akong napanganga sa kumikinangina niyang katawan na pwedeng pagkabaliwan ng lahat ng kuminanginang babae sa Fatum.
Agad akong napaiwas ng tingin at maingat na nagtago sa likod ng puno habang naghahabol ng hininga. Iba talaga ang tama ni Cap sakin, siya 'yong hindi pang friends lang, dapat ginagawa siyang more than friends.
'Ay landi, Kornalina.'
"Hybrid, bawal manilip ah!" Dinig kong tawa ni Shawn.
"Hybrid, gusto mong sumabay?" Tanong ni Zeen.
Umirap ako at kumaway sa kanila, "Enjoy lang kayo d'yan!"
Lingid sa kaalaman nilang lahat ang lihim na pag-ngiti ko. I've seen enough, and I hate my mind for wanting to see more. Letse.
SA WAKAS ay natapos na ang sandali ng kanilang pagligo. Bigla tuloy akong nainggit, bigla ay gusto kong tumalon sa ilog at lumangoy. Ang kaso ay ayoko namang magmukhang baliw sa harap nila, 'wag na lang. Magtitiis nalang ako hanggang mamaya.
"I'll be distributing these transportalis. Let me remind you that this can be only used once so be careful. Don't joke about this!" Paalala ni Kap at inabot ang dalawang transportalis kanila Kugo at Hunter, "This might be needed during team fights."
"Back to work na ba tayo, Kap? Bantay na ba kami sa base ng kalaban para mabilis nalang na salakayin kapag may anunsyo na?" Suhestiyon ni Shawn.
Mabilis na tumango si Kap, "Oo, hahanapin namin ni Hybrid ang bandila bago pa nila mahanap."
"Oo nga pala, yung mga bantay sa base natin magmatyag. Malamang nangsasalisi na mga kalaban natin para sirain yung huling maliit na tore." Ani Zeen.
"Don't worry, we got it." Sagot naman ni Kugo.
"We shall part our ways to do our tasks then," masiglang wika ni Shawn. Nakakasigla ba ang pagligo? Sanaol.
"Sige, ingat kayo ha." Unang paalam ni Kugo na agad namang sinundan nila Zeen at Seven.
Kumaway muna ako kay Hunter na wala man lamang ekspresyon bago ito umalis. Hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin namin ni Kap, bigla na naman tuloy akong nakaramdam ng kakaibang kaba at hiya.
Hindi naman sana maghaharumentado ang puso ko, ang kaso ay nakakataas ang tensyon ang katahimikang namamagitan sa amin. Nang magsimulang humakbang palayo si Kap ay maingat akong sumunod sa likod. Hindi ko alam kung bakit napakatahimik niya at nilalamon naman ako ng hiya.
Nakailang liko na kami, at nasisiguro kong sobrang layo na rin namin sa ilog. Ngunit ang ambiance sa pagitan namin ay masyado nang hindi kaaya-aya, hindi na ako komportable. Gusto kong magsalita, gusto kong basagin ang katahimikan. Nakakabingi na kasi ang katahimikang namamagitan sa amin.
'Wow, katahimikan, nakakabingi?'
"So, tell me about you."
Napapitlag ako sa tanong ni Kap, naramdaman ko na naman ang pagkalabog ng dibdib ko.
"What do you mean?"
Hindi siya huminto sa paglalakad, he managed to talk to me while walking, looking at his map to find the main flag, "Why are you here? Unang-una sa lahat, lalaki ang pakay ng incursion. Hindi ka naman lalaki."
Napairap ako, "Ilang beses ko bang dapat na sabihin 'to. Ayokong gawing alipin ang pamilya ko ng palasyo, ayoko na ring pasabakin pa ang tatay ko dahil sakitin na ito at matanda na. Hindi pinagpala ng lalaki ang bahay namin, lahat kami'y babae maliban sa matanda kong tatay at ako ang panganay."
"You could have just backed out."
Napakamot ako ng ulo, "You think backing out will do me good? Come on, Captain. Mas lalo lang bababa ang paningin ninyo sa mga babae. Aside from saving my family, I took the risk to prove everyone that women in Fatum are not weak."
"And what do you want to prove? You wanna prove that women aren't weak by joining the armed force?"
"Iniisip niyo kasing mahihina kami dahil babae kami. We may not reach the level of your strengths, but damn we have capabilities and no one has the rights to look down on us. I am going to tell Fatum about that!"
Captain chuckled, "Alright, I get it. Your excuses are funny."
"Then laugh out loud, Cap." Saad ko at muling umirap kahit na hindi niya nakikita. Huwag lang sana akong mabanlag, mukhang napapasobra na ako sa pag-irap ngayon.
Ilang sandali ng katahimikan na naman ang namayani sa amin bago siya muling nagtanong.
"Tell me about your family."
Napangisi ako, "Hindi naman halatang interesado ka, Cap 'no? Hindi talaga." Pagbibiro ko.
"Nah, I just want to know."
'Awwts, sinagot niya talaga ang biro ko! At hindi daw s'ya interesado, sadyang gusto niya lang malaman. Lupit, Kap!'
Mukhang seryoso siya sa tanong niya.
