Chapter 38: Calm down

Ngaun araw na ang party sa Easton. Everyone has a chance to be with someone that they want to be with the magical night. Formal ang party and we should wear like Kings and Queens.

Pakiramdam ko ay para kaming teens na na a-attend ng JS prom. Bakit kasi kailangan pa ng mga theme sa party? Why can't we just be what we want to be?

Napatingin ako sa invitation na hawak ko. I'm going to give this to Simon. Bahala na kung pupunta siya or hindi. I just want him to be with me.

"Magandang umaga, Manang.." bungad ko sa kasambahay nila Simon na naabutan kong nagdidilig ng halaman sa labas ng mansion nila. Alam kong nandito si Simon dahil nandito ang sasakyan niya.

Bahagyang nagulat si Manang pero ngumiti din naman." Magandang umaga, Ma'am Maggie.." sagot niya.

"Maggie, nalang po." Nakangiting sagot ko.

"May kailangan ka, Iha?" Takang tanong ng matanda. "Sino po ang tao sa loob?" Magalang na sagot ko. Kumunot pa ang noo ng matanda na tila ba nag iisip.

"Ang alam ko ay nakila, Julia si Glen. Si Simon yata ay natutulog pa." Sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag na malaman na Simon lang ang nandito. Atleast, hindi niya inuuwi si Vanessa dito.

"Pwede po ba ako pumasok sa room ni, Simon?"tanong ko sa matanda. Parang nanay na kasi siya ni Glen at ni Simon dahil wala lagi sa bansa ang magulang nila. Bata palang ako nandito na si Manang kaya kilalang kilala na niya ako.

Kumunot ulit ang noo ng matanda. "Ano kaba Maggie, hindi kana dapat nag papaalam. Bahay mo din ito, asawa ka ni, Simon.." sagot ng matanda. Tila ba nag init ang pisngi ko ng banggitin niya na asawa ako ni Simon. "Kung ano man ang problema niyong mag asawa, ayusin niyo. Sayang kasi, iha. Alam ko naman na mahal na mahal ka ng alaga ko." Nanang smiled genuinely. Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang nayakap ng sobrang higpit. That's what I'm trying to do Nanang.

"I will do everything manang, maarte kasi yung anak niyo." Ngumiti ako. Napahalakhak naman ang matanda. "Alam ko lahat ng nangyari sa inyo iha, bata palang si Simon ay mahal ka na niya, hindi kapa mahal ni Glen, mahal na mahal kana ni Simon. Kailangan lang ng konting lambing anak, bibigay din iyan."

Sabay kaming ngumiti ng matanda. "Salamt po,"

Halos habulin ko ang hinga ko ng makapasok ako sa bahay nila. So many memories, so many pain and heartaches ang bumalik sa akin. Kung hindi lang ako naging bulag noon ay sana masaya kami ni Simon ngaun. Kung hindi lang nawala ang anak namin sana naglalaro na siya sa malaking bahay na ito ngaun.

Humigpit ang hawak ko sa invitation ng matapat ako sa kwarto ni Simon. I breathe in and breathe out. Tahimik kong pinihit ang knob ng pinto ng kwarto ni Simon. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang payapang natutulog habang nakadapa sa malaking kama niya. I roamed my eyes sa loob. Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko na ngaun lang ako nakapasok sa kwarto ni Simon?

The room was simple yet very elegant and manly. Kulay itim lahat ng muebles habang puti ang kulay ng pintura. Malinis ito at mabango. Simon's very organize sa lahat ng bagay. Kahit nung nasa condo pa kaming dalawa ay malinis talaga siya.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinanuod ko siyang payapang natutulog. I smiled. It's possible pala na mag mukhang anghel ang demonyo? Natawa ako habang umiiling. Simon's topless at may kumot lang na nakaikot sa beywang niya. Lumunok ako ng mapatitig sa matipunong katawan niya.

"I will win you back, Love.." I whispered. Gumalaw ng bahagya si Simon kaya natigilan ako at naninigas. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nag iba lang siya ng pwesto ng higa.

Tuluyan na akong kinabahan ng biglang nag ring ang cellphone niya. Para akong nabato sa kinauupuan ko. Kumilos ng bahagya si Simon kaya nataranta akong pumasok sa ilalim ng kama niya. OMG!

