Chapter Thirty-seven

Letting Go

Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.

Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.

“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para akong gagong laging pinipigilan ang sarili ko… Dahil alam kong kahit ano’ng gawin ko, kahit ano pa ang isuko ko, kahit anong pilit kong pagtuyo sa mga luha mo, hindi pa rin ako ‘yong taong magpapasaya sa ‘yo. But if it isn’t too much to ask, please don’t tell me to stop liking you. If we aren’t made for each other in this lifetime, may sunod na lifetime pa. Malay mo sa susunod, pumayag na ang tadhana.”

His expression was soft, sincere, and hopeful na hindi niya mapigilan ang pangingilid ng mga luha. He was a dear friend. Alam niyang sa likod ng mga ngiti nito, nasasaktan ang binata.

Bumaba ang tingin ni Marco sa nakadapang katawan ni Jack sa semento. “He’s still alive, is he not?”

Napangiti si Elaine. Suminghot siya. Mabilis na pinalis ang luha para itago kay Marco na bumunot na ng posas.

“Tatawagan ka namin sa progress. Matagal na talagang wanted ang lalaking iyon at matagal na siyang minamanmanan nitong si Figueroa.”

Tumango si Elaine. Sinulyapan niya si Marco na inihatid sa selda si Jack Gusto na sa loob na ng mobile nagkamalay. When Jack jabbed out the knife he was holding, attempting to stab her, reflex kicked in and Elaine was able to duck forward. She gave him a three hundred sixty tornado kick na tumama sa panga nito bago pa ito makabawi nang tuluyan.

Noon niya higit na gustong ipagpasalamat ang pagtitiyagang matuto ng tae kwon do noong kabataan. Gamit ang sling ng kanyang bag, itinali niya ang kamay ng lalaki patalikod. She didn’t press any charges before pero sa pagkakataong iyon, gagawin niya ang lahat maipakulong lang ito.

Tumayo si Elaine nang matapos na ang imbestigasyon. Hinagilap ng mga mata niya si Marco pero hindi niya ito makita. She sighed. She walked towards the door matapos magpaalam nang tuluyan sa imbestigador.

Noon lang niya naalalang ipaalam kay Tan ang nangyari. Kinuha niya ang cell phone at akmang ida-dial ang number ng asawa nang huminto sa harap ng presinto ang pulang sports car ni Marco.

Sumilip siya nang ibaba ni Marco ang bintana ng sasakyan nito. Hindi siya nagkamali, he was wearing his usual playful smile.

“Get in. Naghihintay ang asawa mo.”

Kinabig ni Elaine pabukas ang pinto ng kotse, saka sumakay.

Huminga nang malalim si Tan. Kung ilang beses niyang tsinek ang oras sa suot na wristwatch, hindi na niya matandaan. May ilang oras na siyang nakauwi. Hindi siya mapakali ni saglit nang maabutang wala si Elaine. Nakalimutan niyang kunin ang number ni Drew.

He was about to leave para pumunta sa bistro ni Mang Chito at siguruhing naroon si Elaine nang tumunog ang cell phone niya. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang pangalang rumehistro sa screen.

The guy who’s going to steal your wife ang naka-save doon. When did the bastard use his phone? Mabilis niyang sinagot ang tawag.

“Hello?”

“I’m with your wife. Come out in ten minutes, malapit na kami. Ah, don’t use the trash bin as an excuse para abangan kami.”

Naumid si Tan. Napayuko bago napailing na lang. Lumabas siya ng bahay at hinintay ang pagdating ng dalawa. Mayamaya lang, pumarada na ang kotse ng pulis sa harap niya.

Kumakabog ang kanyang dibdib habang hinihintay niya ang pagbaba ni Elaine mula sa kotse ni Marco. He missed her at marami siyang dapat ipaliwanag dito.

Sinalubong niya si Elaine. Possessively, hinapit niya ang asawa.

