Chapter 40: More deserving

"What are you doing?" Niyakap ako ni Simon mula sa likod kaya natigilan ako sa paghihiwa ng mga gulay na iluluto ko. Ngumiti ako tsaka humarap sa kanya.

"I'm cooking, obviously.." umirap muna ako bago ngumiti sa kanya.

Simon and I had decided na tumira ulit sa condo niya. Well, isang linggo palang naman. Dalawang semester pa ako sa course ko bago grumaduate. Nakakainis nga! Simon and I wanted to have a baby na. Hindi pa kasi pwede sa ngaun dahil nag aaral pa ako.

Everyday is normal day to us. Mas nakikilala pa namin ang isa't isa. Even the smallest things na hindi namin alam sa isa't isa ay nalalaman na namin ngaun. It's just so unfair that he knows every single detail of me.

Nakaupo si Simon sa dining habang nasa cellphone ang mga mata. Nagkibit balikat ako at ibinaba ang kanin ang ulam na niluto ko.

Napatingin pa nga ako kay Simon habang seryosomg seryoso sa cellphone niya. Ni hindi manlang nga niya ako liningon.

Okay, kalma ka lang, Margaret! Wag kang mag tamang hinala, Okay?

Pinagtimpla ko si Simon ng kape tsaka ako naupo sa katapat na upuan niya. His eyes were still at his cellphone kaya naman tumikhim ako.

"Hindi mo manlang pinansin ang luto ko." Ngumuso ako sa kanya.

Ngumisi si Simon ng bahagya pero seryoso pa din ang mukha niya. May mali ba? I find Simon, weird.

"Sorry," he said in a low tone sabay yuko. Lalong napakunot ang noo ko.

Kinuha ko ang kanin at sinalinan si Simon sa plato niya. Ganoon din ang ginawa ko sa ulam. Simon watching me but he's still quiet.

"Simon, may problema ba?" I seriously asked him. Medyo nabobother kasi ako sa inaasta niya.

"Nothing--" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang magring ang cellphone ni Simon.

Nagpakawala ng mahinang mura si Simon at tsaka huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.

"What?!!!" Napasinghap ako ng bahahyang napataas ang boses ni Simon at napatayo.

He quickly entered our room at nagsuot ng damit. Tarantang taranta ang itsura ni Simon. Our unit was fully air conditioned pero pawis na pawis at itsura ni Simon.

"Simon, ano ba problema?" Sunod ako ng sunod sa kanya. Hindi niya ako pinansin, ang huling ginawa niya ay kinuha ang susi ng sasakyan niya sabay labas ng room.

"I'll tell you later? Okay?" Hinalikan niya lang ako sa noo at mabilis na nilisan ang lugar.

I was dumbfounded while looking at the door kung saan siya lumabas.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. Nothings wrong, Maggie, okay? Maybe, importante lang talaga ang tawag na iyon.

Inalis ko sa isip ko ang nangyari kanina. Nagbihis ako ng uniform para pumasok sa Easton. Ber months na at malapit na talaga matapos ang sem na ito. I need to finish this na talaga.

I drove my car to Easton.

Beeeeepp!!! Napasinghap ako at biglang natauhan ng malakas at sunod sunod na busina ang nangyari sa mga sasakyan sa likuran ko.

"Fuck," panay ang mura ko habang pinipihit ang kambyo at tuluyan pinaandar ang sasakyan.

I can't help it. Weird kasi ng araw namin ni Simon ngaun. Mula kanina ay hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Instead of going to school, mabilis akong lumiko papunta sa way kung saan ang bahay nila Sasha. I even tried to contact her pero ala naman sumasagot. Ganun pa man, tinuloy ko pa din pumunta sa kanila.

"What are you doing here, Maggie?" Si Krystele ang bumungad sa akin. Kung normal lang ang araw ko ngaun ay papatulan ko talaga siya. "Is Sasha, there?" Sagot ko at pinagwalang bahala ang pagtataray niya.

"No, she's not here." Sagot niya. Tatalikod na sana ako ng biglang umiyak si Krystele. Nalaglag ang panga ko. Bakit ang weird ng mga tao ngaun?