"Hello?" Husky na boses ni Simon ang umalingawngaw sa buong silid. Ilan mura ang mahinang pinakawalan ko dahil sa gulat at kaba.

Mahinang mura ang pinakawalan ni Simon." I forgot, I'll be there in an hour.. " ramdam ko ang pag galaw ng kama at pagtayo ni Simon. Para akong napako habang nakadapa sa ilalim ng kama niya. Geez, Margaret! Ano ba ang ginagawa mo jan?

Napalunok ako ng makita ko ang paa ni Simon sa sahig mula dito sa ilalim. Mabilis ang kilos niya. Pumunta siya sa table sa gilid ng veranda at mabilis na nagsindi ng sigarilyo. Uggh! Ganito ba talaga ang gawa mo pag kagising? At pwede bang bilisan mo naman kumilos? Maligo kana! Ngawit na ngawit na ang binti ko sa pagpipigil na lumabas ang mga paa ko. Uggh--

Nanlaki ang mata ko ng biglang may nalaglag na maliit at itim bagay sa tapat ko na may nalasulat na Calvin Klein. Napanganga pa ako ng mapagtanto ko na boxer iyon ni Simon. Nakauwang lang ang bibig ko habang sinusundan ang bawat yabag ni Simon papasok sa cr niya. Ramdam ko ang init at pamumula ng pisngi ko ng matanaw ko siya na wala talagang saplot! Uggh-- this is so embarassing. Para akong akyat bahay na naninilip. Grrr

Nang makapasok na Simon si banyo ay mabilis akong lumabas. Ngumiwi pa nga ako ng nakaramdam ako ng ngalay sa binti ko. Ibinibaba ko ang invitation sa tabi ng sigarilyo ni Simon. I also left note at the side. Sana pumunta ka..

"Why do I need to come?" Umirap ako habang kinukulot ang dulo ng buhok ko. Isinama ko kasi si Sasha para hindi naman ako mag mukhang tanga kapag hindi ako sinipot ni Simon. Ang ang sabi kasi ni Meledeth ay hindi siya makakapunta at may happenings sa kanila. Tutal naman ay nasa akin ang invitation niya kaya binigay ko na iyon kay Luther at Sasha. I just don't know if Luther will come.

"Wala akong friends," pinahidan ko ng pink na lipstick ang labi ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga shady lipstick na parang sumipsip ng itlog na pula. I just want to be light.

Napatawa ng mahina si Sasha kaya natigil ako sa pagpapahid ng lipstick. "C'mon, Mags, takot ka lang ma indian ni, Love.." tawa ng tawa si Sasha.

"Pwede ba? Ayaw mo ba maayos kami ni Simon?" Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ako nagsakripisyo para sa iba lang siya mapunta, solid Siggie 'to noh."

"Siggie?"takang tanong ko.

"Duh! Kailangan ko talaga i-explain? Why so slow Maggie?" Tinaasan niya ako ng kilay hanggang sa sabay ma kami natawa.

"Bitch!" Pahabol ko.

"Naman," natatawang sagot ni Sasha.

Umiling ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Something I realized while I was talking to Sasha. She's cool, ngaun ko lang napagtanto na nagseselos ako sa kanya noon kaya ako naiirita sa kanya. Nevertheless, she's to good to be true to be judge by me. She's a good friend to me. Parang kapatid na nga.

I wore a princess type gown at ganon din si Sasha. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa sabay taas ng kilay.

"Ang ganda natin!" Sabay kaming napatawa.

"Ugggh--- san na naman sumideline si fuckboy?" Iritableng salita ni Sasha. Wala kasi si Luther dito at wala pa din si Simon. Uggh! Halos isang oras ng nagsimula ang party pero ni anino ni Simon ay wala pa akong nakikita.

Hindi ko pinapansin ang hinaing ni Sasha dahil ala pa si Luther. I'm all focus on the front door waiting for my King to come. Ala pa din siya!

"Can we dance--ummh--" hindi ko pinatapos ang isang lalaki na nag aaya sa akin na sumayaw ng umiling ako.

"No," malamig na sagot ko. Bagsak balikat tumalikod ang lalaki kaya naman napatawa si Sasha.

"You're so mean, sana naman pinagbigya mo."

Umirap ako. "Hindi ako tatayo dito hanggat hindi si Simon ang nag aaya sa akin." Ngumuso ako kahit ang totoo ang iritang irita na ako kakahintay kay Simon na hindi ko alam kung pupuntahan ba talaga ako.

