Special Chapter

One

Handcuffed

(Continuation of Chapter Thirty-three)

Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina. 

Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.

Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.

“I’m treating you for a bottle of whiskey. But you don’t even know how to drink,” sabi nito, iniusog ang baso ng whiskey sa tapat niya bago dinampot ang basong para sa sarili at isinandal ang likod sa upuan.

Back then, hindi lang dahil mapait o masama sa katawan ang alak kaya niya iyon iniiwasan. Elaine was a heavy drinker but would get drunk and wasted nonetheless. Walang mag-aalaga sa asawa kung dalawa silang malalasing.

Kung siya naman ang malalasing, it would be a disaster. The first time he got himself drunk, hinalikan niya si Elaine for the first time. Gusto siya nitong patayin kinabukasan nang aminin niyang wala siyang maalala. But that made her his wife, so, no harm done.

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Tan sa naalala pero kaagad siyang pumormal nang tumikhim ang kaharap na nakita ang pagngiti niya. Inalis ni Marco ang sarili sa pagkakasandal sa upuan, seryoso ang ekspresyon ng mukha nang salubungin ang tingin niya.

Si Marco ang naunang nagbawi ng tingin. Nilinga nito ang palagid. “Do you know why I chose this place?”

Hindi siya sumagot pero naghihintay siya sa sunod nitong sasabihin.

“Dito ko unang nakita uli si Elaine pagkatapos niyang mawala nang mahabang panahon noon.”

Kagaya kanina, Tan did not reply. Kilala nito si Elaine noon pa pero hindi niya sigurado kung saang banda ito unang pumasok sa buhay ng asawa. Gayunman, naniniwala siyang may utang-na-loob siya sa kaharap. Naroon ang lalaki noong mga panahong wala siya sa tabi ni Elaine.

“Elaine was sitting there all alone…” Itinuro ni Marco ang bar counter. Sinundan niya iyon ng tingin. “Sa parehong puwestong inookupa mo tuwing nagpupunta ka dito. Mag-isa ka man o kasama ang kakambal mo.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Tan.

“I’ve been looking for your wife pero ni minsan, hindi ako naging interesado kahit katiting sa naging buhay mo.” Marco’s mouth twisted in a wry smile. He must be a mind reader or something. “Elaine had been through a lot for protecting you and your family’s name. I keep thinking, kung naging ordinaryong tao lang ang asawa ni Elaine, baka hindi niya kailangang danasin mag-isa ang lahat ng dinanas niyang sakit. Her pain wouldn’t be as agonizing as it was kung may isang tao siyang napagsabihan at ‘yong taong iyon nakinig, pinrotektahan siya at hindi pinabayaan. After all, iyon naman talaga dapat ang pinakaunang silbi ng asawang lalaki sa kanyang asawa, hindi ba?”

Right. Pumait ang panlasa ni Tan. Aminado siya, he failed miserably in his promise to stay by her side and protect her.

“Her husband was a good for nothing bastard who could not obviously do it. So, must I?” sabi nito. His now intense gaze fixed on his face. Kagaya niya, hindi rin nagbabawi ng tingin si Marco kahit nang bahagyang magtagis ang kanyang mga bagang sa pagkakatitig dito. “I told myself I’m going to take good care of this woman. I’m going to love her twice as much as she deserves the love. Buburahin ko sa alaala niya ultimo unang letra sa pangalan ng asawa niya. That and more.”

Tinungga ni Marco ang alak sa baso nito. Ganoon din ang ginawa ni Tan. It surprised him, hindi niya malasahan ang pait ng alak. Mas dama niya nang daan-daang doble ang sakit ng katotohanan.

Every word this jerk said hits home. Kung nakakasugat lang iyon, kanina pa siya namatay sa blood loss. Dapat kanina pa niya ito sinusuntok. Baka kung masasapak niya ay tumahimik ito. Pero nakakapagtaka, pakiramdam kasi niya ay dapat lang ang mga salitang iyon sa kanya. He deserved to hear more insulting truth. Baka sakaling gumaan kahit paano ang pakiramdam niya.

“But then no matter how hard I tried, sa dulo, hindi pa rin ako ang pipiliin ni Elaine. Not in this lifetime, probably not even in the next,” he said, his smile bittersweet. He left out a deep sigh.

Bahagyang-bahagya, lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Tan.

“I’m not giving her up dahil alam kong wala akong laban sa tao na totoong mahal niya. I’m letting her go dahil alam kong sa ‘yo siya mas magiging masaya. But let me warn you, oras na makita ko siyang umiiyak nang dahil sa ‘yo, hindi ako magdadalawang-isip. Mang-aagaw na kung mang-aagaw, whatever you people call it, I’ll steal her away from you. Sa susunod, hindi ko na hahayaang tadhana ang masunod.”

A wry smile briefly touched the corners of Tan’s mouth. Dinampot niya ang bote ng whiskey. Siya na mismo ang nagsalin sa baso ni Marco bago nilagyan ng laman ang sa kanya.

“Wala ka man lang bang sasabihin? Aren’t you going to punch me on the face?” sabi ni Marco. “I’m ready for it.”

Ngumisi siya. Itinaas ang baso sa harap ng lalaki bago iyon inilapag sa harap nito. Never had he met someone as bold as this one. 

Tumikwas ang kilay ni Marco nang maluwang niya itong ngisian.

“What for? Kapag nabasag ang mukha mo, lalo kang hindi magugustuhan ng asawa ko. Drink up.”

Ilang minuto lang ang lumipas, nakayupyop na si Tan sa mesa.

Naiiling na tinungga ni Marco ang natitirang alak sa baso. Tumayo siya at dinukot ang wallet sa likod ng kanyang jeans. Nag-iwan siya ng pera sa mesa, saka sinubukang gisingin ang lalaki. Pero umungol lang ito. Huminga siya nang malalim. Inalalayan si Tan na tumayo at maglakad hanggang sa makalabas sila ng bar.

Nagbuga ng buntong-hininga si Marco nang sa wakas ay maisakay niya si Tan sa unahan ng kanyang kotse. Tulog na tulog pa rin ang lalaki. Namaywang siya. Gustong pangaralan ang sarili. Bakit ba niya ito niyaya-yaya ng inuman? Tinulugan na siya nito wala pang isang oras silang nagtatagal sa loob ng bar.

Umikot siya sa driver’s seat matapos kabitan ng seat belt ang lalaki.

Bago mag-alas-diyes ng gabi, ipinaparada na ni Marco ang kotse sa harap ng inuupahang bahay nina Elaine at Tan. Huminga uli siya nang malalim.

Kinapa niya ang susi sa coat ni Tan. Pero bukod sa susi, isang maliit na box pa ang nakapa niya. Huminga siya nang malalim. Kahita iyon na kahit hindi niya buksan, alam na niya kung ano ang laman.

Sinulyapan ni Marco ang lumang bahay na nananatiling walang ilaw at madilim. Mukhang kailangan niyang agahan ang pagbitaw kay Elaine.

He opened the car door on his side and got off. Pinagbuksan niya ng pinto si Tan. He groaned and then took a deep sigh. The bastard was still sleeping and that would mean he was twice heavier. But he was the only man he knew who could fix the fragmented heart of the woman he ever loved. Kahit triple pa ang bigat nito kung kapalit naman ang kaligayahan ni Elaine, he was more than willing to carry him and tuck him in bed.