Chapter 36: Why
After that night sa Bulacan ay nag-impake ako at umuwi sa bahay namin sa city. Hindi ko pala kayang tumagal na ipamukha sa akin ni Simon na wala na talaga kaming pag-asang dalawa. Maybe, hindi ko na dapat siya guluhin or hindi ko na dapat sabihin yung feelings ko para sa kanya. He slapped me the fact na masaya na siya at huwag ko nang guluhin pa.
Hindi na ako nagpaalam kila Luther at Sasha nang umalis ako. I know it's rude pero tinext ko nalang sila na umuwi na ako. Hindi din naman ako nahirapan mag commute dahil pag labas ko ng subdivision nila Luther ay hi-way na.
Ilang araw nalang ay matatapos na ang year na 'to sa school. Meron pa ngang year end party sa Easton na hindi ako sigurado kung dadaluhan ko. Nawalan na talaga ako ng ganang mabuhay simula ng dumating si Simon. Everyday, he made me regret the things that I have before that I can never have again now. Na hindi na siya babalik sa akin at nawala na talaga ang pagmamahal niya.
"Hi, Maggie.." napatingin ako kay Meledeth na malaki ang ngiti na lumapit sa akin. I don't know why I want to distant myself to her. Ala naman siyang kinalaman kung ano man ang nangyari sa amin ni Simon noon. Pero, bakit parang gusto kong lumayo sa kanya? I smiled bitterly. Ofcourse, she's Vanessa's sister.
Tumango lang ako sa kanya. Ramdam ko ang pag upo ni Meledeth sa gilid ko pero hindi ko pa din siya pinansin. "May dalaw ba? Ang sungit mo ah?" Natatawang sabi niya sabay latag ng mga portfolio niya sa harap ko.
Nagtaas ako ng kilay at tinuloy ang drafts ko na ginagawa. Hindi ko siya nilingon pero sumagot ako. " I'm busy,"
"Busy? With what?" Patuloy na tanong niya. Marahas akong nag buntong hininga. "Just busy." Iritableng sagot ko. Tumahimik si Meledeth at pinagpatuloy ang dapat niyang gawin. Somehow, naguilty ako sa pagsusungit ko sa kanya. She doesn't deserve that. Damn, Margaret!
"Ate," natigilan ako bigla ng may tumawag kay Meledeth. Hindi ko alam kung bakit napahigpit ang hawak ko sa lapis na hawak ko. It's Vanessa. Hanggang dito ba naman?
Yumuko lang ako at nagpanggap na nag do-drawing ng mga designs ko. Kahit ang totoo ay nawala lahat ng naiisip ko dahil sa presensya ni Vanessa.
"What are you doing here?" Tumayo si Meledeth at nakipag beso sa kapatid. "Is that you, Maggie?" Napapikit ako ng mariin ng kausapin ako ni Vanessa. Iniingat ko ang ulo ko at ngumiti ng tipid.
"Oh--My--God--- magkakilala kayo ni, ate?" She giggled. I want to roll my eyes pero di ko ginawa. Why she always have to state the obvious?
"Yes," tipid na sagot ko. Umupo si Vanessa at kinawit ang braso niya sa braso ko kaya nakaramdam ako ng iritasyon at gulat. Close ba kami? Alam mo yung feeling na gusto mo siyang sabunutan pero di mo magawa kasi ang bait bait niya. Naiinis ako! Lala akong nawawalan ng lakas ipaglaban si Simon dahil ang bait ni Vanessa sa akin.
"Geez, your designs were great," kinuha pa niya ang isang designs ko at pinagmasdan. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para titigan si Vanessa. No wonder why Simon likes her, she's very pretty. May mahabang pilik mata ang maninipis na labi. Ang maputing kutis niya talaga ang nagpatingkad ng ganda niya. Fuck, Maggie! Are you insecure?
"You know what, Maggie.. I want you to design my wedding dress." Masayang masayang sabi niya. Literal akong napanganga at nanghina. Are they planning to get married?
"Maggie?" Seryosong usal ni Meledeth. Hindi ko namalayan na natulala pala ako sa harap nila. Mabilis akong tumayo para lumayo sa kanila dahil any moment ay papatak ang luha ko. Nagpaplano na silang ikasal? Hihintayin ko naba ang annulment papers na dadating sa bahay? Damn.
Hindi ko tinapos ang klase ko dahil nanlata talaga ako. Meledeth keep on texting me pero di ko iyon binigyan ng pansin.
"Maggie..." iminulat ko ang isang mata ko ng may tumawag sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pag iyak.
