Special Chapter Two

Two Hearts

Nilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.

Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalawang araw na camping.

The climb was easy, he realized. Kinailangan nilang tumawid sa may-kalalimang ilog na may malalaking bato kanina pero dahil hindi naman malakas ang agos, hindi sila nahirapan. But when they entered a forest trail, nag-umpisang manghina at maghabol ng hininga si Elaine. The heat from being secluded around the high grasses and bamboo trees caused her to have difficulty breathing. Ilang beses niya itong pinagpahinga pero dahil makulit talaga at excited na marating ang summit, saglit lang itong tumitigil at mag-uumpisa na uling maglakad. Mauuna lang ito sa kanya nang ilang minuto hanggang sa malalampasan na naman niya.

Tan smiled thoughtfully. Hindi siya makapaniwalang nauubusan ng lakas ang babae. It was Elaine’s first time to climb and though she was thrilled about it, she was obviously struggling. Ilang araw na itong excited na umakyat ng bundok at mag-stay overnight sa puting buhangin ng Anawangin Cove. Kagabi, halos hindi na ito makatulog. Kahapon pa ito ng tanghali sinundo ni Danielle sa bistro ni Mang Chito. The girls stayed overnight at De Marco Beach Resort owned by his uncle Dave Lawrence De Marco.

Halos isang linggo silang hindi nagkita ni Elaine dahil dere-deretso ang duty niya. Alas-dos na ng madaling-araw nang dumating siya kasama si Gian sa resort. Hinintay pa siya ng pinsan para may kasabay siyang bumiyahe mula Maynila. Wala pa siyang tulog kaya nagpasalamat siya nang mag-alok ang pinsan na ito ang magda-drive hanggang Zambales.

Kahapon pa nag-aalala si Tan na baka hindi siya makasama sa camping. Alas-kuwatro na kasi ng hapon kahapon, hindi pa rin naaaprubahan ang leave na ifinile niya sa ospital mahigit dalawang linggo na ang nakararaan. Hindi niya gustong ma-miss ang unang akyat at adventure nila ni Elaine nang magkasama kaya napilitan siyang gamitin ang pangalan ng kanyang ama para madaliin ang approval ng leave.

Hinubad ni Elaine ang suot na jacket. Iniabot sa kanya. Nagulat pa siya nang sa halip na inumin ang tubig, ibinuhos nito ang laman niyon sa sarili.

“You should have drunk it. Ang pawis mo…”

“You and your medical beliefs. Nag-iwan ako nang kaunti. Inumin mo habang malamig pa,” sabi nito, ibinalik sa kanya ang bote ng tubig na may lampas kalahati pang laman.

“Inumin mo na. I still have one bottle inside my bag.”

“Kakainom ko lang din,” sagot nito. “Tara na.”

“Magpahinga ka muna,” pigil niya.

“Ayoko. Gusto ko nang makababa agad para maitayo mo na ang tent sa harap ng dagat.”

“Marami pa tayong oras. Kung gusto mong mag-extend ng isa pang gabi, puwede pa.”

Hinatak niya ang hood ng suot na jacket ng dalaga nang akmang mag-uumpisa na naman itong maglakad uli. Napabalik si Elaine. She glared at him.

“Mahaba pa ang oras, magpahinga ka muna.”

“Baka maunahan tayo ng ibang campers na magtayo ng tent—”

Habang biyahe, narinig niya itong nagtatanong kay Danielle kung saan ang pinakamagandang parte ng isla magandang itirik ang tent, iyong hanggang maaari ay malayo sa ibang campers.

“Jesus, why are you so into that spot? Napakaluwang ng isla.”

Elaine raised her eyes at him. Kumunot ang noo niya nang ngumisi ito. “I’d like to do it with you there. Ayaw mo pa? Tara na.”

Amused na humalakhak si Tan, pinisil ang ilong nito. “Silly,” sabi niya, saka mahigpit na hinawakan ang kamay nito at iginiya paupo sa malaking katawan ng puno na nasa gilid ng daan.

Pasado alas-diyes na ng umaga nang marating nina Elaine at Tan ang Anawangin Cove. Sina Danielle at Gian na parehong experienced hikers ay may ilang minuto nang nauna sa kanila sa isla. Nakapagtayo na ang mga ito ng tent at naghahanda na ng tanghalian nang abutan nila. Dahil weekend, medyo marami-rami ang nagka-camp.

