Chapter 9
“Aba naman! Sinasabi ko na nga bang hindi mo nga mapagkakatiwalaan ang mga seaman!” dakdak ni Mindy kay Estelle nang makipagkita ito sa kaniya sa bar. Gusto niya lang kasing maglabas ng sama ng loob kaya naisipan niyang uminom kasama ang kaibigan.
Napailing-iling si Mindy habang nakatingin ito sa kaniyang tumutungga ng alak. Isang bote ng vodka ang iniinom niya nang diretso.
“Alam mo bang ang weird ng pakiramdam ko, ha, Mindy? Sa mahigit na dalawang taon kong pagkakilala sa kaniya, ni wala man lang akong ideya na gano’n pala siya?” Napamura siya.
“Tsk. Tsk. Tsk,” naiiling na simpatya ng kaibigan. Umiinom ito ng beer.
“Bakla pala siya? Lately lang niya na-realize ‘yon? Kasama pa niya sa sariling bahay nila ang lalaki, and of course, with his parents’ knowledge. What the heck?” Tinungga na naman niya ang bote bago pabagsak iyong inilapag sa mesa. Naglikha man ng ingay, hindi iyon masyadong halata dahil sa lakas ng musika at katuwaan sa mausok na bar. Amoy alak at sigarilyo ang paligid.
“At isang buwan na ‘kamo silang nagsasama do’n mismo sa bahay ng pamilya niya? Wow! Ang supportive ng parents niya, ah! Nakaligtaan pang ibalita sa ‘yo ng kapatid niya o ano no’ng kinumusta mo?” maasim na wika ng kaibigan.
Napabuga ng hangin si Estelle. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Her pride as a woman was hurt. Iyon ang nangingibabaw. Hindi talaga masakit ang dibdib niya dahil pinagtaksilan siya ng nobyo⸺na ipinagpalit siya sa isang lalaki at hindi sa ibang babae. Ah, ewan niya. Nalilito siya. It was just out of the blue. Hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman ngayon pagkatapos ng eksenang iyon.
“Sinabi niyang natatakot at nahihiya siya sa ‘kin kapag nalaman ko,” mahinang kuwento niya kay Mindy. “Kaya nga hindi na siya nakipag-communicate sa ‘kin kahit sa social media man lang. Naisip din niyang baka mag-gi-give up na lang ako kapag gano’n. He just ghosted me! Tapos… s-sinabi niyang kulang daw ako sa passion. Pinayuhan pa niya akong… I should love to the fullest and let my desires go wild! Biruin mo ‘yon?” Napasinghot siya. Pinahid niya ang ilong bago tinungga ulit ang bote.
Napangiwi si Mindy na napatitig sa kaniya. May awa sa mga mata nito pero inignora niya iyon. Hindi niya talaga maiwaglit sa isipan na binigyan siya ng ganoong payo ng boyfriend-cum-gay friend niya na ngayon. Hindi siya makapaniwala!
“Tsk! Ibig bang sabihin ng ex-boyfriend mong bakla na dapat bumigay ka na?” anang Mindy na natatawa para pagaanin ang atmospera nila.
“Ah, ewan ko sa kaniya! Ang kapal niya talaga! Ininsulto pa ako?”
Tinapik siya ni Mindy sa balikat. “Es, huwag kang ma-offend kung insulto man ‘yon. May sarili kang paninindigan kaya ipagpatuloy mo lang ‘yan.”
***
“Sabihin mo nga sa ‘kin kung paano gawin ang ‘to let my desires go wild and set my passion free’? Galing kang America, baka alam mo ‘yon,” bungad ni Estelle nang sagutin ni Leandro ang kaniyang cell phone.
Agad na napasimangot ang binata at napatingin ulit sa cell phone niya nang saglit. Baka hindi para sa kaniya ang tawag na ito.
“Hello?”
“Hello! Hindi mo ba narinig ang tanong ko, sir?” anang babae.
Ngayon ay napagtanto niyang slurry ang pagsasalita nito. “Wait, Estelle. Are you drunk?” usisa niya.
“Hindi ako lasing!” giit nito. “Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko! Leche ka!”
“Huh!” Bigla siyang napatawa nang mapakla. Minura ba naman siya. “Where are you?”
Buti na lang at sumagot naman ito kaya ay tinapos niya agad ang tawag.
