Chapter 37: Ano ba tayo?

"Simon, mahal kita.."

Natigilan siya at hindi nakagalaw, na para bang naubos ang hangin sa katawan niya. Nakatingin ako sa kanya habang siya naman ay nakatalikod sa akin. He stayed still pero walang ginawa.

"Simon," I called him again. I gave up. This will be the first and last na sasabihin ko sa kanyang mahal ko siya. Tinatanggap ko lahat ng sumbat niya sa akin dahil alam kong ako naman talaga ang mali noon. Kung ayaw na niya talaga, I better quit than to be more miserable.

He faced me, his eyes has bloodshot. Lumambot ang matigas na expresyon ng mukha niya.

"Why are you telling me this now, Maggie? Bakit ngaun lang?" He said coldly. Napalunok ako bigla. Bakit nga ba? Kasi mahal ko siya diba? Kasi ngaun ko lang narealized na mahal ko pala siya? o ngaun ko lang naamin na mahal ko pala talaga siya? Uggh--

"Because it's how I feel," sagot ko. Ngumiti ng mapait si Simon sa akin tsaka umiling.

"You don't really love me," malamig na sabi niya sabay hinilot ang bridge ng ilong niya. "It's your ego you're just saving. Glen's totally smitten to other girl so you're telling me you love me? Para ano? maging fall back mo? Akala mo kasi hindi ako makaka move on coz' I'm pretty damn smitten to you? Pain changes people, Mags. You had your chance but you wasted it.."

Nalaglag ang panga ko at hindi nakapagsalita. Bakit nasali si Glen sa usapan? uugghh! You frustrate me a lot Simon! Hindi mo alam kung ilang kaban ng lakas ng loob ang inipon ko para sabihin kong mahal kita. Tapos eto? Hindi ka maniniwala?

Paano naman kasi siya maniniwala? Ni minsan hindi ko naiparamdam sa kanya yung feelings ko. If he doesn't want to believe me.. I'm done.. maybe we're really done.

"Glen has nothing to do with my feelings.." sagot ko. Malamig pa din siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ako.

"Why you didn't do something about your feelings? Taon ang lumipas, Mags.. Nasaktan ako ng mawala ang anak natin pero umasa ako na ipaglalaban mo yung sa atin, may ginawa kaba? Ala diba? I did everything for you, for us.. ikaw? Ano naibigay mo? Ano ang nagawa mo?" Malumanay pero puno ng panunumbat na salita niya. Lumunok ako bigla, ano nga ba ang nagawa ko? Wala! Wala akong nagawa! Damn it!

Ngumiti ng mapait si Simon ng matahimik ako. I smiled bitterly.. pumasok ako sa giera na wala pala akong bala.

"See? Now tell me that you love me.." sagot ulit niya. Pumutak na ang luha ko at napayuko. "You gave me the feeling of being unwanted, the feeling of being the replacement, the option. I can't blame you, though, coz I gave everything to you wholeheartedly. I tried, Maggie.. I tried to win the losing game, I even gave my all in, but in the end you always broke my heart repeatedly.. Ikaw may fall back kapag nasasaktan ka, eh, ako? Lumaban ako mag-isa hanggang sa naubos mo ako."

Napabuntong hininga ako at nilaro ng daliri ko ang balahibo ni Heart na nakatitig lang sa akin. You're the only thing that I have from Simon, Heart..

"Nanay Norma, maglalakad lang kami ni, Heart.." I shouted. Wala kasi ngaun tao sa bahay kaya naisip kong maglakad lakad. It's been weeks since Simon and I had talked. I had sleepless nights for almost weeks now. Akala ko kapag sinabi ko ang feelings ko para sa kanya ay magiging ok lang lahat. Pero ano bang napala ko? Mas nasaktan lang ako.

Simon's right. Lahat naman ng sinabi niya sa akin ay totoo. Hindi ko naman itatanggi na wala naman talaga akong binigay sa kanya. Inubos ko siya kaya wala na siyang kayang ibigay pa. Ayaw na niya ulit sumugal sa akin, of course, paano siya susugal ulit sa akin sa lahat ng nagawa ko sa kanya? I gave him fear, agony and constant pain. I took him forgranted all along.. Ganoon kalala ang pinsala ko sa kanya kaya ayaw na niya. Tapos na.

Kailangan ko nang tanggapin na wala na talaga. Ang nakakatawa, the brothers loved me both before pero ni isa sa kanila ay walang nanatili. Pareho na silang masaya sa buhay nila at ako ay nanatiling miserable. I was blinded by my infatuation for Glen that I never saw how Simon gave me his everything.

"Heart, hindi mo naman ako iiwan diba?" Para akong tanga na kinakausap si Heart habang naglalakad kami. Ngumiti pa nga ako ng tahulan ako ni Heart habang winawagwag ang buntot niya.

"Maggie," napalingon ako mg biglang may tumawag sa akin. I was stunned at first pero ngumiti pa din ako.

