Chapter 34: Babe
I woke up so early dahil finals ko ngaun. Hindi nga ako masyadong nakatulog dahil sa pag rereview. Nag-inat ako ng braso at mabilis tumayo. Nang napadaan ako sa kwarto ni Simon ay mabilis ko itong binuksan, I felt so alone. When will he come back? Babalikan pa kaya niya ako? Naiisip pa kaya niya ako?
Maybe, totoo ang kasabihan, you will only realized someone's worth when it's gone. Minsan kasi kapag pinipilit ang pagmamahal mas lalo mong inaayawan, na parang kampante ka na palagi siyang nanjan dahil mahal ka. Kaso, kapag sinukuan kana, doon mo marerealise na mahal mo din pala. Simula ng umalis siya? Doon ko inamin at narealized sa sarili ko na mahal ko pala siya. Naging malupit ako sa kanya dahil nakita ko siya sa maling paraan.
Minahal niya ako sa maling paraan, kaya nagalit din ako sa maling paraan. We both wrecked each other in the process hanggang sinukuan niya ako.
I entered his room and roamed my eyes. The room still empty and cold. Inayos ko ang gamit niya na naiwan. Naupo ako sa kama niya at nagmuni muni. Nanliit ang mata ko ng mapansin ko ang wallet ni Simon sa ilalim ng side table sa kama niya.
I opened it, I smiled sadly when I saw our picture together and the ultrasound picture of our baby.. ngumingiti ako habang pumapatak ang luha ko. Kung nabuhay lang sana ang anak ko, siguro hindi ako iniwan ni Simon kahit malupit ako sa kanya. Siguro nga ay inubos ko siya. Siguro nga hindi ko manlang binigyan ng importansya si Simon.
Pagkatapos kong kumain ng almusal ay mabilis akong naggayak ng sarili at pumasok sa school.
"Hey, Maggie!" Napatingin ako kay Madeleth na malaki ang ngiti. I smiled back at naglakad patungo sa direksyon niya.
"Gosh! You know what? I'm so nervous.. Sana mapasa ko ang exam natin.."
"You can make it, you're smart." Sagot ko. Inilabas ko ang ibang drafts ko ng mga designs ko para ipagpatuloy. Ipapasa na kasi mamaya pero di ko pa din matapos tapos.
"But you're great." Natatawang sabi niya kaya umiling nalang ako.
"Anyway, are you free tonight?" Naagaw niya ang atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Why?" Tanong ko. Umiling si Medeleth habang natatawa. " Ang anti social mo talaga! Hello? Ilan taon ka lang ba? You're beautiful, single," Napatingin ako ng masama sa kanya kaya napataas ang dalawang kamay niya."Okay, technically single, yet you don't want to mingle." Tawa siya ng tawa kaya nailing ako.
"Bakit? Birthday mo ba?" Natawa ako ng bahagya at tinuloy ang ginagawa ko. She knows everything about me, I'm thanking her for being there for me nung time na walang wala akong makausap. But she doesn't know Simon. I mean, hindi ko kailan man binanggit si Simon sa kanya. She just know that I'm already married, that's all-- end of story.
"How did you know?" Gulat na gulat na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. "It's your birthday? For real?" Gulat din na sagot ko. Tumango tumango siya. "Yes, and my sister is coming tonight. Join us later?" Seryosong usal niya.
Huminga ako ng malalim. "Happy birthday, Mel. But--" she cut me off.
"But? Kasi ayaw mo? Kasi inaantok ka? Kasi tinatamad ka? Geez, Maggie! You should get a life!"
Natapos ang diskusyon namin ni Medeleth na frustrated siya. Still, No was my answer. Natapos ko ang exam at I'm cofindent na maipapasa ko ito. Mabilis ko lang naman kasi itong natapos at nasagutan.
Broken sched kasi ako kaya hindi kami classmate ni Medeleth sa ibang subjects. Ang nakakainis pa ay ilang oras ang pagitan sa susunod kong mga klase.
"Maggie," napatingin ako kay Prim na hamahangos na lumapit sa akin. Ibinaba ko ang lapis na hawak ko at itinupi ang portfolio na hawak ko.
"What? If you're going to ask for some money, let me remind you na may utang kapa sa akin." Natatawang sagot ko.
Pumameywang si Prim sa harap ko. Umirap pa nga siya kahit habol hininga pa din siya. " Pag tinawag kita pera agad? Grabe ka!"
Humagalpak ako ng tawa kaya natigilan si Prim. Napatigil ako at biglang napatingin din sa kanya. Until he smiled.
"High kaba?" Natauhan siya ng bigla akong nagsalita.
"I just missed your laugh. Seriously, Mags, I can't remember the last time you laugh." He said sincerly. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Me neither, Prim. Thanks for making me laughed.
