Chapter 9: So do I

Medyo nailang ako ng naglalakad ako sa hall para sa susunod na klase ko. After the party last week ay naging sobrang matunog ang pangalan ko, which I really hate. Ayoko ng atensyon!

Pagpasok ko sa room ay medyo napahinga ako ng malalim. It's like entering a maze everytime na papasok ako after what Glen did. Ugh! Wala si Glen. Huling araw na nga ng pasok ngaun. Ang alam ko ay sa mga susunod na araw na siya pupunta ng US. He asked me nga if I could join him. Syempre, tumanggi ako. Hindi naman kasi siya pupunta doon para sa bakasyon.

Kumunot ang noo ko ng sumalubong sa akin ang nakakalokong ngiti ni Dominic. I rolled my eyes at bahagyang natawa.

"Know what? Umabot sa bahay namin ang napakahabang buhok mo." Natatawang sabi niya kaya napanguso ako.

"Baliw! Will you shut up?"iritableng sagot ko.

"Okay, but here," abot niya sa akin ang isang movie ticket sa mall cinema. I curiously looked at him kaya tinaasan niya ako mg kilay.

"It's not from me okay? Wag feeling huh?" Mahina ko siyang sinuntok sa braso kaya natawa lang siya.

"Kanino naman galing 'to?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sus! Edi sa admirer mo.." dumila si Dominic na para bang nasusuka sa mga sinasabi niya. Umiwas nga ako mg tingin dahil bahagya akong nakaramdam ng hiya. Ugh! Bakit kasi pinabigay pa ni Glen kay Dom? Mapang asar pa naman 'to.

I smiled and put in the ticket in my bag. Ano naman kaya ang pakulo na ito ni Glen? But I find him sweet. Kahit madalas na busy siya sa university ay nabibigyan niya ako ng oras.

The night after the party, I asked him why he wanted to court me. All he just said is he loves me. Hanggang ngaun ay hindi pa din ako makapaniwala. Pangarap ko lang naman yun dati diba? And now it's happening.

Hapon na nang matapos ang klase namin. He texted me once kung saan kami magkikita mamaya. I'm kinda excited nga. He didn't bothered me after that. Naiintindihan ko naman.

"Kain tayo?" Napatingin ako kay Dominic ng bigla itong nagsalita. Seryoso siyang nakatingin sa cellphone niya kaya hindi ko alam kung ako ba talaga ang kinakausap niya.

"Did you heard me, Maggie?" Nabitawan ko ang dala kong libro dahil sa gulat. Napatingin ako agad kay Dominic na iratable na naman ang itsura.

"Ako ba kausap mo?" Iritable din akong sumagot sa kanya at dinampot ang libro ko na nahulog.

"Ay hindi, baka yung cellphone ko!" Umirap si Dominic kaya napa irap din ako. Eh ano naman kasi malay ko diba? Magsasalita siya tapos sa cellphone naman nakatuon ang mga mata niya! My goodness!

Ngumuso ako tsaka ko siya tinignan ng masama at nagsimulang maglakad. Natatawa siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. "Sungit ni bebe girl.." he grinned kaya napangiwi ako. Bebe girl? What the fuck!

Ang sabi sa akin ni Dom, malapit na daw matapos ang shop niya kaya pwede na kami doon kumain. Ayus na din 'yun dahil walking distance lang naman sa university.

Nang makarating kami sa cafeteria ng school ay ang daming studyante. Meron pa kasing klase ang iba at ang iba naman ay nakatambay lang.

"There," turo ni Dom sa upuan sa bandang dulo.

"Grabehan ka talaga Dominic!" Pareho kaming napalundag ng may nagsalita sa likod. Nagpakawala ng mahinang mura si Dominic tsaka tinanggal ang kamay sa balikat ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Athena na galit ang mukha habang nakatingin kay Dom. She wasn't even looking at me.

I don't know what's the thing with them kaya hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban ni Athena.

"Wait for me here." Baling sa akin ni Dom kaya tumango nalang ako.

Nauna akong umupo sa gilid na pinagsisihan ko bigla. Hindi ko alam na nandito pala si Luther kasama si Simon at grupo nila. There's Levine Draco and Chris Darton na kapatid pareho ni Dom. Bakit ba nagtaka ako? Eh magkakaibigan naman talaga sila.

May kung anong binulong si Luther kay Simon kaya napatingin ito sa akin. Sumipol bigla si Darton kaya mahina siyang sinapak ni Draco.

Nagtama ang mga mata namin ni Simon. His eyes were cold, ala talagang emosyon. Nag igting ang panga niya at tsaka nag iwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit may biglang kumirot sa puso ko. Naalala ko pa bigla yung pag halik niya sa akin sa party. Halos makalimutan ko na kasi iyon sa sobrang tuwa ko sa announcement ni Glen. Nawalan na tuloy ako ng oras para kumprontahin si Simon. Hayys!

Pilit ko iyon kinakalimutan pero bumalik na naman ng makita ko si Simon. Lately kasi, he stopped bugging me. Naiirita pa nga ako sa sarili ko dahil hinahanap ng sistema ko ang pang aasar niya.

"What??!" Gulat na sabi niya habang nakatapat ang cellphone niya sa tainga niya. Napakunot ang noo ko nang bigla nalang napatayo si Simon at napatingin sa akin. Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin kaya napalunok ako. Ang lamig pa din ng mga mata niya.