"Paolo?" Sagot ko. Patakbong lumapit sa akin si Paolo. Bahagya pa nga siyang napahawak sa dibdib niya dahil sa hingal. He smiled." Dito ka pala nakatira?"

Ngumiti lang din ako. "Oo,"

"You want to walk?" Salita niya kaya napailing ako ng mabilis. I'm sorry.. I want to be alone.

"I'm good, I'm with--" nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na wala na si Heart sa lubid na hawak ko. Mabilis kong inikot ang mata ko pero hindi ko siya makita.

"With--" pinutol ko na si Paolo ng tumakbo ako para hanapin si Heart. Ikot ako ng ikot pero hindi ko siya makita. Kailangan ko siyang mahanap! Heart is my strength now. Hindi siya pwedeng mawala!

"Heart!" Panay ang tili ko habang tumatakbo. Para akong baliw na ikot ng ikot at tawag ng tawag sa kanya. Gusto ko nang maiyak ng wala manlang akong makita ni anino niya.

"Arf! arf!" Napalingon ako ng may tumahol sa kabilang side ng kalsada. I heaved a deep sigh when I saw her. Walang lingon ay mabilis akong tumakbo papunta sa pwesto niya ng bigla akong napapikit at napahinto ng makarinig ng marahas na pagpreno ng sasakyan. Para akong nalagutan ng hininga at hindi nakagalaw. Madiin pa din ang pikit ng mata ko at halos bumagsak ako sa takot.

Maya maya ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto ng sasakyan.

"Arf! arf!" Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at biglang niyakap si Heart na idinidikit ang katawan sa akin. Maluha luha akong yinakap siya ng mahigpit.

"Are you trying to kill yourself?" Napatingala ako sa sobrang gulat ng may magsalita. Lalong kumalabog ang kaba ng dibdib ng makita ko si Simon na nakatayo sa harap ko at galit ang mga mata.

"Fuck, you are risking your life for some, damn, dog?" Galit na galit si Simon. Humigpit ang yakap ko kay Heart.

Nag igting ang panga niya. Natulala lang ako sa harap niya. I'm still shock ok? Muntik na akong masagasaan!

"Damn, Maggie! Speak up! Are you out of your mind? I almost hit you." Lumambot ng bahagya ang mukha ni Simon at bahagyang namawis ang noo. Sana nga sinagasaan mo nalang ako Simon..

"She's not just a dog, Simon. And I wont let anything happen to her." Malumanay na sagot ko. Nailing si Simon at nagpakawala ng mahinang mura.

"I can't believe you.."

"You should, I love her, she's your heart, remember?"

Kitang kita ko ang bahagyang pag uwang ng labi ni Simon, hanggang napalitan ng mariin na pagpikit ang sunod sunod na mura.

"Go home, Maggie.." tinalikuran niya ako. Pinanuod ko lang siya hanggang mawala siya sa paningin ko. Palagi mo nalang akong tinatalikuran! Ughhh!

Panay ang indak ko ng umingay ang tugtog sa bar. Ilan gabi na din akong pumupunta dito para malimutan ko ang lahat. Good thing, Sasha, Luther and Paolo is always here kaya meron naman akong kilala kahit papano.

"Here's your shot." Humaplos ang init ng hininga ni Paolo sa tenga ko kaya pakiramdam ko ay nagtayuan ang balahibo ko. Nasasanay na kahit papano ang katawan ko sa pag inom ng alak.

"Dude, stop it," inagaw ni Luther ang shot na hawak ko kaya napangiwi ako.

"Amina nga, gusto mo pala edi umorder ka!" Iritableng sigaw ko.

"What the hell, Maggie?! You're drunk!"

"I'm just tipsy, there's a huge difference."

Luther looked at me dumbly. Walang nagawa si Luther ng inagaw ko ang shot. Matalim niya akong tinignan pero ala akong pakialam! This the life that I missed.

Natigilan ako ng umakabay sa akin si Luther." I think you need more shots," nakakalokong sabi niya. Sabay kaming pinagmasadan ang pag pasok ni Simon sa bar kasama si Vanessa sa gilid niya. Mabilis ulit akong lumagok ng alak at tumalikod. Kumuyom ang kamao ko.

"Oh--why suddenly quiet? You're so alive awhile ago.." sinundan ako ni Luther ng naupo ako sa bar. Mabilis ang paghinga ko dahil sa galit.

"Not, now, Luther.." mabilis ulit akong kumuha ng shots at nilagok. Manghang nakatingin sa akin si Luther habang abot ang pagngiwi ko.

"Damn, iba talaga ang nagagawa ng nasasaktan.." natatawang sabi niya. I look at him with dagger eyes. "You. Shut. Up!!" Bulalas ko at mabilis na pumunta sa dance floor. The party was at its peak kaya maingay at nagkakagulo ang mga sumasayaw.

I instantly grabbed Paolo when I saw him dancing with some random girls. Medyo napapanatag na din ako sa kanya dahil madalas ko siyang nakakasama ngaun.

I gave my best para sumayaw. I have talent in dancing like the twins, hindi ko nga lang ginagamit. Panay ang tawa namin ni Paolo habang nakahawak ako sa batok niya at siya naman ay sa beywang ko.

