Chapter 24

Hinanap ni Leandro si Estelle nang nasa sala na ang lahat ng miyembro ng pamilya nito. Nasa kusina lang pala ito. May ginagawang cross stitch. Sinilip niya ang pattern na sinusunod nito. Isang sunflower.

“O, naburo ka na sa kakukuwento roon?” puna ng babae.

Napatawa nang marahan ang binata. “Hindi, ah. Nami-miss lang kita kaya nandito ako.”

Buti na lang may ginagawa siya kaya hindi siya kailangang tumingin sa binata. May kilig kasing hatid ang sinabi nito. At ayaw niyang ipakita ang namumula niyang pisngi pero umupo ito sa tabi niya at sinilip ang kaniyang mukha. Nalalanghap na naman niya ang bango nitong kumikiliti sa bawat pandama niya.

“Hindi mo ako kakausapin?” mahinang tanong nito. Hinaplos ng paningin ng lalaki ang mukha niya.

“Ano ‘tong ginagawa natin?” pakli niya. Itinaas pa niya ang mga kilay.

He chuckled softly. “Right.” Tumango-tango ito.

Napasulyap siya rito nang panakaw. Seryoso itong tingnan at tila nag-iisip nang malalim. Nakatingin ito sa mga kamay niya habang nagtatrabaho. Kahit paano ay nako-conscious na naman siya sa ginagawa nito. Napatingin siya sa pattern upang mapaiwas muna ng paningin.

“Alam mo, dapat mo na sigurong pagbigyan ang ama mo, Leandro. After all, ikaw lang naman ang kaisa-isang tagapagmana niya, ‘di ba? Besides, what you believed or thought about him… is not entirely true. May rason siya kung bakit wala siya sa tabi mo halos buong buhay mo.”

Napatiim-bagang ito. “Enough about my father, Estelle. He’s got nothing to do with us! Aren’t we supposed to talk about something else that matters most? You know, what’s between us? About us?” Sinalubong nito ang mga mata niya.

Saglit silang nagkatitigan. Tumikhim siya at nagbawi ng pangingin. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

“Like what?” pasimpleng aniya.

“You should know that I don’t and I never committed myself to any girl…”

Napa-aray siya nang matusok ng karayom ang kaniyang daliri. Tiningnan niya ito at nagsimula itong dumugo. Hinila na lang nito iyon at marahang sinipsip. Marahang napabuka ang kaniyang bibig dahil sa ginawa nito, at nagkabanggaan ang kanilang paningin. He held her eyes with his. Hindi siya makaiwas ng paningin.

Marahang napatikom ng bibig si Estelle at marahang binawi ang kamay mula sa binata. Bigla na lang kasing nag-iinit ang pakiramdam niya dahil sa ginawa nito. Ramdam niya ang mainit nitong bibig na bumalot sa kaniyang daliri. Tuloy ay tumatak sa balintataw niya ang nangyari sa kanila kagabi.

‘Hay… ang mga labing ‘yan, Estelle, naku! Pinasaya ka niyan kagabi. Grabe!’

“Hindi na ba dumudugo?” alalang anitong tiningnan ulit ang kaniyang daliri.

Nagbawi na siya. “Ha? Ang alin?” patay-malisyang aniya.

‘Ano’ng ibig niyang sabihin? Ang ano ko? Dumurugo pa? Leche… Oo, masakit pa nga, eh.’

“Iyang daliri mo,” ang halos namamaos na boses na tugon ng lalaki. Titig na titig ito sa mukha niya.

“A-ah. O-okay na. Salamat!” utal-utal na sagot niya.

“Estelle, what I’m trying to say is that⸺”

Tumunog ang kaniyang cell phone na nasa ibabaw ng mesa, katabi ng pattern na sinusunod niya. Napasulyap lang siya sa binata bago inabot ang cell phone.

Tumayo siya upang pumunta sa likod ng bahay gamit ang pinto sa kusina. Hindi iyon dahil sa ayaw niyang marinig ng binata pero naging uncomfortable siya sa mga titig nito. Conscious na conscious siya kasi. Dagdagan pang ramdam niya pa rin ang ebidensiya ng pagniniig nila kagabi.

“O, Francis. Napatawag ka?”

“Birthday kasi ni boyfie sa susunod na linggo. Puwede mo ba akong samahang mamili ng regalo para sa kaniya?” tanong ni Francis.

Napamaang siya sa sinabi nito. “A-ano? B-bakit? Kaya mo naman na siguro ‘yon, ‘di ba? Ilang months na kayong magkasama, ‘di ba?” mahinang punto niya rito. Inikot niya ang mga mata at bumuga ng hangin.

“Eh, gusto ko rin kasing mag-bonding tayo, Estelle.”

Nalaglag ang panga niya. “Huh? Ano? Okay ka lang?” Hindi siya makapaniwala sa baklitang ito. Pagkatapos nitong insultuhin ang pagkababae niya upang ipagpalit siya sa isang lalaki ay may makapal fez pa itong humingi ng pabor sa kaniya? Ano na ang nangyari sa mundo?

Hindi naman sa may feelings pa siya para kay Francis. Zero feelings na nga siya dahil one hundred percent nang na kay Leandro ang puso niya. Kaya lang may sarili pa siyang problemang hinaharap sa ngayon at wala siyang oras para makipag-bonding sa kaniyang ex.

‘Diyos ko. Ano’ng pumasok sa kukote ng accla na ‘to?’

“Okay naman ako. Sige na, please! Samahan mo na ako, Estelle,” pakiusap pa rin nito sa kaniya.

Napakislot siya ng mukha. Tinimbang-timbang niya kung dapat nga ba niyang gawin ito kahit na maayos na ang naging hiwalayan nilang dalawa pagkatapos niyang malamang bakla ito.

Patuloy pa rin ito sa pagsusumamo sa kaniya.

“O, siya! Sige, magkita na lang tayo sa mall mamaya. Magbibihis lang ako, okay?” Napilitan na rin siyang sumang-ayon dito. Sobra kasing kulit ng bakla niyang ex. Ni hindi niya na-imagine na gagawin ang bagay na ito nang maghiwalay sila.

Natutuwa ang kaniyang ex sa naging desisyon niya. “Salamat, Estelle! Sige, bye! Mwah!”

Pansin niyang lalo na ngang nagtunog bakla ang ex niya. Napailing-iling na lang siya.

Nang pabalik na siya sa loob ay nakita na lang niyang nasa likuran lang pala niya si Leandro at hindi maipinta ang mukha nito. Hindi niya ito inasahan kaya nagulat siya. Tuloy ay dumapo sa kaniyang dibdib ang kamay, sapo ito at napahinga siya nang malalim.

“Ano ba? Ginulat mo ‘ko, ah!” reklamo niya sa lalaki.

“Sino ang katatagpuin mo sa mall?” mahinang tanong nito pero may bahid na galit iyon. “Si Mark ba o ang ex mo?”

Napakurap-kurap siya ritong hindi makapagsalita. Para kasing mura ang pagkakasalita nito sa mga huling salita. Bakit ba kasi bigla na lang itong nagagalit?

‘Nagseselos ba siya?’