Chapter 35: Scared

"Margaret, someones waiting for you outside.." Mom shouted. Tinakpan ko ng unan ang tainga ko para hindi ko marinig ang kaingayan niya. Sino naman ang maghahanap sa akin sa dis oras ng umaga? My God! Ala sais palang ng umaga ngaun! Ni hindi pa nga tumitilaok ang manok sa kapitbahay, may tao na sa labas?

One week na ako dito sa bahay. I decided na umuwi dito dahil hindi ko na kinaya ang mag isa sa unit ni Simon. Besides, ala na pala akong hihintayin, may mahal na si Simon na iba. Kinalimutan niya na ako, the only thing I have for him was our marriage na hindi din naman nag work out. I was so devastated thinking that he might file an annulment anytime soon para kay Vanessa, para maging sila na.

Kaya ko ba? Kaya ko bang pakawalan siya? Ako naman ang nagtulak sa kanya diba? I deserve this! Maybe, I really deserve to be miserable for breaking the brothers. Maybe sumpa sa akin ng langit ang mabuhay mag isa.

"Maggie!! Hindi mo ba ako nadidinig? Nagising ko na ang tao sa village pero di ka pa din natitinag!" Sigaw ulit ni Mommy. Tumayo ako at napabuga ng hangin. Can't they understand that I'm not feeling well? Okay na naman na ako eh--- sana pala hindi nalang bumalik si Simon. Kung meron na pala siyang iba, sana di nalang siya bumalik ng bansa.

Pinusod ko nalang basta ang buhok ko at bagsak balikat na lumabas ng kwarto. Nilagpasan ko si Mommy na iritableng nakatingin sa akin habang may hawak na sandok. Ni hindi na nga ako nag abala pang maghilamos at magsepilyo.

Nang makababa ako ng hagdan ay napanganga ako ng makita ko si Luther at si Sasha. What are they doing here?

"Good morning, Maggie!" Ngumiti si Sasha sa akin. Bahagya akong natigilan at napatitig sa kanila, Luther just shrugged.

"Ang aga niyo naman.." humikab ako at umupo sa harap ng inuupuan ng dalawa. Medyo napakunot pa nga ang noo ko ng makaramdam ako ng bahagyang tensyon sa kanilang dalawa.

"Of course, sino ba ang magbabakasyon ng hindi maaga umaalis?" Ngumiwi ako sa sinabi ni Sasha. Magbabakasyon pala sila bakit dito sila dumiretso?

"Eh bakit nandito kayo? Inostorbo niyo pa ang tulog ko," umirap ako at humikab ulit. Hindi kasi ako nakakatulog lately dahil sa sobrang pag iisip. Hindi pa din ako makapaniwala na ayaw na sakin ni Simon..

"Sa ganda mo? Medyo tanga ka." Nalaglag ang panga ko ng si Luther ang nagsalita. Sasha looked at him with her dagger eyes. Umiwas lang ng tingin si Luther. Ano ba problema nilang dalawa?

"Medyo hard ka, pwede ba Luther, I'm not in the mood." Aakyat na sana ako para talikuran sila ng magsalita si Sasha.

"Wait, Maggie!" Napatigil ako at humarap sa kanya para hintayin ang sasabihin niya. "We heard that Simon's--" hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Yeah, he's back with his girlfriend. So what about him?" I said bitterly. Wala na akong pake kung ano pa ang isipin nila. I just don't want to talk about it.

"We're going to Bulacan. Simon will be there, too. C'mon!" Diretsang sagot ni Sasha. I smiled sarcastically. Ano pa ang gagawin ko? Simon doesn't want me anymore.

"Masasaktan lang ako," I whispered.

"Edi masaktan ka, atleast you tried.. You know what, Maggie? You're hypocrite at it's finest. Mahal mo diba? Ipaglaban mo naman." Natahimik ako ng biglang nagsalita si Luther. Bakit ba highblood siya palagi sa akin? Nakatitig lang ako sa kanila, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. I want Simon back, I want to tell him na mahal ko siya. Pero paano? Ayoko siyang pilitin kung ayaw na niya sa akin.

"May girlfriend na siya!" I almost shouted. Nadanas ko na yung pinagpipilitan lang pagmamahal, uulitin ko pa ba? Magkakasakitan na naman kaming dalawa.

"So? you're his wife! Girlfriend lang yon', asawa ka!" Nangigil si Luther kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Pag dating sa akin palagi nalang siyang galit. Tumalikod si Luther pero naiwan si Sasha kasama ko.

