Chapter 31: Hold on
"Do you want to go--" pinutol ko ang sasabihin ni Simon. Today's Glen's birthday. Their parents just arrived yesterday for the party they made for Glen. Taon taon naman ay nagpaparty sila kay Glen. Unlike Simon na sa mga bars nagcecelebrate ng birthday ay pinaghahandaan talaga ang birthday ni Glen. Sabi kasi nila, Glen will be the successor. Dapat ay makilala siya ng mga tao sa elite world. Business man, etc.. puro high profile na personalidad ang uma-attend ng birthday niya. He's now 21. Parang kelan lang-- excited kaming dalawa na mag ayos noon. Ngaun? He didn't even invited me. I smiled sadly. Kung hindi pa dahil kila tita at kay Simon-- hinding hindi ako makakapunta doon.
I want to come. Gusto kong pumunta para sa oportunidad na humingi ng tawad sa kanya. Para maayos na kung ano man ang nasira sa aming dalawa. Kahit kaibigan lang. Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa kanya hanggang sa mapatawad na niya ako. Everyday, kapag nakakabalita ako bad things na ginagawa ni Glen? Palaging sarili ko ang sinisisi ko. And of course, palagi naman natatapos iyon na si Simon ang sisihin ko. It's a toxic cycle that's eating me everyday and I want to escape from it. It's very tiring and exhausting. It's my everyday nightmare that's haunt me.
"Of course, it's your brother's birthday, It's Glen's birthday." Pinal na sagot ko. Tumahimik lang si Simon pero diretso ang mga mata niya na nakamasid sa akin. I tried our marriage to work out. Pero, hindi ko kayang ibigay ng buo ang sarili ko. Mostly, si Simon ang lumalaban para sa amin. I envy his courage to make things completely okay for us. Eh, paano naman yung mga nasagasaan niya in the process? How can we move on if there's still hindrance along the way.
"Pwede namang hindi--" tumingin ako sa kanya at marahas na ibinaba ang kubyertos.
"Pupunta ako." I sternly look at him. Sa huli, sumeryoso din ang mukha niya at nagpakawala ng marahas na buntong hininga. Yung parang nagpipigil. What? Naiinis na siya? Napapagod na siya? He want this life! Hindi ko siya pwinersa na mabuhay kasama ako, he's the one who forced me. I'm trying. I tried. Pero hindi pa din talaga. Sa huli, nakakalkal pa din ang sugat na ibinigay niya.
"Alright, you win. You always win." Uminom siya ng tubig at nag iwas ng tingin. "But, lets go to the mall first, okay lang ba?" Hindi ko alam kung sarcastic ba siya or what.
"Ano gagawin natin sa mall?" Takang tanong ko. Bahagya na akong nawalan ng gana kumain.
"We already talked about it, or you forgot? Didn't you?" Napaisip ako sa sinasabi niya. Pumikit ako ng mariin. Oh gosh-- he's right. Simon has the best memory of all time. Everything's organized on him. Wala siyang nakakalimutan. Even every single detail of me or kahit ano, alam na alam niya.
"Basta si Glen, nakakalimutan mo ang lahat." He said bitterly. Natahimik ako at di makapag salita. Of course, si Glen yun eh! How can I forget him?
"Will you stop talking? Of course, si Glen, yun, Simon. You know it will always be him." I said harshly. Kahit pigilan ko ang sarili ko na maging marahas sa kanya ay hindi ko magawa. I tried my best, but in the end nangingibabaw pa din ang galit ko sa kanya.
Nalaglag ang panga ni Simon. He look at me with his pained eyes.
"Fix yourself, we're leaving in a few minutes." He said coldly. I shrugged. Bakit ayaw pa niya akong iwan kung nasaksaktan at nahihirapan na siya? Our marriage won't work out for sure. Nagsimula kasi kami sa mali eh. My heart's full of hatred and pain.
Nang maayos ko ang sarili ko ay tumahimik akong lumabas. I remembered kung ano ang sinasabi ni Simon. He planned to buy baby stuffs. He's very much excited to buy booties, clothes, baby bottled, crib, etc. Ewan ko ba sa kanya. I'm still not in the mood to buy those stuffs. Hello? Matagal pa naman akong manganganak. At tsaka, talagang sa araw pa ng birthday ni Glen niya ito ginawa!
