Chapter Thirty-four
Save me, Heal Me
Pinakatitigan ni Elaine ang repleksiyon sa salamin. She was glowing, hindi halatang kabado at nag-aalala habang ipinaparada ang kotse sa loob ng bahay na inuupahan nila. Puwede niyang tawagan si Tan para sabihing uuwi siya pero mas pinili niyang maghintay na lang doon.
Marami siyang kailangang sabihin at ipaliwanag sa asawa. Sandra called. Inamin na nito ang lahat kay Tan. Though the clever doctor laughed in the end saying na wala siyang karapatang mag-file ng reklamo dahil immediate family member niya ang pinagsabihan nito.
Elaine was thankful though. Parang may mabigat na bagay na naalis mula sa pagkakadagan niyon sa kanyang dibdib. No matter how hard she tried to work up her courage, hindi niya magagawang aminin kay Tan ang lahat kung hindi sa tulong ni Sandra.
Palaging sumisingit ang takot na baka hindi siya tanggapin ng lalaki. Baka iwan siya ng mga taong mahal niya dahil hindi siya katanggap-tanggap—dahil may kulang at may hindi buo sa kanya. Iniwan niya si Tan dahil natakot siyang iwan nito. Finally, nagawa niya iyong aminin sa sarili.
After the terrible things that happened, nawalan na siya ng tiwala sa sarili. People would leave no matter how hard she would beg them to stay.
Kaya inunahan niya si Tan—bukod sa kagustuhang protektahan ang iniingatan nitong pangalan. She was afraid she would be left behind.
What a coward.
Elaine shook her head. But tonight, she would be saying her final good-bye to that coward. Huminga siya nang malalim nang makababa ng kotse. Wala pa ang sasakyan ni Tan sa garahe kaya may oras pa siya para mas ihanda ang sarili.
Kakapasok pa lang niya sa loob ng bahay nang tumunog ang kanyang cell phone. Text message iyon mula kay Marco.
I hope I’m forgiven now.
Kahit nagtaka sa ibig sabihin nito, napangiti siya. Nag-type siya ng reply.
Kahapon pa.
Ibinalik niya ang cell phone sa bag. Inikot ang mga mata sa kabahayan matapos buksan ang ilaw.
Papunta na siya sa kuwarto nang mahagip ng mga mata niya ang briefcase ni Tan na nakapatong sa center table. Kumabog ang dibdib niya. Nasa bahay na ba ang lalaki? Kaya ba hindi naka-double lock ang main door?
Kinuha niya uli ang cell phone sa bag. Idinayal ang number ni Tan. But his phone just kept ringing… at parang ang lapit-lapit lang. Nagdesisyon siyang silipin ang kuwarto nito kung saan mas malakas ang tunog ng ringtone.
Natutulog na Tan ang natagpuan niya sa loob. He was still wearing his long sleeve polo habang maingat na nakasampay ang coat sa likod ng swivel chair nito na nakaharap sa working table. Lumapit siya sa kinahihigaan ng asawa pagkatapos. Amoy-alak ito. Why did he drink? Nasa Pilipinas na ba si Sean at ito ang kainuman?
Elaine was expecting a heart-to-heart talk with him, but instead, lasing na Tan ang naabutan niya. It was a first. Bubuhayin sana niya ang lampshade sa study table na nakapuwesto sa gilid ng kama ni Tan. Pero bago pa magawa iyon, nahigit na siya nito sa baywang. Her heart skipped several beats.
And before she could finally realize what was going to happen next, lumanding na siya sa mga bisig ng lalaki. Nakaunan ang ulo niya sa braso ni Tan habang ang isang kamay nito, nakapaikot sa kanyang baywang.
She could hear Tan’s throbbing heartbeat nang mas hapitin pa siya nito.
“I love you… very much, Elaine. I won’t let you leave me again,” he murmured.
She bit her lower lip. Her eyes started to well up by the sincerity of his words kahit alam niyang nananaginip lang ito.
Maingat, tumalima si Elaine paharap sa lalaki. She was burdened by the weight of sadness and guilt for so long. She was waiting for a chance to set things right. Para lang matagpuan ang sariling nalulunod sa mas marami pang kasinungalingan.
She gazed at him, her eyes welling up. Lumunok siya. At sa basag na boses ay nagsalita…
“I’m not going to run away anymore, Tan. This time, sisiguruhin ko na ang bawat hakbang na gagawin ko, papunta o pabalik lang sa ‘yo.”
Mataas na ang araw nang magising si Tan dahil sa kumakalam na tiyan. Maliban sa alak, wala nang ibang laman ang kanyang sikmura. Pero parang bula, ang planong pagbangon para kumuha ng makakain ay nawala sa isip niya nang pagdilat ng mga mata ay salubungin siya ng pinakamagandang tanawin na matagal ipinagkait sa kanya ng pagkakataon na makita.
Bumilis ang tibok ng puso ni Tan. Ang babaeng natutulog, nakatagilid paharap sa kanya ay walang iba kundi ang babaeng kay tagal niyang sinubukang alisin sa kanyang sistema. He failed miserably though dahil sa nakalipas na tatlong taon, tuloy-tuloy ang paggising niya sa umaga na walang ibang unang naaalala kundi ang mukha ng asawa.
He gazed down at Elaine’s sleeping face. His aching heart was filled with warmth all of a sudden. Ang galit na nakalaan para kay Vincent Fuego ay saglit na naisantabi. Napalitan iyon ng masasayang alaala ng magandang katabi.
This was not just a dream. Pero kung panaginip man, this was by far the happiest dream he ever had for the last three years. Walang dudang tatanggi siyang magising.
Tan could not clearly remember how they ended up sharing one bed at kung paanong nasa ilalim sila pareho ng puti niyang comforter. Kagaya ng dati. But one thing was for certain. Nothing could warm his longing heart more than having Elaine this close.
She looked serene, radiant, and very beautiful in her sleep. Kagaya noon, alam niyang hindi sasakit ang mga mata kahit titigan ito nang buong araw. She had no dark circles beneath her eyes, he realized as his gaze lingered.
If that meant Elaine no longer had sleeping problems kagaya ng sinabi ni Sandra, magiging mas masaya siya. She was deprived by many things for so long. Pati ang maayos na tulog, ipinagdamot dito dahil sa kondisyon.
Without touching her, Tan traced her straight delicate nose. Then his gaze dropped on her slightly parted pink lips. The same soft luscious lips that sent his heart pounding wildly for hours the first time they shared a kiss.
Afraid he’d wake her up, ibinaba niya ang kamay at pinagkasya ang sarili sa pagtitig na lang. A small, contented smile formed on his mouth. Pero kumilos si Elaine pagkaraan ng ilang sandali lang. Pumihit ito patalikod sa kanya, natutulog pa rin.
Hindi gustong maputol ang koneksiyong nagdudugtong sa kanila, isiningit ni Tan ang braso sa pagitan ng unan at ilalim ng uka ng leeg ni Elaine. He took a deep breath nang kusang humarap uli si Elaine sa kanya.
Desire and yearning crept into him knowing she was too close. But quickly, he dismissed the thought. Maingat, hinawakan niya ang likod ng ulo ng asawa at inayos ang pagkakaunan nito sa braso niya.
His left hand rested on her shoulders, habang ang libreng kamay ang ginamit para ayusin ang comforter.
Hindi niya pinigilan ang sarili na kintalan si Elaine ng banayad na halik sa tuktok ng ulo bago ito hinapit nang husto.