Chapter 33: Moment of Truth

Isang araw, isang linggo, isang buwan.. Isang taon na ang nakakalipas simula ng huli kong makita si Simon. He finally gave me my escape pero bakit hindi pa din ako masaya? Bakit mas lalo lang akong nasasaktan? Hindi na niya talaga ako binalikan.

My Mom said na umuwi na ako sa bahay namin. Hindi ako pumayag. Ironic isn't? Noon? Pinagtutulakan niya ako para tumira dito. Ngaun, pinauuwi niya ako pero ayoko.

Tinatanong ko nga din sa sarili ko kung bakit ayokong iwan yung unit na ito. I don't know.. or alam ko naman ang sagot pero ayaw ko lang tanggapin.

Nakagraduate na nang college si Dom at si Glen. Hindi na ako nangulit kay Glen about his forgiveness. Maybe, tama si Simon. Masyado akong nilamon ng obsession ko na mapatawad niya ako. Isinuko ko na sa tadhana ang parte ng kay Glen.

Everyday, palagi akong nagdadasal na sana mapatawad ako ng anak ko kung nasan man siya ngaun. Siguro nga nagkulang ako at napabayaan ko siya kaya hindi na siya ibinigay ni God sa akin. Slowly, tinatanggap ko na ang lahat. I'm trying to move on.

Inayos ko ang uniform ko para maghanda sa pagpasok. I continued my studies pero hindi na LSU. Isang araw nalang ay nagulat ako ng may nagpadala ng mga credentials ko coming from LSU. Ala naman pangalan kaya hindi ko alam kung kanino iyon galing. Maybe it was Glen? Siya lang naman kasi ang humarang sa akin noon. Hindi na din kasi siya kasing lupit kagaya noon. Though, we're not still okay. Ang balita ko nga ay may bagong kinahuhumalingan si Glen. Ang sabi kasi ni Dom ay nagpanggap na studyante si Glen sa isang klase sa Tourism. Kung sino man iyon? Sana mabuo niya kung ano man ang nasira ko kay Glen.

Isinabit ko ang bag ko sa balikat ng makarating ako sa Easton University kung saan ako nag-aaral ngaun.

"Maggie," sinalubong ako ni Medeleth na malaki ang ngiti. Guess what? I found a new friend here. Nag shift kasi ako sa Fashion Designing. Mom let me to do so. Hindi na niya ako dinidiktahan ngaun.

"Am I late?" Sagot ko sa kanya. Sinabayan niya akong maglakad. Medyo nagmamadali pa naman ako ngaun dahil may exam kami.

Umirap si Medeleth sa akin." You think hihintayin kita kung malelate ako?" Tsaka siya tumawa.

"Eh, maaga kayang pumapasok yung prof naten." Lalo kong binilisan ang paglalakad. Medeleth came from Australia kaya medyo liberated siya at open minded sa lahat ng bagay. Nontheless, napakabait niya sa akin.

Araw araw ganito ang buhay ko. Unti-unti bumabangon ako mula sa bangungot ng buhay ko. Dahan dahan na din naghihilom ang mga sugat sa nakaraan ko. Sometimes, naiisip ko din kung kamusta na si Simon. After all he's still my husband. Just my husband. Hindi ko din alam kung ano na kami ngaun. He just left me. I won't pretend that I'm not longing for him. Aaminin ko. Galit ako sa kanya noon pero unti unti ko nang naialis ang galit na iyon sa puso ko sa lumipas na panahon. And now? I'm longing for him. Nasanay ako buong buhay ko ay nanjan si Simon para pestihin ako. And now? Sinukuan niya ako. I smiled sadly.

Nang matapos ang klase ko, I decided na dumaan kila Mommy. Plano ko na kasing isama si Heart sa unit para naman may kasama ako. Pagpasok ko sa bahay ay maingay ang naabutan ko sa may garden. There's Dad and Mom na parehong tumatawa.

"Nakakabawi na tayo, hon. Bumabangon na ulit ang companya." Dinig kong salita ni Mommy. Kumunot ang noo ko. Ano ibig niyang sabihin?

"Maggie, anak.." seryoso lang ako ng tinawag ako ni Mommy. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi. Nagpaalam muna si Daddy na may kukunin sa loob kaya umupo ako sa inupuan niya. What I heard a while ago really bothers me.

"How's school?" Tanong ni Mommy. Inabot ko ang leche flan sa harap at sumubo. It felt nostalgia when I tasted it. Si Simon agad ang naisip ko. He's the best leche flan maker. Ever!

I shrugged." Ok naman po,"

"How about you?" Sunod na tanong niya.

"I'm good," I guess? ngumiti ako ng tipid. Simula ng umalis si Simon ay hindi nila ito binangit sa akin. Para bang ingat na ingat sila na 'wag pagusapan si Simon.

