Chapter 12 Mistake
It has been days since that disgusting event on the cruise and up to now I haven’t heard anything from Zander. No call, no texts, nothing.
Panaka-naka akong sumusulyap sa phone kong nakapatong sa desk ko. Nangangati ang mga kamay ko. Gusto ko siyang tawagan at murahin buong araw pero hindi pwedeng gano’n lang. I won’t stoop on thier level. I will play it big, I will revenge big.
“Engineer, ito na po ang planong hinihingi mo.” Inabot sa ‘kin ng katrabaho ko ang isang folder.
Binuklat ko ito at inusisa. Unang tingin ko pa lang ay napaangat na ang kilay ko. Tiningnan ko ang detalye ng footings at columns at tama nga ang hinala ko.
“Ito ba ang plano para sa Villacega Restaurant?” tanong ko at tumango siya bilang tugon. “Sino ang design engineer nito?” Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata pero pilit siyang umiiwas.
“Si Enrgr. Sullivan–” Umangat ang kilay ko sa binanggit niya. “Cindy Ella Sullivan,” dagdag niya.
Nakalimutan kong hindi na lang pala ako ang engineer sa angkan ng Sullivan. Napailing ako. Hindi kalakihan ang proyekto sa ‘kin pero sa baguhan na kagaya ni Ate? Masyado ‘tong malaki.
“Return everything to her. I won’t sign that. Unless, she realizes her mistake and correct it.” Binalik ko ang folder sa kanya. Tumango siya at bumalik sa sariling working desk.
“Climente?” tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa ‘kin. “Kailan mag-uumpisa ‘yan?” Tukoy ko sa proyekto.
“Next week po, engineer,” mahinang sagot niya.
“So when are you going to move? Sa tingin mo matatama niya ‘yan sa isang tingin lang?” Hinuli ko ang mga mata niya. Para siyang pinutulan ng dila kaya hindi makapagsalita. Sinubukan niya pero walang lumalabas na kataga sa bibig niya. “Oh ano? Uupo ka na lang ba d‘yan?” diretsa kong sabi na walang ka emo-emosyon.
“G-gagawin ko na po,” aniya at dali-daling lumabas ng silid.
Lumapit sa ‘kin si Reneigh na kakapasok lang ng opisina ko. “Tasya, okay ka lang? May problema ba?”
“Wala, stressed lang sa tambak na trabaho.” Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.
“Sa tingin ko hindi. Iba ka ma-stress pagdating sa trabaho eh. Ikaw ‘yong tipong sasarilihin ang mga gawain para matapos agad. Kailan man hindi mo nilalabas ang inis sa katrabaho mo. Kung ayaw mong sabihin sa ‘kin o hindi ka pa handa, naiintidihan ko. Basta nandito lang ako.” Tinapik niya ang balikat ko. “At the meantime, heto, pandagdag sa stress mo.” Nilapag niya ang isang makapal na folder sa harapan ko bago bumalik sa desk niya.
Napangiti ako at napailing saka sinimulang i-review ang pinasa niya. Hindi pa ako nangangalahati ay bumalik na si Climente bitbit ang panibagong folder. Napangiti ako sa kulay nito. Pink. It’s so likely my sister.
“Tapos na? Agad-agad?” nagtatakang tanong ko.
Hindi kaya nagpatulong siya kay Dad? Napailing ako. Kung gano’n nga edi sana all hindi pinaulit-ulit hanggang sa matama ang isang bagay.
Tinanggap ko ang folder at tiningnan ulit ito. Napatampal ako sa ginawa ng kapatid ko. She replaced all the reinforcing bars to twice the size of the initial rebars. In short, it turned out worst, over design. Malulugi ang kompanya sa pinaggagawa niya. Hindi na rin nakakagulat. Nagawa nga niyang gumasta ng milyon-milyon sa isang pares ng sapatos, sa proyekto pa kaya?
“Climente...” tawag ko ulit sa katrabaho ko nang akmang aalis ito sa harapan ko. “Return it to her and tell her to meet me here.” Ibinalik ko ulit sa kanya ang folder.
Pagkalabas niya ay saktong tumunog ang cellphone ko. Muling namuo ang galit sa puso ko nang makita ang caller ID ng tumatawag. Si Zander. Kinuha ko ang phone at pumasok sa banyo bago sagutin ang tawag niya. Mabuti na ang sigurado at baka maiyak ako, maiyak hindi sa sakit kundi galit. Mahirap na at baka may makakita sa ‘king umiiyak.
“May celebration ang agency this lunch sa Wallows. Bigatin ang mga dadalo. Gusto kong ando’n ka para malaman ng mga tao na okay tayo,” diretsahang aniya mula sa kabilang linya.