Tumawa ng malakas si Sasha. "Bahala kang tubuan ng ugat jan.."

Tumayo si Sasha at nakihalubilo sa iba. My goodness! Mas matanda pa sa akin si Sasha pero mas isip bata pa din.

Lumipas ang tatlong oras at halos magtatapos na ang party pero ala pa din Simon na dumadating. Ang kaninang iritableng pakiramdam ko ay napalitan na ng pait.

"Maggie, are we not going home yet?" Panay ang hikab ni Sasha sa tapat ng parking ng hotel kung saan ginanap ang party ng Easton. Pumara ako ng taxi ng may dumaan sa harap ko. Binuksan ko ang pinto sa backseat at itinulak si Sasha.

"How about you?" Salita niya. Umiling lang ako. "Mauna kana, I'm going to wait, Simon."

"Pero--" sinara ko na ang pinto at tuluyan ng umandar ang taxi. Pinanuod ko lang ito hanggang mawala na sa paningin ko.

Umupo ako sa gutter sa gilid ng hotel at pumangalumbaba. Dadating ka Simon. Alam kong dadating ka!

Lumalalim na ang gabi at halos wala ng tao sa labas ng hotel. Panay pa ang palo ko sa sarili sa dami ng lamok na kumakagat sa akin. Dinukot ko ang cellphone ko sa bag para tignan ang oras. It's already 11:55 pero ala pa din si Simon.

Nagsimula ng bumigat ang pakiramdam ko sabayan ng pag usbong ng galit ko. Hindi mo ako pinuntahan! Tumayo ako at marahas na pinunasan ang luha sa mga mata. Lumakad ako diretso kung saan wala masyadong tao.

Tinanggal ko ang gloves na suot ko at nagsimulang sumigaw.

"I hate you Simon!"

"Mamatay kana! Umasa ko na mahal mo ako pero hindi na pala talaga!"

"Mahal naman kita eh! Bakit ayaw mo na?"

"Dumating kana Simon!"

"Wag kang magpapakita sakin! Dadalin kita sa impyernong hayop ka!"

Panay ang tili ko at pag iyak. Binato ko pa ang sapatos na suot ko sa sobrang galit at sakit na nadadama ko.

"Bwiset kang demonyo ka! Kung kelan mahal na kita tsaka ka naman umayaw! I hate you! I hate you! I hate you!! I hate you to the moon and back!!" Halos matumba ako sa sobrang galit at pag sigaw ko. Walanghiya ka Simon! Talaga bang ayaw mo na? Tumigil ako kakasigaw ng mapagod ako. Nanghihina akong napahawak sa tuhod ko.

"Calm down, Love.. I'm here now."

Nastatwa ako bigla ng marinig ko ang boses ni Simon. Nang humarap ako sa kanya ay parehong nasa bulsa niya ang kanyang mga kamay. Nakahoody din siya at malamlam ang mga mata na nakatingin sa akin. Magkatitigan kaming dalawa hanggang tumunog ang bell ng hotel hudyat na 12:00 am na.

"I hate you!!" Napahagulgol nalang ako ng iyak. Bakit ngaun ka lang? Bakit ngaun ka lang dumating? Lumapit sa akin si Simon at binuhat ako na parang bagong kasal. Nung una ay natigilan ako hanggang isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak ng umiyak. Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ni Simon. Nagpakawala ng mahinang mura si Simon at bahagyang tumigil maglakad.

"I'm here now, Love. I gave up. Panalo kana," napatingin ako sa kanya habang umiiyak pa din. Malamlam ang mata ni Simon at puno ng emosyon habang nakatingin sa akin.

"Bakit ngaun ka lang? I hate you!" Hinampas ko pa ng mahina ang dibdib niya at patuloy na umiyak.

Ibinaba niya ako sabay hapit sa beywang ko para mayakap niya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit ni Simon hanggang lalo akong napaiyak.

"Tumahan kana, Maggie.." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at itinapat sa mukha niya hanggang angkinin niya ang labi ko. Napapikit ako at biglang kumalma sa isang dampi ng labi ni Simon sa labi ko. Ngumisi siya habang nakatingin pa din sa mga mata ko. "Hindi mo na kailangan lumaban dahil sumusuko na ako. I'm still into you, mahal na mahal pa din kita, Maggie."