Ang saya pala! Ang saya pala ng night life na labis kong inaayawan noon! Bakit lagi nalang sa huli ko nadadama kung saan ako pwede sumaya? Hindi ba pwede sa simula palang?

Lumakas ang tugtog sa buong lugar at panay tilian dahil sa pag reremix ng dj sa tugtog. Lalo akong napatalon kasabay ng pag alon ng buhok ko at paningin ko.

"Ouch!" I shouted dahil sa gulat ng may humablot sa beywang ko at buhatin ako patalikod. Wala na akong lakas magpumiglas at bahagya nang nanlalabo ang paningin ko.

Alam kong inilabas ako sa bar dahil bahagyang tumahimik. Tumunog ang isang sasakyan at marahas akong binaba..

I creased my forehead ng makita ko ang galit na mukha ni Simon.

"What the hell was that, Maggie?" Galit na usal niya. Kung normal ako at hindi nakainom ay baka nakaramdam pa ako ng takot at kaba. Well, sorry Simon! I'm drunk now! I can tell you what I want to tell you.

Humakbang ako ng isa. "I was dancing.. What's wrong?"humakbang pa ulit ako ng isa para makalapit sa kanya. Kumunot ang noo ni Simon at napalunok kaya napangisi ako.

"With some guy?" Sagot niya. Lalo akong napangisi dahil doon.

"Bakit? What's wrong with that?" Tumigil ako sa pag hakbang at nakipagtitigan sa kanya. "I'm single, bakit bawal?" Ngumisi ako. I know your actions Simon, every single move you're doing. I so know you.

"Motherfucker!" Malutong na mura niya kaya halos mapalundag ako. Hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Pakiramdam ko ay nawala ang lasing ko sa galit niya. "You're my wife!" He shouted. Natigilan ako saglit at napangisi ulit. I'm his wife?

"Your wife? Diba iniwan mo na ako? Diba sumuko kana sakin? Ikaw pwede sa iba pero ako hindi?!" I shouted back. Inihilamos ni Simon ang palad niya sa mukha niya habang panay ang mura.

"Are you trying to make me jealous?" Sagot niya. Napatawa ako ng bahagya. You never change Simon, assuming kapa din.

"Selos? Hello? Bakit naman kita pagseselosin? Ano ba kita? Ano mo ba ako? Ano ba tayo? Ala naman diba?" Sigaw ko ulit. Natigilan si Simon at natahimik. Malamig ang expresyon niya habang nakatitig sa akin.

Pinupuno mo ako Simon! Ikaw ang umayaw! Ikaw ang sumuko. Tapos ikaw pa may lakas ng loob magalit? How dare you!

" Yeah, ala naman tayo..." malamig na usal niya. He was going to turn his back again ng bigla ko siyang hilahin at halikan sa labi. He got stiffened. Parang bang gulat na gilat siya sa biglang paghalik ko sa kanya. I smirked when he pulled my nape and deepened our kiss. Napasandal ako sa sasakyan niya ng marahas niyang angkinin ang labi ko. Halos mapadaing ako sa sensasyon at init na nadadama ko sa mainit at marahas na halik na binibigay ni Simon. He entered my mouth and explore his tounge inside.

Lalo akong nag init sa amoy ng sigarilyo at mint sa bibig ni Simon. Bumaba ang kamay niya sa dibdib ko at bahagyang itong piniga. I closed my eyes as he throw soft kisses on my neck. Napatingala ako para malaya niya akong maangkin. Hinalikan niya nag baba ko paikot sa jawline ko hanggang bumaba ulit sa leeg ko. Fuck! I want more! I want you Simon. So badly want you..

"Hmmm.." we both moaned. He kiss me hungrily na para bang nagpawala sa ulirat ko. I don'r care if any one see's na nakikipag make out ako sa parking ng bar. I don't care kung mag ka scandal ako sa ginagawa namin ni Simon. All I care is to have him back. Kahit masira ako, bumalik lang siya.

"Simon..." napatigil kaming dalawa ng marinig namin ang boses ni Vanessa. Sunod sunod ang pag mumura ni Simon sabay bitaw sa akin. Para akong nanghina at nawalan ng kaluluwa dahil doon. Isang tawag lang ni Vanessa sa kanya palagi niya akong binibitawan! Ginagalit mo talaga ako Simon. You still love me! Ramdam na ramdam ko iyon sa mga halik at haplos na pinakawalan niya.

"Simon.." sigaw ulit ni Vanessa kung saan.

"Fuck.." Tuluyan akong tinalikuran ni Simon. Hindi pa man siya nakakalayo ng hilahin ko siya.

"Babawiin kita Simon, you can't just turn your back on me all the time. Akin ka, akin lang.. and you can't escape from me, Simon. There's no escape from me..." Hindi ko alam kung san ko nakuha ang mga pinagsasabi ko pero seryoso ako. Nanliit ang mga mata ko ng may makita akong ngisi sa kanya bago niya ako tuluyan talikuran. Uughh!