Chapter 7: Heartbeat

Mabilis lang lumipas ang araw. Matatapos na ang sem na ito. Ang sabi ni Glen, lilipad siya pa US para i-train ng parents niya. Nalungkot ako bigla. Syempre, matagal kong hindi makakasama si Glen. Kahit ang totoo ay dalawang linggo lang naman siya.

Sabado ngaun kaya wala akong klase. Hindi ko na nga din naabutan sila mommy dahil maagang umalis. Para ngang tatlo lang kami ng mga kapatid ko dito sa bahay. Madalas kasi ay nasa Bulacan sila or sa Isabela para sa trucking business namin. Nabalitaan ko pa na bumili sila ni daddy ng isang maisan kaya lalo silang naging busy.

Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko. Mag aalas dos na pala ng hapon kaya pala bahagya na akong nakaramdam ng gutom.

Pagbukas ko sa kwarto ko ay ingay ang tumambad sa akin. Napakunot pa ang noo ko. Anong meron? Pagbaba na pagbaba ko ng hagdan ay nagulat ako sa nakita ko.

"Maggie!!" Maingay na bungad ni Sasha. Pakiramdam ko ay nabuhayan ako sa tinis ng boses niya. Sa labas naman malapit sa gazebo ay ang troupe ni Prim.

"Ano ginagawa mo dito?" Takang tanong ko tsaka umupo sa tabi niya.

"Sumali kami sa dance contest sa Bulshoi, Prim asked us to join." She said happily. Napatingin lang ako sa kanya. Kung hindi lang ganito kumilos si Sasha, hahanga ako sa sobrang ganda niya.

At teka? Sumali? Kami? Sino naman ang kasama niya?

I was about to asked her when Simon came out from nowhere. Bigla akong naconsious sa itsura ko. My god! I didn't even comb my hair.

"Kyaaaaa! Simon! He's my partner.." ayan na naman si Sasha na bigla bigla nalang lumundag kay Simon. Napailing pa nga si Simon na parang hindi makapaniwala kay Sasha. Sinamantala ko ang pagkakataon na tumayo at pumunta sa kusina. Naiirita na naman ako! Maingay na nga sila Prime, maingay pa si Sasha!

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig.

"You're more beautiful kapag bagong gising ka." Husky na boses niya ang biglang bumalot sa tainga ko kaya napaubo ako bigla. Literal na bumara sa lalamunan ko ang tubig na iniinom ko.

"You're so creepy," Hawak ko pa din ang dibdib ko dahil sa sobrang pag ubo. Tinignan ko si Simon ng masama habang siya ay nakatingin lang sa akin ng seryoso." And weird too." Pahabol ko.

He didn't say anything. Malamlam lang ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Akward silence enveloped the kitchen until Sasha break the silence. Nagpakawala ng mura si Simon sabay igting ng panga. Ako naman ay huminga ng malalim. I want to hug Sasha now.

"Magsisimula na my loves!!" Matinis na boses ni Sasha ang dumagundong.

Nauna akong maglakad tsaka nilagpasan si Simon na tahimik lang akong pinagmasdan.

Nang makalabas ako sa kusina ay halos habulin ko ang hininga ko. Baket ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi lang basta bilis. It's the worst. Kung si Glen ay napapakilig ako at napapabilis din ang tibok ng puso ko, iba yung kay Simon, I mean-- may kasamang kaba at hindi ko maipaliwanag na feeling. Ugh!

Nagsimula na ang sayawan sa labas. Glen texted me that he has something to do with the acquaintance party sa LSU kaya mamaya nalang niya ako pupuntahan. Nangingiti pa nga ako kahit hindi niya nakikita.

"Let's start!" Nakuha ng malamig na boses ni Simon ang atensyon ko. Mabilis na umayos ang troupe ni Prim at nagpunta sa kanya kanyang pwesto. Lumabas ako sa veranda kung saan tanaw ang gazebo.

Tumunog ang isang hiphop na kanta kaya bahagya din na napayugyog ang ulo ko. Nagsimula silang gumalaw kaya hindi ko maiwasan mamamgha, their group really got the move. So galing!

"One, Two , Three.. Turn around!" Puno ng authoridad si Simon habang nakahalukipkip at binabantayan ang galaw nila Prim. I stared at him. He's so damn serious which makes him look more attractive. Lumunok ako bigla. Ayan na naman ang bilis ng pagtibok ng puso ko. What's happening to me?

I shooked my head and entered the house, kulang pa siguro ako sa tulog or nasobrahan ako sa pag inom ng kape.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Sumabay na ako kay Sage papasok dahil hindi ako masusundo ni Glen. Inagahan ko pa nga talaga ang gising dahil baka si Simon na naman ang sumalubong sa akin.

