Chapter 32
Papalubog na ang araw. Nakapinta ang iba’t ibang kulay sa kalangitan. Humahampas ang bawat alon sa dalampasigan at sumasayaw ang kurtina sa bintana nang paulit-ulit na umiihip ang hanging nagmumula sa dagat.
Tinanggal ni Leandro ang lahat ng saplot ng kaniyang asawa. Nasa honeymoon sila sa Palawan, mahigit isang oras lang na biyahe gamit ang eroplano. Ayaw kasi ni Estelle na umalis sila ng bansa, lalo na’t nag-aalala sila kapwa sa traydor na sakit ng kaniyang ama. Pasalamat siya dahil maunawain at maalalahanin ang kaniyang misis.
Isang buwan lang ang ginawa nilang paghahanda sa kanilang kasal at tumuloy na sila agad sa dambana. Hindi na sila makapaghintay na magkaroon ng basbas ang kanilang pagsasama, bagay na ikinasiya ng mga kapamilya nilang dalawa, pati mga kasamahan sa trabaho.
Natuloy ang inuman nila ni Eric dahil sa kasiyahan at inihabilin nito ang nakatatandang kapatid sa kaniya. Ipinangako naman niya sa bayaw na aalagaan niya si Estelle.
Sobrang saya rin ni Mindy nang ibinalita nila ang plano nilang pagpapakasal at sinabi nitong, “O, ‘di ba? Pasalamat talaga kayo ‘sa kin at ako ang dahilan para maging kayo habang-buhay. Nag-iinarte pa kasi kayong dalawa, eh, alam ko namang nagmamahalan talaga kayo kahit sa ikli lang ng panahong magkakilala kayo. Kung hindi pa kita tinawagan, Leandro, naku! Ewan ko na lang sa kaibigan kong ‘to. Baka magbigti na. Joke!”
Nagkatawanan pa silang tatlo dahil dito.
“Kung makapagsalita ka naman ng ganyan, parang depressed na depressed ako, ah,” reklamo ni Estelle at sinimangutan ang kaibigan.
“Eh, joke nga lang!” Kumibot-kibot pa ang bibig nitong inirapan si Estelle.
Masaya rin nitong ibinalita sa kanilang sa susunod na taon na ang kasal nito dahil nag-aya na sa wakas ang nobyo nito, bagay na ikinasiya nilang dalawa ni Estelle para kay Mindy.
Napansin nilang mag-asawa kanina sa simbahan ang pag-iyak ng kanilang mga magulang dahil sa sobrang saya para sa kanila. Natuwa ang mga itong sa wakas ay lumagay rin sila sa tahimik.
Hindi nila pinatapos ang party. Nagpaalam lang sila sa mga bisita na umalis para sa kanilang honeymoon, gamit ang private plane ng ama. May private resort ito sa El Nido at may sariling hangar sa airport.
Ngayon ay pinalandas ni Leandro ang dila sa linya ng mga labi ng asawang napahalinghing. Pagkatapos niyon ay tuluyan na niyang sinakop ang bibig nito at nilaliman ang paghalik habang ang isang kamay niya ay bumaba sa pinakasentro ng katawan nito.
Nilalaro ng mga daliri niya ang namamasa nitong kaselanan saka pinaikot-ikot sa pinakasensitibong parte niyon. Napaliyad ang asawa niya kasabay ng paghaluyhoy dahil sa sarap na dulot niyon. Hindi ito mapalagay sa kama at panay ang pag-alumpihit.
Paulit-ulit nitong sinambit ang kaniyang pangalan na ikinasiya niya. Lalo pa niyang pinag-igihan ang pagkala-kalabit sa sensitibong talukbong ng pagkababae nito hanggang sa lalo yaong namimintog. Palakas nang palakas ang pagdaing nito kaya naman ay itinutok na niya ang ulo ng kaniyang matigas na kahabaan sa bukana nito.
Sabay silang napaungol nang marahan siyang bumabaon sa basa at mainit na kailaliman nito. Walang mapaglalagyan ang saya nilang mag-asawa nang mapag-isa ang kanilang katawan.
Maya’t maya ay napapaanas siya sa pangalan ng asawa habang umuulos. Kahit medyo malamig ang simoy ng hanging pumasok sa silid ng kanilang private villa, hindi iyon nagpababa sa temperatura ng kanilang nagsasanib na mainit na katawan.
