Chapter Twenty-seven

Triggered, Desperate

Present

Itinulos si Marco sa kinatatayuan habang nakamata sa pares na nasa loob ng elevator. Narinig niya ang lahat. He was present few seconds mula nang pasukin ni Tan ang asawa sa loob ng elevator. Ilang araw nang nakapatay ang cell phone ni Elaine kaya sinubukan niya itong kontakin sa tulong ni Anne. It was him who thought of pranking her para lumabas ito mula sa pinagtataguan. Successful siya, ang fail lang ay iyong hindi niya nagawang iligtas ito sa kung sinumang nanakit dito kanina.

But whoever that son-of-a-bitch was, sisiguruhin niyang magbabayad.

Kumurap si Marco nang makitang bumuka ang nangangatal na mga labi ni Elaine.

“K-kailangan ko ng pera…” sabi nito sa mahina at puno ng takot na boses. “Para hindi niya ‘ko saktan. Para hindi niya kami saktan. Kasalanan ko. Ang baby namin ni Tan, hindi niya puwedeng saktan…”

Naikuyom ni Marco ang mga kamay. Naninikip ang dibdib niya sa nakikitang paghihirap nito. Pero nang hindi sinasadyang mailipat niya ang tingin kay Tan, nakumpirma niyang mas higit ang nararamdaman nitong sakit kaysa sa kanyang nararamdaman.

Base sa pilit nitong itinatagong sakit na nagdaan sa mga mata nito, alam niyang hindi nito inaasahan ang huling sinabi ni Elaine. There were unshed tears in his eyes as he looked at her—painfully and lovingly at the same time.

“Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan…” Tan uttered softly yet firmly.

From the look on his face, Marco could tell how much he wanted to hug her, comfort her, hoping he could get rid of her fears. And in hope to share her pain. Kagaya ng gustong-gusto niyang gawin.

Pero anong karapatan ba ang mayroon siya para gawin iyon? He was just that someone who fell deeply in love with a broken woman. The jerk who was hoping he could stay with her forever habang pilit na kinakalimutang kasal na si Elaine sa ibang lalaki.

Mula nang masaksihan niya ang atake ni Elaine sa labas ng bar sa Ayala ilang buwan na ang nakararaan, wala na siyang ibang ginusto kundi ang bantayan ito at protektahan. He hated lying and he was always honest. But surprisingly, it was very easy for him to tell a fib kung iyon lang ang nakikita niyang paraan para manatili sa tabi ni Elaine.

He was that head over heels. For him, Elaine was a princess. And he was the knight who was willing to save her from distress.

Pero paano pa ba mangyayari iyon ngayong nakumpirma niyang mahal pa ng prinsipe at prinsesa ang isa’t isa? Dapat na ba niyang tanggapin na walang ibang role sa kuwento ang isang kawal na gaya niya kundi ang pumrotekta?

Dahan-dahan, maingat pero mabibigat ang mga hakbang na umatras at tumalikod si Marco paalis. Kahit ang gustong gawin ng puso niya ay hawiin si Tan at yakapin si Elaine nang mahigpit.

Tuliro si Elaine habang pinagmamasdan siya ni Sandra. Sa doktor siya tumakbo pagkatapos ng nangyari sa elevator kanina. Hindi na niya alam ang gagawin. Alam na ni Tan ang tungkol sa isa sa napakaraming sekreto niya.

Tahimik na pinapakinggan ni Sandra ang mga sinasabi niya sa pagitan ng mga hikbi. Sa ganoong mga pagkakataon, alam ng doktor na iyon ang mas tamang gawin.

Elaine knew, the revelation came to Tan like a bolt out from the blue. She could not dare look him in the eye. Natakot siya sa emosyong mababasa sa mga mata nito.

Inaasahan niyang galit ang mababasa sa mga iyon. Pero ang titig ni Tan kanina, may pakiramdam siyang titig ng Tan na paulit-ulit na umiintindi kahit paulit-ulit niyang sinasaktan noon. Ang titig ng Tan na gustong yakapin ang pagkakamali at pagkukulang niya noon.