"Fix yourself, you have ten minutes.." malamig na usal niya tsaka kami tinalikuran.

"Napaka bossy talaga ng fuckboy na 'yon." Umirap si Sasha tsaka ako hinila pabalik ng kwarto ko.

"Take a bath, Mags.. I'm going to fix your things." Wala akong nagawa kundi sumunod kay Sasha. I can't believe that I can take a bath in 5 minutes. Ni hindi ko nga alam kung natanggal ang mga libag ko sa katawan.

Hindi na ako nakapag blow dry ng buhok. Isang maong shorts at off shoulder top ang sinuot ko. Pag labas namin ni Sasha ay naabutan namin si Luther na prenteng nakasandal sa Trailblazer niya habang naninigarilyo. Lumingon ito sa akin sabay baling kay Sasha hanggang sa umikot ang kanyang mga mata. Seriously? What's going on with these two?

Tahimik kami buong byahe, panay pa nga ang hikab ko dahil antok na antok pa ako. Si Sasha naman ay diretso lang ang mata sa daan at ganoon din si Luther.

Pamilyar ang malaking rebulto ng kalabaw na dinaanan namin. Ang mga nagtitinda ng parol noon ay wala na ngaun. The memories flash like waves through my head when I saw the familiar gate of Luthers house.

"Here we're.." nag inat si Sasha na halos mahagip pa ang mukha ni Luther. Nakita ko ang mapang asar na mukha ni Sasha habang si Luther ay panay ang mahinang pagmumura.

Unang pumasok si Sasha sa loob kaya naiwan kami ni Luther sa labas. Tinulungan ko siyang ilabas ang mga gamit namin.

"Why are you doing this, Luther? I mean-- diba galit ka sa akin?" Binasag ko ang katahimikan. Humaplos ang mainit na hangin sa pisngi ko kaya napakurap kurap ako. Tumaas ang isang kilay ni Luther sa akin na tila ba nag iisip ng isasagot.

"I'm not mad at you, Mags. I'm just annoyed." Nagkibit balikat siya at isinabit sa braso ang mga bag ni Sasha.

"Then why are you doing this? I'm not going to push my self to Simon."

Umirap si Luther kaya bahagya akong natawa. Ang cute cute niya kasi. "Simon's my bestfriend. I've known him since God knows when, he's not the saint Simon that he's showing now, I want to bring back the devil." Ngumisi si Luther ng nakakaloko kaya tinignan ko siya ng masama. "Joke.." natawa ulit siya.

"I'm not asking you to push yourself to him."

"Then, what?"

"Ang dami mong tanong! Just go with the flow, alright?" Medyo iritable na naman siya. Talagang laro lang ang lahat para sa kanya.

"I get it, you're playing cupid?" Binuksan ko ang gate para makapasok na si Luther.

Natawa na naman siya kaya napakunot ang noo ko. Adik talaga tong lalaki nato'. " Exactly, Mags. This is going to be fun.."

Nagdecide kaming kumain sa may garden. Good thing malapit lang ang mall dito kaya nakabili agad ng food si Luther. Ala nang nagsalita sa amin. Paminsan minsan ay nahuhuli ko si Sasha na nakatingin kay Luther, tapos si Luther kay Sasha. Ang wierd nila!

Maya maya lang ay biglang may pumarada na pulang Ferarri sa tapat ng gate nila Luther. Sinundan ito ng isang pink na Chevy. Natigilan ako bigla sa pagkain. Ang puso ko ay abo't abo't ang kaba ngaun. Simon doesn't know na alam kong may girlfriend na siya. Kaya ko bang harapin siya ngaun? Na makita sila ng magkasama?

Sumipol si Luther. "The players were here." Para bang ligayang ligaya siya na dumating sila Simon. I can't stand. Sasha sat beside me para ma okupa nila Simon ang katapat namin pwesto.

"Trust, Luther, Mags.." tinapik ni Sasha ang balikat ko. Hindi pa din ako nakakibo. Para bang binuhusan ako ng semento sa kinauupuan ko.

Dinig ko ang pag bukas ng gate ni Luther at tunog ng pagsara ng dalawang sasakyan na dumating. Pigil na pigil akong lumingon pero ginawa ko pa din. Mabilis akong nagbawi ng tingin ng namataan ko ang kamay ni Simon sa beywang ni Vanessa. It sucks!