Disappointed si Elaine. Tama ang hinala niya. May nauna na nga sa kanila sa lugar na pinlano niyang pagtirikan ng tent.

They ended up setting up their tent just a few meters away from Danielle and Gian’s. Sa loob ng tent, nagpalit si Elaine ng swimwear. It was a two-piece bikini na ibinigay ni Danielle noong nakaraang buwan sa kanya.

Hindi siya nagbibiro nang sabihing gusto niyang gawin ang bagay na “iyon” sa tent kasama si Tan. They’d been together for months now. But they hadn’t done “it” yet dahil palagi na ay umiiwas ang boyfriend. Hindi niya kukuwestiyunin ang pagkalalaki nito, she was sure he wanted her as much as she wanted him.

She could feel him rock-hard every time they kissed. Titigan pa nga lang, dinig na niya ang mabigat nitong hininga. Hindi lang niya maitindihan kung bakit each time, kailangan nitong magpigil. Doon din naman sila papunta dahil wala siyang balak pigilan ito sakaling isang araw, hingin na nito ang kanyang pagkababae.

Sa edad na beinte-uno, wala pa rin siyang pinagbibigyan ng sarili. Men would not dare touch her—dahil hindi siya ang uri ng babaeng papayag na hawak-hawakan lang ng kung sinong lalaki. But Tan was different. Tuwing malapit ito sa kanya, tuwing naaamoy niya ang mainit at mabango nitong hininga, pakiramdam niya ay nagra-riot ang mga paruparo sa kanyang sikmura. Tan was like a god. He had this kind of charm that could make every woman’s knees melt and heart race all at the same time.

And Elaine missed him a lot. Ilang araw din silang hindi nagkita dahil nasa ospital buong linggo si Tan. Though they kept their communication open, hindi pa rin iyon sumapat sa kanya. She was very excited to see him kaya nga masayang-masaya siya nang malaman na makakahabol sa camping trip na iyon ang lalaki. Her heart skipped a few beats nang sa wakas ay makita itong bumababa ng kotse. Pero bukod sa halik sa noo, paghapit sa katawan niya at paminsan-minsang mabilisang halik sa mga labi, wala na itong mas intimate na bagay pang ginawa sa kanya. Habang siya, kung ano-ano na ang pinlano.

Siyempre, disappointed siya nang kaunti. Kung puwede lang solohin si Tan sa loob ng natitira nilang oras sa suite, ginawa na magamot lang niya ang sobrang pagka-miss dito. She wanted him now more than ever. She wanted to surrender herself to him. Patunayan dito kung gaano niya ito kamahal—na wala siyang ibang gustong pagbigyan sa sarili kundi ito lang, palagi. And if he wanted to do “it” tonight, inside this very tent, hindi siya tatanggi.

Muling chineck ni Elaine ang sarili, nagbuga ng hangin bago nagdesisyong lumabas na ng malaking tent. Palabas na siya nang pumasok naman si Tan sa loob. Ginandahan niya ang pagkakangiti. Nakita niyang saglit itong natigilan pagkakita sa suot niya.

“So, how do I look?” she asked and placed one hand on her waist na parang isa siyang kandidata sa Miss Universe pageant.

Bumaba ang tingin ni Tan mula sa kanyang mukha. When his eyes moved down to her breasts, hindi niya ipinahalatang natensiyon siya. He was not doing anything yet but just his intense gaze, she could almost feel frisson of emotions starting to rush through her.

Nagtagal pa nang kaunti ang titig ni Tan sa dibdib niya na natatakpan ng kapirasong tela. Pero sa halip na bumaba pa ang mga mata, umakyat ang titig nito pabalik sa kanyang mukha. Pagkatapos, tumalima ito at inabot ang bag.

Pinigilan ni Elaine ang pagbangon ng excitement sa dibdib. Dear God, condom na ba ang hinahagilap ni Tan sa hiking backpack nito? Hindi pa madilim. Mapapaaga ba ang pagsuko ng gangster ng Parañaque sa doktor ng Quezon City?