Ilang saglit silang napatigil sa paghalik sa isa’t isa habang magkahinang ang kanilang nanlalabong mga mata dahil sa pagnanasa.
“I love you so much, Estelle!” madamdaming saad niya pa at nagpatuloy sa paglabas-masok sa katawan nito.
“Oohh… Leandro. Mahal din kita!” anitong napahalinghing. Napakagat ito ng pang-ibabang labi at impit na namang napaungol sa sobrang sarap ng kaniyang pagbayo.
“I’m gonna rough you up tonight, my beautiful wife,” aniya pa.
Naudlot ang pagtawa nito dahil sa pagbaon niya nang mariin. Napasinghap ito at napaungol.
“Gawin mo na ang lahat sa ‘kin, Leandro, wala akong pakialam! Ahh!” Napamura ito na ikinatawa niya.
Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay gamit ang isa niyang kamay at ikinulong sa uluhan ng asawa. Samantalang ang isa niyang kamay ay minamasahe ang isa nitong globo. Pinisil-pisil niya ang malambot nitong dibdib habang patuloy ang paulit-ulit na pagsagad niya sa lagusan nito.
Binilisan niya pa ang pag-ulos na lalong ikinasiya nilang dalawa. Butil-butil na ang pawis sa kanilang noo, leeg, at katawan. Ang ganda talaga sa paningin niya ang asawang nakaawang ang mga labi at rinig niya ang nasisiyahang pagdaing nito sa bawat sundot niya.
Ramdam niya ang lalong paninikip nito at narinig niya ang paglakas ng mga daing nito, hudyat na malapit na nitong marating ang pinakatuktok ng kanilang pag-iisa. Siya man ay ramdam na malapit na rin niyang maabot iyon. Kaya lalo pa niyang binilisan at nilakasan ang pag-iindayog sa katawan ng asawa.
Kapwa sila napaungol nang idiniin niya ang kaniyang kahabaan sa kailaliman nito at muling pinakawalan ang kaniyang mga punla. Dalangin niya ay makabuo na sila ng kaniyang asawa at magiging kumpleto na rin ang munti nilang pamilya.
Hinalikan niya sa leeg ang asawang nakiliti. Nasa ibabaw pa rin siya nito at yakap ito nang mahigpit. Hindi niya talaga maarok ang sobrang pagmamahal niya sa babaeng ito at pinanggigilan niya pa rin. Muli niyang hinalikan ito sa mga labi at bahagyang kinagat-kagat ang mga ito, tinutudyo ang asawang umungol sa pagprotesta.
“Umm… Papasain mo pa ang mga labi ko, ah,” anito ngunit sinuklian naman ang bawat halik niya.
“I just can’t get enough of you, my wife!” turan niya. “I don’t think a lifetime is enough for the both of us.”
“Aww… ang korni ng hubby ko,” tudyo nito at niyakap din siya nang mahigpit. Napalingon ito sa bintana kung saan nakikita nila ang huling pagsilay ng araw. “I wish we’ll see and have happiness at every sunrise and sundown throughout our lives, Leandro.”
Nilingon niya rin ang direksyon ng paningin nito, napangiti. “There’ll be perhaps tears and fights in the middle of those, but I promise to make it up to you every time, Estelle.” Tinitigan niya ang magandang mukha nito, puno ng pangako at pagmamahal.
Tumitig din sa kaniya ang asawa at napangiti. “Oo, alam ko. Hindi naman ibig sabihin na mag-asawa na tayo ay wala na tayong problema. Nagsisimula pa lang tayo, Leandro, pero pangakong hinding-hindi kita susukuan kahit kailan… kahit maging ulyanin na tayong dalawa.”
Napatawa siya sa nakangising asawa. “Magiging ulyanin man tayo, huwag nating kalimutang mahal natin ang isa’t isa. Let’s just watch the setting sun and make it our love marker. By that, I’m pretty sure we’ll never forget what’s between us, Estelle.”
“Oo, mahal kong asawa. Hangga’t nasa puso natin ang pag-ibig,” nakangiting wika ng asawa na puno ng pagmamahal at pangako sa mga mata at labi.
-- Wakas --