Chapter 32: Simon's Wrath

I closed my eyes when I felt kinda dizzy. Same feeling the first time I got hospitalized. My heart's beating fast, my head's throbbing and body's trembling terribly.

"Maggie?" Dinilat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang salita ni Sage. I look at him. He sigh heavily likes he's kinda relief.

"May masakit ba seyo?" Sunod na tanong ni Prim. Tumahimik ako saglit at pinakiramdaman ang sarili ko. Nang maalala ko ang nangyari ay mabilis akong napahawak sa tyan ko.

"How's my baby? Ok ba siya? Ano nangyari?" Sunod sunod na tanong ko. Mabilis na nag-iwas ng tigin ang dalawa sa akin kaya kumalabog lalo ang kaba na nadadama ko.

"Ummhh--are you hungry? What do you want?" Instead of answering me ay binalikan ako ng tanong ni Sage. I creased my forehead. Hindi kasi makatingin sa akin ang dalawa. And why are they here? Where's Simon?

"Wag mo akong tanungin, Sage! I'm asking you, how's my baby?" Halos mapasigaw na ako. Pinakiramdaman ko pa ang sarili ko pero ala akong madama na kakaiba. Mas lalong umusbong ang kaba sa dibdib ko.

"Where's Simon? Bakit kayo nandito?" Tanong ko ulit pero nanatiling tahimik ang dalawa. Sinubukan ko pang maupo pero hindi ko pa kaya.

"Don't move, just rest, ok? makakasama seyo yan.." mahinahon na salita ng kambal. Huminga sila ng malalim na tila ba nahihirapan." And calm down, too." Pahabol no Prim.

"How can I calm down? Ayaw niyo akong sagutin! One last question Sage and Prim, how's my baby!?"

Napapikit ang dalawa ng sumigaw ako. Bakit ayaw nila akong sagutin? May nangyari ba? Napatingin kami ng biglang pumasok si Simon. He's cold and pretty exhausted. His eye's has no emotions. Ang mga mata niya ay namumula at halatang pagod na pagod na.

"It's gone.. wala na ang baby." Malamig na salita ni Simon. Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi niya. Napatawa pa nga ako ng bahagya. "You're joking right?" Tumawa pa din ako hanggang isa isa nang nagbagsakan ang luha ko. Lumapit pa sakin ang kambal para pakalmahin ako.

"You think I'll make my baby's death a joke?" Hinilamos ni Simon ang mga kamay niya sa mukha niya at tuluyan ulit lumabas ng silid. Doon na ako napahagulgol ng iyak. Totoo ba? Pero bakit? Anong nangyari? Pakiramdam ko ay biro lang ito. Tumingin pa ako sa kambal na parehong nakatingin sa akin na may halong habag.

"Tell me, nagbibiro lang si Simon, diba? nanjan pa yung baby ko? It's still inside me." Iyak pa din ako ng iyak hanggang yakapin ako ng dalawa.

"I'm sorry, Maggie, you had miscarriage.. the baby's gone." Pagkumpirma ni Sage sa sinabi ni Simon. How could it happened? I love the baby. Bakit niya ako iniwan?

I know pain is inevitable. But losing my baby made my life living more in pain and misery. I thought Simon gave me the worst nigthmare. I was wrong. I felt everything is surreal. Palagi akong natutulog baka sakali na pag gising ko ay panaginip lang pala ang lahat ng ito.

Pagkatapos ng tatlong araw ay nakalabas na ako ng ospital. Umuwi din sila Mommy para mabantayan ako. Simon's parents were here, too. Pero si Simon? Since the day na dinala niya ako dito ay hindi na siya nagpakita.

"Thank God, you're going home." Alam kong pinapasaya lang ako ni Mommy at pinipilit niya lang maging okay ang lahat. Sa tatlong araw ko dito sa ospital ay puro pag iyak lang ang nagawa ko. Ala kasi akong ginawa dito kundi umiyak ng umiyak. Magtanong ng magtanong kung bakit nawala ang baby ko. The doctor said dahil daw sa stress at mahina ang kapit ng bata. Just because of that? I lost the thing that only keeps me alive.

"I want to go home," malamig na usal ko.

"You're going home," sagot ni Mommy. Umiling ako. Maybe hindi niya ako naiintindihan.

"Home. Sa atin. Gusto kong umuwi sa bahay. " Natigilan si Mommy at tinignan ako ng seryoso. Nawala din ang ngiti niya. "No, you're going home, pero sa bahay niyo ni Simon." She said with conviction. How could she say that? Namatayan ako ng anak pero si Simon pa din ang inaalala niya?