Lumabas si Simon sa kwarto niya ng walang emosyon, na tila ba pagod na pagod. Well, sorry for him. He made me pissed. Sinubukan kong pagbigyan siya sa lahat. Pero pag dating kay Glen, I wont let him stop me. I owe my sorry for him. Kung wala siyang pakialam sa feelings ni Glen, ako meron. I hate him for being selfish and insensitive at times. Pakiramdam niya ay ayos lang ang lahat kahit hindi naman talaga. He's only fooling himself. We're just fooling our ourselves na maayos ang lahat.
"Pwede bang tayo muna ngaun?" Salita niya paglabas namin ng lift. He was looking at me while I wasn't. Diretso lang ang tingin ko sa daan hanggang makarating kami sa sasakyan niya. Naiirita na naman ako sa kanya dahil parang wala lang ang lahat sa kanya. I don't want Simon to be completely happy. He destroyed me, how can he be rewarded that easily? I'm still living my life with pain and misery.
"Ahh.." napangiwi ako ng bahagya at napahawak sa puson ko ng bahagya itong kumirot. Biglang hininto ni Simon ang sasakyan at hinarap ako.
"What happened?" Alalang alala ang mga mata niya. He even tried to touch me but I pushed him away. "I'm fine, don't touch me." Ngumiwi ako ng bahagya ng sumakit ulit ang puson ko. Paminsan minsan ay dumudugtong na ito sa balakang ko.
"I'll take you to the hospital." He started again the engine.
Nang mawala ang kirot ay hinarap ko siya." Wag na, okay lang ako, nawala na." I'm still at my stoic expression. He sigh heavily and slow down his driving.
"Are you sure? Baka mapano si baby.." Maamo ang boses ni Simon. Umirap ako sa kanya. "You think I will let anything happen to my baby?" Hindi ko maiwasan mairita. Kanina pa niya ako iniinis!
Pagdating namin sa mall ay nakatingin lang ako kay Simon. Masayang masaya siyang namimili ng mga gamit ng baby. He even bought dozen of each na magustuhan niya.
"Bakit blue lahat? Hindi mo pa nga alam ang gender ng baby. Paano kung babae pala?" Nakatingin ako sa kanya habang namimili siya ng crib. He's the one whose choosing everything.
"I'm pretty sure our baby is a boy." He said cofidently.
"Eh paano kung babae?" Tinaasan ko siya ng kilay.
He shrugged and grabbed the blue bear. "It's fine. Bibili nalang ulit ako ng bago." Nalaglag ang panga ko. Was he serious?
"You're just wasting money." I said irritably.
Nagulat ako ng marahas niyang ibaba ang bear at tignan ako na parang naiirita. Natahimik ako bigla. Tinignan niya ako sa paraan na maiintimidate ka, like the way I felt before. He also looked exhausted.
"How can you say that? Wasting money? I can give everything para sa anak ko. Anak ko yan, Maggie. Kahit ubusin ko ang meron ako ay ibibigay ko. That's what my child deserves."
"Everything? Lahat ng ginagastos mo pinagpapaguran ni Glen!! You don't have everything dahil ala ka naman trabaho! How could you waste money na hindi naman talaga seyo?" Galit na singhal ko. Halos magtinginan na sa amin lahat ng tao dito dahil sa pagsigaw ko. Tuluyan ng dumilim ang expresyon ng mukha ni Simon. Napapikit siya ng bahagya at hinilot ang bridge ng ilong.
"Let's go home." malamig na salita niya tsaka ako tinalikuran.
Pagdating namin sa condo ay bandang hapon na. Hindi ako nagsalita kay Simon at ganon din siya. Nagsimula akong mag-ayos para sa party ni Glen. Umalis si Simon right after he dropped me here.
Habang nag aayos ako ay napahawak na naman ako sa puson ko. Sumasakit na naman siya. Baby, are you mad at me? Are you mad at us? I'm sorry kung palagi kong inaaway ang daddy mo. I know nararamdaman mo why I hate him.
I smiled sadly. Simon used to be home after he leaves in the morning. Hindi ko pa din alam kung ano ang ginagawa niya. Besides, buhay niya iyon. Pero bakit ala siya ngaun? Uggh-- so what!
Pagdating ko sa harap ng mansion ni Glen ay kumalabog na naman ang puso ko. Tumingin pa nga ako sa cellphone ko pero wala ni isang message ni Simon which is kinda new. Sa araw araw ay lagi niya akong tinetext. I sigh heavily. Yun naman talaga ang gusto mo diba? Ang tigilan ka niya? Bakit ngaun parang naghihintay ka?
