Chapter 41: Unregistered

Two years later....

"Maggie, pinabago ng head ang date ng fashion show mo.." ngumiwi ako at napakamot ng ulo ng lumapit sa akin si Brian. Ilang gabi akong nagpuyat para sa mga designs ko na yon tapos hindi naman pala dapat agad agad!? Bwiset talaga sila!

Dalawang taon na ang lumipas simula ng ma coma si Glen at umalis si Simon. Dalawang beses palang siya umuwi ng Pilipinas simula noon at hindi na nasundan pa. Nag uusap kami through Skype or Face time kapag libre kaming dalawa.

Nakakuha na din ako ng work sa Pilipinas as designer ng mga damit sa isang malaking company. One week na kaming hindi nag uusap ni Simon dahil busy daw siya sa hindi ko naman alam na pinag kakaabalahan niya. Okay, naintindihan ko naman yon dahil busy din ako at mag kaiba pa ang time zone namin dalawa. Kaya lang nagtataka lang ako kung bakit one week? Wala manlang kamusta?

About kay Vanessa, hindi ako nagtatanong at never naman nagkwento sa akin si Simon. Ang alam ko lang ay nasa US pa din siya.

Niligpit ko ang gamit ko dahil sa pagkadismaya... Inubos ko ang oras at pagod ko para sa design na hinihingi nila na hindi naman pala kara karakaraka!

I need to unwind. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Simon pero cannot be reach pa din siya. Uggh! This is frustrating. Ayoko naman magalit o maghinala sa kanya. I trust Simon, though.

"Brian, pakisabi na uuwi na ako.." salita ko kay Brian na kapwa designer ko.

"With love, Maggie.." natatawang sabi niya. Umirap ako at natawa. "Wag ka nga! Ang landi mong bakla ka!" Natatawang sabi ko.

"Ouch," humawak pa si Brian sa dibdib niya at nagpanggap na nasaktan sa sinabi ko. "Ang mean mo! Hindi ako bakla! Crush nga kita.." natatawang sabi niya kaya ngumiwi ako.

"Kadiri ka!" natawa kaming dalawa. Ako ang nanghihinayang sa kanya eh. Ang gwapo sana niya.

I drove to the nearest bar. Tinext ko din si Sasha na magkita kami doon. Nang makarating ako sa bar ay hindi pa masyadong matao. Medyo maaga pa din kasi. Besides, ala naman akong planong mag pa-umaga. I just want to chill dahil stressful ang linggo na ito sa akin.

"Sasha," bati ko sa kanya ng namataan ko siya sa bar. Ngumiti siya sa akin ng tipid. Tinignan ko pa nga siya mula ulo hanggang paa. "Grabe, parang di ka nanganak.."

Umirap si Sasha. "Nanganak ako, ang sakit nga, e." She smiled bitterly. I don't know what happened to her and Luther. Ang alam ko ay wala din sa bansa si Luther.

"Alam na ba niya?" Sagot ko at ininom ang shot. Umirap ulit si Sasha. "No, at wala siyang karapatan malaman. " malamig na usal niya. Nagkibit balikat nalang ako dahil mukhang ayaw niya naman itong pag-usapan. Tsaka, it's their story to tell.

"Ikaw? Kelan mo planong magka baby?" Salita ni Sasha sa akin. Nagkibit balikat ako at nilaro ang yelo sa baso na nasa harap ko.

"Paano akong mag kaka-baby? Simon's not here." Nilagok ko ang shot at bahagyang ngumiwi ng humaplos ang init sa lalamunan ko.

Natawa si Sasha ng bahagya kaya napatingin ako sa kanya. She looked matured now. Iba talaga ang nagagawa ng pagiging magulang. Nakaramdam tuloy ako ng pananabik na magka-anak.

"Kelan pa siya uuwi? Is Glen still in coma?" Lumagok din ng shot si Sasha.

"The last time I heard ay hindi pa siya nagigising. I just hope magising na siya so Simon can come home."

"Bakit hindi ka nalang sumunod sa kanya?" Usal ni Sasha. Natahimik ako mg bahagya. Bakit nga ba hindi ako sumunod kay Simon?

He never asked me to come with him, though. He never even tried. He even let me to work here.

"I don't want disturb him." Umiwas ako ng tingin at sumenyas sa bar tender para sa isa pang shot.

Napatingin ako kay Sasha na apura ang brows sa Facebook. Umiling nalang ako. Kunwari pa to, may inisstalk lang naman.

"You're his partner. You'll never be a disturbance. Baka naman hinihintay lang niya na ikaw ang sumunod para magkasama kayong dalawa."

Ngumiwi ako sa sinalita niya. "I don't think so," sagot ko.

Huminga ng malalim si Sasha at umiling." You're still dense, Maggie." Parang may konting pag kadismaya sa kanya. Me? Dense?

Tumahimik nalang kaming dalawa. I tried to contact Simon again pero hindi ko pa din siya makontak.

The slow music turns into trance. Magsisimula na ang gabi pero tahimik lang kaming dalawa ni Sasha. Napakunot lang ang noo ko ng tahimik siyang nakatingin sa cellphone niya habang abot ang pag lagok ng alak.