"Hey.." lumapit ako sa kanya. She hugged me and cry on my shoulder. "did you know that Glen is in coma?" Salita ni Krystele. I got froze, parang naubos ang hangin sa katawan ko sa sinalita ni Sasha. Ano nangyari?

"If that's joke, bawiin mo, Krystele. It's not funny." Malamig na usal ko.

Pinahid ni Krystele ang mga luha sa mata niya. "Are you stupid, Maggie? You think iiyak ako or gagawin kong joke iyon? Mahal ko si Glen. Kahit hindi niya ako gusto, hindi ko hihilingin na magkaganon siya." Tumakbo si Krystele papasok ng bahay nila. For the second time of this day ay natulala na naman ako.

I drove fast sa unit namin para magpalit ng damit. Kaya ba gulat na gulat si Simon kanina? Ano ba ang nangyari kay Glen? Bakit coma siya ngaun? Ang daming tanong at gumugulo sa utak ko ngaun pero pinili ko pa din kumalma. Alam ko naman kasi na hindi makakatulong kung pati ako ay matataranta.

Nang nakabihis ako ay hinanap ko pa kung saan ko nailapag ang susi ng sasakyan ko. Talaga naman! Kung kelan ka nagmamadali tsaka pa nakalimutan.

Nang makita ko ang susi ay mabilis akong pumunta sa pinto. I creased my forehead whe I saw Meledeth standing infront of our door with cold expression. Bahagya pang maga at pulang pula ang mga mata niya.

"Can I come in?" Salita niya. Oh-- Geez! Bakit ngaun pa Mel? Nevertheless, I let her in.

Umupo si Meledeth sa sopa at ako naman ay sa kaharap niya. Ilang minuto lang siyang nakatingin sa akin hanggang umiyak na siya. Bakit lahat ng tao ngaun ay umiiyak? Balisang balisa ako kaya kailangan bilisan ni Meledeth kung ano man ang sasabihin niya.

"Can you give back Simon to Vanessa?" Pasimula niya. Natigilan ako at parang binuhusan ng malamig na tubig. Bakit ito sinasabi sakin ni Meledeth? What the fuck?

Nawala ang awa ko sa kanya dahil sa sinabi niya. How could she say that?

"Maggie, I'm begging you.. please let Simon to my sister.." iyak pa din siya ng iyak. I can't uttered words. I felt numb.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang lumuhod siya sa harap ko. "Wag kang lumuhod, Mel." Malamig na usal ko. Still, lumuhod pa din siya at nanatili.

"Maawa ka, Maggie.. mahal ni Vanessa si Simon.."

Parang may kung anong nabuhay sa dugo at mabilis na itinayo si Mel.

"Mahal ko din siya, Mel. Alam mo yan!" Malamig na usal ko. Pinahidan ni Meledeth ang mga luha sa mata niya at hinarap ako gamit ang matalim na mata.

"Vanessa made him nung panahon na sinira mo siya. If you love him sana nung una palang may ginawa ka! Si Vanessa ang bumuo sa kanya, Maggie! She's more deserving than you!" She shouted infront of my face kaya mabilis ko siyang sinampal.

"How dare you! Akala ko kaibigan kita? You saw the life I had.. You know how miserable I was.. wala kang alam kaya wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan!" Galit na galit na salita ko.

Umiyak ulit ng umiyak si Meledeth. Wala akong maramdaman awa sa kanya. Nakakainis! Hilingin mo na ang lahat wag lang si Simon.

"Vanessa attempted suicide, Maggie.. dahil ayaw na ni Simon. He just used Vanessa para bumalik ka sa kanya. Para ikaw mismo ang sumuko at bumalik sa kanya. Paano naman ang kapatid ko?" Iyak ng iyak si Meledeth.. nanghina akong napaupo sa sopa habang tulala. She almost killed her self for Simon?

Litong lito ako at walang makapang salita. This day is too much for me..

"Umalis kana, Mel." Malamig na usal ko. Wala akong pinakitang kahit anong emosyon sa kanya.

