Chapter Twenty-six
Broken Hearts
Bago pa lumakad si Elaine papasok sa loob ng private room, titig na titig na si Tan dito. Pinigil niya pero kusang sumusunod ang tingin niya sa bawat hakbang nito palapit sa kanya. Gusto niyang kumilos, salubungin ito, abutin. Pero alam niyang imposible at hindi na puwede kaya wala siyang magawa kundi manatili sa pagkakaupo pasandal sa headboard ng kama at hintaying tuluyan itong makalapit sa kanya.
His eyes were fixed on her. Ni hindi na niya napansin kung kailan tumayo si Janine. O kung nagpaalam man lang ba ito bago lumabas para tuluyan silang iwan.
Elaine was staring back at him. Nang tumigil ito sa gitna ng kuwarto—isang dipa ang layo sa kanya, sinuyod siya nito ng mabilis na tingin. Bumaba ang tingin nito sa mga paa niyang nababalutan pa ng cast.
Hindi ito nagulat sa nakita. Siguradong nabalitaan na nito ang tungkol sa bone fracture niya. Mas may rason na ngayon ang babaeng pinakamamahal na iwan siya.
Tan flinched. Helplessly and hopelessly praying na totoo ang pag-aalala, guilt, at simpatyang saglit na dumaan sa mga mata ni Elaine habang nakatitig sa kanya.
“I’m glad okay ka,” sabi nito sa boses na kagaya noon, walang kaemo-emosyon.
Ang gahiblang pag-asang kumakapit pa kahit paano sa puso ni Tan, bumitaw nang tuluyan nang ilapag ng asawa ang isang envelope sa tabi niya. Nagtiim ang kanyang mga bagang.
Annulment papers ang laman niyon, alam niya. Ang abogado niya ang nagpadala niyon mismo sa address ni Mang Chito noong isang araw. Hiniling ni Elaine iyon sa kanya sa nakalipas na mga buwan. Ngayon, wala na siyang choice kundi i-give up ang isang tao na handa sana siyang gawin ang lahat huwag lang mawala sa kanya.
“I signed it already,” sabi nito, deretsong nakatitig sa kanya. And all he could do was to stare back.
“Huwag kang mag-expect na mag-stay ako sa tabi mo, lalo ngayong hindi ka na nakakalakad. You don’t expect me to take care of you, do you? Ayokong mag-alaga ng asawang imbalido. May sarili akong buhay at ayokong masayang iyon sa kakahintay na maging okay ka uli,” naalala niyang deretsong sabi ni Elaine sa telepono noong isang araw.
“How much do you need?” Tan asked, using a business-like tone with her for the first time.
He could not force Elaine to stay beside him no matter how much he wanted her to. Nagdesisyon siyang bumitaw hindi dahil iyon ang gusto nito, kundi dahil wala na siyang natitirang pagpipilian kundi pakawalan ito.
Masyado nang mabigat ang dala-dala niya. Napupuno na ng disappointment ang puso niya. It was very tiring and painful for him already. Mas tumatagal, mas sumasakit. And he did not want to prolong the agony anymore.
Na-realize ni Tan, kahit gaano mo pala kagustong kumapit at huwag sukuan ang isang tao, darating at darating pala ang isang araw na mapapagod ang puso. Sobra-sobra ang pagmamahal na gusto niyang ibigay. Habang ang asawa, nananatiling walang pakialam.
Elaine talked about getting compensatory damages from him the last time he called her. Binanggit din nito kung kailan kukunin ang pera. Ang hindi lang sinabi ni Elaine ay kung magkano ang gusto nito at kung saan iyon gagamitin.
“Hindi ko kabisado ang mga batas. Pero alam kong bilang asawa mo, ang pag-aari mo ay pag-aari ko rin. Pero huwag kang mag-alala, hindi gano’n kalaki ang gusto kong hingin.”
His throat tightened. Nagawa nito iyong sabihin nang hindi muna nagbabawi ng tingin. “Money is not a problem, Elaine. Kung puwede ko lang bilhin ang pagmamahal at pananatili mo sa tabi ko, willing akong ialok ang lahat ng pag-aari ko,” he replied. Looking back at her straight in the eyes.
Pagkatapos ng araw na iyon, mahihirapan na siyang makita si Elaine. This might be the last time he would ever see her again. He had been concealing it, but it was scaring the hell out of him.
It was her whom he ever needed. Hindi niya alam kung paano uli babangon kung wala ito sa kanyang tabi.
Pero sa halip na magsalita, nanatiling tikom ang bibig ni Tan. Natatakot siyang mabasag ang boses niya. Natatakot siyang sa pagbuka niyon, walang ibang lumabas kundi ang mga salitang gustong bigkasin ng kanyang puso.
Please stay. I can’t live without you.
Itinaas ni Elaine ang mukha matapos ang ilang sandaling katahimikan. “I told you about the man I like. He’s waiting for me outside.”