“Oh talaga ba? Bakit? Hindi ba tayo okay?” walang ka gana-ganang turan ko.
“Ba’t ganyan ang tono ng pananalita mo? Ikaw na nga ‘tong iniwan ako sa barko nang walang pasabi tapos ikaw pa ang galit?” May bahid ng inis ang boses niya.
“If I know, pabor din sa ‘yo ang pag-iwan ko–” Mabilis kong tinakpan ang bibig pero huli na’t nabitawan ko na.
“Ako pa ngayon? Ipinagmukha mo akong tanga buong gabi akong nanuod ng mga magkasintahan na naghahalikan,” salungat niya.
Napangiwi ako. Bakit parang baliktad? Eh ako ‘yong nagmukhang tanga do’n at nakikisana all eh.
“Hindi ka na kasi bumalik. Saang buho ka ba pumasok? Natapos na ang fireworks at lahat-lahat pero wala ka pa rin. Hindi kaya ibang fireworks ang pinanuod mong pumutok?” depensa ko. Diniinan ko ang mga salitang, buho, pumasok, fireworks at pumutok.
Sandaling tumahimik sa kabilang linya. Napangisi ako. Siguradong natamaan ko siya.
“Basta pumunta ka na lang at mag-ayos ka. Magdamit ka na parang babae–”
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. “Ano ba para sa ‘yo ang damit na dapat sinusuot ng babae?”
“Haiist! Ako na ang bahala. Ipapadala ko na lang sa bahay niyo ang susuotin mo,” saad niya at binabaan ako ng tawag.
Nilagay ko ang phone sa likurang bulsa. Bumuntong-hininga ako saka naghilamos. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Umatras ako para makita ang suot pan-itaas. Naka-peach na polo shirt lang ako. I won’t adjust just to please him. Katawan ko, pananamit ko, desisyon ko. Pinunasan ko ang mukha gamit ang panyo. Inayos ko ang sarili bago lumabas.
“Sa tingin ko sinasadya niyang hindi pirmahan. Pinapahirapan niya lang ang kakambal niya,” wika ni Climente.
Tahimik akong nakinig sa pinag-uusapan nila. Hindi nila napansin ang presensya ko.
“Nagseselos siguro kasi maspinapaboran ni Mr. Sullivan si Ma’am Ella,” dagdag naman ni Rosales.
“Baka gusto niyong sa ‘kin mismo sabihin ‘yan,” pagsingit ko sa usapan nila sabay patong ng pinag-cross na mga braso sa dibdib.
Nataranta sila pareho sa biglaang pagsulpot ko. Parang pinagtakluban sila ng langit at lupa. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nag-iba ang tingin nila sa ‘kin. Mag-aapat na taon na kaming magkatrabaho pero sa loob ng maikling panahon ay tila nag-iba ang ihip ng hangin.
“K-kanina pa po ba kayo d‘yan, engineer?” Parang isang nanginginig na usa na may nabaling paa si Rosales sa harapan ng isang mabangis at gutom na liyon.
“Hindi naman. Kakarating ko lang,” pagsisinungaling ko.
Ayaw kong maapektuhan ang pagtatrabaho nila dahil sa hindi pagkakaintindihan. Baka may nagawa ako, baka na offend ko sila o ano.
Nilahad ko ang kamay para hingin ang mga dokumentong hawak nila.
Para silang nabunutan ng tinik na nakahinga nang maluwag at binigay sa ‘kin ang mga hawak. Sumandal ako sa mesa ko nang nakatayo. Una kong tiningnan ang kay Climente pero walang pagbabago sa pinasa niya. Tiningnan ko siya.
“E-Engineer, umalis po ang kapatid niyo papuntang Mont De Corp para kausapin si Mr. Monteverde,” kinakabahan niyang paliwanag.
“Mont De Corp? Hindi pa rin ba sila nagsisimula? Matagal na ‘yon ahh...” mungkahi ko. “Climente, give this back to the designer, the sooner the better and you both may go,” wika ko.
Pagkatapos kong tingnan lahat ng mga plano, designs at kontrata ay lumabas ako ng opisina para bigyan sila ng instruksiyon at ibigay na rin ang susunod nilang gagawin. Pagkatapos kong ipamahagi ang mga gawain nila ay saktong pumasok rito si Dad.
“Dad, naparito kayo?” sinalubong ko siya. Natigilan ako nang lumabas sa likuran niya si Ella. Now I know.
“We’re in the office, Engr. Anastasia Sullivan. You should address me appropriately,” seryoso at puno ng awtoridad na wika ni Dad.
“My apologies, Mr. President.” Sandali akong yumuko.
“Daddy, Anastasia’s mad at me. A friend told me that sinasadya niya na pahirapan ako. Ayaw niyang pirmahan ang design ko,” sumbong ni Ella.