Tumango tango naman si Mommy sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya kaya kumunot ang noo niya. "Are you going to say something?"

Huminga ako ng malalim."I heard you say nakakabangon na ang company. What does it mean?" Seryosong tanong ko. Halatang nagulat si Mommy. Ni hindi nga siya agad nakasagot. She heaved a sigh.

"Since you heard it--- ummhh-- years ago nakaranas ng matinding problema ang company natin to the point na muntik na itong mawala satin, anak."

Nagulat ako at bahagyang nanlaki ang mga mata. Kaya pala halos di na sila umuuwi dahil may pinagdadaanan sila.

"Why didn't you tell us?" Sagot ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Mommy. "Kapag ba sinabi namin sa inyo, may magagawa kayo?" Tumaas ang kilay niya.

"Paano kayo nakabangon? ano ba nangyari? Can you enlighten me?" Tutok na tutok ako kay Mommy. I never thought na halos maghirap na pala kami. My Mom and Dad worked hard for the company.

"Your tito Seb, fooled us. Kinuha niya lahat ng pera at sinabotahe lahat ng byahe ng mga trucks. Pinasunog din niya ang maisan na kakabili lang namin noon." Mom's eyes becomes teary. Hindi ako makapaniwala ma dinanas nila iyon. "Nagkalugi lugi kami ng daddy mo, no one wants to invest. Alang gustong sumugal sa amin noon until.." she stopped and faced me. I creased my forehead.

"Until what?" Hindi ako nagpatinag sa tingin ni Mommy. Huminga siya ng malalim." Until Simon lend us some money to start again. He invested to our company hanggang sa makabawi ito." Umiwas si Mommy ng tingin. My jaw literelly dropped. Simon? He did that?

Parang nanghina ako sa sinabi ni Mommy. Now it made sense why he loves Simon. Bakit hindi ko alam iyon?

"It's that the reason why you forced me to marry him?" I curiously asked. No hatred, No hurt feelings. Mabilis ang pag iling na ginawa ni Mommy.

"Of course not, we can't do that. Hindi ko sinabi seyo dahil ayaw ni Simon. And it's not the reason kung bakit pinagtutulakan kita sa kanya."

Teka, nalilito ako eh. Kung hindi iyon ang rason, ano? Hindi ako nagsalita pero nakatingin ako kay Mommy. She owe me an explanation.

"Then why?"

"Coz, he genuinely loves you, Maggie. Takot siya na mabago ang buhay mo kapag naghirap tayo. He wants the best for you. Mahal na mahal ka niya.. He wholeheartedly lend us money para makabangon ang negosyo natin. Para seyo, anak."

Hindi ako nag iwas ng tingin kay Mommy, hanggang isa isang pumatak ang luha ko. Bakit hindi ko alam yon? Bakit ngaun ko lang nalaman? Ang bigat sa loob ko na sa lahat ng ginawa ni Simon para sa akin ay puro sakit lang ang binigay ko sa kanya. Na hindi ko manlang nakita yung mga magandang nagawa niya. I only saw him as a villain. Ngaun sumuko siya, may pag asa pa ba na mapatawad niya ako? Na magsimula kaming dalawa? Uggh- ano ba ang sinasabi ko?

Lutang ako maghapon dahil sa nalaman ko. And I hate the fact na gusto kong makita si Simon ngaun. Dumiretso ako sa Bulshoi to unwind, parang hindi kasi kinaya ng sistema ko ang nalaman ko.

Umupo ako sa bar counter and ordered light drinks.

"Is that you, Maggie?" Halos mabuga ko ang iniinom kong juice nang biglang lumitaw si Luther.

Pinunasan ko ang bibig ko at bahagyang umirap kaya natawa ng bahagya si Luther.

"Luther, lets go!" Salita ng babaeng kasama niya. If Simon is the devil, Luther is the beast. Naiiling lang ako sa kanya. "Later babe, I'll just catch up with my friend." Humalik siya sa labi ng babae kaya napaiwas ako ng tingin.

"So, how are you?" Nilaro laro ni Luther ang labi niya gamit ang daliri kaya napaiwas ako ng tingin. Si Simon na naman ang nalaalala ko. How he played his lips using his fingers. Urrghh-- bakit ginagaya niya?

"I'm doing great," lumagok ulit ako ng juice. Tumango tango pa si Luther at nilagok ang alak na hawak niya. I want to ask him kung may balita siya kay Simon pero kinakain ako ng takot. No! Kapalan muna ang mukha mo Maggie!

"Do you have any news--"hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko. Parang may kung anong nangyari at nanigas ang dila ko.

"News? About what?" Parang may kung ano sa sinabi ko at tutok na tutok sa akin si Luther. May bahagyang ngisi ang kanyang labi kaya napaiwas ako ng tigin.

