Chapter 10: Right
After Simon and I had an encountered, lumayo ako sa kanya. Paano niyang nasabi na mahal niya ako eh puro kawalangyaan lang naman ang ginagawa niya sa akin? Good thing he distance himself too. Nagugulo nga ako about sa nararamdaman ko ngaun. I'm pretty sure that I like Glen. He's the guy that I dreamt to be with. How could it possible that Simon made me doubted about my feelings for Glen?
Pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng bawang. I'm not a morning person pero maaga akong nagising ngaun. Ngaung araw kasi ay may malaking laban si Prim sa Bulshoi so I'm here to support him. His crew is here also.
Talagang pinaghahandaan nila ang laban na ito coz' this might be their big break. I called Glen and asked him if he can be with me at Bulshoi. Pumayag siya. Mabuti naman, I'm scared that Simon will be there too.
"Margaret, iha, ikaw muna ang bahala 'dyan, may bibilhin lang ako sa labas." Salita ni nanay Norma, ang kasambahay namin since God knows when. Hindi pa yata ako pinapanganak ay nandito na siya.
Ngumiti ako sa kanya. "Sige po.." sa kanya nga ako natutong magluto. Kapag kasi wala akong magawa ay tumutulong ako sa kanya sa kusina. I don't have sets of friends nga diba? Kaya kung hindi sa school ay sa bahay lang ako nanatili.
Ininvite ko ngaung lunch si Glen para makapag bonding na din kami. Aalis na kasi siya sa susunod na araw para pumunta sa US. Ayaw pa nga niya e. I pushed him though. Para din yun sa kinabukasan niya, alam ko naman kasi na pangarap niya talaga ang imanage ang university. Kahapon ang kuhanan ng card. I felt relieved ng mataas naman ang grades ko sa lahat.
"Can you ask Simon to come over?" Iritableng sabi ni Prim. Medyo nagulat pa nga ako dahil bigla bigla nalang siyang sumusulpot. Bakit ako? Bakit hindi nalang siya ang tumawag? Nung nadala nga siya sa ospital si Simon ang tinawagan nila, tapos ako ngaun ang gusto nila tumawag? No way! At hindi pa din ako makamove on sa pagbato niya ng cellphone ko. Kailangan ko tuloy bawasan ang savings ko to buy a new one.
"Why me? Kaya mo na yan," tumalikod ulit ako at tinoon ulit ang sarili sa pagluluto.
"Tsk! He's not answering me, alam ko kapag ikaw ang tumawag sa kanya, nanginginig pa iyon." Biglang humagalpak ng tawa si Prim kaya naman napa irap ako. My heart race again and I felt that heat covered my face. Hindi ako tumingin sa kanya. Naiirita ako sa nararamdaman ko!
"That's not my problem anymore, Prim." I tried my best to act like I'm okay. Something about Simon really bothered me. Ugh!
Nang matapos ako magluto ay mabilis akong umakyat sa kwarto para mag ayos. Medyo dinalian ko pa nga ang kilos ko dahil padating na si Glen.
When I'm contented with my looks, mabilis akong bumaba sa sala para intayin si Glen. When he arrived, halos mabingi ako sa tilian ng crew ni Prim. Napangiti ako ng bumaba siya sa Montero niya na malaki ang ngiti habang may dalang kumpol ng bulaklak. Shocks!
Tanaw ko siya mula dito sa veranda. Malaki ang ngiti niya sa akin so I smiled at him too.
"He's courting you?" Napatingin ako kay Sage ng bigla nalang itong lumabas sa gilid ko.
I hesitantly answered him. "Yes," nagtataka kasi ako kay Sage. Mukha kasing dissapointed siya. What's the matter with him? "Any prob with that?" Kunot noong tanong ko. Mabilis umiling si Sage.
"Nothing, just be careful with your feelings." Nagkibit balikat siya at tinalikuran ako. Natigilan ako. Ano ibig niyang sabihin? aren't he happy for me? When were child. Alam ng kambal ang feelings ko kay Glen. I'm pretty sure si Glen ang gusto ko. Bakit kailangan kong mag ingat?
"Aviel.." tawag ko kay Glen ng lumapit siya sa akin. Kumunot bigla ang noo niya sa akin at tila ba nagtataka. I smiled at him sweetly. " From now on, Aviel ang itatawag ko seyo. I want to be unique." Pag papaliwanang ko.