"Welcome to my humble house, have a seat." Tumatawang sabi ni Luther. Meroon kasamang dalawang babae at isang lalaki sila Simon. Maybe they're Vanessa's friends? I don't know.. and I don't care! What the fuck, Mags?

Natigilan si Simon ng makita niya ako. Mabilis pa sa alas kwatro na iniwasan niya ako ng tingin. Gulat na gulat ang itsura niya at parang nakakita ng multo. Nakita ko din ang bahagya niyang pagbitaw sa beywang ni Vanessa.

"This is going to be really fun.." bulong sa akin ni Luther na para bang ligayang ligaya siya sa ginagawa niya. Sabay kaming napa ayos ng upo ng biglang tumikhim si Simon.

Bahagyang natawa si Luther, si Sasha naman ay siniko ako ng mahina. What the hell is wrong with these two? Pinaglalaruan ba nila ako?

"Can you share us your thoughts, Luther?" Malamig na salita ni Simon. I'm staring at Simon pero kay Luther siya nakatingin.

"Nah, sorry bro, it's for, Mag's only." Nagtagis ang bagang ni Simon. Si Luther naman ay nagkibit balikat lang. Damn!

I was quiet the whole meal. Paminsan minsan ay napapatingin ako kay Simon na nahuhuli kong nakatingin sa akin. Kapag nagtatama na ang mga mata namin ay mabilis siyang nag iiwas ng tingin. Ganon ba siya kasuklam sa akin at hindi manlang niya ako makuhang tignan?

Nag set sila ng barbeque party sa garden. Ako at si Sasha ang nag asikaso ng lahat. Gusto pala nila ng katulong, hindi agad sinabi. Halos madurog ko nga ang karne sa sobrang lamas dito dahil sa inis kay Simon at Vanessa na bulungan ng bulungan sabay tawa! How dare them! Bastusan ba? Asawa here!

"Baka naman hindi matunawan ang kakain niyan, Maggie." Natatawang sabi ni Sasha. I don't care! Sana nga ay magtae sila sa sobrang lamas ko sa karne.

Nakanguso sa akin si Luther nang lumabas kami ni Sasha, tinaasan ko siya ng kilay kaya lumitaw ang ngisi niya na nakakaloko. Umayos ulit ng upo si Simon habang nakasandig ang ulo ni Vanessa sa kanya.

Nahiya pa talaga siya! Fuck you ka Simon!

Nagsimula ang barbeque party. May kung ano pang sinabi si Luther kay Sasha kaya bigla itong tumayo at pumasok sa loob. Kumunot ang noo ko ng umakbay si Luther sa monoblock na inuupuan ko.

"Do what I say." Bulong niya kaya tila ba kinilabutan ako. Dinig na dinig namin ang marahas na pagbukas ng bote ng alak ni Simon. Hindi mawala ang ngisi ni Luther. Maingay ang nga friends ni Vanessa na abot pa ang selfie sa lugar.

"Hi, you are?" Nagulat ako biglang magsalita si Vanessa habang nakatingin sa akin. She doesn't know me? Hindi manlang ba nag abala si Simon na ikwento ako sa girlfriend niya?

"She's Claudine Margaret Romano- Silve--" hindi na natuloy ni Luther ang sasabihin niya ng sikuhin ko siya. Ngumiwi ng bahagya si Luther kaya napairap ako. Ang daldal niya! Si Simon naman ay nakayuko lang na tila ba malalim ang iniisip. It's pretty awkward na!

"I'm, Maggie.." sagot ko. Tumango tango pa si Vanessa at ngumiti sa akin. Hindi ko makuhang magalit sa kanya, she gave me her sweetest smile.

"Hi, I'm Vanessa Solvehn Brickman," She sweetly said. " Simon's girlfriend.." pahabol niya. Nawala ang plastic na ngiti ko. Why she had to slapped me the reality?? Alam ko naman, kailan pa sabihin? Lalong natawa si Luther kaya sabay kaming napatingin ni Vanessa sa kanya. "and she's the wife." Sagot ni Luther. Pakiramdam ko ay namawis ang mga kamay at paa ko sa kagaguhan niya.

"What?" Gulat na gulat na sabi ni Vanessa.

"Stop, Luther.." puno ng awtoridad ang boses ni Simon. Kinabig niya ang mukha ni Vanessa palapit sa kanya at may binulong ito na kung ano kaya napatango tango pa si Vanessa. Nag iwas agad ako ng tingin at liningon si Luther na nakangisi pa din.." fuck you.." I mouthed.

