Chapter 30: Not bad
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ang totoo, hindi naman talaga ako nakatulog. Bumabalik kasi sa isip ko yung salita ni Simon kagabi. How he begged to give our marriage a chance. Hindi ako nagsalita. Kagabi, naisip ko. Ala naman na talagang akong choice. I'm forever stuck with, Simon.
On the other side, sumagi sa isip ko si Glen. How devastated he is. Isa kasi iyon sa bumabagabag sa akin. I want him to forgive me so I can let him go. I want closure. I want clean slate. Gusto ko, mapatawad na ako ni Glen para matanggap ko na si Simon. His forgiveness in exchange for my forgiveness.
Malamig na hangin ang humaplos sa mukha ko ng buksan ko ang bintana sa veranda. Pupunta pala ako mamaya sa LSU para tapusin ang naiwan ko. Pagkatapos ay sched ko para sa check up sa ob ko.
Nang nakaramdam ako ng ginaw ay mabilis kong isinara ang bintana. Huminga ako ng malalim at pinusod nalang basta ang buhok ko.
Lumubas ako sa kusina para magluto ng breakfast. Namiss ko na din gawin ito. Ang totoo? Namimiss ko na din ang kambal at si Nanay Norma.
Inilabas ko ang baboy sa ref. Magluluto nalang ako ng adobo. Medyo namimiss ko na kasi ang Filipino food. Kadalasan kasi ay English food or Europian ang hinahanda ni Simon. Don't get me wrong. Masarap at magaling magluto si Simon pero mas gusto ko pa din ang usual na lutong bahay.
"Oh---shit," napatingin ako kay Simon ng bigla itong lumabas kung saan. Napalunok pa nga ako sa itsura niya. Isang puting twalya ang nakaikot sa beywang niya habang bahagya pang tumutulo ang basang buhok niya. I looked away. Ano na naman ba ang naramdaman mo Maggie? He stares at me na tila ba gulat na gulat.
Ramdam ko na lumakad si Simon sa likod ko at binuksan ang ref. Nagsalin siya ng tubig at mabilis uminom. My breathing becomes heavier. Ramdam ko kasi na nasa likod ko lang siya. I felt his warm breathing.
"Bakit gising kana?" Umikot siya sa harap ko at pumangalumbaba. Kung kagabi ay parang wala siyang enerhiya, ngaun ay parang fully charged siya.
"I want to cook," sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
Napataas ang kilay ko ng may bahagyang may ngiting sumilay sa mukha niya. " Ayaw mo ng niluluto ko?" Napanguso si Simon kaya napaiwas ako ng tingin. Nagpapacute ba siya? Eh kung magdamit kaya siya muna?
"Miss kona magluto," Napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin na may halong pagtataka. Nonetheless, may ngiti pa din sa labi niya.
"Okay, wag mong pagurin ang sarili mo, ah?"
Lumunok ako ng tumayo siya at pumameywang sa harap ko. Seriously? He's going to watch me wearing nothing? Uggh--
"Can y-you-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nauutal ako. Tumalikod ako dahil ramdam kong nag init ang pisngi ko.
"Can what?" Nahimigan ko ang tuwa sa boses niya kaya napairap ako! Wag mo akong inisin Simon! I'm trying. But we're still not okay!
"Can you atleast wear clothes." Iritable kong isinalang ang ulam. Hindi pa din ako humaharap sa kanya. Natawa ng mahina si Simon.
"Oh-- I forgot. Wait for me." Natatawa pa din siya hanggang tuluyan na siyang nawala. Uggh-- what's happening to him? Baliw talaga siya!
Inihanda ko ang lamesa. Sa unang pagkakataon ay ngaun lang kami magsasabay kumain ni Simon bilang mag asawa-- errr.. did I mention asawa? Technically, mag asawa naman kami diba?
"I'm really hungry," napatingin ako kay Simon na ayos na ayos na naman ang itsura. Inilapag ko ang baso na may tubig at umupo sa kanilang side ng lamesa.
