Chapter 15
Ako nahihiya sa dalawa, parang kahapon di magkasundo, tapos ngayon akala mo mag tropa kung mag biruan.
May binulong naman ang kuya ko kay Damien. "Baka maging kambal anak niyo niyan HAHAHA" rinig na rinig ko ang tawa ni kuya.
" Ano yun ha? Bakit nagtatawanan kayo?" Masungit na tanong ko kay Damien. " Nothing, honey may sinabi lang, init agad ng ulo"
Natatawang sabi sakin ni Damien.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag kain ay nagtanong ang magulang ni Anastasia. " Pag katapos niyo ba ay uuwi na kayo?" Tanong ni mama samin.
Tumango naman ako, dahil may mga gagawin pa ako. at baka may magawa nanaman kami na hindi dapat. Nababaliw ako sa tuwing ginagawa namin yun. Dati akala ko hanggang friends lang kami. Ngayon mag asawa na kami.
Nang matapos sila ay sumakay na ang mag asawa sa sasakyan. " Ready?" Tanong ni Damien sa asawa. Tumango naman si Anastasia bilang pag sang ayon.
Naisip naman ni Anastasia na asarin si Damien habang nag mamaneho. Dahan dahang pinadulas ni Ana ang mga kamay niya sa binti ng asawa.
" S-stop.. A-ana.." nahihirapang sabi ni Damien sa asawa. Hindi tumigil si Anastasia sa ginawa, dahil natutuwa siya na may epekto pala ito sa asawa niya.
" P-please stop Anastasia! Nasa daan tayo." Pag sesermon nito sakin. Siyempre makulit ako pasimpleng hinahalikan ko ang cheeks ng aking asawa.
Sa sobrang gigil ko ay kinagat ko ito sa cheeks niya. " Ouch! Bakit nangangagat ka??" Gulat na ani ni Damien sakin. Pero tumawa lang ako sa kanya.
" Wala, nakaka gigil ka kasi e." Bumalik nako sa upuan ko. While Damien masama ang tingin sakin. " Pogi ka padin naman, tignan mo parang may blush kana sa face mo." Pang uuto nito sa asawa.
Napailing nalang si Damien. Dahil mukhang siya ang pinaglilihian ng asawa. Napahilot nalang ng ulo si Damien sa kakulitan nanaman ni Anastasia.
" Napaka kulit mo talaga, pero kapag nasa bed na wala, pero yung daldal andoon padin." Nahiya tuloy si Anastasia sa ginawa nila. " Hoy!! Nadala lang ako ng hormones ko feelingero to." Pang lalaban ni Anastasia sa asawa.
Nang tumigil na sa pangkukulit si Anastasia. Ay tahimik naman na naka focus si Damien sa daan. Hinawakan niya ang kamay ng babae.
Dahil doon ay parang batang kinilig si Anastasia sa ginawa ng asawa. Sa isip ng babae sana magpatuloy ang gantong ka sweetan ng asawa.
Nang makarating sila ay pumasok agad ng kwarto si Ana upang mag palit ng damit. Napatitig si Anastasia sa salamin, iniisip niya lumaki ba katawan ko?
Napansin din niya na medyo lumakas nga siya kumain. At medyo nadagdagan ang timbang niya. Biglang pumasok naman si Damien.
" Why? Something happen?" Tanong nito sa kanya. " Nothing. Tumaba ba ako?" Worry na tanong niya kay Damien.
Mahinang natawa ang asawa sa kanya. " Bakit moko tinatawanan?" Masungit na tanong nito. " No! I'm not, normal lang na mag gain weight ka kasi pregnant ka." Pag aalo nito kay Anastasia.
"Sexy ka padin, naman. Madaldal padin." Kahit kailan talaga napaka mapang asar nito.
" Sus! Huwag ako, naka isa ka kasi kagabi" mahinang tinulak ni Ana ang asawa. Dahil pasimpleng may pag hawak nanaman ito. " Ops!! Tigilan moko, yang pasimple mong hawak ah." Pag babanta nito sa asawa.
" Sige, may gagawin muna ako." Humalik saglit sa labi ang asawa. Naiwan na mag isa si Ana. Nabusy naman siya sa pag babasa ng magazine.
Ilang oras lang ay pumasok si Damien. " Hi? Papaalam lang sana ako?" Pagpapaalam nito sakin. " Di mo need mag paalam sakin, kung aalis ka desisyon mo padin yan. Unless kung boys gimik yan or babae." Pag papaalala nito sa asawa.
Dahil doon ay napangiti ng malapad si Damien. Madali lang pala kausap ang asawa. Kahit na ilang taon ang tanda nito ay gusto padin niya mag paalam sa asawa. Ayaw niya na umasa ito at mag overthink.
Masuwerte na siya kay Anastasia. Ang kailangan lang pala ay matutunan mahalin ang babae. Hindi sinabi ni Damien kung anong lakad ang pupuntahan niya.