Kusang napadpad ang tingin ko kay Climente na nagbi-busy-busy-han.
“That’s unprofessional, engineer.”
Tiningnan ko si Dad at dismayado siyang nakatingin sa ‘kin.
Inikot ko ang mga mata at lahat sila ay nakayuko na tila nahihiya sa kinatatayuan kong sitwasyon. Nahihiyang ako ang namumuno sa kanila, maliban na lang kay Reneigh na taas-noong nakatingin sa ‘kin.
Hindi ko pangarap na habang buhay na tatahimik sa pagkakamali ni Ella. Pagdating sa ibang tao ay nasasabi ko ang kung ano sa tingin ko ang tama. Nasasabi ko rin kay Dad lahat ng hinaing ko pero kapag sangkot na si Ella sa usapan ay kinukuha nila ang boses ko. Simula sa araw na ‘to akin lang ang boses ko, akin lang ako.
“I am more professional than you think, Dad.” Lumapit ako sa white board at sinimulang i-sketch ang plano. “Analyze the plan, Ella. I won’t sign that until you realize your mistake and correct it,” I said emphasizing the words mistake and correct.
Walang halong ibang ibig sabihin ‘yon sa tenga ng iba maliban sa ‘min ni Ella. Napatingin siya sa ‘kin nang diretso. Tama nga ako, may tinamaan ako. Hindi ko inalis ang mga mata sa kanya kaya siya ang unang umiwas.
“I see nothing wrong sa design ko,” aniya nang hindi man lang tiningnan ulit ang plano. “Hindi ba, dad? I’m right? You checked it ‘di ba?” Pinulupot niya ang kamay sa braso ni Dad.
Napangiwi ako. Hindi lang sa inaasta niyang pabebe kundi pati na rin sa pananalita niya. Ang sakit sa tenga. Siguro dahil ang OA ng pagka-conyo niya o dahil siya si Ella.
Dad scanned the plan and the details of the structural members especially the foundation. “I see nothing wrong as well,” he declared and closed the folder.
Lalong humigpit ang pagkakayapos niya kay Dad at tinanday pa talaga ang ulo saka pasimpleng ngumisi sa ‘kin.
Hindi magtatagal ‘yang ngising ‘yan. Buburahin ko agad ‘yan sa loob lang ng ilang minuto.
“Did you visit the site?” Sumandal ako sa gilid ng whiteboard. Sabay na umangat ang mga kilay niya. Sumulyap siya kay Dad na tila nagtatanong kung kailangan pa ba niyang gawin ‘yon. “You don’t really have to since you’ll only design the project and not implement it but you’ve been away from this city for more than three years. Marami nang nagbago. Marami nang nagsulputang mga gusali. Ang area ng restaurant ay saktong area ng site. On the rear and the sides of the site–” Gumuhit ako ng tatlong linya sa likuran at sa magkabilang gilid ng planong ginuhit ko. “–there are existing building. Dikit ang restaurant sa mga gusaling nakatayo na. It’s either you talk to your client to reduce the area coverage of the project or you adjust the structural members.”
Ngumisi siya. “I already adjusted the structural member. I proposed firewall.”
“So it’s settled then,” said Dad and was about to leave.
“Not really,” I uttered that stopped them. Dad narrowed his eyes at me but I ignored him. “Check the foundation. Lalagpas ang footing sa coverage area. Maaapektuhan ang mga katabing building and SI won’t afford such huge loss,” paliwanag ko.
“What should I do, Dad?” Ella used her call dad lifeline and dad was on it right away.
They chose option two which is to adjust the structural members. Minutes passed yet they haven’t came up with any solution.
“Aside from me, who could help Engr. Cindy Ella Sullivan?” I asked my subordinates.
Tumalim ang tingin ni Ella sa ‘kin. She doesn’t like to be called in her complete name but I will devote my remaining life pushing all of her buttons. She hated the name Cindy eversince we were in fourth grade just because the girl she hated the most had the same name as her.
“Anyone?” I repeated but no one answered. Iniiwas nila ang mga tingin sa ‘kin. Napangiti ako nang umangat ng kamay si Reneigh. “Yes, Ms. Torres?”
“I-I would suggest edge footing,” she responded stuttering. She looked nervous and sounded nervous.
Lumapad ang ngiti ko sa sinagot niya. “And there you have it. Now it’s settled... for real.” I gazed at Ella then to dad. Tumingin ako sa relo sabay kuha ng bag ko. “So if you would excuse me. I have a lunch date to attend.” Ngumiti ako nang matamis at pasimpleng binigyan ng thumbs up si Reneigh bago taas-noong lisanin ang lugar.