He remained quiet. His heart was too tired for words. How could she be so honest about having an affair? At bakit kahit ipinipilit nito ang bagay na iyon, iyong puso niya, ayaw makinig?
Sa nakalipas na mga buwan, wala silang marital issue na naresolba gaano man niya kagustong ayusin. Now it felt like he had been waiting for something that was never going to happen. Paiba-iba na ang rason ni Elaine. Habang tumatagal, mas dumarami.
Elaine wanted a multimillionaire husband. An heir to the famous and successful De Marco Textile. Iyon ang sinabi nito noong una kaya pinupuwersa siyang pamahalaan ang kompanya kagaya ng pakiusap sa kanya ng mga magulang.
Few weeks later, she was brutally telling him she hated children and she didn’t want to get pregnant. That she hated his job. At nitong huli ay umaming may ibang lalaki nang mahal.
Tan was having a hard time believing her pero ngayong kaharap na si Elaine at nakikita ang kawalan ng simpatya sa blangko nitong tingin, nakumpirma na niya ang ilang buwan ding idine-deny sa sarili.
Elaine already had a change of heart. Sa ganoon kaiksing panahon lang. Aalis ito at iiwan siya sa panahong alam nitong kailangang-kailangan niya ang moral support nito.
Mabigat ang dibdib na inabot niya ang checkbook na nasa ilalim ng unan. He knew one day, Elaine would come para i-claim ang perang hinihingi.
Pinirmahan niya ang cheke. Saka ipinatong sa side table ang pinilas na kapirasong papel. Parang sinusuntok ang dibdib niya kung siya pa ang mag-aabot niyon sa asawa.
“That’s a signed blank check. Write whatever amount you like,” sabi niya sa business-like pa rin na tono.
Lumakad palapit sa kanya si Elaine. Her natural scent that was very familiar to him assaulted his senses. Kinailangan niyang pigilan sandali ang hininga nang tuluyan itong makalapit sa gilid ng hospital bed.
Tan swallowed the imaginary lump in his throat. All he ever wanted was a life with her. Wala siyang ibang hiniling sa Diyos. Pero bakit parang kahit iyon na lang, napakahirap pang abutin?
Ikiniling niya ang ulo sa kabilang bahagi ng silid para pigilan ang sariling hapitin ang makipot nitong baywang at yakapin nang mahigpit. And for the nth time, beg her to stay.
Inabot ni Elaine ang tseke. Akmang aatras ito para magbigay uli ng distansiya sa pagitan nila nang masulyapan niya ang pagkislap ng singsing sa daliri nito. Maagap niyang hinuli ang kamay nito.
Suminghap si Elaine. Natigilan bago pumiksi sa hawak niya na tila napaso sa dantay ng palad niya sa balat nito.
Tumiim ang mga bagang niya. “I want it back,” pormal na sabi niya. Nakatitig sa wedding ring nila.
Napatitig ito sa kanya. By the look on her face, he could tell na gusto nitong magprotesta. Pero ano pa ang magiging silbi ng wedding ring sa mga daliri nito kung ito na mismo ang pumutol sa ugnayan nila?
Kahit halatang napipilitan, hinubad ni Elaine ang singsing at ipinatong sa side table.
“Idadagdag ko ang halaga ng singsing sa presyong isusulat ko sa tseke.” Huminga ito nang malalim. “Sorry. And thank you for everything.”
Walang reaksiyon si Tan. Iniiwas niya ang tingin nang ilapag na ni Elaine nang tuluyan sa side table ang singsing.
Sa sulok ng mga mata, nakita ni Tan ang pagtalikod ni Elaine patungo sa pinto. Nang marinig ang pagsara ng pinto, katibayang lumabas na ito, ikinurap-kurap niya ang mga mata para pigilan ang nagbabantang pagtutubig niyon.
This was the hardest part for him. When someone he loved so dearly left and he needed to act like he did not care at all.
Tan’s heart felt heavy with emotions. Pain and agony and despair. It was overwhelming na nahihirapan siyang pigilan ang pag-ahon ng lahat ng iyon sa kanyang dibdib.
Tears burned his eyes as he looked at Elaine’s customized wedding ring na iniwan nito sa side table. Siya ang personal na nag-design niyon. He even asked the jeweler to engrave his name on it at nag-request na magdagdag ng ilan pang maliliit na diyamante sa paligid.
Akmang kukunin niya ang singsing sa side table nang pabalibag na bumukas muli ang pinto. Natigilan siya nang makita si Elaine. Ang mga mata nito, sa singsing na iniwan agad lumanding.
She stormed into the room. Inunahan siyang damputin ang singsing. Mahigpit nitong ikinuyom ang kamay na may hawak sa singsing bago lumipad sa kanyang mukha ang tingin.
Tan’s eyes were teary na hindi niya nakita ang bahagyang pagtutubig ng mga mata ni Elaine.
“Bawiin mo sa akin sakaling magkita tayo uli.” Iyon lang at mabilis na itong tumalikod. Tangay ang singsing na siyang matitira na lang sanang alaala niya para dito.