Napabuntunghininga ako, "My father once worked at the palace. I have no idea what happened, but one day we just transferred to Heimdall."
"So, you've been to the palace?"
I shrugged, "I don't know, I felt like I've been there but I have no memories of being there. Pero seryoso, pakiramdam ko'y nakapunta na ako sa palasyo. Wala lang akong maalala."
"That sounds imposible, how could you tell you've been there yet you have no memories of being there at all?"
Muli akong napairap. Bakit ba buhay ko ang pinag-uusapan namin?
"Maiba naman tayo, Cap. Tungkol sa'yo naman."
He suddenly stopped and looked around, "Hm, lucky you. You still have your father."
"What do you mean?" I furrowed.
"I don't have parents, anymore. Both of them died when I was little."
Bigla naman akong nakaramdam ng kakaibang lungkot sa parteng iyon. Mas lalo tuloy akong humanga sa kaniya, he managed to live well and be a good example to everyone even though he's an orphan.
"Oh, I-- I'm sorry to hear that. May I know why?"
Muli na namang namayani ang katahimikan sa amin. Ilang sandali siyang hindi sumagot, kaya naman sumuko na lamang ako sa paghihintay ng sagot. Ang buong akala ko'y wala na siyang balak na sagutin ang kuryusidad ko, ngunit ganoon na lamang ako napasinghap nang bigla siyang magsalita.
"They were killed."
My jaw literally drop. Did I hear it right? He's actually telling me why! Tuluyan akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang huminto siya upang lingunin ako.
"My father was killed at the palace when I was very young. And I'm looking for the man who killed my father."
I gasped and almost stuttered, "A--are you going to take revenge?"
His eyes darted on me, and I can see mixed emotions in it, "I haven't decided on that part yet. I don't know what I could do if I meet the man who killed my dad."
"P--pero kilala mo?"
He shrugged, "A minister who was there told me everything..."
Naputol ang usapan nang bigla na namang dumagundong ang tinig mula sa kalangitan. Muntik pa akong mapatalon sa gulat.
"Congratulations team Felidae, you have destroyed all the small red turrets. Here are the recent scores, team Felidae has now 150 points while team Canidae has 140 points. We are up to the next quest. Find the main flag before tomorrow ends, your time starts now."
Nang lingunin ko si Kap ay awtomatiko akong napangiti nang makita ang pagkurba ng kaniyang labi. He's happy that we took the lead, but still we can't celebrate yet. I'm pretty sure our enemies are finding ways to beget the lead again.
At hindi nga ako nagkamali.
"KAP! AMBUSH!" Napapitlag kami sa sigaw ni Shawn mula sa aming wristwatch. Sabay kaming nataranta ni Kap, mabilis kaming napalinga-linga sa paligid.
Ganoon naman kabilis na napamura si Cap sa gulat, "Where are you?!"
"We are being ambushed! Requesting for back up!" Pag-uulit ni Shawn.
"River!" Pahabol na sigaw ni Hunter.
Pagkatapos niyon ay napuno ng hindi mahintong palitan ng pagsabog at putukan ng mga baril ang Arena. Ganoon na lamang kalakas at kabilis na kumalabog ang puso ko, nagsisimula na naman ang labanan.
"Let's go!" Sigaw ni Kap.
Ganoon na lamang kabilis na tumakbo si Kap para sa back up, mabilis rin akong sumunod. Habang tumatakbo patungo sa ilog ay nag-uusap-usap na kami gamit ang wristwatch.
"Setter, where are you?" Tanong ni Kap.
Kahit na malabo ay pilit na sumagot si Seven, "I'm on my way!"
"How about our man-at-arms and sharpshooter?"
"We are already here. Napapaligiran kami ng mga kalaban." Sagot ni Hunter.
"Make it clear. Sino sino na ang nasa ilog?"
"Shawn, Hunter, Zeen, and I," ani Kugo, "Gayong kararating lang ng iba."
Nangilabot ako, masyadong mataas ang tensyon. Kinakabahan ako, nangangamba ako sa buhay ng mga kasama ko at sa katotohanang wala akong magagawa para sa kanila.
"Here's the plan." Pauna ni Kap na ikinataas ng mga buhok ko sa katawan, "Seven, since you are the setter you'll go frontline and set once they are all in. Shawn, follow Seven immediately since you are the damager. Do free hits man-at-arms Kugo and triggerman Zeen. Shoot secretly, Hunter. Make sure to keep your teammates safe. And then I'll do the final blow, I'll flicker in!" Seryosong saad ni Cap.
Literal akong napanganga matapos marinig ang plano niya.
Gusto kong magtanong kung anong pwede kong gawin, pero baka masira ko lang ang plano nila. Magtatago na lang ako habang nakikipaglaban sila pagkatapos ay manggagamot, tutal iyon naman ang trabaho ko sa team.
'I'm feeling useless here.'
"Copy, Cap!" Sagot ng mga kasama ko.
"Alright, team Felidae. We can do this!"
"HAH!"
Nakaramdam ako ng lungkot. Gusto kong tumulong, gusto kong makatulong sa kanila. Ngunit paano?