"You don't deserve, Simon, Margaret.. my sister does.." huling salita ni Meledeth hanggang tuluyan na siyang makalabas. Marahas kong pinahid ang luha sa mga mata ko. Gustong gusto kog sumigaw para ilabas lahat ng sama ng loob ko. Paano nila nasabi na hindi ko deserve si Simon? Oo nagkamali ako noon pero binabawi ko na iyon ngaun.

Wala na akong lakas lumabas after Meledeth came. Nakaupo pa din ako sa sala at tulala. Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak ng umiyak. Vanessa's willing to risk her life para kay Simon. Ako ba? Ano ba ang nagawa ko sa kanya.. kinakain ako ng insecurities ko para kay Vanessa. Hindi naman niya kasalanan kung minahal niya si Simon. Pero bakit ang sakit? Bakit nasasaktan ako?

Madilim na pero hindi ko binubuksan ang ilaw. Nanatili lang ako sa posisyon ko hanggang narinig ko ang pag bukas ng pinto. Napapikit ako ng mariin ng biglang bumukas ang ilaw..

"What are you doing here?" Puno ng pag alala na salita ni Simon. His voice made feel more weak. Parang pagod na pagod at puno ng lungkot ang boses ni Simon.

"I'm waiting for you.." sagot ko. Hinawakan ako ni Simon hanggang magpantay ang paningin namin dalawa.

"I'm sorry, --" hindi ko siya pinatapos ng magsalita ako.

"What happened to Glen?" Natigilan si Simon. Nakatitig lang siya sa akin na tila ba nagtatanong.

"Had fight with some jerks, he's in coma." Salita ni Simon. Tumulo na ulit ang luha ko. Glen doesn't deserve that. Part of me ay nakokonsensya.

"Is he going to be fine?" Nanginginig na sagot ko. Pumikit ng mariin si Simon at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. "He will.. I hope so.." basag na boses ni Simon.

Umayos ako ng upo para makatabi sa akin si Simon.

"I want to tell you something," panimula ni Simon. Hindi ko alam kung bakit kumalabog ng usto ang puso ko.

"We'll bring Glen to U. S. so he can be threated well." Nakatingin lang ako kay Simon at tumango tango. Ofcourse! Si Glen yun eh! Kahit sa Mars pa nila dalin si Glen, basta gumaling lang siya ay okay lang.

Huminga ulit ng malalim si Simon at pumikit ng mariin. "Vanessa's coming with me."

Tuluyan ng nilipad ng hangin ang kaluluwa ko dahil sa sinabi ni Simon. Pumatak na naman ang mga luha ko at ngaun ay hindi ko na kayang pigilan. Sunod sunod na mura ang pinakawalan ni Simon tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Are you choosing her?" Basag na basag na sabi ko.

"No," mabilis na sagot ni Simon. "She attempted to kill her self because of me.. I can't swallow that, Maggie.."

Hindi ako nagsalita. Iyak lang ako ng iyak habang patuloy ang pagsasalita ni Simon.

" I can't break her just to made myself completely again."

Lalo akong napaiyak. Kung sinabi ko kasing mahal ko siya noon edi sana alang Vanessa ngaun! Uggh! para din akong sinaksak sa bawat salita ni Simon.

"And you're choosing to break me?" Pumipiyok na salita ko. Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Simon. Mabilis at mabigat ang bawat paghinga niya. "Ofcourse not, I'll always choose you.. I just want Vanessa to realized na hindi kami pwede. Na hindi talaga. I love you, Maggie, and love doesn't need to be selfish."

Hinalikan ni Simon ang labi ko kaya kumalma ako ng bahagya. "I will come back, Maggie. You finish your school and stay inlove with me, while I'm dealing with Vanessa, and Glen.... I want to be there for my brother.."

Napahagulgol ako lalo ng parang namamaalam na si Simon. I can't let him go! I want him to be selfish just like before. Pwede bang ganon nalang ulit siya?

"Paano kung hindi kana bumalik?" Panay ang hikbi ko. Ginulo ni Simon ang buhok ko at niyakap ulit ako ng mahigpit.

"Binalikan kita kahit hindi ko pa alam na mahal mo ako. Ngaun pa kaya na alam kong mahal mo ako? Babalik ako, Maggie. Don't be scared.. I will always come back to you.."

I hope so, Simon.. I just hope so..