Sabi na eh, mali na sumama pa ako dito. Nasasaktan ako Simon! Why you have to act like that? Ganito ba pinaramdam ko seyo noon?

Lumabas si Sasha dala ang gitara ni Luther. She sat again beside me habang tinitono ni Luther ang gitara. Si Vanessa at Simon naman kasama ang friends niya ay nagsisimula ng mag ihaw.

"You know how to sing?" Salita ni Luther na hindi ako tinitignan.

"I can, but I'm not good." Sagot ko.

"That's fine, I'll play the guitar, you sing, Maggie."

Tinignan ko lang siya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napanguso ako ng bahagya. " Do as I say, alright? It's our step one to win Simon back." Liningon ko ulit si Simon na nakangiti habang kausap si Vanessa. How will I win the losing game? Nevertheless, I still want to try. Atleast I tried, right?

Tumahimik kaming tatlo, nag thumbs up si Sasha sa akin kaya tipid akong ngumiti. Sinimulan ni Luther mag gitara, pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko tsaka sinabayan si Luther.

I want you to stay, never go away from me

Stay forever

But now, now that you're gone

All I can do is pray for you

To be here beside me again

"Damn, she has a nice voice.." Vanessa's friend commented. I ignored them. Tumitig ako kay Simon ma nahuli kong nakatingin sa akin. I want to cry now and beg him to come back to me. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka tangihan niya ako. I want to tell him that I love him, pero paano? He seem fine now, he look happy na hindi ako ang nakapagbigay sa kanya.

Luther continued to strum his guitar. Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Simon na nakatingin pa din sa akin.

Why did you have to leave me?

When you said that love would conquer all?

Why did you have to leave me?

When you said that dreaming was as good as reality

Nag iwas na ng tingin si Simon. Pakiramdam ko ay papatak any moment ang mga luha sa mata ko. Vanessa and her friends still watching

me, si Simon lang ang tumalikod.

And now I must move on

Trying to forget all the memories of you and me

But I can't let go of your love that has taught me to hold on...

Pumipiyok na ang boses ko kaya naman nagulat ako ng mabilis akong niyakap ni Luther at ikulong sa dibdib niya. Tahimik akong umiyak sa kanya habang silang lahat ay sumisigaw ng kantyaw sa amin dalawa.

"Shhh, stop crying, Mags.." maamong sabi ni Luther. Narinig ko pa ang mahinang bangayan nila ni Sasha pero hindi ko na ininda. All I want is to cry. Hindi manlang ako matignan ng diretso at matagal ni Simon. How can I have him kung simpleng tingin lang sa akin ay di na niya magawa.

Napahinto ang lahat ng marahas na bumukas ang gate nila Luther. I don't know kung sino ang may gawa noon. Narinig ko lang kasi si Vanessa na tinatawag si Simon.

Lumalim na ang gabi at tulog na ang lahat. Hindi ako makatulog kaya pumunta ako sa veranda ng bahay nila Luther. I embraced myself ng humaplos ang malamig na hangin.

Tumingala ako at tinanaw ang mga bituin na nakapalibot sa langit. Is this the way you're going to punish me anak?

"Why are you still up?" Malamig na boses ni Simon ang nagpatalon sa akin. I smiled sadly. Alam kong nasa likod ko lang siya. My heart's fucking beating so fast. Bakit hindi ko nalaman na yun tibok ng puso ko noon para sa kanya ay pagmamahal na pala? Bakit ngaun lang?

Napahigpit ang hawak ko sa railings ng veranda ng umabante si Simon. Diretso lang ang mga mata niya at hindi ako tinitignan.

"I can't sleep," bumaling ako sa kanya. Wala na akong pakealam kung ayaw niya akong tignan. Huminga ng malalim si Simon at bahagyang pumikit.

"Why can't you look at me? Ganyan kaba kagalit sa akin?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magsalita. Simon still quiet na para bang malalim ang iniisip.

I almost stiffened when he faced me. "I'm not mad at you, Maggie, I'm scared.. I'm okay now. I'm scared that If I look at you, I will fall hard again.."

Namuo ang luha sa mga mata ko at hindi nakapagsalita. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Simon tsaka ako tinalikuran.

"I'm happy now, you should be happy, too." Humakbang siya ng ilang hakbang at nagsalita ulit. "I miss you, though, Maggie."