"Sasha?" Gulat na gulat na tanong ko. Lumingon pa ako sa bintana na bigla kong ikinatayo. "Gabi na pala?" Sunod na sabi ko.
"Yup, get up! Lets have a booze.."tamad akong bumalik sa kama para mahiga. Matutulog nalang ako kesa gumimik na hindi ko naman talaga gusto.
"Fuck, Maggie! Gumising ka nga!!" Uuugh!!! Bigla akong napatalon ng buhusan ako ni Sasha ng isang tabong tubig. Tinignan ko siya ng masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"How dare you, Sasha!" Inis na inis kong winagwag ang damit ko. Humagalpak na ng tawa si Sasha kaya binato ko siya ng unan.
"Hoy, Margaret! Pisikalan na yan!" Sigaw niya.
"Pisikalin kita dyan! Ako nga binuhusan mo ng tubig! Ano ba kasi problema mo?" Sigaw ko. Pumasok ako sa banyo para kumuha ng twalya at tuyuin ang buhok ko.
"Lets go out, palagi ka nalang nagmumukmok jan! Paano ka babalikan ni Simon?" Sagot niya na ikinatigil ko. Alam na alam ko na maiiyak na naman ako kaya tinalikuran ko si Sasha. Wala ng babalik. Hindi na niya ako babalikan.
Napaupo ako sa gilid ng kama nang natuluyan na akong napaiyak. Dinig na dinig ko ang bawat hakbang ni Sasha palapit sa akin. She sat beside me.
"Iyan mismo ang ginawa ko nung natanggap ko na hindi kami ni Simon para sa isa't isa.." simula niya. I continued crying pero nakikinig ako sa kanya. Huminga ng malalim si Sasha." Ako, sumuko ako kasi alam kong talo talaga ako. Pero ikaw? Malaki ang laban mo, mahal ka niya or should I say minahal or so whatever, nadon pa din iyon, Maggie.. you just need a little push."
"Eh, paano kung ala na talaga?"pinahid ko ang luha ko at hinarap si Sasha. I never thought that she will be here for me at my lowest part.
"Edi wala na," kumunot ang noo ko. Seryosong seryoso si Sasha until she genuinely smiled. "Don't cry because it's over, smile and be happy because you, two, happened." Natawa ng bahagya si Sasha. "Atleast ikaw natikman mo siya.." hindi ko alam kung bakit pero natawa nalang din ako. Bigla nalang gumaan ang loob ko sa sinabi ni Sasha.
Sa huli nag ayos na din ako ng sarili at sumama sa kanya. Tutal tama naman siya, e. Palagi akong nakakulong kaya wala akong ibang buhay. Palagi ko nalang naiisip at nadadama ang problema ko kay Simon.
Nang makarating kami sa Bulshoi ay madami ng tao. Medyo gabi na din kasi at nagsisimula na ang ingay ng party. Sabay kaming pumasok ni Sasha sa loob. Bahagya pa akong napapikit sa sobrang ingay at sa patay bukas na ilaw.
"San tayo?" I shouted to Sasha. Masyado kasing maingay ang lugar.
"Tara sa bar." She said tsaka ako hinila. Ni hindi manlang napansin ni Sasha ang mga natutunggo ko dahil sa paghila niya kaya panay ang paumanhin ko.
"Bumping other is just a normal thing here, Mags. Wag kang mag-sorry." Salita ni Sasha tsaka mabilis na nilagok ang shot sa harap niya. Ganon pala yon? Geez, Maggie! Nakakahiya ka.
Maya maya lang ay namataan ko si Luther na nakangisi na naman habang nasa dance floor. Napatingin ako sa ininguso niya sa akin na nag pakalabog ng puso ko. Tumingin ako sa side ng nagpopoker at nakita ko Simon na nakatawa habang may hawak na baraha. He's alone! Nasan si Vanessa?
Napalingon ako kay Sasha na nasa dancefloor na din at may kasaway na.
"Ano ginagawa mo dito?" Salita ni Luther ng makatabi siya sa akin. Ngumiwi muna ako ng lagukin niya ang tatlong shots ng sunod sunod.
"Ang mean mo! Edi nagpaparty." Sagot ko. Umirap si Luther sa akin at lumagok ulit ng shots tsaka naupo sa stool na katabi ko.
"Hindi ka party girl," sagot niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsisindi ng sigarilyo. Nakatingin siya kay Sasha sa dance floor habang nakakapit ito sa leeg ng kasaway niya. Kumunot ang noo ko. Nag igting lang kasi ang panga ni Luther pero titig na titig pa din siya kay Sasha.
Ngumisi ako." Gosh--- You found your princess, he tamed you! She turns the beast into prince." Manghang sabi ko kay Luther. Napatingin siya sa akin na seryoso.
