Chapter Thirty-five
The All He Ever Needed
Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.
Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.
Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.
Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.
Maingat, kumawala siya sa pagkakayakap ni Tan. Naupo siya sa gilid ng kama, pinagmasdan ang asawang mahimbing pang natutulog. Patayo na siya sa kinauupuan nang mapansin ang picture frame sa side table. Hindi niya iyon napansin kagabi.
It was their wedding picture taken inside the church where they exchanged their self-made wedding vows. Akala niya, sinunog na ni Tan ang lahat ng gamit nito na may kinalaman sa kanya.
She smiled. Tuluyan siyang tumayo.
Elaine left Tan with a lingering glance. Maingat niyang kinabig pasara ang pinto, saka lumabas. She spent the next few hours preparing something for breakfast. Gumawa siya ng chicken mami credited to some vlogger’s YouTube channel na hopefully ay makatulong sa hangover ni Tan kung mayroon man.
Magaan ang pakiramdam ni Elaine. Hindi okupado ng alalahanin ang isip. It was occupied with hope and thoughts of becoming happy again with Tan.
Hinuhugasan niya ang apples nang maramdaman ang pagyakap ni Tan mula sa kanyang likuran. She took a deep breath when he pulled her body closer to his. Dinig niya ang paghugot din nito ng hininga.
“Anong oras na?” he asked softly as he drew her nearer. Ibinaon nito ang mukha sa malambot niyang buhok bago siya maingat na pinihit paharap dito. Before she could answer anything, nabuhat na siya ni Tan at maingat na iniupo sa counter.
She swallowed, his dark eyes seemed to penetrate their way all the way to her soul.
“Nine… I think,” she managed to answer.
Tan was looking into her eyes while she was lost in his. Her heart started to race when his gaze dropped to her lips. Nakatitig ang lalaki na parang gustong-gusto siya nitong halikan nang mariin pero pilit na nagpipigil.
“You’re okay with hugging and cuddling. But I don’t know if kissing would be okay. You see, I want to… I need to… I mean, I need you—”
Alam ni Elaine, nag-aalala si Tan na baka ma-relive nito ang traumatic experience niya sa kidnapper kaya ito nagdadalawang-isip. Pero alam nila pareho na si Tan lang bukod sa kanyang psychologist ang tuluyang makakaalis ng natitirang agam-agam sa kanyang dibdib.
“I’m okay with cuddling and kissing, Tan. I’m totally okay with everything. As long as I’m doing it with you.” Elaine sighed then smiled. “Would you like to totally heal me, kiss me, make love with me, Mr. De Marco?” she asked, uncertainty laced her voice.
The light of lust was flaring in Tan’s gaze. His body buzzing with love and lust and anticipation. And when he leaned forward to kiss her, she closed her eyes and welcomed the kiss.
It felt like they were freezing in a moment in time. Along with the butterflies in her stomach was a pang of excitement and yearning that rushed through her.
This was her husband, Tan De Marco. He loved her. He would never hurt her. Iyon ang mga bagay na paulit-ulit na ibinubulong ng kanyang puso. Hanggang kaya, hindi niya bibigyan ng pagkakataong sumingit ang isang pangit na alaala.
Elaine slipped one arm around Tan’s neck, she was totally melting in his arms. The kiss was consuming, hungry yet passionate. Hindi niya maipagkakamali ang mga halik na iyon sa halik ng iba.
Without leaving her lips, walang hirap siyang binuhat ni Tan. Awtomatiko, iniyakap niya ang mga hita payakap sa balakang ng asawa. Few moans made their way out of her lips but no words of protest came out of her mouth when Tan carried her back to his room and laid her down his bed.
For Tan, to hell with his grumbling stomach na gumising uli sa kanya kanina lang. Hindi siya mamamatay agad sa pagkalam lang ng sikmura.
Food? Pansamantala, kakalimutan niya kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. Right this very moment, and forever, Elaine was all he ever needed.
“I’ll pick you up at eight,” Tan told Elaine. Naka-park ang kotse niya sa harap ng The Palace Mall at pababa na mula roon si Elaine. They decided to share rides para eksaktong eight hours lang silang magkahiwalay.
Isang buong araw siyang hindi pumasok sa opisina. Ang buong araw na iyon, ginugol nila ni Elaine sa isa’t isa. They ate together, slept together. He let Elaine talk about everything. And he just listened to her for hours. Cuddling in the couch or resting on top of his bed.
Elaine told him she had been seeing Sandra for weeks now for her cognitive processing therapy. The therapy could help her take into account all the things that were beyond her control. Kailangang tanggapin at maintindihan ng asawa na wala itong kasalanan sa kabila ng mga tama o mali nitong naging desisyon noon.
He wanted her to fully get her life back. Nagdesisyon siyang samahan si Elaine sa bawat session nito kay Sandra.
Kinakalas ni Elaine ang seat belt pero maagap si Tan. Napigil niya ito. Parang ayaw niya itong papasukin sa trabaho. He tired her up with his love makings the whole day but his hunger for her remained insatiable.
Mas gusto niyang magbabad na lang sa kama kayakap ito kaysa pumasok sa trabaho.
“Shall we stay at home and just watch movies together?”
An amused smile formed on her lips. “Naubos na natin halos lahat ng paborito mong movie sa Netflix, wala naman tayong naintindihan o natapos…” She stopped in mid-sentence. Napatitig sa kanya nang may ma-realize. She blushed. Desire flared on her face.
Mabilis nitong kinalas ang seat belt at mabilis siyang ginawaran ng halik sa pisngi.
“Hey…” protesta niya.
“Tonight. I promise,” she said. Saka bumaba ng kotse.
