Chapter 22: Summon
INABOT nga kami ng gabi sa lugar na iyon nang hindi siya lumalapit sa akin, ang sabi niya'y malapit kami sa ilog kaya nakakarinig kami ng lagaslas ng tubig. At dahil daw malapit kami sa tubig ay doon s'ya magpapahinga, iniitan daw kasi ng sobra.
Iniwan ako ni Captain sa ilalim ng punong iyon, ngunit siniguro niyang nasa maayos na akong kalagayan. Nakakakilos na rin ako dahil napaka epektibo ng ginawang gamot ng Mama ko, hindi lang maganda ang side effect dahil gusto ko nang maghubad sa init at kakaibang sensasyon.
Pati si Captain Onyx ay naapektuhan, pumunta pa tuloy s'ya sa ilog upang doon magpalipas ng gabi.
I suddenly smirked and smiled, I can't believe he's too frank on things. Like, he's able to say he's horny in front of me and I know it's because of that Aphrodisiac thing. Why would my mom put an aphrodisiac on a healing potion? Perhaps, it's a good component on the potion my mom was working on.
Kaya siguro pinaalalahanan niya akong huwag kong gagamitin ang potion nang may kasama, dahil sa side effect nito. Dala ng pagod at ng ihip ng hangin ay kusa na akong napapikit.
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ulit-ulit na pagsabog sa paligid. Bigla tuloy akong naalarma, mabuti na lamang at nakakakilos na ako ng maayos. Ang problema ko na lang ay natatakot akong muling mabuksan ang sugat ko sa tiyan kung kikilos ako ng basta-basta.
Kaya naman buong pag-iingat akong bumangon bitbit ang mga bag na dala ko at nagtago sa likod ng puno. Kalahati na lamang ang damit ko, nakikita na ang maliit kong tiyan dahil pinunit ni Captain ang aking damit kagabi upang magamot ako.
Bakit ba pinunit pa ng isang 'yon? Pwede namang itinaas nalang 'diba?
"The first red turret has been destroyed!"
Umalingawngaw sa paligid ang tinig na iyon mula sa kalangitan, mas lalo tuloy akong naalarma. Kaaga-aga iyon kaagad ang maririnig ko, sinusundan pa ng pagsabog ng mga bomba at putukan ng mga baril.
Ibig sabihin lamang ay umaatake na ang mga kasama ko, at hindi rin imposibleng naroon na si Captain at tuluyan na akong kinalimutan! Kailangan kong makasunod, kahit na anong mangyari sa akin kailangan kong matapos ang task na nakaatang sa akin.
"The first green turret has been destroyed!"
'Shit! Our turret is under attack! I need to retreat, I need to move!'
Doon na ako tuluyang napahakbang upang hanapin ang grupo ko. Isang tore na namin ang nasira, hindi pa nga ako tuluyang nagigising ay napilitan na akong tumakbo upang magdepensa sa isang tore.
"The second small green turret has been destroyed!"
"Shit!" I cursed and choose to run instead of walking fast. Wala na akong pakialam sa sugat ko, ang nasa isip ko na lamang ay magdepensa.
Team namin ang nakasalalay dito. Sa halip na sumugod ay bumalik ako upang depensahan ang huli naming maliit na tore.
"The second red turret has been destroyed!"
Tuluyan ko nang ininda ang sugat ko at tumakbo ng napakabilis. Habang tumatakbo ay inihahanda ko na ang bombang itatapon ko oras na makita kong sinisira na ang huli naming tore.
Mabuti na lamang at naabangan ko pa ang kabilang grupo bago ito nakarating sa huli naming maliit na tore. Kung hindi nga naman ako lutang! Kamuntik ko pang makalimutan na may mga dala nga pala silang baril, kung hindi inilabas niyong isa ang baril niya'y hindi ako magtatago sa likod ng aming tore.
"Siya ba iyong babaeng tinutukoy niyo?" Dinig kong tanong niyong isa.
"Oo!"
"Mga hangal, naisahan kayong dalawa ng isang babae?"
"She's not what you think she is."