"You're imagining things, Mags." He puffed his cigarette. Lalo akong napangisi, nag igting ang panga ni Luther at halatang halata ang pag kairita.
"Kung mahal mo, ipaglaban mo." Seryosong sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng umiling si Luther ng sunod sunod at humagalpak ng tawa. Kakainis!
"You're funny, Mags. Gwapo lang ako, hindi ako sundalo para ipaglaban siya." Ngumuso lang ako at nakatingin sa kanya! Grabe siya! Halatang halata naman na fake ang ngiti niya.
"Anyway, step two na tayo." Hinila ni Luther ang kamay ko kaya wala akong nagawa. Pumwesto kami sa dance floor. I thought isasayaw ako ni Luther pero hindi pala.
"Paolo, can you take care of her? I'll just play poker." Salita ni Luther sa lalaking matangkad sa harap ko.
"Sure, dude.. with pleasure.." sagot ni Paolo.
"Back off, man. You don't want to deal with the devil." Luther coldly said. Napalulok lang si Paolo at tumango.
"Hi," Paolo said awkwardly. It's awkward talaga. Ni hindi ko nga alam kung paano ko hahawakan si Paolo sa balikat. Naiilang ako dahil hawak niya ang beywang ko.
Maya maya ay umingay na sa gawi ng nagpopoker. Halos mawala na ang tao sa dancefloor at napunta sa gawi nila. What's happening there?
"Ummhh-- sorry, I don't know what to say," bahagyang namula ang pisngi ni Paolo kaya napangiti ako. Kinapit ko ang braso ko sa batok niya na ikinagulat niya. I smiled at him kaya napanatag na kami sa isat isa.
"Dammit!" Malakas na hiyawan na naman ang sumabog mula sa nag lalaro ng poker sa gilid. Mabilis kaming natigil ni Paolo ng bigla akong hilahin ni Luther na masayang masaya.
"You did a great job, Mags." Nanlaki ang mga mata ko ng biglang hawakan ni Luther ang magkabilang pisngi ko at halikan ako sa noo. "You got him pissed, he just lost 10 million box." Natatawang sabi niya.
"Fuck you, Vera Cruz!" Nagulat ako ng biglang lumitaw si Simon at suntukin si Luther. Nagsimula nang umikot sa amin ang mga tao sa lugar. What the hell?
Hindi nagsalita si Luther pero nakangisi pa din siya at ginalaw galaw ang panga niya na nasuntok ni Simon kanina.
"And you," bumaling si Simon sa akin. Natigilan ako bigla at parang kinapos ng oxygen sa gulat. His eyes are dangerous.
Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako kay Luther na nakangisi pa din sa akin. "Make sure his punch is worth it.." Luther mouthed. Halos magkandadapa dapa ako ng marahas akong hilahin ni Simon. Mabilis at mabigat ang bawat paghinga niya. Ano ba problema niya?
Nang makarating kami sa tapat ng Ferrari niya ay hinarap niya ako. He's mad, he look dangerous. Nakakatakot ang mga mata niya.
"I'll take you home," binuksan niya ang front seat ng sasakyan niya pero nanatili akong nakatayo.
"Get in, Maggie." Puno ng awtoridad n salita niya. Hindi pa din ako kumilos. Naguguluhan kasi ako sa kanya. Akala ko ba ayaw na niya sa akin? I thought he's fine now. Ano ginagawa niya?
Hindi ako nagpatinag sa titigan namin ni Simon. I just want to cherish him hanggang pwede pa.
Napaiwas siya ng tingin ng biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis ko itong tinignan. I saw Vanessa's name on the screen. I smiled bitterly.
"If you don't want to come, I'm going," malamig na salita niya. Ganon lang yon? After he dragged me out of the club iiwan niya ako just because Vanessa called?
"Why her, Simon?" Hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa tangang bibig ko.
Natigilan si Simon dahil doon. He faced me. His eyes becomes fierced.
"You wanna know?" Huminga ulit ng malalim si Simon. " She made me, she valued me, she loved me, Maggie, something you never did.."
Nalaglag ang panga ko. How stupid of you Margaret! Of course! All you did was to hurt him and destroy him! Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha ko na mabilis kong pinunasan.
Huminga ako ng malalim. It's now or never, Maggie. Bahala na! Maybe they are planning for their happy ending, your marriage to him is the only hindrance to them. Sasabihin ko ang nararamdaman ko sa kanya hanggang pwede pa. Atleast sinabi ko kahit ayaw na niya.
Tatalikod na sana si Simon ng magsalita ako. "Simon, mahal kita."