"About him.. about Simon.." halos ibulong ko nalang iyon. Humalakhak si Luther ng malakas kaya napatingin ako sa kanya ng masama.

"Sorry, ang alam ko nag tatravel siya ngaun eh. You know.. soul searching.." tawa pa din siya ng tawa kaya medyo nairita ako. "Why asking anyway?" Sunod na tanong niya. Napalunok ako bigla. Bakit ba ang daming tanong ni Luther?

"Nothing." Iritableng sagot ko.

"Bakit hindi mo nalang kasi aminin na namimiss mo? Or bakit hindi mo nalang aminin na mahal mo?" He tone is now serious. Halos kilabutan ako sa kanya.

"You know what? Mahal ka naman, He even swallowed your evils. Pero bakit ayaw mong aminin sa sarili mo na mahal mo siya?" Dugtong niya kaya sumama ang tingin ko lalo sa kanya. Talagang evils ko?

"Are you insulting me?"

"No," mabilis na sagot ni Luther.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. " Coz' he tricked me. Nilaro ako ni Simon. The night of my 20th birthday, remember? He drug me. Kung hindi niya ako nilaro, baka naamin ko pa sa kanya na mahal ko na siya." Natigilan ako bigla. Did I say mahal ko si Simon? May kung ano sa tyan ko ang nagwala.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Luther. Ilan sandali ay bigla nalang lumawak ang ngisi niya. "Finally umamin ka din, pero ano sabi mo? He drug you?" Kumunot ulit ang noo niya na parang ala lang sa kanya na sinabi ko na mahal ko si Simon. For pete sake! Halos mawala ang hangin sa katawan ko dahil sa nasabi ko.

Tumango ako ng sunod sunod."Yes, he admitted already."

"He said that? I mean-- he said that he drug you?" Gulat na gulat talaga siya tsaka sinabayan ng pag iling. "Damn, Simon-" mahinang sabi niya.

Huminga ulit si Luther ng malalim at nilagok lahat ng alak na nasa kupita. Para bang nag iipon siya ng hangin at lakas para magsalita. "He never did that, Maggie. He didn't drug you. He's a stupid moron!" Salita niya sabayan ng sunod sunod na pag iling.

Lalo akong nagulo. Ano ba sinasabi ni Luther? "What do you mean?"

"I was the one who put drugs on drinks that time. And it's not drugs for pete sake! It's a herbal herbs."

Lalong napakunot ang noo ko. Ano daw? Siya daw? At herbal herbs? Damn it! Ginugulo ni Luther ang utak ko!

"Are you saving Simon? It's too late." Sagot ko. Uminom ulit ng alak si Luther at panay ang pagmumura. "Tanginang hayop na Simon yan! Ipapabaril ko yan sa Luneta!" Gigil na salita ni Luther.

"Walang alam si Simon about sa drugs. He was so bothered that time dahil pauwi na si Glen. Problemado siya that he might lose you again, so I put a little twist." Natatawang sabi niya. Bigla yatang umangat ang dugo ko sa paa hanggang sa anit ko sa sobrang galit na nadama kay Luther! He think it was all joke? Nagalit ako ng todo kay Simon coz I've thought that he tricked me.

Nalaglag ang panga ni Luther ng bigla ko siyang sampalin." How dare you! Hindi mo alam kung ano ang nasira mo dahil sa ginawa mo!" I shouted. Nag igting ang panga ni Luther at maharas akong hinarap.

"Nasira kayo dahil sa iyo! You broke the brothers dahil selfish ka, Maggie! You don't want to choose, you want Glen. But you also love the benefit of Simon to you! And for the record. IT WAS NOT A DRUG! IT WAS A HERBAL HERBS THAT WILL ONLY HEIGHTENED YOUR EMOTIONS. Yung gabi na may nangyari sa inyo? Ginusto mo yun, Maggie! Gusto mo din yon dahil yun naman talaga ang nararamdaman mo. The herbs just triggered your feelings! Wag ka nga! Simon's not the real devil.. it's you!" Gigil na tumalikod si Luther sa akin. I was dumbfounded while absorbing everything na nalaman ko maghapon. How dare you, Simon! Bakit mo ako niloko? Bakit mo sinabi sa akin ang mga bagay na makakasama ng tingin ko seyo? Bakit hinayaan mong magalit ako seyo?

Emptiness embraced me habang nakatingin ako sa veranda ng unit ni Simon. Lahat ng masasakit na sinabi ko at ginawa ko sa kanya ay bumabalik sa isip ko. How I treated him. Naging malupit ako sa kanya when all he did is to love me. I'd been so heartless and cruel to him.