Pagpasok ko sa room ay matiwasay naman ang lahat. Ala pa nga dito si Dominic ngaun. I've heard magbubukas siya ng sarili niyang cafe. Good for him. It's his dream after all.

"Maggie!!!" Napalingon ako sa pinto ng marinig ko nanaman ang matinis na boses ni Sasha. Here we go again. Bumalik na din pala siya sa school. Kaso, ahead siya ng isang taon sa amin. Same course lang naman din kami kaya same building. Kaya imposibleng hindi magtagpo ang landas namin.

"Sasha.." mahinang bati ko at tipid na ngumiti. I don't know what's wrong with me pero naiinis talaga ako sa kanya.

"Alam mo na ba yung party? Kyaaa! I'm so excited." Pumapalakpak na sabi niya. She's too loud and bubbly. Ala naman problema sa kanya pero bakit ang bigat ng nadadama ko para sa kanya? Hindi pa din ako nagsalita. Tumango lang ako sa kanya.

"May date ka naba?" She said curiously. Napatingin ako sa kanya at kinunot ang noo ko. Kailangan ba talaga ng date?

"Wala pa." Sagot ko.

"What about Glen?" Tinagilid niya pa ang ulo niya na tila ba hinihintay ang sasabihin ko. What about him? Hindi naman ako inaya ni Glen. Tsaka, hindi ko nga alam na required ang may date.

Hindi ako nagsalita. Itinuon ko lang sa libro ang atensyon ko. Akala ko nga ay titigil si Sasha pero nagkamali ako.

"I'm waiting for Simon to ask me, though." Damang dama ko ang lungkot ang pag asa sa salita niya. Kumuyom ang kamao ko. Ganyan ba siya kadesperada? Kung gusto talaga siya ni Simon, he will do the move. Kailangan pa ba niya ipagpilitan ang sarili niya?

After our class, Glen texted me na nasa auditorium siya. Mabilis kong niligpit ang gamit ko para mapuntahan ko na siya. I was kinda excited pa nga na puntahan siya. Ang sabi niya kasi ay siya ang nag ayos ng auditorium for the party tomorrow. Parang nasasabik tuloy ako.

Nang papalapit ako sa auditorium ay namataan ko sa malayo si Simon na may dalang bouquet ng bulaklak. Kumunot ang noo ko habang pinapanuod siyang papalakad sa direction ko. Is he courting someone in school? I never see him hold a flower kasi.

Patuloy ang lakad ko hanggang palapit nang palapit ang landas namin ni Simon. Pormadong pormado siya. His look is breathtaking. Iba talaga ang dating ni Simon. I shooked my head, what the fuck!

Mga limang hakbang nalang ay malapit na kaming magkasalubong. Nagtama ang mga mata namin ni Simon. My heart race again. Yung abnormal na tibok. Malamlam ang mata ni Simon habang nakanguso. Ilang hakbang nalang nang..

"Gotcha!" Napalundag ako bigla ng lumitaw si Glen sa harap ko. Ang laki laki ng ngiti niya. "Did I frigthened you?" Ngumuso siya kaya mabilis akong umiling. Humalakhak si Glen at hinalikan ang noo ko. I don't know why pero napatingin ako kay Simon. Nag-igting ang panga niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko when I saw hurt and sorrow in his eyes. Itinapon niya ang bulaklak na hawak niya at mabilis na tumalikod at naglakad palayo. What happened to him? Para kanino ba yung bulaklak niya?

"Hey!" Napalundag na naman ako ng pumitik si Glen sa harap ng mukha ko.

I awkwardly smiled. "Come again?" Parang tangang sagot ko. Hindi kasi mawala sa isip ko yung itsura ni Simon, for the first time in my entire life, ngaun ko lang nakita ganun ang itsura niya. Kumunot ang noo niya at hinawakan ang pisngi ko.

"I'm asking you if you can be my date?" Seryosong sabi niya. Nagtama ang mata namin ni Glen. Puno ng pag asa ang mata niya. Nanaginip ba ako? Silly boy! Of course. Yun naman talaga ang gusto ko. Si Glen naman talaga ang gusto ko diba?

"Yes." Tipid na sagot ko. Hinahanap ko kasi yung tibok ng puso ko para sa kanya simula ng bata pa kami pero hindi ko iyon makapa. Saan na iyon napunta? When the image of Simon flashed in my head, my heart instantly beat so fast. It's scary. Maybe I should see a doctor to ask him why I'm having this abnormal heartbeat.