“What an eyesore,” reklamo ni Marco na nakababa na rin pala ng kotse. Nagbuga ito ng hangin. “I’m leaving. Make sure to take care of her.” He glanced at her one last time.

“Thank you, Marco,” she muttered.

Ngumiti ang binata, saka sumakay na uli sa kotse at pinaandar iyon paalis. Ilang minuto nang nakahinto sa harap ng gate ng bahay ni Tito Ralph ang kotse ni Marco, pinatay na ang makina, pero nanatili siya sa kinauupuan. Huminga siya nang malalim. Kinuha ang cell phone sa bulsa at idinayal ang number ng kanyang ina.

Maingat na pinahiran ni Tan ng ointment ang sariwa pang sugat ni Elaine sa leeg matapos iyong linisin. Katatapos lang nitong maligo at magbihis. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakaluhod siya sa harap nito.

Nalaman na niya ang nangyari. He regret following her request na ihatid si Janine. Kung nag-insist siya, baka sakaling hindi iyon nangyari.

“It happened because it’s bound to happen,” Elaine answered nang sabihin niya ang nasa isip. “Maigi na ring nangyari ang nangyari, at least matatahimik na tayong lahat.”

Isinara niya ang first aid kit matapos malagyan din ng gamot ang sugat sa ilalim ng mga mata ni Elaine. “Ipinahanda ko na ang mansiyon. We’re going home.”

Ngumiti ito. Tumango. “Si Janine, kumusta siya?”

“Naisipan mo pa siyang kumustahin after what she did?” He sighed. “Naihatid ko siya just as you said.” Pinakatitigan niya ito. “Alam mo ang tungkol sa sakit niya?”

“May idea pero hindi ko alam kung ano ang eksaktong tawag.”

“She’s a sociopath. She was diagnosed when she was fifteen.”

“At ang kondisyon niya ang dahilan kung bakit mo siya niligawan?”

“Exactly eight months ago, pinakiusapan ako ni Director Crisostomo. Naniwala ito sa pangako ni Janine na magpapagamot kung magagawan nito ng paraan na magkalapit kami. Compassion made me do it. And perhaps because I feel indebted to her. Noong mga panahong wala ka, si Janine ang nasa tabi ko.”

Nagyuko ng ulo si Elaine. He smiled. Itinayo siya. Gamit ang kamay nito, itinaas ang kanyang mukha.

“No one’s blaming you, sweetheart. Sinasabi ko lang dahil gusto ko, wala tayong sekreto. Let’s be honest with each other from now on, hmm?”

Tumango siya. Bahagyang ngumiti.

“So, how did you know she’s sick?” tanong ni Tan. Pinakawalan ang baba niya.

“Sometimes it takes a sick person to recognize another sick person.”

He chuckled. “Yeah. I must agree.”

“Few weeks ago, nabanggit ni Janine na alam niya kung saan ako nagpunta sa nakalipas na tatlong taon. Walang nakakaalam niyon maliban sa aming dalawa ni Drew. Then finally, I remembered the old lady who kept on visiting me noong nasa ospital pa ako. It was Mrs. Crisostomo. Hindi ko maintindihan noong una kung bakit tuwing pumupunta si Mrs Crisostomo, pinapalakas niya ang loob ko. Saka ko na lang naintindihan na baka iyong mga encouraging words na sinasabi niya ay hindi talaga para sa akin kundi para kay Janine. Hindi lang niya masabi-sabi dahil masyadong matigas ang puso ng anak. Kung paano nila nalaman na nando’n ako beats me. But it doesn’t matter anymore at ayoko na ring magtanong. Baka masampal uli ako.” Lumuwang ang ngiti niya sa huling sinabi.

“May kaibigan si Mrs. Crisostomo na nagtatrabaho rin sa parehong ospital. He was a mental health practitioner na siyang nag-diagnose kay Janine at gagawa sana ng treatment noon pa.”

