“O-Oo. May nagsabi kasi sa akin na iyon daw ang mabisang gamot sa may sakit sa puso,” naging dahilan niya.
Pagak itong natawa. “Seriously, Katalina?” halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Para bang isa iyong malaking kahibangan.
“Sabi kasi nila—”
“Don’t listen to them. The doctor doesn't refer that kind of exercise to a sick person. Dahil kung iyon man ang gamot ay baka matagal ko nang ibinigay sa kapatid mo ang bagay na iyon, pero hindi.”
“Sorry.” Napayuko siya dahil sa kahihiyang sinabi. “Gusto ko lang din namang gumaling ang kapatid ko. Masyado na siyang nahihirapan.”
Tumahimik ito. “Don’t mention that again because it drives me crazy especially if those words came from you.”
Biglang nag-init ang kaniyang mukha. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Pero hindi sa hiya o kilig kundi dahil sa inis.
Humakbang ito papalapit sa kaniya na ikinaatras niya. “Katalina, that kid. She’s mine, right?”
Kahit nagulat siya ay hindi niya ipinahalata ang damdaming bigla niyang naramdaman. “Sino ka para sabihing sa ’yo ang anak ko?”
“I know she’s mine. She came from me and don’t deny it. Katalina, alam kong ako lang ang lalaki sa buhay mo ng mga panahong iyon,” may diin nitong sambit.
“Paano mo naman nasabi?”
“Six years ago, naging tayo at mayroong nangyayari sa atin sa panahong iyon. Alam mo iyon. At ang bata, limang taong gulang na siya. Sinasabi lamang niyon na akin siya. Kahit na walang nabanggit sa akin si Katarina tungkol sa bata, alam kong akin siya.”
Napangisi siya at sa halip na ilayo ang mukha kay Vicente ay inilapit niya pa itong lalo. “Paano ka nakasisiguro na ikaw lang? Hindi mo alam ang nangyari sa akin pagkatapos kong pumunta ng Maynila kaya huwag kang makampante na para bang umiikot lang sa ’yo ang mundo.”
“B***sh*t! Don’t lie to me.” Nagngingitngit na ang mga ngipin nito. “Marami akong gustong itanong sa ’yo noon kung bakit bigla kang nawala na parang bula at kung ano pa. Pero nang makita ko ang bata parang nasagot nito ang lahat ng katanungan ko, Katalina.”
“Pumunta ako sa Maynila para maka-move on. O, alam mo na! Kasi sobrang sakit ng ginawa mo. Pero ang sabihing anak mo ang anak ko, ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ba p’wedeng habang nasa proseso ay nagpapakasaya rin ako? Tutal sinira mo na rin naman ang buhay ko.” Pagturo at pagsumbat niya sa lalaki.
Nang walang masabi si Vicente ay magtatangka na sana siyang umalis nang hawakan nito ang braso niya’t pinaharap siyang muli rito.
“Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang buong katotohanan, Katalina. At kung totoo ang mga hinala ko, wala ka ng kawala pa.”
Mas lalong kumulo ang kaniyang dugo at nag-init ang kaniyang ulo dahil sa sinabi ng lalaki. Ano ang ibig sabihin nito na ‘wala na siyang kawala pa?’ Ano ang balak nitong gawin?
“Subukan mo lang dahil kung ano man ang mangyari sa kapatid ko, ikaw ang sisisihin ko.”
Malakas niyang hinawi ang kamay nitong nakahawak sa kaniya at naglakad papasok ng bahay. Mabilis niya ring pinahid ang luhang tumakas mula sa kaniyang mga mata. Ang lakas ng loob ng lalaki na sabihin ang bagay na iyon sa kaniya, ni hindi man lang nito naisip ang mararamdaman ng kakambal niya. Nararamdaman niya kasi na hindi maganda ang magiging resulta ng laman ng mga sinabing iyon ni Vicente sa kaniyang kapatid.
“MAMA, GISING ka na po. Umaga na po.”
Isang munting tinig na pumupuno sa kaniyang pandinig dahilan ng kaniyang pagkagising. Pagmulat niya ng mga mata ay napangiti na lang siya nang bumungad kaagad sa kaniya ang maamong mukha ng anak.
“Good morning, Mama. Kumusta po ang tulog mo?”
Yumakap at tumunghay ito sa kaniya.
“Mama have a good sleep, honey. Ikaw, kumusta ang tulog ng napakaganda kong anak?” Iminosyon niya ito na umupo sa ibabaw niya. “Agh! Grabe! Big girl na talaga ang anak ni mama, ang bigat na.”
Bumungisngis ang kaniyang anak sa sinabi niya at isinuksok ang sarili sa kaniyang leeg. Natawa naman siya roon at niyakap ang anak nang biglang may kumatok sa pinto ng inookupahan nilang silid—na noon ay kuwarto niya.
“Pasok!” sigaw niya at maya-maya’y dumungaw ang ulo ng kakambal nang umawang ng kaunti ang pinto.
“Good morning, Tita Katarina!” masiglang bati ng anak niya kay Katarina.
“Good morning, our little angel. Mukhang nagkakasiyahan tayo dyan, ah. P’wede ba akong sumali?”
“Oo naman, Katarina. Come here,” pag-imbita niya sa kapatid at dali-dali naman itong pumasok. Umusog siya at humiga naman ito. Niyakap silang dalawa ng kaniyang kapatid.
“Ang sarap sigurong gumising sa umaga nang may makulit na anghel na mabubungaran at magandang kapatid na yayakapin,” wika nito.