"Anyway, did you hear the news?"
"No, what is it?"
Huminga ng malalim si Prim. "Glen's is in the hospital. Ang alam ko three days na, ala pa naman sila tita or si Si--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya.
"What happened?" Alang kasama ngaun si Glen. Sino ang nagbabantay sa kanya?
"He got into fight sa theme park daw.. don't know the story. I just heard."
Inayos ko ang gamit ko at nagmadaling umalis. I called Dom and asked kung san ngaun si Glen. Pupuntahan ko siya. I just want to see if ok siya or may nag aalaga sa kanya. He's still my friend kahit ayaw niya na.
Dumating ako sa hospital where Glen's admitted. I calmed myself first. Paano kung ayaw niya naman ako makita? Hays! Bahala na! Gagawin ko pa din ang part ko bilang kaibigan niya.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay huminga ako ng malalim. I knock once pero alang sumasagot kaya nagdecide akong pumasok nalang. Natigilan ako at nanigas ng makita ko si Simon na nakaupo habang si Glen ay hawak naman ang colar niya. God! Anong nangyari kay Glen? At teka? Simon? And there's a girl beside Glen's bed.
Nakita kong natigilan si Simon ng makita ako. "Hello.." I awkwardly said sabay pasok sa room. Ang obvious ko naman kung mag wawalk out ako diba?
"Ano ba ang ginagawa niyo dito?"salita ni Glen. I can't speak dahil naghuhurumentado ako sa presensya ni Simon! He's real! He's here pero di niya ako binalikan.
Awkward silence filled the room hanggang tumayo si Simon at lumapit sa akin. I almost lost my breath ng nadama ko ang init at bango niya sa gilid ko. He looks fine now, at mas gumwapo siya.
"Ang sama mo pa din, Aviel." Eeerrr.. I broke the silence. Why are you just standing beside me, Simon?
"Stop calling me Aviel, Maggie.. please, it's really annoying.." masungit na salita ni Glen. Gosh! Sorry naman, natataranta kaya ako sa kapatid mo! Part of me felt happy na nakita ko ulit si Simon! And why the hell on earth na sa dami ng pagkakataon eh ngaun pang hindi ako prepared?
I looked at girl beside Glen. She looked pretty and innocent. I guessed mas bata siya sa amin. "You're?" Tanong ko sa kanya. Hindi agad nakakibo yung babae hanggang hilahin siya ni Glen palapit sa kanya. " She's my wife.." sagot ni Glen. Nanlaki ang mga mata ko. For real? The girl smiled awkwardly.
"Your wife.." I sounded stupid okay? Nahihirapan kasi akong mag isip sa presensya ni Simon. Damn, he's just beside me.
Natahimik ulit kami hanggang hawakan ni Simon ang kamay ko. What the hell?
"No, she's Julia, Love." Sagot niya na nagpakalabog ng puso ko ng usto. Parang may kung ano sa sikmura ko na nabuhay at patuloy ang pagkakagulo, na parang gusto kong masuka. Gusto kong lingunin si Simon pero natatakot ako.
"Kain kayo?" Sobrang hiyang hiya si Julia at bahagyang namula ang pisngi. Ang cute niya. At nakikita kong mahal siya ni Glen.
"Thanks, tapos na kami." I smiled para mapaktakpan ang nerbyos na nag uumapaw ngaun sa dibdib ko.
"Can you leave us now? Simon, please.." salita ni Glen. Maybe we should leave. It's pretty awkward here.
"We better go, Julia." Lalo akong nanigas ng humigpit ang hawak ni Simon sa kamay ko. God! What are you doing Simon? Baka sa susunod ay ako na ang maconfine dito dahil sa kakulangan sa hangin.
Tatalikod sana ako ng biglang nagsalita si Simon." By the way, she's, Maggie, my wife.."
Okay? What was that? Kalma ka lang, Maggie. Ibig sabihin ok lang ang lahat? Babalik na niya ako? Na may chance pamg maging ok kami?
Nang palabas na kami ay unti unting binibitawan ni Simon ang kamay ko. Halos hindi ko mahakbang ang paa ko dahil sa sobrang gulat at kaba.
Nang makalabas na kami ng room ni Glen ay napahinto ako. Simon didn't stop. My jaw literally dropped, he walk like there's nothing happened. I mean-- na parang di niya ako nakita or kilala. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob.
"Simon," halos ibulong ko na iyon. Hindi pa din siya tumigil kaya napatakbo ako para sumunod sa kanya.
"Simon, can you please stop?" Natigilan siya ng bahagya at dahan dahan humarap sa akin. Nag tama ang mga mata namin. Fuck! Pakiramdam ko ay nawala ang kaluluwa ko sa katawan. Simon's dropped dead gorgeous. Na para bang espesyal ang pagkakahulma sa kanya. But there's something wrong, wala na yung mga mata niya na kung tignan niya ako ay para niya akong pag aari.