“O, sa’n ka pupunta?” tanong ng pinsan niyang si Jed na may dalang bote ng beer.
Kasalukuyan siyang nasa bahay nito para makipagkuwentuhan. Gusto kasi nitong pag-usapan nila si Kimberly kung bakit hindi niya ito type.
“I got to go, cuz. Sorry. Kuwentuhan na lang kita some other time, cuz, all right?” aniyang nagmamadaling umalis. Hindi na niya hinintay na pumayag ang pinsan o hindi.
Halos paliparin na niya ang kotse patungo sa bar na sinabi ni Estelle. Napaisip siya kung may problema ito at napaisip din siya kung mag-isa lang ito roon na umiinom. Kapag nagkataon, hindi talaga iyon mabuti para sa dalaga. Baka may kung sinu-sinong lalaki na lang ang magsasamantala. Nag-aalala tuloy siya sa maaaring mangyari.
Iginala ng binata ang kaniyang paningin pagkapasok niya sa bar. Sa isang sulok, nakita niya ang dalaga at kaharap nito si Mindy. Kahit papaano ay tila nabunutan siya ng tinik. Hindi pala ito mag-isa.
‘It’s good, then. She’s not alone.’
Sa tingin niya, hindi naman lasing si Mindy.
“Hey! Ano’ng nangyayari dito?” tanong niya kay Mindy na umiinom ng beer.
Si Estelle naman ay nakasubsob na ngayon sa mesa. Pansin niya ang bote ng vodka na nangangalahati kaya napasimangot siya.
“Well, her boyfriend happened,” ang tugon naman ni Mindy. Halos paikutin nito ang mga mata. “Ewan ko kung malungkot siya o kaya ay nagsasaya.” Lumabi ito at napakiling ng ulo. “Puwede mo siyang tanungin kapag gising na.”
Napaawang ang mga labi niya nang saglit. Inilapag nito ang wala nang lamang bote ng beer. Napaangat ito ng tingin sa kaniya habang nakadungaw siya kay Estelle na tila nakatulog na sa kalasingan.
“Palagi ba siyang ganito?” usisa niya kay Mindy na nakapamaywang nang macho.
Ngumiti si Mindy. “Thank God, no! Kung nagkataon, titigil ako sa pagiging kaibigan niya, ano? Ayokong magkaroon ng lasenggerang kaibigan.”
Napatawa siya nang mapakla. “Are you good to go?”
“Don’t mind me. Nandito na ang sundo ko kahit sementado ang binti niya.” Ininguso nito ang nobyo na may kasama. “Naisip kong ihatid siya sa kanila pero dahil tinawagan ka naman niya, which I don’t think she really realized what she was doing. Well… ikaw na ang bahala sa kaniya. May tiwala naman ako sa ‘yo.” Tumayo ito sabay kuha ng bag. “Pero in case may mangyayari sa kaibigan ko, alam ko naman kung sino ang sisingilin ko.” May bahid iyong banta kahit sa likod ng ngiti nito.
Napangiti siya nang awkward kay Mindy. “Okay. I got it.” Nagtaas siya ng kamay na tila sumuko. “Pero ‘wag kang mag-aalala. Ako na ang bahala sa kaniya. I-text mo lang sa ‘kin ang address niya.”
Hinalikan muna nito sa pisngi ang nobyo bago pumihit paharap sa kaniya. “Sigurado ‘yon, ite-text ko sa ‘yo, kaya ‘wag na ‘wag mo siyang dadalhin sa kung saang biglang liko!” babala nito.
Napatawa na lang siya ritong napasunod ng tingin nang saglit bago napabaling sa dalaga lasing na lasing na. Pinangko niya ito at isinakay sa kaniyang kotse, sa may front passenger seat. Napatitig siya kay Estelle bago niya ikinabit ang seat belt. Nanunuyo ang lalamunan niya. Para siyang inaakit nito kahit wala naman itong ginagawa. Simpleng titig lang niya sa babae at nahahalina na siya rito.
“Get a grip, Leandro,” usal niya sa sarili.
Tumuwid siya at isinara ang pinto bago pumuwesto sa driver’s seat. Subalit napapihit siyang muli upang titigan ang dalaga. Ilang segundo rin iyon bago siya humarap sa manibela.