That made sense. Pero gustong pagdudahan ni Elaine na baka matagal na ring alam ni Janine na nandoon siya. Sinadya lang nitong ilihim ang katotohanan kay Tan dahil sa takot na mawala ang lalaki rito. Still, she couldn’t blame her.

“Staying in that hospital for almost three years made me think that perhaps we’re all a little bit sick. Hindi lahat ng normal tingnan, walang dala-dala at itinatagong sakit sa kaloob-looban. Nakita ko kung gaano kahirap para sa iba na magdesisyon kung ano ang dapat gawin. Should they seek for help or should they keep denying the fact that they need psychological help? Pero paano ba natin maaampat ang pagdurugo kung hindi natin matanggap-tanggap na mayroon tayong sugat na kailangang gamutin?”

“When was the time you accepted the fact that you need psychological help?”

“Few weeks after my mother died.” Huminga si Elaine nang malalim. May kudlit pa rin sa puso tuwing naaalala ang ina. “At first, paulit-ulit kong hinihiling na mamatay na lang. Pakiramdam ko, sobra-sobra na ang bigat at sakit. Masyadong madilim ang daan at wala akong makitang liwanag. But then I realized that gradually, I was emerging from a very dark tunnel. Sandra helped me a lot at gano’n din si Mrs. Crisostomo. And you.”

Kumunot ang noo ni Tan. “How?”

Ngumiti siya. “I heard the news. Ipinakilala ka bilang fiancé ng anak ng direktor ng AMM Hospital. Stealing you away from her motivated me para madaliin ang paglabas ng ospital.”

“Who’s stealing me from whom? I’ve always been yours,” anas nito. Kinabig siya at isinandal ang ulo niya sa balikat nito.

“Yeah. Thank you for that.”

“Then?” He wanted to listen to her. Kahit pangalawa o ilang beses pa iyong marinig mula sa bibig ng asawa.

“But then as soon as I left the hospital—na parang pangalawang tahanan ko na, saka naman ako nagkaroon ng post-traumatic stress disorder. I keep remembering things I so long wanted to forget. Nonetheless, I’m glad you’re here with me now.”

“Pero bakit mas pinili mong ihatid ko si Janine pagkatapos ng ginawa niya sa ‘yo? What if she steals me away from you?”

“Nope. I trust you.”

Lumuwang ang ngiti ni Tan. Masuyo siyang hinalikan sa tuktok ng ulo.

“But you look a bit awkward with her,” she said suddenly.

Hindi ito makapaniwala. Inilayo siya kaunti sa katawan nito. “Why would you think I was awkward with her?”

Hindi ba? Napakamot ng kilay si Elaine. “Malay ko ba kung noong panahong kayo, nahulog ka sa kanya kahit paano.”

Sa isang iglap, tumayo ito at itinukod ang magkabilang kamay sa gilid niya. She could feel his warm breath against the softness of her skin.

“Nahulog?” he asked, amused.

Kumurap siya. Her heart was beating too fast. “Bagay kayo,” she teased.

Binigyan siya ni Tan ng mabilis na halik sa mga labi. Pero hindi siya nagpapapigil sa simpleng halik lang.

“Mas maganda siya. Mas makinis. May mataas na pinag-aralan. Matalino. Mayaman.”

That earned her another kiss from him. This time, mas matagal, mas mariin.

“Silly, she never did even come close to you,” bulong nito.

Huminga siya nang malalim. Bahagya niyang itinulak si Tan palayo. Hindi yata siya makokontento sa halik lang.

“Mag-uumpisa na ba tayo o bobolahin mo pa ako?”

He laughed and snatched her around the waist at mariing kinintalan ng halik sa mga labi. Pagkatapos, naramdaman niya ang paghawak ni Tan sa kanyang kaliwang kamay. Ang unti-unting paglayo ng mukha nito sa kanyang mukha, ng katawan nito sa katawan niya.