Pero wait, paano nila iyon gagawin? Baka mayamaya lang, sumungaw si Danielle o si Gian para tawagin silang maligo o mag-picture-taking. Bukod pa doon, buhay na buhay pa ang mga turista sa paligid. Talking about wrong timing, she groaned.

Ah, bahala na. Puwede naman siguro niyang busalan ang bibig para walang makakarinig sa ungol niya o halinghing. Pero condom at unang beses nilang gagawin iyon? What was this good-looking jerk thinking?

“Tan, first time ko… Ayoko ng cond—”

Natigilan siya sa sinasabi nang bumaling uli sa kanya ang binata. Kumunot ang noo niya nang abutan siya nito ng hiking shorts.

“Para saan ito?”

“Isuot mo. The bikini’s too revealing, ayokong makakuha ng kaaway sa bakasyon natin. Come out when you’re ready. May lake sa dulo, pi-picture-an kita doon habang wala pa masyadong tao.”

Inalis ni Elaine ang pagkakahawak sa kanyang baywang. She came all the way here to seduce this man pero step one pa lang, nalalabuan na siyang magtatagumpay.

Bago pa makapagprotesta, mabilis nang nakalabas ng tent ang lalaki. Napakamot siya sa kilay. Bakit ba siya nagsuot ng two-piece kung papatungan din naman ng hiking shorts? Gayunman, nakalabing isinuot niya iyon at sumunod dito.

They took a lot of photos, nakalimutan saglit ni Elaine ang disappointment. Nabuhay lang uli iyon bandang alas-tres ng hapon. Nasa dalampasigan sila ni Danielle habang sina Gian at Tan, nag-uumpisa nang mag-brainstorming kung ano ang ihahandang pagkain sa hapunan. Pareho sila ni Danielle na walang alam sa pagluluto kaya ang dalawang binata ang incharge doon.

Busy si Danielle sa pagtatampisaw sa tubig samantalang si Elaine, nakaupo paharap sa palubog na araw habang nakikipagdiskusyon sa sarili. She was quietly planning something para matuloy na ang dapat ay matagal nang nangyari. Mabilis malasing si Tan at may dalang whiskey si Gian. The first time Tan got drunk, naalala niyang hinalikan siya nito—na dahilan kung bakit naging sila noon.

But he could not remember kissing her nang magising ito kinabukasan. Paano kung makalimutan din nito ang nangyari sa kanila? Baka hindi lang tadyang nito ang baliin niya. Napangiwi siya sa naisip. She could not do that to him.

Three or four shots of whiskey—ilang shots nga ba ang ginawa nito noon bago nalasing? Nang hindi maalala, she decided to go with two, baka kasi lalong walang mangyari kung mana-knockout ito.

Ganoon pa rin ang nasa isip ni Elaine nang lumapit sa kanya si Tan. Tumayo ito sa gilid niya. Tiningnan niya kung anong bagay ang iniaabot nito sa kanya. Sunblock lotion.

“Mainit pa ang sikat ng araw. Baka ma-sunburn ka,” sabi nito, hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Kaagad na may kumislap na ideya sa isip ni Elaine. Perhaps she needed to set up the mood first. Parang sa boxing, warm up muna bago ang main event.

Tiningala niya ito. “Punta tayo sa tent, Tan. Puwede mo ba akong lagyan ng lotion doon? Sa buong katawan?” tanong niya, pinapungay ang mga mata at tuluyan nang nilunok ang natitirang hiya.

Napatingin sa kanya ang lalaki. “May iniwan akong barbecue sa grill. Baka masunog,” sagot nito.

Nabura ang ngiti sa mga labi niya. Uunahin pa nito ang barbecue? “Nandoon si Gian.”

“Maliligo siya mamaya lang.”

Tumalim ang tingin niya sa binata. “Is making love with me very much to ask, Dr. Tan De Marco? Umamin ka na nga sa ‘kin. Ayaw mo na ba sa ‘kin? Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako papasang sexy sa standard n’yong mayayaman? Ah, oo nga pala, doktor ka. Sanay ka nang nakakakita ng hubad na katawan.”