Nangunot ang noo ko. Biglang nanginig ang mga kamay ko habang inihahanda ang bombang itatapon ko sa kanila. Dalawang bomba na ang inihanda ko upang tuluyan silang mapigilan.
"Attack her! Destroy the turret!"
Doon na ako lumabas at walang pasabing itinapon ang bomba patungo sa kanila. Lahat sila'y nagulat, ngunit dahil nga sa sadya silang mabibilis ay naiwasan nila ang pagsabog ng bombang itinapon ko.
Muli kong inihanda ang isa ko pang hawak na bomba at itinapon iyon sa mga kalaban na nagsiibahan ng kani-kanilang landas. Pagkatapos ay inihanda ko na ang bitbit kong pana at palaso, lumuhod ako sa tabi ng tore namin at naghanap ng target.
Isang lalaki ang hindi nagpatinag sa mga bombang itinapon ko. Tumuloy pa ito upang atakihin ako at durugin ang aming tore, ngunit bago pa siya tuluyang nakalapit ay pinuntirya ko na siya ng palaso ko.
"AARGH!" Sigaw nito nang tamaan ko siya sa kaniyang braso, "Our last small turret is under attack! Retreat!" Sa halip ay dugtong nitong sigaw atsaka tumakbo na pabalik.
"Retreat! Defend out turret!"
Nagsitakbuhan nga ang mga ito pabalik. Naghanda naman ako sa paghabol sa kanila, kung nasa ilog ang mga kasama ko ay pwede namin silang maambush.
"The last red turret has been destroyed. Team Canidae, defend your base!"
Umalingawngaw na naman ang parehong tinig mula sa kalangitan. Akma akong napangiti, ngunit agad iyong napawi nang maramdaman ang marahas na pagtusok ng isang palaso sa braso ko. Wala sa plano ko ang sumuka ng dugo, ngunit iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko nang oras na tamaan ako ng palaso.
Hindi ko napansin ang isang kalaban na nagtatago sa mga damuhan, pinaulanan niya ako ng palaso at tinamaan ako ng isa sa braso.
"Argh!" Sigaw ko sa sakit at napaluhod, ngunit pilit ko iyong ininda at iniamba ang aking palaso upang puntiryahin ang pumana sa akin.
Biglang lumabo ang paningin ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ngunit pilit kong inaniag ang lalaking nagsisimula nang tumakbo palayo. Ngunit bago pa man ito tuluyang nakalayo ay pinakawalan ko ang aking palaso, akma namang tumama sa paa niya ang palaso ko kaya naman tumilapon siya padapa sa lupa.
Gusto kong sumunod, ngunit tuluyan na rin akong napaluhod dahil sumabay na naman ang sakit ng aking tiyan.
Napakislot ako nang umilaw ang wristwatch na ibinigay sa amin ni Captain Onyx. Mula rito'y narinig ko ang tinig ng aming Captain, "Hybrid? Hybrid!"
Taranta na naman ang tinig nito, animo'y hindi natutuwa sa nangyayari. Malamang hindi siya natutuwa dahil hindi nasusunod ang plano, dapat ay nag-aassist ako sa kaniya ngunit heto ako nagdedepensa ng tore malayo sa kanila.
"Hybrid! Where the hell are you? Seriously, answer me!"
Napangiti ako dahil sa tarantang tinig ni Captain, inilapit ko ang aking bibig sa wristwatch, "Bumalik ako sa tore, Kap. I defended, I'm sorry I couldn't follow you all sooner."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, maging ang tinig ng iba naming teammates ay tuluyan ko nang narinig.
"Is she fine?"
"I think she's doing well, her voice is good."
"Nasaan ka ba?" Nagulat ako sa tinig ni Hunter.
"Papunta ako sa ilog, nasaan ba kayo?" Pinilit kong maging malinaw ang sagot kahit na nauutal na naman ako dahil sa sakit ng tama ng palaso sa akin.
"Okay, let's gather at the river and ambush them." Ani Captain.
