Chapter 8: Destroying

Medyo tanghali na akong nagising ngaun. Naiinis pa nga ako sa kambal at hindi nila ako ginising. Ugh! Plano ko pa naman magpa spa at salon ngaun para sa party mamaya.

I took a bath and fixed myself in an instant. Hindi ko nga nakita sa hinaharap na matatapos ako maligo at mag ayos ng sarili in thirty minutes. Maburiri kasi ako sa pag aayos ng sarili. I'm not vain, okay? I just want to look good all the time.

I wore an off shoulder top and maong short. Nag flipflop nalang din ako. Tutal, sa mall lang naman ako pupunta.

"Where are you going?" Napatingin ako kay Sage ng bigla itong magsalita. Lumapit ako sa kanya and kissed him on his cheek. "Mall, for the party later." Sagot ko. Tumango lang siya at pinagpatuloy ang nilalaro niya sa Wii.

When I arrived at the nearest mall, mabilis akong pumasok sa Beauty Essence. Magpapa facial nalang muna ako at magpapa body scrub. Mas matagal kasi ito kaysa magpablower ng buhok at makeup sa salon.

During my session Glen texted me that he'll fetch me exactly 7 pm. Napatingin nga ako sa wall clock dito. I breathed heavily when I saw it's already 5 pm. I guess hindi na ako makakapunta sa salon. That's fine, I can fix myself naman.

After my session ay umuwi ako agad sa bahay para igayak ang sarili ko. When I entered our house, mabilis akong sinalubong ni Sage habang may bibit na box. I stared at the box. It's not just an ordinary box, it's a box of designer clothes.

"Good that your here," ngumiti si Sage kaya kumunot ang noo ko. "Hindi ako makaalis because of this." Sabay abot niya sa akin nung box. Napakunot ang noo ko.

"Huh? Wala akong biniling damit." Seryosong sabi ko. Sage smiled and handed me the box.

"It's still yours, though." Nagkibit balikat lang siya tsaka mabilis na lumabas ng bahay.

Mabilis akong tumungo sa kwarto ko. Binaba ko ang box para tignan ang laman nito. I got astounded when I opened the box. Even my mouth literally dropped. Ang ganda!

A champagne colored tube type gown ang bumumungad sa akin. Meron pa siyang halter na tali na napapalibutan ng swarovski crystal. It looks so extravagant.

Kinuha ko ang note sa loob ng box and I can't help myself not to smile.

Wear this later.. please..

Silverio..

The note was not hand written kaya hindi ko alam kung kanino ito galing. But my feelings was so sure it was from Glen. He's my date remember? Tsaka, bakit naman ako bibigyan ng gown ni Simon?

Excited akong nag ayos ng sarili. I fixed my hair and curled the tip of it and put some make up. Medyo light lang ang make up ko para hindi masyadong pansinin. Masyado na kasing pansinin ang gown ko. I wonder why Glen made the party too formal. Dati naman ay hindi.

When I finished everything, I wore the gown. I got stunned when I saw myself wearing this gown. Ang ganda ganda niya at sukat na sukat sa akin.

I looked at the mirror for the final touch. When I'm contented with my look, bumaba na ako para hintayin si Glen. When I reached the living room ay natigilan ako. Glen were already here.

I confidently walk towards him. Medyo napakunot pa nga ang noo niya habang tinitignan ako. Nang napansin ko ang tie na suot ni Glen ay nanliit ang mga mata ko. He's wearing red. Why the hell he gave me the champagne then? Hindi kami magkamukha.

He smiled widely and slowly shooked his head. " you're definitely beautiful.."

Pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko dahil sa pamumuri niya. "And you're certified handsome.." sagot ko kaya sabay nalang kaming natawa. He hold my hand until we reached his Montero. Pinagbuksan pa nga niya ako ng pinto tsaka ako mabilis na pumasok.

"Your gown fits you well." Salita niya bago isinara ang pinto. Of course pupurihin niya ang gown, siya nga ang may bigay diba? Pakiramdam ko ay sasabog na ang pisngi ko sa pag iinit dahil sa pamumuri niya.

Nang makarating kami sa university ay medyo madami na din tao. May iilan pa ngang nakatingin sa amin ni Glen. Bakit ba kasi ang gwapo ng date ko?

Sumalubong sa amin si Dominic na mukhang iritable. Lumapit siya sa akin tsaka hinalikan ang noo ko.

"You nailed the night, Maggie." Pamumuri niya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. "Don't me, Dom." Natatawang sabi ko kaya bahagya siyang natawa. Dominic ang his words. Kung di ko lang siya kilala ay malamang nagpabola na ako.