Nagtatanong ang mga matang sinundan ni Elaine ang unti-unting pagluhod ni Tan sa harap niya. Pagkatapos, may dinukot ito mula sa bulsa ng suot na slacks. Nakagat niya ang labi nang makita kung ano ang kinuha nito. Kahita.

Maluha-luha siya nang buksan nito iyon at tumambad sa harap niya ang pamilyar na pares ng singsing. Her wedding ring. Pero paano napunta kay Tan ang singsing?

He lifted a steady gaze at her. “Let’s have a proper wedding, Elaine. Mag-umpisa tayo uli.”

Sunod-sunod ang tango niya. Dumukwang si Tan. Tinuyo ang pisngi niya gamit ang hinlalaki bago siya hinalikan sa pisngi, sa noo, sa tungki ng ilong, at sa mga labi. Naupo ito sa tabi niya, pagkatapos ay humarap sa kanya at maingat na isinuot ang singsing sa palasingsingan niya.

“Paano mo nakuha ang singsing ko?”

“The night before you came home drunk with Marco, pumasok ako sa kuwarto mo para siguruhin na wala kang bote ng beer na itinago. Nakita ko ‘yong singsing sa jewelry box mo. Sorry, I took it without letting you know. Akala ko noon, ibinenta mo na.”

“Iyan lang ang natitira kong alaala sa ‘yo.”

He was silly for thinking she’d sell her ring. Kahit doble sa orihinal na halaga ang offer, hindi niya igi-give up ang simbolo ng pagmamahal ni Tan sa kanya. Madulas-dulas pa siya noon sa pagtakbo sa tiled floor ng ospital para lang mabalikan iyon at mabawi.

“Ang singsing mo—”

Ngumiti si Tan. Isa-isang binuksan ang butones ng suot na long sleeve polo. Her eyes grew wide. Pinigil niya ito sa ginagawa.

“Tan, mamaya na ‘yan. Sagutin mo muna ang tanong ko. Marami pa ‘kong gustong malaman.”

Humalakhak ito. “Silly.” Pinindot ang tungki ng kanyang ilong, saka hinawakan ang kanyang kamay at dinala sa dibdib nito.

Speechless si Elaine nang masalat kung ano iyon. Chain. Pendant. Siya na mismo ang naglabas ng kuwintas sa bahagya nang nakabukas na polo ni Tan.

“The ring kept me going. I never stopped wearing that kahit noong paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi na kita mahal.”

“Why?”

“Old habits die hard, I think. Gusto kong laging nakadikit sa balat ko ang singsing. Hindi ko lang masuot sa daliri dahil magwawala si Janine. At lalo na nang bumalik ka uli.”

Siya na mismo ang yumakap kay Tan but he dragged her onto the bed with him. Her heart fluttered. Ramdam din niya ang dagundong ng tibok ng puso ni Tan nang ilapat niya roon ang palad. He leaned over and kissed her gently as if tasting her, savoring her. She closed her eyes. Though the kiss was light, it still made her hunger for him burn up. Slowly, Tan’s warm lips kissed their way down her neck hanggang sa malalim na pilat sa itaas ng kanyang dibdib. Ang pilat na siya mismo ang may gawa sa sarili.

Nang iniwan ng mga labi ni Tan ang kanyang punong dibdib, dumilat siya. He was staring at her with those love filled dark eyes. He stroked her cheek, then her hair, pushing it gently off her forehead.

“I love you,” he whispered.

“I’ve hurt you,” she replied quietly.

“I love you still.”

“I’m scarred and imperfect and broken…”

“I love you. Broken or whole.”

Nang muling bumaba ang mukha ni Tan sa kanyang mukha, tuluyan nang iniyakap ni Elaine ang mga braso sa batok ng asawa. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang mainit na mga labi nito sa kanyang mga labi.

This was what it felt to be back on his arms again. Pure bliss. Ang mga pilat sa kanyang balat na nagmula sa sugat ng madilim niyang nakaraan, siguradong mananatiling makinis at maganda sa pandama at paningin ni Tan.