"Uhhh--" damn. Wala akong makapang salita. Pakiramdam ko kasi ay naiilang ako sa kanya. At naiinis ako dahil nakangiti na naman siya! I'm trying! Wag muna siyang feeling!
"Lets eat," uupo na sana si Simon nang bigla itong pumunta sa may pantry. Napakunot ang noo ko ng makita kong nagtitimpla siya ng gatas na pang buntis. Anyhow, hindi ko mapapagkaila na maasikaso si Simon. Sana matanggap ko na lahat. Sana bago lumabas ang anak namin ay maayos na lahat. I'm trying to work things out para na din sa anak ko.
"Here," inilapag niya sa tabi ko ang gatas sabay siya naupo sa kabilang side. "Thanks," mahinang sagot ko. Bumalik na siya sa kabilang side at nagsimulang kumain. Humigop ako ng gatas para hindi niya mahalata na pinanonood ko ang bawat galaw niya. Sa bawat subo ni Simon ay pinapanuod ko ang bawat galaw ng panga niya.
"You're such a good cook," ngumiti siya at nagpatuloy kumain. Para siyang bata na hindi pinakain ng ilang araw sa dami ng nakain niya. I wander bakit hindi siya tumataba? Malakas kumain ng carbs si Simon, mahilig kasi siya sa pasta at rice. Pero bakit maganda ang katawan niya?
Umirap ako ng bahagya." Wag mo nga akong bolahin."
Napatawa siya ng mahina." Hindi naman kita binobola, hindi naman tatalab diba?"
"Buti alam mo," masungit na sagot ko kahit medyo natatawa ako.
"Any plan for today?" Nagpunas ng bibig si Simon gamit ang napkin sabay tingin sa akin. Hindi ko malabanan ang tingin niya dahil nalulunod ako.
"I'll just go to LSU, then sched with the ob." Sagot ko.
"Can I come? I mean--- sa ano-" hindi matuloy tuloy ni Simon ang sasabihin niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Sa ob," nag iwas siya ng tingin at bahagyang namula ang mukha. Really? Simon's blushing? I want to laugh pero pinigilan ko. Baka kasi mag feeling close siya sa akin. Sinusubukan kong maging civil sa kanya pero don't expect that's everything's fine na.
"Pero may lakad ka diba?" Nag iwas ako ng tingin at sumubo ng kanin. May parte kasi sa akin na gustong tanungin kung saan o ano ang ginagawa niya pero pinigilan ko nalang. Tsaka, ayokong ma hassle pa siya sa pagsama sa akin. Kaya ko naman.
"You and our baby will never be an option. You two are always my priority. So it's settled. I'm coming with you." Nakangiting sagot niya. May kung anong kumalabit sa puso ko dahil doon. Ganito mo talaga ako kamahal? Hindi kasi ako makapaniwala na mamahalin ako ni Simon. Never. Back in our younger years, palagi kaming nag aaway. Ang hello? We're never been friends.
"Sa clinic nalang tayo magkita," sa LSU ako pupunta. Posible na nandon si Glen. Ayokong makita niya kami ni Simon. I don't want another pain and agony for him.
Huminga ng malalim si Simon at nawala ang ngiti. " alright, see you then, take care, Maggie." May kung anong nabago sa boses ni Simon. Nagulat ako ng tumayo siya sabay lapit sa akin at humalik sa ulo ko. Para akong nabato dahil doon. Tulala akong pinagmasdan si Simon na lumabas ng unit namin. Damn. Simula kasi ng lahat ay ngaun lang lumapit sa akin si Simon.
Para bang lahat ng ginagawa niya sa akin ay tinitimbang niya. Pagkatapos ko ng maglipit ng pinagkainan ay nag-ayos na ako ng sarili. Exactly ten am kasi ang sched ko sa ob. So, I have to finish my thing sa LSU.