“You came back to win his heart over. Huwag kang matakot ngayong alam mong kaya ka niyang mahalin uli…”

Kumurap si Elaine. Alam ni Sandra ang rason. No matter how much she wanted to come clean, nakaharang na parang sibat ang takot at insecurities niya dahil sa kanyang sakit.

“Kasalanan ko. Baka hindi ako matanggap ng asawa ko…” At kagaya noon, hindi pa rin niya magawang tapusin ang pangungusap. Bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata, ilang beses siyang nagbuka ng bibig. Gustong sabihin ang dapat sabihin. But then, she could feel her tightening chest again.

Sunod-sunod, parang gripong nabuksan, walang patid ang iyak ni Elaine. She could even feel her trembling lips, even more stopping her from saying anything.

Hinahadlangan siya ng sariling takot na balikan ang nakalipas. Ni ang isipin iyon, nagdadala ng matinding sakit at panic sa kanyang dibdib.

She loved her husband so much she’d do everything to win him back but she was too afraid. Natatakot siyang aminin ang totoo. Kung sino siya. Kung ano siya. Kung bakit sinadya niyang itaboy ito noon sa buhay niya. Kung saan siya nagpunta noong mga panahong kailangang-kailangan nito ng asawa.

She kept hurting him, thinking he would end up hating her. Pero ang hindi alam ni Tan, ang nakakasama ng loob at mapanakit niyang mga salita ay katumbas ng madidiin at hindi mabilang na saksak ng matutulis na punyal sa kanyang puso.

Nakakaintinding tinapik ni Sandra ang kamay niyang mahigpit na nakakuyom sa mesa. Hinagod ang likod niya nang mapansing nangangatal ang kanyang mga labi.

“Three years of self-blame is long enough, Elaine. Palayain mo na ang sarili mo at magsimula kang muli. What you need is self-compassion, let go of that guilt. It’s high time you stop blaming yourself and take responsibility.”

Pumatak ang luha sa mga mata niya. Take responsibility. For the lastthree years, wala siyang ibang ginawa kundi takasan ang katotohanan, maglihim sa tao na buo ang pagtitiwala sa kanya at saluhin ang responsibilidad at pagkakamali ng iba.

She had always been responsible. Lahat ng kilos, desisyon, at galaw niya noon ay nakahanda siyang panindigan. Pero ang responsibilidad kay Tan bilang asawa, walang habas niyang tinalikuran.

Elaine knew for a fact that she had left him hanging for so long already. Ang sakit na nararamdaman nito kanina sa nalaman, sa halip na harapin, tinakasan na naman niya.

Just like Tan, God knew how much she wanted to build a family with him. Pero hindi umayon ang tadhana sa kanyang hiling.

Hinarap niya ang sakit na mawalan ng anak nang mag-isa. She couldn’t tell Tan dahil akala niya, ayaw niya itong masaktan. But the truth was, gusto niyang isalba ang sarili sa sakit na nararamdaman.

Tan wanted a child not just because he needed an heir kagaya ng paminsan-minsan niyang naririnig sa bibig ng mga biyenan. Kundi dahil mahal na mahal siya nito. Na maliban sa kanya, wala na itong ibang babaeng gustong maging ina ng mga anak nito. But she lost that child. At wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kanina para kahit paano, gumaan ang alam niyang pilit itinatagong mabigat na dala-dala sa dibdib ni Tan. She barely managed to bear the same pain three years ago.

It was hard battling her own darkness alone. Pero nang inakala na kahit paano ay nakabangon na mula sa sakit, pinaghandaan niya ang pagbabalik. Inumpisahan niya ang plano the moment she took back her wedding ring from him. Babalik siya. Babalikan niya si Tan. She would get her happy ending with him gaano man katagal.

Elaine thought she was ready to bear her heart to him. Napakahabang panahon na ang tatlong taon paro maihanda niya ang sarili sa magiging reaksiyon ni Tan. Pero ganoon yata talaga, kapag alam mong makakasakit ang katotohanan, mapipigilan at mapipigilan kang umamin sa naging kasalanan.