"I didn't say anything, Mags.." natatawang sabi niya kaya naman napa irap ako. Gosh! I'm so embarrased. Bakit nga ba nag explain ako?
Umiwas ako ng tingin dahil ang laki pa din ng ngiti ni Glen. Umupo kami sa dinning kung saan naroon ang ibang member ng crew ni Prim.
"Ate Maggie, manliligaw mo?" Tanong ng isang babaeng kasamahan ni Prim. Bahagya akong tumango kaya nagtilian sila. "Hi kuya! Pa selfie naman oh? Ang gwapo mo po." Dugtong niya. Bahagya pa siyang napangiwi ng kurutin siya ng katabi niya.
"Sorry po kuya." Paumanhin ng katabi nung babae at hinila palabas yung isa. I don't know their names. I think bago lang sila sa grupo ni Prim.
Napatingin ako kay Glen. Natatawa nalang siya habang umiiling na umupo sa dinning. Grabe lang!
Maghapon kaming naglaro ng game console ni Glen sa kwarto ko. Hindi naman kasi pwede na sa sala dahil dinig ang ingay nila.
Nang mag aala sais na ay nakagayak na ang crew nila Prim. Sinabi ko nga kay Glen na mag aayos muna ako kaya lumabas muna siya ng kwarto.
After my rituals ay mabilis akong gumayak. Napamura pa nga ako ng makita kong halos isa't kalahating oras ako gumayak.
Pagbaba ko ay tahimik na ang bahay. Siguro ay umalis na sila Prim. Inilibot ko ang mata ko sa buong bahay para hanapin si Glen. He's not here. Asan siya? Sumilip pa nga ako sa bintana, nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang sasakyan niya sa labas. Where is he then?
May narinig akong ingay sa kusina kaya tumungo ako don. Bumungad sa akin si nanay Norma habang tuwang tuwang kausap si Glen.
"Oh-- ayan na pala ang prinsesa mo." Natatawang sabi ni nanay Norma kaya naman biglang napatingin sa akin si Glen. Napayuko pa nga ako dahil sa pag iinit ng pisngi ko.
"Lets go?" Tumango ako kay Glen. I'm out of words okay? Kinikilig kasi ako. If I'm his princess, then he will be my prince?
Nang makalabas kami sa bahay ay biglang nag flash sa isip ko ang mukha ni Simon. What the hell? No! He can never be my prince coz he is a beast. Ano ba naman! Pati ba naman sa utak ko bigla ka nalang lilitaw? Pati ba naman utak ko dinedemonyo muna?
"Are you okay?" I almost jumped dahil sa gulat. Napatingin ako kay Glen na mukhang sobra ang pag aalala sa akin. Oh- God! Si Glen ang kasama ko diba? Bakit si Simon ang naiisip ko?
"Yeah," mahinang sabi ko.
"We're here." Nagulat pa ako sa sinabi niya. Sa sobrang pag iisip ko ay di ko namalayan na nandito na pala kami.
Nang bumaba kami ni Glen sa sasakyan niya ay madami nang tao. Inaasahan ko na namam iyon dahil big battle ang nandito ngaun.
Hinapit bigla ni Glen ang beywang ko kaya naman naghurumentado na naman ako. I just feel awkward. Dati naman ay hindi ko ito nararamdaman sa kanya.
Nang makapasok kami ay bumugad ang lakas ng music. And daming tao ngaun! Sa side ng beerpong at poker ay madami din tao, even sa dancefloor.
"Puntahan natin sila Prim?" Bulong ko kay Glen kaya tumango siya. "Alright.." hinawakan niya ulit ang beywang ko na tila ba pinoprotektahan ako sa dami ng tao.
Nang makarating kami sa may boxing ring sa gilid ay madami na ang sumasayaw.
Napatingin pa nga ako kay Glen ng iminuestra niya sa akin ang cellphone niya. "I'll just answer this," Tumango ako. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang ulo ko. "Wait for me." Tuluyan na siyang tumalikod.