Dahil tiyak na magagalit ito. Kay Cheska kasi ito pupunta. Si Damien na ang pumunta sa babae.
Nang makarating siya kay Cheska ay naabutan niya itong naka lingerie. " Bakit nakaganyan ka?" Nagtatakang tanong ni Damien.
" Ready nako.." proud na sabi ni Cheska. " No! Di yun Ang pinunta ko. Andito ako upang tapusin na ito." Dahil don ay biglang nagbago ang expression ng mukha ni Cheska.
" What!! I thought iiwant mo yang si Anastasia??" Sigaw nito sa lalaki. " Look! Kasal kami, ayokong lokohin siya, di niya deserve yun." Pag dadahilan ni Damien.
" Ako pa pala ang nag mukhang nangaagaw dito." Pagak na tawa ni Cheska. Nakita ni Damien ang pag patak ng luha ni Cheska." I'm sorry.. but I loved her na Cheska."
" Pinag mukha mo akong tanga! Umasa ako sayo!!" Galit na sigaw sa kanya ni Cheska.
Umalis nalang si Damien doon. Dahil nag wawala na ang babae. Hindi dahil kasal na si Damien ay iiwan niya ang babae. Kundi gusto niya panindigan ang responsibilidad niya sa kanyang magiging anak at asawa.
Aminin ko man noon hindi ko nakikita ang future ko Kay Anastasia. Dahil sa minsan di ito matured mag isip, madaldal, at makulit. Pero ng unti unti ko na nakilala ang totoong Ana ay di ko namalayan na nahuhulog ako.
Dumaan muna ako sa dating bar na tambayan ko. Nakita ko ang ilang mga kaibigan ko. Nilapitan ko ang mga ito. " Hi bro! Alam mo na ba?" Tanong ng kaibigan sa kanya.
Naguguluhan naman si Damien sa ibigsabihin ng kaibigan. " Ano ba yun?" Takang tanong ni Damien sa kaibigan. " Ay hindi mo alam bro? Balita andito na ang first love mo si Ivy." Nang marinig ni Damien ang pangalan na iyo ay saglit itong napatigil.
Naalala nanaman niya ang babaeng unang minahal niya ng tunay. Taon na ang naka lipas ng iwan siya nito. Naalala ko noon halos luhurin ko ang lupa para mag maka-awa kay Ivy.
" Please.. kahit naman magkalayo tayo, tayo padin naman diba?" Umiiyak na tanong ni Damien kay Ivy. Ngunit ang babae ay umiling lamang sa lalaki. " Di mo kasi naiinitindihan e, mahirap Damien." Pag dadahilan nito sa lalaki.
" Ano ba ang diko maintindihan ha? Iinitindihin ko!" Pag mamakaawa ni Damien sa babae.
Nakilala ko noon si Ivy sa isang party. Sa mga babaeng nakita ko sa party tanging si Ivy lang ang maganda sa paningin ko. Nag tanong ako sa iba anong pangalan niya.
Nalaman ko na sikat din pala ito sa school. Simula noon naglakas loob ako na puntahan ang babae at kausapin. Hanggang sa nakuha ko ang loob ng babae.
Kahit mga bata pa sila noon, alam na ni Damien na ito na ang first love niya. Ito ang pinaka matagal na naging gf niya. Nagkahiwalay lang sila dahil sa ibang bansa ito nag aral.
Agree naman si Damien sa ldr ngunit ayaw ng babae. Inisip ni Damien noon baka may iba kaya ganon. Doon nag simula ang pagiging playboy ni Damien.
Kung tignan siya ng mga student ay akala mo mabait. Pero may kulo din ito. Kung sino sino ang babae, at walang tumatagal.
Tumagal din si Cheska, dahil may mga ugaling pinagkapareho sila ni Ivy. But something happen, nahulog ako kay Anastasia na isang babae noon na panay lang sunod sakin.
Tulala lamang si Damien hindi niya alam bakit nagkakaganto siya. Ang alam niya ay mahal na niya si Anastasia. Mali ang hanapin pa muli si Ivy.
Hindi na mababalik ang dati. Ngayon kasal na siya at magiging soon to be daddy na. Noon si Ivy ang inakala niyang magiging Ina ng magiging anak niya.
Pero hindi pala. Totoo ang kasabihan na kapag pinlano mo agad ay hindi ito matutuloy. Madami pang plano noon si Damien sa kanila ni Ivy.
But I guess kay Ana ko na dapat gawin ang mga plano ko noon.
May biglang tumawag na unknown number kay Damien. Hindi niya na natignan kung sino ang caller. " Hello??" Hindi muna sumagot ang nasa kabilang linya.
" Hi? Si Ivy to." Sagot ng nasa kabilang linya. Hindi rin agad na process ng utak ni Damien ang narinig niya.
:)))
Baddie_Cutie8
______