Chapter Thirty-six

Broken Souls

But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.

“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.

Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.

Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.

Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.

Perhaps she was a little different but she was still worthy of respect and of dignity. Her painful family background and her past experiences, no matter how dirty it was, would not determine her future. Sisiguruhin niyang iba sa daang tinahak ni Bettina ang daang tinatahak niya ngayon.

Hindi na hahayaan ni Elaine na gamitin ang naging sakit at pinagdaanan ng kahit na sino para manliit siya uli at mawalan ng tiwala sa sarili. Kinuha niya ang kanyang bag sa bakanteng upuan nang manatiling umid ang dila ng kaharap. Pero bago pa siya makaalis, nakita na niya ang pagsugod ni Janine papasok ng restaurant.

Saglit siyang natigilan. The expression on her face softened—kabaligtaran ng nagpupuyos na ekspresyon sa mukha ni Janine.

Hindi niya iniiwas ang mukha kahit alam niyang iigkas ang palad ni Janine para padapuin iyon sa kanyang pisngi. Sa lakas, halos mayanig siya. Hindi pa man nakakabawi, itinulak na siya nito, dinuro. Tinatagan niya ang sarili.

Janine was cussing and swearing like mad but Elaine kept her lips tightly closed. Wala siyang intensiyong saktan ito pabalik—kahit ramdam niyang may kakayahan siyang gawin iyon.

Ang babaeng nasa harap ay hindi ang babaeng kayang magpalingon sa lahat ng taong madaraanan nito dahil sa elegante at kagandahan. This was the real Janine Crisostomo—she was not just the daughter of AMM Hospital director, not just a genius doctor who exceled on almost everything. She was just some woman who looked perfect on the outside but suffering and bleeding from the inside.

Kagaya niya.

Noon.

Elaine clenched her teeth and fists. She allowed the woman to pour out her emotions and use harsh words if that were the only thing she could do to make her feel good.

Sinubukang pumagitna ni Drew—kahit si Mrs. Crisostomo, pinigilan ang anak nito. But Janine totally lost it. Naramdaman niya ang hapdi sa ibaba ng mga mata nang muli siyang sugurin nito. Kung kuko o ang singsing nitong suot ang tumama sa kanya, hindi siya sigurado.

Three years that seemed like eternity, suot-suot niya ang sapatos na suot din ni Janine.

Elaine knew the feeling bagaman magkaiba sila ng pinagdaanan at sakit. She knew how dreadful it felt when she was there all alone stuck in the middle of a long and dark tunnel carrying loads of self-blame, worthlessness, and guilt.

Maraming beses niyang ginustong sumuko. She attempted to harm herself a couple of times believing her pain would end if she would end her life but she failed each time. Hanggang unti-unti, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ihakbang ang mga paa para palayain ang sarili.

She didn’t want to get stuck in that lonely and scary tunnel anymore. She wanted to free herself from all the heartaches na naging hadlang sa kanya para maging maligaya uli.

Yet Janine who refused to get help was still in there. At hindi panghuhusga ang kailangan nito kundi compassion at pang-iintindi.

“Janine, hija. Tama na.” Si Mrs Crisostomo na luhaan na.

“Fight back, you stupid bitch!” angil ni Janine na parang walang narinig. Akmang hahablutin siya uli nito nang mula sa kung saan, humarang ang likod ng isang lalaki. Dumapo ang palad ni Janine sa likod ng bagong dating.

Umawang ang bibig ni Elaine nang makilala si Tan. Nagtagisan ang mga bagang nito nang makita ang namumula niyang pisngi at ang sugat sa ilalim ng mga mata. Before she could say anything, mahigpit na siyang hinawakan ni Tan sa pupulsuhan habang si Janine naman ay itinulos sa kinatatayuan.

Iginiya siya ni Tan papunta sa exit door ng restaurant kasunod ang natatarantang si Drew. Pero bago sila tuluyang makalabas ng pinto, humabol si Janine. Nahawakan nito si Tan sa kamay. He stopped walking, he swung around and met Janine’s angry gaze.

Pero natigilan ang babae nang makita ang galit na ekspresyon ni Tan. Habang si Elaine, hindi alam ang gagawin. Naramdaman siguro ni Tan, humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay.

Tiningala niya ang asawa. Namumula ang mukha nito, bahagyang nagtatagis ang mga bagang, pero nagpipigil ng galit at pinipilit maging kalmante sa kaharap.

“I’m taking my wife with me,” sabi nito, diniinan ang salitang wife. “Rest and go home.”

Napalunok siya at napatitig kay Janine na nananatiling matigas ang ekspresyon ng mukha.

“I’ll kill myself if you leave me. If I die, it’s going to be your fault,” sabi ng babae na nagpahugot ng malalim na hininga kay Tan at nagpakurap sa kanya. She bit her tongue. May pakiramdam siya na may ideya ang asawa sa sakit ni Janine.

“You will never be happy with that woman, Tan. Ako ang dapat na pinipili mo at hindi ‘yan! Why? What is so good about her? Hinuthutan ka niya ng pera, nagsinungaling siya sa ‘yo.”