Naiwan si Tan, amused na sinalat ang pisnging hinalikan nito. Kumaway si Elaine bago tumalikod at dumeretso sa entrance ng mall.
He smiled unknowingly. Sinundan niya ng tingin ang asawa hanggang sa hindi na ito matanaw.
He missed her already. Her soft, slender body, her kisses, her warm embrace. Ayaw na niyang mawala ito sa paningin kahit saglit. Dahil bukod sa matinding paghahangad, natatakot at nag-aalala rin siya sa puwedeng mangyari habang wala siya sa tabi nito.
Huminga nang malalim si Tan. Kung puwede lang, ididikit niya si Elaine sa kanyang tabi twenty-four hours masiguro lang na safe ito at wala nang mananakit dito.
“Talaga naman…” Si Drew. Kaharap ni Elaine ang kaibigan sa pang-animang mesa sa isang kainan sa The Palace Mall. Ito na ang bumisita sa kanya sa Ainsdale bandang hapon para singilin siya sa hindi niya pag-uwi ng dalawang gabi. “Hindi talaga mapigilan ang puso, hanu? Mag-isa mo ‘kong pinatulog sa hotel na ‘yon. Hindi mo alam kung gaano katagal bago ako inantok sa takot.”
Ngumuso siya. Binawi niya ang tingin sa suot na wristwatch. Alas-siyete ng gabi. Isang oras na lang, darating na si Tan para sunduin siya. Nakailang tawag sa buong maghapon ang asawa para kumustahin siya.
“Kaya nga tinawagan ko si Macon, eh.”
“Para pagbatiin kami?” Humalukipkip ang kaibigan, maasim ang ekspresyon ng mukha. “No way. Hindi ko siya mapapatawad.”
“Hindi mo siya pinagbuksan ng pinto?” tanong niya.
Umirap si Drew. “Pagkatapos ng lahat? Change topic na nga. Ayokong pag-usapan ang hinayupak na ‘yon. Nawawalan ako ng gana.”
Nangingiting napailing siya.
“So, ano’ng nangyari kagabi? Makakalma na ba si Mang Chito dahil back to each other’s arms na kayo o kailangan pa niyang ipag-novena ka sa Quiapo?”
“Ako mismo ang magbabalita kay Tatang kaya pigilan mo ang bibig mo, Drew.” Alam niyang matutuwa si Mang Chito oras na malamang okay na sila ni Tan.
“Elaine, mukhang okay ka naman na ngayon kahit paano. Wala ka bang balak pagbayarin kung sino ‘yong lalaking nanakit sa ‘yo noon?”
Nabura ang ngiti sa mga labi niya. But it surprised her nang sa halip na matakot sa alaala, nanatili siyang kalmante.
Bearing the weight of what happened that night had been a difficult process. But she wanted to finally move forward. Ayaw na niyang isipin ang mga nangyari para bumuo uli ng galit, sakit, at takot sa dibdib. Mas natatakot siyang maging hadlang uli ang memoryang iyon sa kaligayahang nararamdaman niya ngayon.
“Naniniwala ako sa law of karma, Drew. Kung hindi man ako, may ibang tao o ang Diyos mismo ang sisingil ng mga kasalanan ng taong iyon.”
“At ang mga kamalasang nangyari sa pamilya ko mula nang bumalik ka, kailan mo balak pagbayaran?”
Halos sabay na nag-angat ng tingin at napatitig sina Elaine at Drew sa bagong dating. Si Mrs. Crisostomo na aristocratic pa rin ang dating kahit nagpipigil ng galit. Kung may kakayahan lang na maglabas ng espada ang mga mata nito, malamang na kanina pa siya nagkagutay-gutay.
Akmang tatayo si Elaine pero natigilan siya nang ito na mismo ang naupo sa harap niya.
Awtomatikong napausog si Drew, imbiyerna at kunot na kunot ang noo. Sino ‘to? she mouthed.
Binawi niya ang mga mata sa kaibigan at inilipat sa bagong dating ang tingin.
“Magkano ang kailangan mo this time para iwan si Tan at hayaan mo siyang maging maligaya kasama ang anak ko?”
Numipis ang mga labi niya. “Asawa ko ho ang binibili ninyo.”
“Bakit hindi? Hindi ba at kinaya mo naman siyang ipagpalit noon sa pera?”
Elaine sighed. Like mother like daughter. Para na rin niyang kinakausap si Janine, ang version na mas maraming gatla sa noo at wrinkles.
“Mula nang bumalik ka, nagulo na ang lahat. Pati ang pangalan ng mga De Marco, kinakaladkad mo sa kahihiyan.”
Kumunot ang noo niya. “Hindi ko kayo naiintindihan.”
“You don’t have to understand anything. Just leave my daughter alone!”
“Hindi ko ho matandaang inaano ko siya,” she fired back. “Wala akong ginagawang masama.”
Namula ang mukha ni Mrs. Crisostomo habang nilunok na lang ni Drew ang hagikgik na gustong kumawala sa lalamunan nito.
Padarag na tumayo si Mrs. Crisostomo. She raised her chin up, glared at her. “Talking to you like this made me realize something. Hindi ka pa rin magaling. Nagha-hallucinate ka. Nababaliw pa rin. Dapat sa ‘yo, bumalik sa mental hospital o magpakulong na lang nang tuluyan. I pity you to the hell and back. Bunga ka ng parehong makasarali at mamamatay-tao kaya ka ganyan.”
Suminghap si Drew. Napatingin sa paligid, dinig ng bawat diner sa loob ng restaurant ang sinabi ng matandang babae. Lahat ng mga mata ay natutok sa kanya.
A broken smile was slowly forming Elaine’s lips as she stood up para harapin ang may-edad na babae.