"OMG--" nagulat nalang ako ng bigla siyang napatakip ng bibig niya.

"What's wrong?" Alalang alala na tanong ko sa kanya. She instantly handed me her cellphone. Nalilito man ako ay tinanggap ko iyon.

Natawa ako ng bahagya habang hawak ko ang cellphone niya. " Ano naman ang gagawin ko dito?" Umiling iling pa ako na ikinaikot naman ng mata niya. "Look at Vanessa's status." She said sounded with annoyance.

"Fine," I seriously answered her. Biglang kumalabog ang dibdib ko hearing the name of Vanessa.

Vanessa Solvenh Brickman tagged her status to Simon Aries Silverio

"Tomorrow is the day, I'm getting married."

Para akong tanga na nakatitig sa cellphone niya hanggang sa humagalpak ako ng tawa. How is this possible? I'm married to Simon.

"Why are you laughing?" Kunot noong tanong ni Sasha sa akin. Napahawak pa ako sa tiyan ko at halos maiyak na sa katatawa.

"Are you seriously asking me? How is that possible? Simon's married to me." I said confidently. Tumango tango si Sasha habang nilalagok ang alak sa baso na hawal niya.

" Are you sure?" Seryosong tanong ni Sasha sa akin kaya napakunot ang noo ko. "I mean-- have you seen your marriage contract? Was your wedding even real?"

Natahimik ako bigla. I'm out of words suddenly. My blood started to boil and went up to my head. Damn! I never saw our marriage contract eversince. I didn't even bothered to see.

"Ano? Natahimik ka? You're to confident about your marriage na peke naman pala, God, sa panahon ngaun lahat ng lalaki manloloko." Diniretsong lagukin ni Sasha ang alak na hawak niya. Kumuyom ang kamao ko at biglang tumayo.

"Oh--san naman ang punta mo?" This time natatawa na si Sasha. I can't believe that this is happening to me.

"I will go home and check our contract myself."iritableng sabi ko sabay hila ng bag ko. The last thing I heard was Sasha's laughing to death! Uggh! Bwiset!

Ano yon? Kaya hindi niya ako tinatawagan coz he's too busy with his wedding? Ano yon iiwan niya ako bigla ng walang pasabi? Ano yon? Nainlove na talaga siya kay Vanessa? Damn Simon! Once I've confirm that our marriage isn't real I'll fly now to you just kill you!

Halos lumipad ako sa pagmamaneho para makauwi sa bahay. Panay pa ang mura ko dahil hindi ko pa din makontak si Simon! Humanda ka sakin Silverio! Papatayin talaga kita.

Malakas na tawanan ang bumungad sa akin pag pasok ko ng bahay. Napahinto sila sa pagtawa ng mamataan nila ang presensya ko.

"Maggie," sabay sabay sabi nila kaya napakunot ang noo ko.

"What brings you here, Margaret?" Si mommy ang sumalubong sa akin. Humalik ako sa pisngi niya at ganon din kay daddy. Si Sage at Prim naman ay panay pa din ang bungisngis habang nagbubulungan.

"Hi, ate." Sabay na salita ng dalawa sabay tawa kaya napairap ako.

"Mom, can I ask you something?" Seryosong sabi ko. Biglang tumahimik ang paligid at lahat ay tutok na tutok sa akin.

"What is it, Baby? " Mom said in a serious tone, too. Napalunok ako at bahagya na naman kumalabog ang puso knowing that our marriage was fake.

"Mom, totoo ba ang naging kasal ko kay Simon?" Halos hindi ako huminga sa paghihintay ng sasabihin ni Mommy. They were all looking at me with no humor on their faces.

Mom, sigh heavily and faced me. "It was real.." nakahinga ako ng maluwag ng sinagot ako ni Mommy. Sabi ko na eh. Simon wont lie to me.. nababaliw nalang talaga si Vanessa. Somehow, hindi ko pa din maalis sa isip ko ang magtaka why Simon still can't be reach. Nasan na ba siya?

"Though," natigilan ako ng magsalita ulit si Mommy. This time she's more serious. Kumalabog na naman ang dibdib ko. At this time, medyo iba na ang kalabog nito. Mixed emotions running to my chest, scared of what my mom will going to say, and extreme fear, and annoyance.

"Though, what?" I asked her.

"I forgot to register your marriage contract. It's unregistered, Maggie." Mom said full of sorry. Napanganga ako bigla at walang makapang salita. Pumikit ako ng mariin at pikit na sinasaksak sa utak ko na walang bisa ang kasal namin ni Simon. What the hell? So it means, may karapatan nga siyang magpakasal sa iba? So totoo ang post ni Vanessa? Urrgghh!

Nagmamadali akong tumalikod sa kanila. Hindi pwedeng makasal si Simon kay Vanessa! He's mine. Mine only! How dare him to dropped me like a hot potato after we've been through? Papatayin ko nalang siya kaysa mapunta siya kay Vanessa! Papatayin ko siya dahil paasa siya!

"Where are you going, Maggie?" Salita ni Mommy.

"I'm flying to US, Mom. I will bring back, Simon.." walang lingon sagot ko. Kumuyom ang kamao ko pag kalabas ko ng bahay. Demonyo ka talaga Silverio!