Chapter 7

“That’s right. I like you, Estelle. Kaya masaya ako nang makita kita sa unang araw ko rito at malamang magkatrabaho tayo. That means I get to see you almost everyday!” pagpatuloy ni Leandro.

Napakurap-kurap ang dalaga dahil sa narinig. May bahid ng pamumula sa mga pisngi nito.

“Well, I’m sorry, sir. The feeling is not mutual. Alam n’yo ba kung bakit?”

Napailing siyang nalilito. Just when he thought she reciprocated his feelings as he had assumed at the MRT, he was completely confused by how she acted indifferently from the moment he started his first day at work in that branch. Hindi niya talaga iyon inasahan. Talk about “maling akala.” Iyon na ang nangyari sa kaniya.

“Dahil inagaw n’yo ang posisyong gusto ko!”

Parang pasabog iyon sa pandinig ni Leandro. Hindi niya inasahang may “inagaw” pala siya sa dalaga kung kaya ito nagkakaganito. Wala naman kasing sinabi sa kaniya ang taga-HQ na may kandidato na pala sana sa pagiging showroom manager sa branch na ito. Kung alam niya lang…

Napadili-dili siya.

‘What if I did know? Would I have had refused?’

Hindi niya rin alam ang sagot nito pero baka nga hindi na siya tutuloy at baka habang-buhay nang hindi niya makikitang muli ang dalaga.

“I worked my ass off for almost a decade for this company,” pagpatuloy na palatak ng babae. “Pero sino ang nakakuha sa gusto kong posisyon? Ikaw na galing sa labas ng bansa! Oh, well… ano ba naman ang laban ko, ano? Galing kang America, eh! Samantalang ako, nanggaling lang sa isang public college.”

May bahid na pait sa mga salitang binitiwan ng babae. Para siyang sinikmuraan nito. Hindi niya talaga inasahan na ito pala ang dahilan kung bakit matabang at halos palagi siyang binibigyan ng malamig na pakikitungo ng dalaga. Inisip pala nitong inagaw niya ang trabaho na gusto nito. All this while, this is what she felt and thought. And he had no idea, at all.

Napatiim-bagang siya. “I’m sorry. I didn’t know, Estelle.”

“Of course, you didn’t!” mapaklang anito.

“If you were competent enough, they wouldn’t have chosen me to fill in the position as the showroom manager, when I only worked for the company for half a year,” balik niya.

‘Why did she have to vent it out on me? It isn’t fair. How could I know?’

Napamaang sa kaniya ang babae. “Ano? Ipinamumukha mo ba talaga sa ‘kin ‘yan? I couldn’t even prove myself—”

“Because I ‘snatched’ your position, is that it?” Napatawa siya nang mapakla sa dalaga. “If you were competent enough, just being a supervisor like you are now, you could have contributed a real big thing to the company, Estelle. Hawak mo ang mga tao. Hawak mo rin ang ilang administrative duties. Those alone can—”

Napatigil siya sa pagsasalita nang dumapo ang palad nito sa pisngi niya. Nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Nagtaas-baba ang dibdib ng babae dahil sa malalim at mabilis na paghinga.

“How dare you judge me! You don’t even know me!”

Galit niyang hinawakan ang dalaga sa magkabilang balikat at isinandal niya ito sa pader. Hindi niya alam pero iisa lang ang naisip niyang paraan para parusahan o para makabawi rito. Siniil niya ito ng halik sa mga labi.

Napasinghap ito sa ginawa niya. Dahil dito, lalong napaawang ang mga labi ng dalaga kaya lalo lang niya itong nilamukos ng halik. Kahit na itinulak siya nito sa dibdib ay hindi pa rin siya nito kayang itulak palayo. Ilang saglit pa ang lumipas ay napahawak ito sa kaniyang jacket at marahan itong napatugon sa kaniyang halik. Napaungol tuloy siya nang mahina dahil sa kakaibang damdaming dulot niyon.

Lalo niyang idinikit ang matipuno niyang katawan sa malambot nitong katawang ibinilanggo niya. Bumaba ang kaniyang mga kamay sa baywang nito. He could span her small waist with his two hands. Hindi nakaligtas sa kaniyang pandama ang mainit nitong katawan na kay sarap hawakan.

“Estelle,” bulong niya habang hinahalikan ito sa malambot at matamis na mga labi. Nakababaliw ito. He could not help but get aroused as seconds ticked by. Wala na siyang ibang naiisip pa nang mga sandaling iyon kundi ang dalaga at ang mga labi nitong gumagalaw para tugunin ang maaalab na halik niya. Ang lambot ng katawan nito na tila matutunaw sa paghaplos niya. Parang hindi na siya makapaghintay pang angkinin ito. At ang bango nitong lalong nagpapatingkad at nanggagatong sa nadarama niya, para na siyang mawawala sa tamang huwisyo.

‘Oh, God! How I want this woman!’

Sure, he was with a number of women in the past, pero kakaiba itong nadarama niya para kay Estelle. Hindi pa niya alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman niya para sa babae. Siguro dahil iba ito kaysa sa mga babaeng nakilala at nakatagpo na niya. She was one of a kind.

Umangat nang dahan-dahan ang isang kamay niya, sa ibabaw ng isang malusog nitong dibdib. Ramdam niya ang init at lambot nito kahit sa ilalim ng suot na blazer, tank top, at bra. Minasahe niya ito nang banayad nang bigla na lang siyang itinulak ng dalaga nang napakalakas. Hindi niya iyon inasahan kaya napaatras siya mula rito. Kapwa sila naghahabulan ng hininga. Napatitig siya rito na namumula at hindi makatingin sa kaniya.

“Estelle,” mahinang sambit niya.

Mabilis itong pumihit at tumakbo na ito palabas ng gusali. Hindi man lang ito lumingon sa kaniya kahit tinawag niya nang malakas.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang hindi na niya ito makita. Napamura siya sa sarili. Naisip niyang pinalala lang niya ang sitwasyon nilang dalawa nang dahil sa ginawa niya.

“Congratulations, Leandro. You just screwed it up!” sarkastikong aniya sa sarili. Gusto niyang bugbugin ito kung puwede lang. “Now, what are you going to do, huh?”