Nagtaxi nalang ako papunta don kagaya ng tinext ni Simon. Magkikita kasi kami sa clinic and he insisted na siya na ang maghahatid sa akin pauwi. Hindi na ako umalma dahil panibagong pagtatalo na naman. At tsaka, pakiramdam ko ay nanlalata ako dala siguro ng pagbubuntis.
Nang matanaw ko ang gate ng LSU ay kumalabog na ulit ang puso ko. Hindi ko alam kung may makikita akong kakilala dito at kung ano ang sasabihin ko. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at nagsimulang maglakad. Pag dating ko sa gate ay natigilan ako.
"Good morning," bati ko sa guard na matagal ko nang kilala. Bahagyang nagulat ito pero ngumiti din naman. "Ah--g-good morning po, Ms. Maggie." Nauutal na sagot niya kaya napakunot ang noo ko.
"Can I come in? Mag la-log na ako." Ngumiti ako. Bahagyang nawala ang ngiti ng guard kaya napatitig ako sa kanya.
"Ano po kase," napakamot pa siya ng batok. Tumingin ako sa wrist watch ko sakto mag aalas nuebe na. Kailangan kong magmadali para maabutan ang ob ko.
"Kuya mag la-log na ako--" napatigil ako ng biglang lumitaw si Glen sa likod ni kuyang guard. Malamig pa din ang tingin niya sa akin kaya nawala ang ngiti ko.
"You're not allowed to enter the university."he said sternly. Para akong nabingi dahil sa sinabi niya. Ganito? Ganito niya ako gagantihan? Alam ko naman na sobrang niloko at nasaktan ko siya pero ganito ba dapat ang kabayaran?
"Aayusin ko lang ang credentials ko, aalis din ako." Mahinang sagot ko. Punong puno ako ng pag asa at pagsusumamo sa kanya. I know Glen, malambot ang puso niya. Hindi pa naman siya ganon kasama.
"You have no business here, Maggie. Walang maibibigay ang university seyo.. just go! O ipapakaladkad kita paalis dito?" Seryosong usal ni Glen. Tinignan ko pa nga siya pero ala talagang halong biro ang nakita ko. Why suddenly heartless, Glen? Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paano na ako mag aaral after I gave birth? Eto ba yun Glen? Ginagantihan mo ako sa ganitong paraan?
Tumalikod siya. Parang may nagbara sa lalamunan ko dahil hindi na ako makapagsalita. Siguro, I deserve this. I betrayed him so he's tormenting me sa lahat ng paraan na makakaya niya. Hindi ko na siya kilala. Ganito ba ang sakit na naibigay ko sa kanya para magbago siya ng sobra? Nasaktan din naman ako diba?
"Ma'am, pasensya na po kayo, utos po ito ni Mr. Silverio. Hindi po kayo pwede pumasok." Kita ko ang habag sa mata ni kuyang guard. I hate when people looking at me like they pity me.
"Ok lang po," tumalikod ako dahil nagbabadya na ang luha sa mga mata ko. Ayoko nang umiyak at masyado nang madami ang naiiyak ko at nakakasama na sa anak ko. I heaved a sigh.
Papara na sana ako ng taxi ng biglang kumirot ang puson ko. Napangiwi ako ng bahagya dahil sa sobrang sakit. Butil butil na pawis na ang lumalabas sa noo ko. Uggh-- what's wrong baby?
"Maggie, okay ka lang?" Napaayos ako ng tayo ng biglang tumambad sa harap ko si Dom.
Nang unting unting nawala ang sakit ng puson ko ay hinarap ko siya. "Uhh-- I'm fine." Umiwas ako ng tingin. I still can't look at him. Natatakot ako na baka tanungin niya pa ako ng bagay na ayokong sagutin.
"Did he--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng tumango ako. I smiled sadly at pinunasan ang pumatak na luha sa mata ko.
"I'm okay, It's fine." Halos bulong na sagot ko.