Namataan ko si Sage sa kabilang side ng ring. Hindi niya siguro ako napansin dahil sa dami ng tao. Tsaka, tutok na tutok din si Sage sa nagsasayaw. I decided to go near him sana ng bigla nalang may humarang na lalaki sa harap ko. I inosently looked at the guy. He's dancing infront of me habang may hawak na alak. Napakunot bigla ang noo ko.
"Hi," halos magtayuan ang balahibo ko ng bulungan ako ng lalaki.
Bigla nalang akong kinabahan lahat pa ng tao dito ay may kanya kanyang ginagawa. I'm not used of this things kaya para akong maiiyak.
Hindi ako nakakilos. I can't even smile. The guy pulled me kaya nadiin ang katawan ko sa kanya. Tuluyan na akong naiyak.
"Let go of me!!" Sigaw ko. Nagulat nalang ako ng biglang kumawala ang lalaki mula sa pagkakahawak sa beywang ko. Lalo akong naiyak nang makita ko ang mga mapanganib na mata ni Simon habang hawak ang collar ng damit ng lalaki.
"Who fucking gave you the right to touch her?!" Galit na galit na usal ni Simon. Yung tono ng boses niya ay sobrang mapanganib. Hindi ako makakibo. Nakuha na namin ang atensyon ng ilan.
Ngumisi yung lalaki kay Simon. Lalong nag alab ang galit sa mga mata niya. Nag igting ang kanyang panga tsaka mabilis na sinapak ang lalaki. Nagkakagulo na.
"Simon, stop!" Sigaw ko pero nananaig pa din ang mapanganib na mga mata niya.
"What happened? Are you alright?"bigla nalang lumabas si Glen sa gilid ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko siya masagot dahil natatakot ako sa pwedeng gawin ni Simon. Yung itsura niya, galit na galit at mukhang walang makaka awat sa kanya.
"Maggie, ano nangyari?" Bigla nalang sumulpot si Sage sa gilid ko. Hindi ko pa din siya masagot. Dumating ang mga bouncer para pigilan ang gulo. Itinayo nila ang lalaki na halos maligo na sa dugo. Umayos ng tayo si Simon.
Galit niyang tinignan si Glen. "Why the fuck did you let her alone here?"
Natigilan si Glen at nag igting ang panga. Madami na ang nanonood sa amin. Gusto ko siyang pigilan pero natatakot din ako sa kanya. He's mad, really mad.
"I have to take some calls--" paliwanag ni Glen pero hindi siya pinatapos ni Simon.
"Damn that call! Kahit na! You're responsible for her! you left her for some damn call? Are you fucking kidding me, Glen?" He growls. Fuck! Bakit ba galit na galit siya? It's not Glen's fault.
"What the hell is your problem Simon?! You're fucking absurd!" Sigaw ni Glen. Hinila ko siya para mapigilan pero hinarap niya si Simon.
"Am I?" Nag igting nag panga niya. "Gusto mo siya pero hindi mo siya kayang protektahan? You love her but you can't make her your priority? Tangina!" Ramdam kong natigilan si Glen dahil sa sinabi ni Simon. He's too much! Sobra siya kay Glen.
Nagulat ako ng hilahin ni Simon ang kamay ko. Hinigpitan din ni Glen ang hawak sa kabilang kamay ko. I looked at Sage. He's just watching us! Even some people here are watching us! Damn it!
"Let her go, Glen, you still have no right. Hindi kapa niya boyfriend." Malamig na sabi ni Simon. Walang bahid ng biro or ano. Ang sama niya! How could he talk to his brother like that?
Lumuwag ang hawak ni Glen. Kinabahan ako bigla kaya ako ang humawak ng mahigpit sa kanya.
"Let her go." Ulit ni Simon. He have no rigth to humiliate Glen. I hate him! Kinawala ko ang kamay ko na hawak ni Simon. He stiffened. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya. Tinignan ko siya ng diretso. Bitterness is all over his eyes.
"You have no right to talk to him like that, Simon." Simula ko. Pinilit ko pang tatagan ang boses ko. Nag igting ang mga panga niya, pain is all over his face." He has the right now. Sinasagot ko na si Glen. He's now my boyfriend. He already has the right on me."
Unti unting umiling si Simon at binitawan ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Glen sa kamay ko.
"You suck, Maggie!" Sigaw ni Simon tsaka mabilis na linisan ang lugar.