"I'll just check inside. I'll be back." Tumango nalang ako kay Glen.

Naiwan kami ni Dom sa tapat ng auditorium. Hindi pa din nga nawawala ang iritableng mukha niya at panay ang tingin sa entrance ng university.

"What's the problem?" Tanong ko sa kanya. He just shrugged. "Nothing," tipid na sagot niya. Hindi ako naniwala, I think somethings bothering him.

I was supposed to ask him nang biglang may babaeng lumapit sa amin. Namawis bigla ang noo ni Dom at natigilan.

"Hoy, Finn Dominic! Ano yon'? Nilandi mo lang ako? Tapos, ano? Friends- friends lang pala tayo?" Singhal ng babae. Shocks! I know her, she's just a freshmen from the fine arts. Tsk! Ang landi kasi ni Dominic, ayan tuloy nakahanap ng katapat niya.

"Not here, Athena."

Lalong di napakali si Dominic at hinila palayo ang babae. Gustong gusto ko ngang humagalapak ng tawa pero hindi ko ginawa. Ayoko lang masira ang poise ko dahil sa kagaguhan niya.

"Lets go.." nakangiting sabi ni Glen. Ayan na naman ang paninigas ko ng hapitin niya ang beywang ko. Halos hindi ko nga maihakbang ang mga paa ko. Hindi ba iyon napapansin ni Glen?

Nang makapasok kami sa loob ay nalaglag ang panga ko. Nawala lahat ng chairs dito at napalitan ng isang magarang dancefloor. Ang ganda! Para kang a-attend ng Gala night. Ang mga chandelier sa itaas ay humihiyaw ng karangyaan. Medyo marami ng tao ang nasa loob.

Nang magsimula ang program ay nagulat ako ng hindi ako iniwan ni Glen. I thought he's incharge of the opening ceremony. I was wrong.

"To welcome all the students, and give us the opening remarks. Lets us all welcome, Mr. Simon Aries Silverio..."

Tumahimik ang paligid. Panay palakpakan lang ang maririnig mo. Tila ba puno ng respeto ang ibinigay nila kay Simon. And my fucking heart is beating like crazy again. What the hell, heart?

Nanatili ang tingin ko sa harap. I almost catched my breath when I saw him walking confidently infront of everyone. Ang lakas talaga ng dating niya. His eyes looks dangerous now, yung sobrang seryoso at humihiyaw ng respeto. Humihiyaw din sa karangyaan ang itsura niya. He can make people drool over him, effortlessly.

Kumunot pa nga ang noo ko ng napansin ko ang tux na suot niya. His hair was cleaned and brushed up. Kulay champagne din ang suot niya. Bigla tuloy akong nagduda kung kanino ba talaga galing ang suot ko. Bawat pag galaw ng panga ni Simon ay napapalunok ako. Damn!

" I'm going to talk, Westbound. Can you wait for me here?" Malambing na bulong sa akin ni Glen. Kinilabutan ako pero mabilis din nawala.

Nagsimula ang party. May mga games pa nga na madami din ang game na studyante ang sumali. Lumibot ang mga mata ko. Ala pa din kasi si Glen. I was sitting here all by myself. Ni hindi nga ako sigurado kung sino ang hinahanap ko.

Ala pa din si Glen nang magsimula ang kainan. I started to got bothered, paano naman kasi ay mag-isa lang ako dito. Hindi pa nga ako kumuha mg food dahil ala naman akong kasabay.

Nang matapos ang kainan ay nag dim na ang ilaw kaya naman naghiyawan na ang mga tao. Nanatili lang ako sa gilid. Ugh! Nasan naba ang date ko? Umakyat ang Westbound sa stage kaya lalong lumakas ang hiyawan. The disco light were now covering the place. Halos lahat ng tao ay nasa gitna na with their friends and dates.

"Maggie!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kabisadong kabisado ko ang tinis ng boses niya. Lumapit sa akin si Sasha na malaki ang ngiti. "Where's Glen?" Patili na naman na salita niya kaya naman napapikit ako ng bahagya. Mas malakas pa yata ang boses niya sa boses ng vocalist ng banda.

"He's doing something." Pagsisinungaling ko. Coz even me, I don't know where is he right now. Tumango naman si Sasha at bahagyang sumabay sa indak ng tugtog ng banda habang malakas na tumitili.

Nang medyo nahimasmasan siya ay bumaling ulit siya sa akin. "Have you seen Simon?!" Patili na naman na salita niya kaya naman napa irap na talaga ako. Bakit ba ako ang tinatanong niya? Now I realized it's better if I'm alone, Sasha's really hitting my nerve.

"I'll just find him!" Malakas na sabi niya kaya sunod sunod ang pagtango ko. I sighed with relief.