"Mom, I just lost my child. You want me to be with Simon? I want to be alone!" Halos magtaas ulit ako ng boses. Umiling sa akin si Mommy na halatang dismayado. Simula nang mga pangyayari sa buhay ko. Ngaun ko lang nakita na nadismaya si Mommy sa akin. Even if I got pregnant at my young age? She never looked at me the way she's looking at me now.

"Nawalan din si Simon, Maggie. Why are you so selfish? Sarili mo lang ang iniisip mo! May asawa ka! May asawa ka na nawalan din!" Sumigaw na si Mommy kaya natulala ako. Mom never raised her voice on me, ngaun lang. Nagsimula na naman maipon ang luha sa mga mata ko. Hindi na ako nakakibo hanggang sa maayos na niya ang gamit ko.

Si Mommy lang ang kasama ko nang lumabas ako ng hospital. Dad, has some matters to do while the twins have their classes.

Nang makarating kami sa tapat ng unit namin ni Simon ay tahimik lang ako. I'm scared. Hindi sa akin nagpakita si Simon. Why? Natatakot siya? Hindi iyon ang Simon na kilala ko. But ignoring me? It makes me bothered a lot. Ano paba ang rason para magsama kaming dalawa? May rason paba?

"Take care, Maggie." Mom kissed me. Tumango lang ako at tinanaw ang paglakad niya hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim at pinihit ang knob ng pinto. The silence were deafening when I entered. Madaming bote ng alak ang nakakalat sa sahig ng mapadaan ako sa sala. Pumasok muna ako sa room ko. Ganoon pa din ito at walang nabago. Lumabas ulit ako at para tignan kung may tao sa kwarto ni Simon. Nang mapadaan ako sa nursery room na dapat ay sa anak namin ay napatigil ako. May kaonting awang kasi ang pinto kaya nakita ko agad si Simon na nakaupo habang hawak ang blue na teddy bear na binili niya. Tears began to fall from my eyes again. Tulala lang si Simon habang nakamasid sa teddy bear na hawak niya.

Pinuno ko ulit ng hangin ang dibdib ko at tuluyan ng pumasok. Simon didn't move. I didn't speak. Halos mabibigat na paghinga lang ang madidinig mo.

Nakatayo lang ako sa loob at pinagmamasdan ang mga gamit ng anak ko. Ang bigat! Ang bigat bigat sa pakiramdam na hindi ko na siya makikita o makakasama.

"Nandito kana pala," I froze when I heard the coldness on his voice. Parang hindi siya si Simon. Ni hindi manlang siya nag abalang lingunin ako.

"Wala na, my baby's gone." Bahagyang pumiyok si Simon. I still can't move. I can't even utter a word. Panay lang ang pagtulo ng luha ko. Iba ang Simon na nasa harap ko, he used to be strong. Pero ang hina niyang tignan ngaun. He looks vulnerable and fragile na parang isang kalabit mo lang ay sasabog at mababasag.

Nakatingin pa din si Simon sa bear habang ako ay nakatingin sa likod niya." You know what? I can handle all the pain that you've given me, but this--" napahinto siya. Alam kong umiiyak si Simon. May parte sa akin na parang lalong nadudurog. Who would have thought na makikita kong mahina at umiiyak si Simon? "I can't handle the pain anymore, losing my child? The worst pain na pinadama mo sa akin."

"Are you blaming me?" Hindi ko maiwasan magtaas ng boses! Kung nasaktan siya. Nasaktan din ako! Kung nawalan siya! Mas nawalan ako! Ako ang nagdala sa baby! Bakit ako ang sisihin niya! Hindi ko din iyon ginusto!

"Whom to blame? Me? You promised me that you wont let anything happened to our baby. You don't really want the baby, right?" Nagtagis ang bagang niya. May halong galit at panunuya ang salita niya. Bigla akong nakaramdam ng galit at mabilis na lumapit sa kanya para sampalin siya. Hinarap niya ako gamit ang matigas na expresyon.

"How dare you! Anak ko 'yon! Kahit nasusuka ako seyo mahal ko yung baby!" Sigaw ko. Umangat ang tingin sa akin ni Simon. He has no emotion. It scares me. Nakakatakot ang mga mata niya na punong puno ng galit.

"If you love the baby dapat iningatan mo! You were so focused kung paano kang mapapatawad ni Glen na wala namang pakialam seyo!" He shouted back.

Nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa naririnig ko.

"You're are blaming me?" Tinuro ko pa ang sarili ko.