“Janine, hija. Halika na. Umuwi na tayo.” Si Mrs. Crisostomo na akmang igigiya ang anak pero pumiksi ito.

“Uuwi lang ako kung si Tan ang maghahatid sa akin pauwi!” singhal nito. “Tan, ako ang piliin mo. This time, choose me for real.”

Kinalas ni Elaine ang kamay ni Tan na nakahawak sa kamay niya. Kunot na kunot ang noo, napatitig ito sa kanya. “Iuwi mo muna siya. Sasabay ako kay Drew. Magkita tayo sa bahay.”

“Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang sasamahan ko.”

“Sa bahay,” she said at pinilit ngumiti.

“Elaine…”

Mahigpit niyang pinagsalikop ang mga kamay sa likuran nang akmang huhulihin uli iyon ni Tan. She raised her eyes at him, nakikiusap ang tingin.

He left out a sigh of frustration, nabasa ang gustong ipakahulugan ng titig niya. Nagbawi siya ng tingin. Hindi na niya sinubukang sulyapan si Janine, alam niya kung ano ang ekspresyon ng mukha ng babae. She probably was smiling devilishly thinking she won against her.

Lumakad si Elaine papunta sa labas ng restaurant, kasunod si Drew na halos manakit ang talukap ng mga mata kakairap sa mag-inang naiwan.

Itinigil ni Tan ang sasakyan sa harap ng mansiyon ng mga Crisostomo. Sinulyapan niya si Janine na nakahalukipkip sa pagkakaupo sa tabi ng driver’s seat.

Huminga siya nang malalim. Itinulak pabukas ang pinto ng kotse at umikot sa kabila para pagbuksan ito ng pinto.

Patamad na kumilos si Janine. Tinanggal ang seat belt at bumaba. “Stay for tea,” she said. Sa tonong nag-uutos imbes na nag-iimbita.

“I’m leaving. My wife’s waiting for me.”

“Are you still angry?” tanong nito sa flat na tono. As usual, wala siyang regret na nababasa sa ekspresyon ng mukha nito. “Because of that woman you’re angry with me.”

Tan sighed. “Pumasok ka na sa loob.” Akmang tatalikod na siya pero muli itong nagsalita.

“See? This is all her fault. Kung hindi siya bumalik, hindi sana tayo nagkakagulo—”

“It’s her I love. Understand that,” putol niya sa sinasabi nito.

Tumalim ang tingin nito. “And what about me?”

“I made it clear right from the start. Wala kayong aasahan sa akin. Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit.”

“No. Ako ang kailangan mo, Tan. Hindi si Elaine! That woman is a two-faced whore. Ipinagpalit ka niya sa pera, nakalimutan mo na ba? Ako, hindi ko gagawin sa ‘yo ‘yon. Mahal kita.”

He took a deep breath. Gusto niyang hilingin na kahit iyon lang sanang katotohanan na si Elaine ang mahal niya ay maintindihan ni Janine. But it was impossible to put sense into her brain. Walang pinakikinggan ang babae kundi ang sarili.

Halos hindi siya makahinga kanina nang makita na dalawang beses dumapo sa pisngi ng asawa ang palad ni Janine. Elaine’s face was all red he wanted to wring Janine’s neck.

“I’ll take my leave. Pumasok ka na sa loob.” At nag-umpisa na siyang lumakad pabalik sa kanyang kotse.

“Ang ginawa ko kanina sa babaeng iyon, she deserved it! Gagawin at gagawin ko uli hangga’t hindi niya tayo pinatatahimik!”

Napabalik si Tan sa narinig. He shut her up with his angry gaze. “Ang ginawa mo kanina sa asawa ko, sisiguruhin kong iyon na ang huli. Don’t ever come near my wife or try to hurt her again. God help me, but I’m going to make you pay.” The hostility in his voice and the expression of his face was unnerving.

Hindi nagawang sumagot ni Janine.

Itinuloy niya ang pag-ikot sa driver’s seat. Huminto ang kotse ni Mrs. Crisostomo sa tabi ng sasakyan niya.

“Tan, let’s talk.”

“I’ve done everything I can, Mrs. Crisostomo. Oras na para gawin n’yo naman ang parte n’yo. Your daughter needs psychological help. Hindi ako ang kailangan niya, kayo.”

“Ma’am, saan ho ba talaga tayo? Kung iikot ako nang iikot, masasayang ang gas ko.”

Ilang ulit iyong tinanong ng driver ng taxi na kinasasakyan ni Elaine bago tuluyang nakuha ang atensiyon niya. Napangiwi siya. Sa lalim ng iniisip, hindi niya napansing nakailang ikot na sila.

“Ibaba mo na lang ako dito, Manong. Pasensiya na ho.”

Nakabusangot na ang driver kaya maiging bumaba na siya kaysa lalo itong mabuwisit sa kanya. Tutal ilang metro na lang ang layo ng kinaroroonan niya sa bahay na inuupahan, lalakarin na lang niya.

Mabilis siyang bumaba ng taxi matapos manghingi uli ng pasensiya at mag-abot ng bayad. Nag-uumpisa na siyang maglakad nang tumunog ang cell phone niya. Si Marco ang tumatawag.