I shrugged my thoughts. Pumasok ako sa mansion nila. Puro's mataas na tao ang makikita mo dito. The party had started kaya maingay na ng dumating ako. Everything's extravagant. Wala kang maipipintas sa sobrang ganda ng party.
The lights were head off to the stage kung saan naroon si Glen at ipinakilala ng parents niya. I wish I can tell him how much proud I am to him.
"Maggie, what are you doing here? Where's your husband?" Napatingin ako kay Dom na hindi ko napansin na nakatabi na pala sa akin. He awkwardly smiled.
"I don't know. Wala ba siya dito?" Balik tanong ko. Dom creased his forehead like he's questioning me. "He's not here-- I mean- hindi ko pa siya nakikita." Sagot niya. Tumango lang ako ay binalik ang mata kay Glen.
"He's the most heartless person I've known now." Salita ni Dom. Hindi ako tumingin sa kanya pero nakikinig ako. " Whatever happens to him? He's changed a lot, Mags."
"I know." Isa isang tumulo ko habang nakatingin sa malamig na expresyon ni Glen. "I just want him to forgive me. Hirap na hirap na ako, Dom"
Napahawak si Dom sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. "Forgiveness isn't the answer to lessen the agony, Mags." Seryosong salita ni Dom.
Kumunot ang noo ko sabay tingin sa kanya. "What do you mean?"
Ngumiti si Dom at ginulo ang buhok ko."All you need is acceptance, you're both wreck and in pain. Walang mangyayari kung kapatawaran ang hihintayin niyo. You're both wounded, acceptance is the key. You need time to heal."
Umiling ako sa kanya." How can I heal if kasama ko ang taong nagbigay ng sugat sakin? I'm living my life in hell, Dom."
Huminga ulit ng malalim si Dom, nagsimulang magpalakpakan ang mga tao at bumaba na ng stage si Glen.
"Then go! Umalis ka! Lumayo ka. Why are you still prolonging the agony? Kaya mo ba? Ikaw lang ang makakasagot sa lahat ng iyan, Maggie. Find what you really want. Feel who you really want." Dom started to walk and left me puzzled.
Find who you really want?
It was nine in the evening wala pa din si Simon. Hinanap din ng mata ko si Glen pero hindi ko siya makita. I entered the mansion. Mabuti nalang at walang masyadong tao dito.
Inikot ko ang mga mata ko pero ala pa din akong makita ni isa sa kanila.
"Nanang are you there--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Glen ng makita niya ako.
I smiled." Happy birthday, Aviel."
Wala siyang emosyon na hinarap ako. Nangilid ang luha ko sa lamig ng mga mata niya. "What are you doing here?" He said coldly instead of thanking me. I smiled bitterly.
"Aviel, can you forgive me?" Lumapit ako sa kanya nang tuluyan ng bumuhos ang luha ko.
Nag igting ang panga niya at malamig pa din akong tinignan. The Glen I fell inlove with was totally gone.
"Can you please stop this nonsense, Maggie? Just leave!" May diing sabi niya. Pumikit ako at umiling. Nagsimula akong lumuhod sa harap niya. He got shocked when I kneeled down.
"I'm sor--" hindi na ako nakasalita ng biglang may humablot sa akin.
Madilim ang expresyon ng mga mata niya." Will you stop being pathetic, Maggie!! For fuck sake! You're kneeling down with my child. " Iritableng sabi niya at sinundan ng sunod sunod na pag mumura.
"Leave," salita ulit ni Glen. Nag igting ang panga ni Simon at hinarap ang kapatid. " this is also my house, Glen, incase you forgot." Malamig na usal niya.
"Pwede bang ikaw ang tumigil? Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Tumigil kana, Simon.." I almost plead. Umatake na naman ang sakit ng puson ko.
"Lets go home." Instead of listening to me, Simon dragged me out of the mansion. Hindi ako makapalag sa higpit ng hawak niya sa kamay ko. When we're in the middle of walking ay umatake na naman ang sakit ng puson ko. This time, I can't handle the pain anymore. Bigla akong napatigil sa paglakad at halos mamilipit sa sakit. Natigilan si Simon at biglang nawala ang kulay ng mukha niya ng makita ako.
"Simon, there's blood!!" I shouted at him na nagpabalik sa ulirat niya. Mabilis niya akong binuhat at tuluyan isinakay ng sasakyan niya.
He drove fast. The blood didn't stop. My vision got blurry. Hold on, baby..