Walang sabi ay bigla niya akong hinila kaya nagulat ako." What the hell? Ano ba Simon!" Sigaw ko dahil sa gulat. Sumigaw pa nga si Luther pero hindi iyon binigyan pansin ni Simon. He's seriously dragging me to the parking.

Nang huminto kami sa tapat ng Mustang ni Simon ay galit ko siyang hinarap.

"Ano ba problema mo? Bakit nanghihila ka agad?" Singhal ko sa kanya. His dangerous eyes stared at me. Kinabahan ako bigla. Yung puso ko ay abnormal na naman ang tibok.

"Get in," puno ng authoridad na sabi niya. Umiling ako agad. He's always like that! Iba na ngaun dahil nanliligaw na si Glen sa akin.

"For fuck sake, Maggie! Prim is in the hospital."tumalikod siya sa akin at mabilis na sumakay sa driver's seat. Nanlaki ang mga mata ko at walang sabi na sumakay na din sa harap.

Buong byahe ay tahimik kami. Pumikit nalang ako at nagdasal na sana ay okay lang si Prim, and I'm praying for our safety too. Ang bilis bilis kasi ng pagmamaneho ni Simon. It's like I'm catching my breath everytime na nag oovertake siya sa malalaking sasakyan.

Ala pang labing limang minuto ay narating namin ang hospital. Sabay kaming bumaba ni Simon at hindi nag usap. I can't deal with him now dahil pre occupied ang utak ko ni Prim.

"Ate," salubong sa akin ni Sage. Tamango naman siya kay Simon.

"Where's Prim? Is he okay?" Alalang alala pa ako. Madalas kasing ma-ospital si Prim dahil mahina ang katawan niya. Minsan nga ay pinagbawalan na siya sa pagsasayaw pero hindi pa din siya nakinig. He wanted to have a normal life, ang kaso lang ay hindi naman normal ang katawan niya.

Sage sighed heavily." He's fine now. Over fatigue lang." Nagkibit balikat si Sage kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman kung ano na.

May kung anong pinag usapan si Sage at Simon habang nasa labas kami ng emergency room. Dinukot ko ang cellphone ko dahil nagvibrate ito. Si Glen. Oh shit! I forgot that we're going to watch movie.

"Sino yan?" Natigilan ako ng malamig na boses ni Simon ang nagsalita sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masagot ang tawag ni Glen. Madilim ang mukha niya at nag igting ang panga. Ala na si Sage sa tabi niya kaya medyo kinabahan ako. Nakakatakot kasi ang tingin ni Simon.

"G-Glen," I said nervously. Lalong tumalim ang mga mata niya tsaka marahas na hinablot ang cellphone sa kamay ko. Nagpakawala siya ng isang mura tsaka marahas na ibinato ang cellphone ko.

"Ano ba problema mo?!" Hindi ko naiwasan na magtaas ng boses dahil sa galit. Napatingin pa ako sa cellphone ko na nasa sahig ang mukhang hindi na mapapakinabangan.

"Diba sabi ko seyo, kapag ako ang kasama mo, ako lang. Akin lang ang atensyon mo!" Galit na singhal niya. Natulala ako ako sa kanya. His eyes were full of anger, outraged and mixed emotions. Ano ba nangyayari kay Simon?

Ginulo niya ang buhok niya tsaka hinilot ang bridge ng ilong niya. "Putangina naman, Maggie! Pwede bang ako naman?" May blood shot ang mata niya. Tumingala siya ng bahagya at huminga ng malalim.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. No! Naiiyak ako kasi hindi ko siya maintindihan! Ano ba problema niya?

"I can't understand you! All I know is you're evil! Bakit binato mo ang cellphone ko? You selfish jerk!" Kahit naiiyak ako ay hindi ko mapigilan magalit. He's a monster! Nag- igting lang ulit ang panga niya. Ala na naman emosyon ang mga mata niya. Mabuti nalang at walang masyadong tao sa gawi namin dahil nakakahiya!

"Why do you like Glen?" Malamig na sabi niya. Natigilan ako bigla. Do I need to answer him? "Why, Maggie?" He almost pleaded. Lumunok ako.

"Coz' he's not you.." mahinahon pero diretsong sagot ko. Nang makita ko ang pain sa mga mata niya ay parang bigla akong nagsisi sa mga sinabi ko.

Tumaas ang sulok ng labi ni Simon at bahagya na naman siyang tumingala. "Do you love him? Kelan mo siya plano sagutin?" Salita niya kahit bahagya siyang nakatingala. His authoritive voice was gone. Ang lungkot ng boses ni Simon kaya may kung anong nasaktan sa sistema ko. Fuck!

"I don't know.." mahinahon na ang sagot ko. Nagtama ulit ang mga mata namin.

"Why does it's always been him, Maggie?" Pag ulit niya sa tanong kanina. Hindi ko alam kung tama ang pagkakadinig ko pero ang pait pait ng bawat salita niya. His eyes were red too.

"C-Coz' I like him, and he loves me.." Halos walang lumabas na salita sa akin. I can't even think. I was focused on Simon. What the hell he's asking me that?

Sumeryoso siya at tinignan ako ng seryoso. "So do I, Maggie.. So do I.."