Chapter 8
Naiinis si Estelle sa kaniyang sarili. Gusto niya itong kastiguhin.
Habang sakay siya ng jeep pauwi ay hindi pa rin niya makalilimutan ang halik na iyon ni Leandro. Parang may pinukaw ang lalaki sa katawan niya na hindi niya alam na natutulog pala. Hindi pa siya nakaramdam ng ganoon kahit na magkasama man sila ni Francis.
Sure, she and her boyfriend shared kisses. Pero hindi ganoon. Hindi ganoon ka-intense. Hindi ganoon kainit na pati pagkababae niya ay nagre-react, lalo na nang hawakan siya ng binata sa kaniyang dibdib.
Napakagat-labi tuloy siya. Pakiramdam niya ay nagtataksil na talaga siya sa kaniyang nobyo. Paano namang hindi, eh tinugon niya ang halik na iyon?
Ano ba kasi itong nararamdaman niya para kay Leandro? Bakit siya nalilito nang ganito? Bakit niya naramdaman ito?
‘Bakit… bakit ko siya… pinagnanasahan?’ Kahit sa isip man lang ay ayaw niya itong aminin pero iyon talaga ang totoo. ‘Hindi ito puwede! May nobyo na ako!’
‘Teka, ano na ngayon ang gagawin ko? Aaminin ko ba ‘to kay Francis at hihingi sa kaniya ng tawad?’
‘Itinulak ko naman si Leandro, ah.’
“Oo, pagkatapos mong humalik pabalik sa kaniya at ini-enjoy mo pa nang ilang minuto yata ‘yon bago mo siya itinulak. Oh, well, I can’t blame you, girl. Leandro’s hot! Super hot!’
Napalunok siya, nakadama ng panunuyo sa kaniyang lalamunan. Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil sa inner conflict niya.
‘Ano na ngayon ang gagawin ko kapag magkita kami ulit? Nakakahiya!’
Pagkarating niya sa bahay nila, agad siyang nag-message kay Francis. Para bang kapag ginawa niya ito ay mabubura ang eksena nilang iyon ni Leandro sa isipan niya. Na para bang mabubura ang guilt niya kapag makakausap niya si Francis.
“Francis kasi, bakit hindi ka na tumatawag sa ‘kin? Kailan ba tayo ulit makapag-video call? Or kahit chat man lang? Matagal na rin tayong hindi nag-uusap. I miss you.”
Napatitig siya sa isinend niyang mensahe. Napabuntong-hininga siya.
Nagitla na lang siya nang tumunog ang kaniyang message alert tone sa cell phone. Parang ayaw niyang tingnan ito. Natatakot siyang baka tini-text siya ni Leandro. Ano kaya ang sasabihin nito kung sakali man?
Marahan niyang inabot ang cell phone na para bang tutuklawin siya nito anumang sandali. Tsinek niya ang mensahe. Bigla siyang nainis. Si Mark na naman kasi ang nagte-text sa kaniya.
‘Leche naman ang taong ‘to, oo!’ sa isip pa niya at nakabusangot.
Binura niya agad ang text nito nang hindi man lang binasa kung ano iyon. Oras na yata para magpalit na siya ng SIM card. Pero ang problema niya, lahat ng mga kakilala niya ay sanay na sa numero niyang ito at kahit sa trabaho rin. Inconvenient para sa kaniya ang magpalit ng numero.
‘Ah, buwisit talaga ang taong ‘to!’
***
“Mindy, alam mo ba kung paanong mag-block ng number?” tanong niya kay Mindy. Tinawagan niya ito habang nakasandal siya sa headboard ng kaniyang kama.
“Sino ba ang ibo-block mo, Es? Si Francis?” Gulat ang tono ng kaibigan niya.
Napatawa siya nang mahina. “Hindi, ah! ‘Yong naikuwento ko sa ‘yo minsan? Dating manliligaw ko. Iyon ang ibo-block ko.”
“Ah! ‘Yon ba ‘yong may asawa na? Wow! Kapal ng skin, ah! Nagte-text pa rin sa ‘yo hanggang ngayon?”
“Oo, eh. Kahit nasa labas siya ng bansa, gano’n pa rin.”
“Eh… I think may feature naman ‘yang cp mo para mag-block. Tingnan mo na lang sa manual baka nandoon kung hindi mo man makita agad sa phonebook mismo. Explore-explore ka rin sa phone mo ‘pag may time, ‘no? Ano ba yarn?”
“Tama. Check ko nga pala. Sorry, wala talaga ako sa tamang pag-iisip ngayon, eh. Naiinis ako! Pero baka na-misplace ko na rin ‘yong manual ng phone ko. O kaya naman baka masagot ni Mr. Google. Kainis naman kasi ‘to, eh! Pero baka kasi sa social media accounts ko naman mamemeste ang taong ‘yon. Connected pa naman kami dahil kay Ate Erin.”
“Eh, ‘di i-block mo rin siya roon! Problema ba ‘yon?”
“Hay naku! Oo nga, tama ka. Sakit sa ulo ko talaga ang taong ‘yon kahit kailan. Mag-e-effort pa talaga ako nang dahil sa kaniya?” palatak niya. Hindi na maipinta ang mukha.
***
Kinabukasan, dahil weekend naman at malapit na ang birthday ng ina ng nobyo, naisip ni Estelle na bisitahin ang mga magulang nito. Bumili siya ng cake bilang advance na regalo.
Dahil bukas naman ang gate sa compound ng pamilya ng nobyo, pumasok na siya. Pero mukhang tahimik sa paligid na ipinagkatataka niya.
“Tao po! Magandang hapon po!” bati niya.
Walang sumagot sa kaniya. Baka hindi siya naririnig.
Lumibot siya sa likuran dahil naisip niyang baka nandoon ang mga ito sa hardin. Iyon kasi ang pampalipas-oras ng mag-asawa.
“O, Estelle! N-naparito ka.” Nagulat ang ina ng kaniyang nobyo na makita siya roon. May alanganin itong ngiti sa kaniya.
Napangiti siya rito at binati ang may-edad na babae. “Eh, weekday po ang birthday n’yo kaya naisip ko na lang na dumaan ngayon kasi weekend at hindi po ako busy. May… dala akong cake para sa—”
“’Nay, heto po ang—”
Kapwa sila natigilan ng lalaking nagsalita. Napalingon siya at napanganga nang makita ang kaniyang nobyong may hawak na sombrero.
“Estelle!” nagulat na bulalas ni Francis.
Nalilito siyang napabaling-baling ng tingin sa mag-ina. Parang nagliliyo ang kaniyang isipan dahil sa kabiglaan dahil hindi naman niya inasahang makikita ang nobyo ngayon sa bahay ng mga magulang nito. Ang alam niya ay nasa barko pa ito.
“F-Francis… B-bakit…?” Napahawak siya nang mahigpit sa plastic bag na kinalalagyan ng carton ng cake.
“Estelle…”
Marahan siyang napabuga ng hangin habang nagbabaga ang kaniyang mga matang nakatitig sa nobyo.