"Sino gusto mong sisihin ko? Ako? Inalagaan kita, Maggie, minahal ng sobra. You and our baby! Why you always put the blame on me? Bakit hindi mo naman sisihin ang sarili mo! Kung hindi mo ipinagpilitan ang obsession mo kay Glen, sana naalagaan mo ang anak natin. Sana, hindi siya nawala." Parang punyal iyon na dumiretso sa puso ko. Parang may kung anong sa salita niya na dumurog sa pagkatao ko.

"Kung hindi mo din ipinagpilitan ang sarili mo wala tayo sa situation na 'to!" I shouted back.

Umiling si Simon at yumuko. " You know what? I want to tell you everything but I ended up saying nothing. I don't know where, or how to start... I sacrificed my brother, my heart, my soul, my dignity. I'm not perfect, I have lots of evils. I hurt you and my brother but when I say I'm sorry, I mean it."

Malungkot na ngumiti si Simon. Hindi ko alam kung bakit iyak ako nang iyak. Puno ng pait at sakit ang salita at itsura ni Simon. His words made me speechless.

"I was drowning on you but I refused myself to be saved. Dahil sa sobrang pagmamahal ko seyo, Maggie! Kahit malunod ako, okay lang, makuha lang kita, mahalin mo lang ako.."

Tumayo si Simon at huminga ng malalim. "Now I'm asking myself if you're all worth it." Tinitigan ako ni Simon na ikinatigil ko. Pagod na pagod na ang itsura niya.

"Have you ever considered my feelings? Binigay ko seyo ang lahat, Maggie! I was busy working to make you love me that I even forgot to love myself." Hinarap niya ako. Galit na galit ang mga mata niya. Nanginig ang tuhod ko at walang makapang salita. "Tangina, Maggie! Kinaibigan ko ang demonyo para seyo! May lugar na nga ako sa impyerno pero hindi pa din ako magkalugar sa buhay mo. Inubos mo ako! Ubos na ubos na ako..."

Lalo akong napahagugol. Was I made him feel that? Hindi ko naman gusto yon! Kinuha niya din ako sa paraan na hindi ko gusto! Why is he blaming me?

"Hindi ko hiningi lahat yan, Simon! Kung hindi ka makasarili, edi sana hindi tayo parehong miserable!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magsalita. Hinang hina na din ako at wala nang lakas. Ubos na ubos na din ako.

"Kung binuksan mo lang yan puso mo at tinanggap ako, tinanggap mo yung tayo, di sana ala tayong problema! Hindi ako ang totoong selfish dito, Maggie.. Stop acting like you're the victim here! Nagkamali ako, Oo! Pero tangina naman! Pinakita ko naman seyo na worth it naman din ako para mahalin mo!" Sigaw niya na nagpayanig sa akin. Simon's losing everything! His wrath showing it.

"I'm strong yet you damaged me beyond repair.. I can't even look at myself, alam mo ba 'yon? part of me blaming myself for forcing you to marry me. For forcing you to love me.. Siguro, kung hindi ko pinilit yung sarili ko seyo baka buhay pa ang anak ko." Tumalikod siya sa akin at mabilis na lumabas ng kwarto. Nagmamadali akong sumunod sa kanya. He entered his room at took all of his clothes outside his closet.

"What are you doing?" Isa isa kong nilabas ang gamit niya na inilalagay niya sa maleta na hawak niya. Binitawan niya ang maleta at ibinalibag lahat ng damit na hawak niya.

"I'm leaving you now.. diba eto naman ang gusto mo? You want Glen?! Go! Be with him! I'm giving you your freedom! Malaya kana.." seryosong usal niya. Hindi ko alam kung bakit nakadama ako ng takot. Hindi ko alam kung bakit ayokong umalis siya! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong iwan niya ako.

"Ano pagod kana? Sawa kana?! iiwan mo ako ng basta basta?!" Sigaw ko sa kanya.

Tumingala si Simon at hinalamos ang kamay sa mukha niya. Tumingin siya sa akin mata sa mata na lalo kong ikinahina. Nagtagis ang bagang niya. "Damn, Maggie! I'm not tired.. I'm done."

Naestatwa ako bigla at hindi nakagalaw. Pinanood ko lang siyang maglakad hanggang tuluyan ng mawala si Simon. I was waiting for him to come back like he always does pero di niya ginawa. Hindi siya bumalik. He's done. Eto naman ang gusto ko diba? Bakit ako umiiyak? Bakit mas lalo akong nasasaktan?