“P’wede ka namang matulog katabi namin, Tita Katarina. ’Di ba po, Mama?”
“Oo s’yempre.”
“Kung gano’n e, mamayang gabi matutulog ako rito.” At muli silang niyakap ni Katarina. “Angie, ’di ba may promise si Tita Katarina sa ’yo kahapon?” Ilang sandali ng pagyayakapan nilang tatlo ay nagsalita muli si Katarina.
“Opo, Tita.”
“Maligo ka na dali. Naghihintay na ang Tito Vicente mo sa ’baba.”
Mabilis na humiwalay sa kanila ang anak at nagtatalon sa kama na ikinatawa nila.
“Yehey! Makikita ko na si Kingkong.” Tinambol ng anak maging ang dibdib nito sa sobrang pagkasabik na ginaya ang ginagawa ng isang gorilya na napapanood nito sa telebisyon.
Nagulat pa sila sa ginawang pagtalon ng bata kaya sabay silang napaupo mula sa pagkakahiga. Pareho silang nakahinga ng maluwag nang wala namang nangyari rito. Kapagdaka’y naglakad at gumawa ng huni na tila ba isang unggoy si Angielyn habang patungo sa comfort room. Natawa na lang sila pagkatapos.
“Napakakulit talagang bata.” Iling-iling niya.
“Oo nga, ate. Parang gusto ko na rin tuloy magka-anak.”
Natigilan siya at napatingin sa kapatid na hanggang ngayon ay nasa direksiyon pa rin ng kaniyang anak ang tingin, na para bang nakikita pa rin nito roon ang pamangkin. Napilitan na lang siyang ngumiti nang balingan siya ni Katarina.
“Kumusta pala ang kalagayan mo? Inaatake ka pa rin ba?”
Napayuko ito. “Salamat sa ’Taas at madalas na lang. Matagal-tagal na rin bago ako huling inatake nitong sakit ko.” At muling itinaas sa kaniya ang tingin.
Sinikap niyang maging normal ang ekspresyong ipinapakita sa kapatid kahit na unti-unting nang kumikirot ang kaniyang lalagukan.
“Salamat naman kung gano’n. Basta kung may nararamdaman ka tawagan mo lang ako, ha. Ilang pulgada na lang ang layo ko sa ’yo, oh. Hindi katulad noon na milya-milya.” Sa huli ay hindi niya na napigilan ang emosyon at nabasag ang kaniyang boses. Natawa siya roon. “Ang laki-laki ko na napipiyok pa rin ako,” sinubukan niyang takpan iyon pero hindi iyon naging epektibo kay Katalina dahil nag-uumpisa nang manubig ang gilid ng mga mata nito.
“Alam mo, ate. Na-miss kita,” sambit na lamang nito.
“Ako rin, Katarina.” At niyakap niya ng mahigpit ang kapatid.
“ANGIE, ANAK, huwag mong masyadong hilahin ang tita mo!” pananaway niya sa anak nang pagkababa ng sasakyan ay kaagad nitong hinatak si Katarina. Nagpagiya naman si Katarina na tuwang-tuwa pa sa ginagawa ng kaniyang anak.
“Opo, mama.”
At naunang tumakbo ang dalawa patungo sa plaza—parihaba ito na napupuno ng bermuda grass at napapalibutan ng nga puno. Mayroong malaking entablado sa dulo kung saan ginaganap ang bawat okasyon ng bayan. Hindi ito katulad ng ibang plaza na purong konkreto. Samantalang siya ay tumungo pa sa likod ng sasakyan para kunin ang nga dinala nilang baon sa imbakan nito. Dalawang rectangular na basket iyon na gawa sa nitó na puno ng laman ng pagkain nila. Magpipiknik din kasi sila lalo pa’t dinadayuhan naman talaga ng mga taong nagpipiknik ang plaza dahil sa ambiance nito. Maikukumpara ito sa Manila Park sa Maynila. Inimbitahan nila ang inang si Jennelyn, pero tumanggi muna ito at pupuntahan daw ang kanilang ama sa farm.
“Tulungan na kita.”
Napatingala siya nang may umagaw ng isang basket sa kaniya at nang makitang si Vicente iyon ay hinayaan niya na lang ito sa lalaki. Ayaw niyang gayahin ang sarili sa mga teleseryeng napapanood na nakikipag-agawan pa sa bidang lalaki. Ayon naman sa kaniya na hindi naman nababagay sa lalaki ang role na leading man sa isang palabas, dahil para sa kaniya ay mas nababagay rito ang isang surot na ang sarap lang tirisin. Kinuha na lang niya ang makapal na telang ilalatag mamaya bilang pangsapin nila mula sa mga matutulis na damo.
Matapos ilatag ang telang sapin ay iniisa-isa niyang kinuha ang laman ng isang basket; mula sa gatas ng baka, tinapay, palaman, prutas at tubig. Habang ginagawa niya iyon ay maya’t maya rin siya kung bumaling ng sulyap sa direksyon kung saan naroroon ang mag-tita. Halos inikot ng mga ito ang buong lugar sa pagkuha ng larawan pagkatapos ay huminto sa malaking gorilyang bato na nakatayo sa gilid ng plaza—katabi ng entablado. Kinukuhanan ni Katarina ang kaniyang anak ng larawan gamit ang bitbit nitong camera. Nagsisimula na rin siyang lagyan ng palaman ang tinapay para mamaya ay kakainin na lang nila ito. At habang ginagawa iyon ay siyang panonood na rin niya sa mag-tita sa malayo. Napangiti siya lalo na sa kakulitan ng kaniyang anak.