"Let's take a bath also. We have destroyed their turrets, nabawi na natin ang puntos. Baka pwedeng magpahinga muna, cap?"
Napangiti ako sa usapan nila at pinilit na maglakad papunta sa ilog habang inaalis ang palaso sa braso ko.
"Take a bath, idiot. But we will not stop until we destroy their base and find the main flag." Maawtoridad na saad ni Captain.
"Aye aye, Captain!" Pasaway na sagot ni Shawn.
"ARGH!" Bahagyang napalakas ang impit kong sigaw habang tinatanggal ang palaso sa aking braso. Dahil sa sakit at panghihina ay muli akong bumagsak, mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang tama nito kung hindi ay mawawalan na ako ng braso.
"What's happening?" Aligaga na namang tanong ni Captain, "What's wrong? Ano yan!?"
"Ano yan, hybrid? Naano ka na diyan?" Tanong ni Seven, "Where are you? We are at the river already."
Napaluha ako sa sakit pagkatanggal ng palaso sa aking braso. Muli na namang bumuhos ang dugo mula rito. Tagaktak na rin ang pawis ko at ang aking paghinga ay triple sa normal nitong bilis.
Can I really survive here?
"I-I'm coming," nanghihina kong saad habang naghahabol ng hininga.
"Fuck it, where are you?" Seryosong tanong ni Captain.
"Hybrid, galit na si Cap. Nasaan ka daw?" Pag-uulit ni Shawn.
"Shut up, Shawn." Dinig kong pigil ni Kugo.
"I'm coming." Ang tangi kong nasabi at nagsimulang maglakad patungo sa ilog na pagkikitaan naming lahat.
Muli akong pumunit ng naglalaylay na bahagi ng punit ko ng damit. Pagkatapos ay tinalian ang sugat ko upang mahinto na ang dugo. Gamit ang isang kamay at ngipin ay maayos ko itong natalian. Binalot kong muli ng aking kapa ang aking sarili, kalahati na lamang ang damit kong punit-punit na.
Pagkatapos ay dumeretso na ako patungo sa ilog na parang wala lang. Kunwari ay hindi ako napano, sana naman ay huwag magtraydor ang emosyon ko mamaya. Ayokong umiyak sa harapan nila, baka husgahan na naman ako ng mga 'yon.
Tuluyan akong nakarating sa ilog, at nakumpirma kong nakarating na nga ako doon nang marinig ang nagsisigawan na tinig ng mga kasama kong naliligo doon.
Nawala na ang plano nilang mang ambush. Masaya na silang naliligo sa ilog ngayon.
Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako dahil wala na silang damit. Akma na sana akong aatras pabalik nang isang lalaki ang humarang sa akin.
"Where do you think you're going again?" Kunot noo nitong tanong, matalim ang titig sa akin at animo'y ginagamit ang kaniyang awtoridad upang mapaamo ako, "Where have you been?"
"C--cap..."
Humakbang siya palapit sa akin na ikinagulat at ikinaatras ko, "Should I post at your back a reminder not to go anywhere without me?"
Nangunot ang noo ko at naghabol ako ng hininga. Ano'ng ginagawa ng Captain na 'to sa akin?
"I-- I just retreated to defend our turret!" Depensa ko, "Look, I'm sorry but I don't want to be useless here. Alam kong kaunti ang tiwala ninyo sa mga babae, pakidagdagan naman ng konti--"
"Do that thing again." Aniya na ikinausbong ng pagkalito ko.
"H--huh?" Nalilito kong tanong at nagbuntong hininga, "C--cap, I'm still functioning. Pangako, hindi ako magiging pabigat. Pa--pasensya na--"
"Do that summoning thing again if ever I lost you in this wild." Aniya at huminto sa harapan ko, "Summon me if I disappear from your sight. Summon me if I'm away."
"H-huh?"
"Dahil para akong tangang bumabalik sa lugar kung saan kita pinag-iwanan. Para akong tanga sa kakaisip kung saang lupalop ka na naman nagpunta."
Doon dumagundong ng sobra ang puso ko.
"I can't summon you. So I need you... to summon me."