“That’s unfair…”

“Unfair? Ikaw ang unfair, Tan. Ikaw lang ang kilala kong palay na tumatanggi sa harot ng desperadang manok. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Mag-strip dancing sa harap mo?”

Elaine heard him laugh softly. She looked at him, glaring. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Tan but she could still see his dark eyes dancing in amusement.

“Kung ayaw mo, mag-break na lang tayo para makahanap ako ng boyfriend na susundan ako sa tent para gawin ang gusto kong gawin!”

She bit her tongue. She did not mean that. Pero naiinis siya. Tan was making her feel desperate and unattractive. Akmang tatayo siya sa kinauupuan para mag-walkout pero maagap siyang napigilan ni Tan. Huminga ito nang malalim, naupo sa tabi niya. He looked hurt sa kanyang huling sinabi.

Na-guilty si Elaine. Why was she so immature? Bago pa siya makapagsalita para bawiin ang sinabi, kinuha na nito ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang dalhin nito iyon sa matigas na bagay na obvious na nakaumbok sa pagitan ng sarili nitong mga hita. Mabilis niyang binawi ang kamay nang maramdaman ang pagkislot niyon. Pakiramdam niya, ang init-init ng mukha niya—as warm as Tan’s hard erection bagaman natatakpan pa iyon ng shorts.

“Scared?” he asked, passion and desire were burning in his eyes. Naumid si Elaine. “Simula nang makita kita kaninang madaling-araw, hanggang sa mga oras na ito, hirap na hirap na akong kontrolin ang sarili ko,” he said, his voice deeper and huskier than usual. “Stop seducing me for your own sake, sweetheart. Gahibla na lang ang pagtitimping mayroon ako para hindi ka angkinin dito mismo sa harap ng dagat, ngayon din. Kahit marami ang nakatingin.”

Lumunok siya. Pakiramdam niya ay pulang-pula ang kanyang mukha. Titig na titig sila ni Tan sa isa’t isa. Malakas ang tibok ng pusong naririnig niya na nagdududa siya kung puso nga lang ba niya ang kumakabog o sumasabay ang kay Tan.

He sighed, napansing naestatwa na siya. “See, you aren’t even ready for this yet.”

“I-ilang linggo na ‘kong nanonood ng porn… Maraming porn…”

Tan gave her an amused smile. The expression on his face became gentler bagaman makikita pa rin ang pagiging seryoso at pagnanasa sa matiim na titig nito. “That and what I am going to do with you when the right time comes are two different things, Elaine.”

“Na-miss lang naman kita… Kaya ako nagkakaganito…” pag-amin niya. Gusto niyang magbawi ng tingin pero hindi niya magawa. Nakakapanghina ng tuhod ang klase ng titig ng binata.

“And I’ve missed you, too, so much. Walang minuto o oras na hindi,” sagot nito sa sinserong tono.

Tan traced her eyebrows with the pad of his thumb before his gaze fell and lingered on her slightly parted lips. The warmth of his breath was inviting and destabilizing—weakening her very core.

When he claimed her mouth, she shut her eyes close. Wala siyang pakialam sa mga taong maaaring makakita sa kanila, she could only focus on how soft Tan’s lips felt against her mouth.

Lumunok si Elaine nang pakawalan ni Tan ang mga labi niya. Kinabig siya nito payakap.

“Tan, I did not mean what I said earlier…” anas niya.

He nodded. “I know. Don’t ever think even for a minute that you are undesirable, Elaine. Kahit ilang dekada pa ang magdaan, you’ll remain beautiful and desirable in my eyes,” sabi nito, hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “But I love you and respect you as much as I want you. You can call me old-fashioned or what pero dadalhin muna kita sa altar bago ko gawin ang lahat-lahat ng gusto kong gawin sa ‘yo. I will make love with you for sure in wild abandon—sa tamang lugar, sa tamang oras… sa ilalim ng pulang mga rosas.”

Pakiramdam ni Elaine, hinahaplos ang puso niya sa narinig. Sabay silang tumalima paharap sa unti-unting lumulubog na araw. Nilingon niya ito nang maramdamang niyuko siya nito. They smiled.

Tan kept his words. He took her with gentleness, passion, and respect on a bed full of red roses on the night of their wedding—sa literal na kahulugan niyon.