Nagsimula na ang malumanay na kanta kaya naupo na ang iba. Madami pa din naiwan sa floor pero magkakapareha na.

I twitched my lips coz I'm starting to get bored. May pag ka anti social ako noh? I don't know why either.

"Can we?" Napatingala ako sa naglahad mg kamay sa akin. It was dark now at tanging spot light lang sa banda ang ilaw. Nanliit pa ang mata ko sa kanya. He really intimidates me kapag ganyan niya ako tignan. Yung parang seryosong seryoso at puno ng emosyon ang mga mata niya. Bihira lang kasing magka emosyon ang mga niya kaya mas natatakot ako.

I hesitantly gave him my hand. Nang makatayo ako ay bigla niyang hinapit ang beywang ko kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko, and worst of it is ayaw tumigil ang pagtibok. His scent made me shiver. Kumikinang pa nga ang maliit na hikaw niya sa kaliwang tainga.

"My brother is asshole for leaving you alone here." Malamig na sabi niya pero sa akin pa din nakatutok ang mapanganib na mga mata niya. I can't talk. And why I can't defend Glen neither?

Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya. He hold my waist and pulled closer to him, kaya nawalan ng distansya ang pagitan namin dalawa. Huminga ng malalim si Simon at nagpakawala ng mahinang mura.

Halos wala na akong madinig na sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi na nagsalita si Simon he almost embraced me like he doesn't want to let me go. We stayed at this position. Hindi kami sumayaw. Isiniksik niya lang ang baba niya sa leeg ko.

"It feels good to be with you, Maggie.."bulong niya kaya naman kinilabutan ako. Damang dama ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. And why the fuck you were letting him Maggie?

Tonight I've fallen and I can't get up

I need your loving hands to come and pick me up

And every night I miss you

I can just look up and know the stars are holding you, holding you, holding you tonight.

Nanatili lang kami sa ganoon posisyon. We didn't even tried to move.

I didn't even tried.

Nang tumigil ang banda ay ganon pa din ang pusisyon ni Simon. Madilim pa din.

"Good evening everyone.." malamig na boses ni Glen ang bumalot sa paligid. Bigla akong nataranta sa posisyon namin ni Simon. Naramdaman siguro niya ang pagkataranta ko kaya humiwalay siya pero hawak pa din ang kamay ko.

"Sorry for the break," bahagyang natawa si Glen. Halos pawisan ako sa kaba. Dumiin ang hawak ni Simon sa kamay ko. "I just want to ask this girl if I can court her.." seryoso na siya ngaun. Napuno ang bulungan sa paligid. Parang may kung anong bumara bigla sa lalamunan ko. Mas lalong hinigpitan ni Simon ang hawak sa kamay ko tsaka nagpakawala ulit ng isang malutong na mura.

"Claudine Margaret Romano, if yes, can you come over here.." napuno ng ingay at bahagyang nag chant ng pangalan ko. I was stunned ok? ako ba talaga yun? Liligawan ako ni Glen?

"Where are you na girl! oh-my-gash" tili nang ibang kakabaihan.

Nakatayo pa din si Glen sa stage na tila ba hinihintay ako. Sinubukan kong kumalas sa kamay mi Simon pero hindi niya ako binitawan.

"No, Maggie, please.." natigilan ako ng maramdaman ko ang lungkot at pagsusumamo sa boses ni Simon. Ano ba nangyayari sa kanya? He's weirdo. But other half of me ay gusto lang manitili sa kanya. God! What the effin doubt Maggie? Ito na ang pangarap mo! Si Glen!

"Let go of me," mahinahong sabi ko. I don't know why I felt sorry. It's not normal for me to feel sorry for Simon.

He hugged me. Yung sobrang higpit. Yung ayaw ako pakawalan.

"One last, love.." I let him, ang bilis na naman ng tibok mg puso ko. Pakiramdam ko ay may bahagi sa akin ang ayaw umalis sa pwesto namin ni Simon. At naiinis ako!

"Maggie.." napalundag ulit ako ng biglang nagasalita si Glen sa mic.

"S-Simon.." malumay na sabi ko. Umatras ng ka-onti si Simon. Nag igting ang kanyang panga at malamig akong tinignan. I was shocked when he pulled my nape and gave me a peck kiss on my lips. What the?! That's my first kiss! Humiwalay ang labi niya pero ang lapit pa din ng mukha niya sa akin.

"You were like a drug to me, Maggie, addictive yet destroying.."

Tumalikod si Simon habang naiwan akong tulala. Oh shit! Mabilis akong lumakad paakyat sa stage where Glen's waiting for me.