She thought it was easy at first. Pero sa nakalipas na ilang buwan, paulit-ulit siyang sinasampal ng mundo. Paulit-ulit na ipinaparamdam sa kanya na walang ibang daan papunta sa kaligayahan kundi ang pagsasabi ng totoo.

At isa sa napakaraming katotohanan na pilit niyang itinatago ay iyong dahilan kung bakit hindi niya nagawang damayan ang asawa nang maaksidente ito.

“Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kayang sabihin sa kanya ang totoo. But you’ve made Tan wait for so long already. He deserves the answers kahit hindi niya iyon sa ‘yo hinihingi.”

Mabagal angmga hakbang ni Elaine papunta sa naka-park niyang kotse sa labas ng clinic ni Sandra. Naghalo ang pagod at gutom niya. Wala na halos lakas ang mga hakbang niya.

Akmang kakabigin na ang pinto pabukas nang may magsalita sa likuran niya.

“Mag-usap tayo.”

Kumabog ang dibdib ni Elaine nang makilala ang boses. Si Janine.

Natensiyon siya nang maalala kung nasaan siya. Ano ang ginagawa ni Janine doon?

Few minutes later, natagpuan ni Elaine ang sariling nakaupo sa pandalawahang upuan sa harap ng picnic table na nakapuwesto sa mini park ng ospital.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita si Janine. “I know why you’re here today, so let’s cut the chase.”

Hindi niya gustong ipahalata pero kusang umilap ang kanyang mga mata sa direktang sinabi nito.

“Alam ko kung ano ang sadya mo sa doktor na kinausap mo kanina.”

Elaine swallowed hard. No. “Are you telling me you’re going to use it against me?” tanong niya. Pinilit salubungin ang mga mata ni Janine.

Walang reaksiyon mula sa babae.

“Nakikisimpatya ako sa kung ano mang pinagdaraanan mo, Elaine. But I will not let you use your condition para saktan uli si Tan. You’ve hurt him more than enough already. Makontento ka naman.”

Hindi magawang sumagot ni Elaine. Naikuyom niya ang mga kamay sa kandungan.

“Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ni Tan nang piliin mong iwan siya noon. You have no idea what he’d been through. Tumanggi siyang magpa-therapy, he almost gave up on his life, his career. Wala na siyang pinakinggan, kahit ang mga taong nagmamahal sa kanya nang tunay. You broke him pieces to pieces na nahirapan kaming buuin siya uli. Nang bumalik ka, ang sugat na pinilit niyang paghilumin nang napakatagal, nagdurugo uli. Kung talagang mahal mo siya, once and for all, stop being pathetic and selfish. Just leave Tan alone and let him be happy.”

No longer able to take the harsh words, yet the truth, tumayo si Elaine sa kinauupuan. Tiningala siya ni Janine na nananatiling matigas ang ekspresyon ng mukha.

“Hindi ko nakikita kung anong karapatan mayroon ka para pagsalitaan ako nang ganyan. I’m the wife here bago tayo magkalimutan.”

Akala niya, that would shut Janine up pero tumayo rin ito sa kinauupuan. She leveled her gaze at her.

“It’s high time you stop thinking about yourself, Elaine. Stop holding on to something you’ve lost a long time ago. Iniwan mo siya no’ng mga panahong kailangang-kailangan ka niya. Tinalikuran mo na siya noon, bakit hindi mo na lang siya palayain uli ngayon?”

Elaine clenched her fist. Bakit ba ang sakit-sakit kapag totoo ang isinusumbat sa kanya? Janine was right, noong mga panahong kailangang-kailangan siya ni Tan, lumayo siya. Regardless sa rason, iniwan pa rin niya ito. At ngayon, parang ang kapal ng mukha niya para balikan ito at ipagpilitan ang sarili rito.

“Hindi mo alam kung ano’ng sinasabi mo,” she uttered. Trying her very best to hide the pain in her eyes.

Binitbit ni Janine ang handbag. Bago tumalikod, nagsalita ito. “I know where you’ve been for the last three years, Elaine. Leave Tan alone. Don’t make me spill the beans or it will hurt more.”