“Where are you?” he asked. “Huwag ka munang uuwi—”

“Too bad, malapit na ‘ko sa bahay. Why do you—”

“Kung nasa kotse ka pa, iikot mo ang sasakyan. Hintayin mo ‘ko sa may park. No, pumunta ka sa mataong lugar.”

Kumunot ang noo ni Elaine. She could sense the worry and frustration in his voice. Kinutuban siya. “Why? Hindi ko dala ang kotse. Malapit na ‘ko sa bahay. Naglalakad na—”

Nabitawan niya ang cell phone nang mula sa kung saan ay may kamay na marahas na humablot sa kanyang braso. Napasandal siya sa sementadong pader nang itulak siya roon ng lalaki. She lost her chance to scream when the man pulled out a knife and held it against her throat.

“Sumigaw ka kundi papatayin kita.”

Her eyes widened. She gasped. Kilala niya ang lalaki—ang pintor na muntik na siyang pagsamantalahan mahigit isang buwan na ang nakararaan!

Kaya ba tumawag si Marco ay para balaan siya tungkol kay Jack? Totoo kung ganoon ang sinabi ni Gigi na hindi tumitigil ang pinsan nito hangga’t hindi naipapakulong ang lalaki.

Nakasuot si Jack ng sombrerong itim at jacket. Ang kutsilyong hawak nito, ramdam niyang nakabaon nang kaunti sa kanyang leeg ang talim. Humahapdi ang parteng natututukan nito ng patalim.

Elaine was expecting herself to freeze in panic and fright kagaya ng madalas na mangyari. But aside from her increase heart rate and adrenaline, she was surprised to have found herself calculating and planning how to escape. Was she tired of playing dead tuwing nasa ganitong sitwasyon?

It didn’t matter.

Mahigpit niyang hinawakan ang handle ng bag. She was certain, ang dalawa sa 3F’s lang ang pagpipilian niya ngayong gabi. It was either she would fight or flee. Freeze would never be an option again.

“Fuck!” Marco muttered in frustration. Mabilis siyang bumaba ng kotse. Tinakbo ang may-kadilimang kalye para hagilapin si Elaine. Hindi niya maipapasok ang sasakyan sa makipot na kalsada kung naglalakad nga ito. Sa shortcut madalas na dumadaan si Elaine tuwing naglalakad ayon kay Gigi.

Pakiramdam ni Marco, sinisilihan ang sikmura niya. Gusto niyong bumaligtad sa pag-aalala nang makumpirma at marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya.

He needed to keep Elaine safe. Huli na ba siya? Gusto niyang murahin ang sarili sa naisip. Binilisan niya ang pagtakbo. Sinuyod ang dalawang unang kalsada at sinigurong wala si Elaine doon bago lumipat sa pangatlo.

His heart was beating so fast as if it was hammering its own way out. He was worried and scared something bad might happen to Elaine.

But then, he saw her. Nasa gitna ng makipot na kalye. Nakayuko sa lalaking walang malay na nakahandusay sa kalsada.

Relief flooded his handsome face. Tumaas-baba ang kanyang dibdib. Ang kaninang halos pang-marathon na takbo, bumagal hanggang sa nauwi iyon sa mabagal na paghakbang.

Nakita niya nang damputin ni Elaine ang cell phone sa sementadong daan. She was not trembling or panicking like the last time.

It was a relief.

Marco saw her typed something in her phone bago iyon dinala palapit sa tainga. Huminto siya sa paglalakad. His eyes fixed on her.

Hindi pa rin siya nito nakikita, siguro dahil madilim sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya sigurado. Ang alam lang niya, sa kabila ng pagtaas-baba ng dibdib dahil sa pinaghalong adrenaline at takot kanina, bumabaha ng kaluwagan ang puso niya ngayong nakumpirma na hindi nagtagumpay si Jack Gusto sa masamang balak.

Nag-ring ang cell phone niya. His heart started to race again. Napalingon si Elaine sa kinaroroonan niya. Narinig siguro ang ringtone niya.

She smiled a little when he saw him. Halos sabay silang humakbang at halos sabay ring huminto nang halos isang metro na lang ang pagitan sa isa’t isa.

“You had me worried,” he said. His eyes roaming her face, gustong siguruhin na wala itong galos kahit kaunti.

Elaine’s smile was faint as they held each other’s gazes. Marco could fathom why there were unshed tears of gratitude and loneliness in her eyes. She kept staring back at him na parang gusto nitong sabihing…

“Stop liking me. Just look how unfair my heart is. Binigyan mo ‘ko ng isandaang rason kung bakit dapat lang na tumakbo ako sa mga bisig mo. Pero natalo ang mga iyon ng nag-iisang rason kung bakit hindi ko puwedeng gawin iyon. Dahil alam kong kahit ano pang pilit ko, hindi ka kayang mahalin ng puso ko.”

There, she said it.

He managed to smile. Hindi na siya nabigla dahil iyon naman na talaga ang inaasahan niyang maririnig mula kay Elaine noon pa man. Matigas lang talaga ang ulo niya. Ayaw makinig. Gusto pa ring umasa sa wala.