Naging ganon lang naman ako sa kanya dahil akala ko puro kasamaaan ang pinakita niya. I was wrong. He did everything for me. He's right. I was focused on Glen kaya di ko manlang siya na appreciate. Tumitig ako kay Glen na dapat ay kay Simon ko binigay. Damn! I can't blame him kung sumuko siya sa akin. It was all my fault.

Pinunasan ko ang luha ko ng biglang tumunog ang doorbell. My heart literally jumped. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. Ala naman kasing dumadalaw sa akin dito.

Halos habulin ko ang hinga ko habang papalapit sa pinto. A part of me hoping na si Simon ito. Nagbilang ako sa isip sabay pikit at binuksan ang pinto.

Nanlaki ang agad ang mga mata ko. Wala pa din emosyon ang mga mata niya pero hindi na katulad noon. Wala nang galit.

"Glen," I almost whispered.

"Can I come in?" Seryosong usal niya. Mabilis akong tumango at nilakihan ang bukas ng pinto.

Inilibot niya ang mga mata niya sa buong unit. Not like before, he seems light now.

"How are you?" Nagulat ako ng bigla niya akong tanungin. I can't say anything. What happened to him?

"I-Im-- fine." Halos mautal utal ako sa pagsagot. Umupo si Glen sa sopa at ganon din ako.

"I'm sorry, Maggie. I'm sorry for everything." Biglang sabi niya kaya nagulat ako. He genuinely smiled at me kaya namuo ang luha sa mata ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Ala akong masabi na kahit anong salita. "Pumunta ako dito to clear things for us. I want to forgive you so we can all move on.."

"I'm sorry." Mahinang sabi ko. Lumunok pa ako ng bahagya dahil pakiramdam ko ay nagbara ang lalamunan ko.

Nagulat ako ng ngumiti si Glen. " I'm okay, now. I just realized that we don't need more time to heal. All we need is acceptance. Siguro, hindi talaga tayo. May nakalaan para sa akin at meron din seyo. And I want to thank you for what you did." He sincerly said.

Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? "What?" Gulat na gulat na salita ko. Tumawa ng mahina si Glen na matagal ko nang di nakita. "Don't get me wrong. Kung hindi mo ako niloko hindi ako magkakaroon ng chance to meet, Julia." Nagningning ang mga mata niya. Who's Julia? Glen seems so inlove with her.

"Maybe, I wasn't really inlove with you before. When I met her? She made me again and brings out the best in me. I feel completely happy. Though, she's the total opposite of you."

Nakatitig ako kay Glen. Ala akong maramdaman sakit o ano man sa bawat salita niya. It's weird pero ala talaga. Na parang okay lang ang lahat.

Tumayo si Glen at inilahad ang kamay. "We can't be friends again but we can atleast be civil. I'm letting ourselves to move forward, Maggie." Mabilis kong inabot ang kamay ko. Wala na akong maramdaman na kahit ano kay Glen. Somehow, I'm happy that he forgave me and he's happy now.

"Hindi paba bumabalik si, Simon?" Tanong ulit ni Glen. Kung wala akong madama kay Glen ay nag uumapaw ito ng binanggit niya si Simon. Umiling ako. "Fucking bastard, he's travelling now."

"Yeah, he don't like to work. Puro pag aaksaya ng pera." Sagot ko ng pabiro. Kumunot ang noo ni Glen.

"What are you saying? Simon doesn't need to work." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

" Hindi mo ba alam na may sarili siyang company? He owns a car company. When Simon was eighteen, he invested all of his money that he earnt from modeling. Without our parents help, he succeeded on his own. Kaya nga ako ang napasahan ng responsibilidad sa LSU, kasi, lumaban siya para sa gusto niya. He's one of a hell billionare." Seryosong sabi ni Glen na ikinalaglag ng panga ko. For real? Bakit hindi ko alam iyon? Damn! That explains kung bakit papalit palit siya ng sasakyan at umaalis siya kapag umaga. What the hell, Margaret? Parang di ko na kinakaya ang mga nalalaman ko ngaun. Ganon ko ba nabalewala si Simon? Na wala manlang akong alam sa kanya? Ano paba ang malalaman ko about Simon?

Glen decided to go. Tumango lang ako dahil hindi ko talaga kinaya ang nalalaman ko.

"Glen," natigilan siya sa paglalakad ng tinawag ko siya. "Thank you for giving my credentials back. It helps me a lot." Salita ko. Kumunot ang noo niya sa akin na tila ba nagtataka.

"It wasn't me, Maggie.. It's Simon." Natulala ako hanggang tuluyan ng lumabas si Glen. Simon again?

God, I hate to admit the fact that I extremely hating myself now for hurting Simon. And why I didn't even noticed that I already fell for the devil that I hated the most? Bakit ngaun ko lang napansin na matagal ko na palang mahal si Simon.. Dammit!