He creased his forehead. "What, Maggie?" Para bang madaling madali siya at may hinahabol. Damn, Maggie! bakit di ka magsalita? Diba hinintay mo ito? Na magkita kayo para masabi mo na mahal mo siya? Why suddenly speechless?
"Are you gonna say something or what?" Nawala ang pag asa ko at lakas loob ng marinig ko ang iritasyon sa boses niya. Nagbago na siya. He's not my Simon na sa akin lang umiikot ang mundo, na ako lang ang buhay niya. Namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Lalo akong nawalan ng lakas ng loob na magsalita.
Huminga ulit siya ng malalim. "If you think that my world still revolves around you, I'm sorry, but not anymore.." he harshly said. Natulala lang ako habang pinapanuod si Simon na mawala sa paningin ko.
I smiled bitterly. Umaasa kapa talaga, Maggie? Umaasa ka na babalik siya seyo katulad ng dati? You're foolish, Margaret! Okay lang, kasalanan ko naman diba? Gusto ko lang malaman niya na mahal ko siya. Gusto ko lang aminin sa kanya na minahal ko din pala siya.
Tulala akong nakarating sa unit namin ni Simon. Talaga bang si Simon yung nakita ko kanina? Pagbukas ko nang unit ay ganoon pa din. Empty and alone. Binaba ko ang bag ko ng biglang magring ang cellphone ko.
Napatingin pa ako sa oras at pasado alas nuebe na ng gabi.
"Mel," halos wala akong lakas na magsalita. Maingay sa kabilang linya at panay ang tawa niya.
"Come here, Maggie. Pagbigyan mo naman ako.." pakiramdam ko ay nakokosensya ako sa tono ng salita ni Medeleth. I always declined her. Simon just broke my heart, you had the perfect timing, Mel. I think I need a little booze.
Habang nasa byahe ay imahe niya ang nakikita ko. His cold eyes, na parang wala nalang ako sa kanya. Na para bang isang bangungot lang ako na kinalimutan niya. Umiling ako. But he introduced me as his wife to, Julia. Uggh! Nakakabaliw kang gwapo ka! What? akala niya masasaktan pa ako sa sinabi ni Glen? He's so tanga! Was he trying to be a hero again to save me from misery na wala naman? I'm not into Glen anymore, or hindi naman talaga. I'm just inlove with the thought that I'm inlove with him pero si Simon naman pala talaga. Ang tanga ko kasi!
Nang makarating ako sa Dilingers where Meledeth texted me ay namangha ako. Ang ganda ng place. It looks cozy, too.
" Maggie!" I heard Mel's voice kaya napalingon ako sa gilid. She's holding a wine glass habang may kayakap na lalaki. I shooked my head. Hindi kapa ba nasasanay kay Meledeth?
"I'm glad you came." Tumango lang ako. This night life is really not my thing. Pinakilala ako ni Meledeth sa mga kasama niya. Tahimik lang ako habang sila ay maingay at isa isang pumipila sa stage to sing. Somehow, nadivert ang atensyon ko sa kulit nila.
"Ate!!" Sabay sabay kaming napalingon sa isang magandang babaeng dumating. She walk confidently towards us, she looks like a barbie doll. Nagpatingkad ng ganda niya ang mala porcelana niyang balat.
"Vanessa," Mel hugged her and gave a quick kiss on the cheek.
"I thought, you're coming with your boyfriend?" Tahimik lang akong nakamata sa magkapatid. Hindi ko kayang hindi tignan si Vanessa, she's very pretty and screaming for elegance.
She giggled and looked back. "Come here, babe." Napatingin ako sa tinawag niya na nagpayanig sa akin.
Simon walk towards where Vanessa's standing. Every step he made was breathtaking, as I've said, Simon's a head turner, screaming for attention and wealth. Hindi pwedeng hindi mo siya lingunin hanggang mawala siya sa paningin mo. The people around the place follows where Simon's heading at, ni hindi manlang niya napansin na para siyang artista na pinagkagulahan ng tahimik. Nawala ang ngiti ko lalo na ng mga kababaihan ng hinapit niya ang beywang ni Vanessa at halikan ito sa labi.
He didn't even noticed that I'm here. Madilim kasi ang lugar at natatakpan ako ni Meledeth. Palihim akong tumayo at dumaan kung saan nila hindi ako mapapansin. Ang sakit pala, kinalimutan na niya ako kung kelan naamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya. Kung kelan umaasa akong maayos pa namin ang lahat. He has Vanessa now, how will I tell him that I love him now? May iba na siyang mahal..