"I'm sorry," he said.
Ngumiti ako ng bahagya para malaman niyang ayos lang ako. "Don't be, kasalanan ko naman." Huminga ako ng malalim." I have to go." Hindi na sumagot si Dom. Hinalikan na lang niya ang noo ko.
"Take care." Tumango ako at pinara ang taxi na dumaan. Sa loob nito, tuluyan ng kumawala ang luha ko. How dare you tears? Bakit ba litaw kayo ng litaw? Sirang sira na ang araw ko kagaya ng nakasanayan. I thought everything will be fine, just this day. Just this once. Hindi pa din pala.
Nang makarating ako sa clinic ay namataan ko agad si Simon na nakahalukipkip sa pinto. He smiled when he saw me. I want to slap him now para mabawasan ang sakit ko pero di ko ginawa. I'm trying not to do so.
"Kamusta ang lakad mo?" Tanong niya.
"Ayos lang," pagsisinungaling ko. Gusto ko kasing kalimutan ang nangyari kanina. Maiinis lang ako.
"Margaret," napatingin kami sa doctor ng tinawag niya ako. I saw how Simon creased his forehead.
"Is he your doctor?" malamig na salita niya. Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Ala nabang ob sa Pilipinas? Damn. I wont let him touch you neither see your--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng manlaki ang mata ko! Ramdam na ramdam ko na namula ang pisngi ko dahil sa hiya.
Nakarinig kami ng halakhak. "Don't worry, Mr. Silverio. Sanay na ako sa ganyan."
Umirap si Simon." I'm not asking you," masungit na sagot niya. Palipat lipat ang tingin ko sa kanila. Gusto ko nga sanang matawa. Ang cute ni Simon magsungit.
"Lets go, Maggie. I'll find you another ob." Hinila niya ang kamay ko pero di ako nagpahila. "Eto na tayo, wag ka ngang praning! It's his job, pro yan."
Umigtig ang panga niya." Hindi ako praning, I'm jealous." Bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin. Wala talaga siyang preno! He doesn't know how to lie sometimes.
Nanalo pa din ako sa huli. Mag uultrasound na kami ngaun. To make Simon at peace, sumama siya sa loob.
" there's your baby.." nakangiting sabi nang doctor. Napatingin kami sabay ni Simon sa monitor. A tear fell from my eyes ng makita kong medyo malaki na siya. "The baby is 14 weeks now."
"Can we know the gender?" Napatingin ako kay Simon na titig na titig sa monitor. Hindi ko mabasa ang emosyon niya. He's like happy at maiyak iyak at the same time.
"Not yet, masyado pang bata, when it comes at 20 weeks, pwede na."
Tumango tango si Simon na hindi pa din inaalis ang mata sa monitor. "Damn. I can't wait." He smiled. Hindi naman halata na excited siya?
Napasinghap ako ng hawakan ni Simon ang tyan ko. Para akong nanlamig sa haplos niya. " baby, make it fast, daddy's dying excited to see you.."
Nang matapos ang ultrasound ay binigay sa akin ng doctor ng kopya ng picture ng baby ultrasound. Tahimik lang si Simon na nakamata sa amin.
Palabas na kami ng clinic pero di ko maalis ang mata ko sa ultrasound pic na hawak ko. Hindi ko alam pero napagaan nito ang loob ko.
Napatigil ako ng hinarap ako ni Simon. Nagtataka pa nga akong tumingin sa kanya.
"Can I have one?" Tanong niya sa akin.
"Huh?" Sagot ko. Nakatingin kasi siya sa hawak ko.
"I mean--- can I have a copy of our baby's picture?" He said shyly.
Pinunit ko ang isa. Tatlong copy naman kasi iyon kaya ayos lang. Besides, madami pa akong magiging picture ng baby.
"Here," sagot ko sabay abo't ng picture sa kanya.
Napatingin ako ng kuhanin niya ang wallet niya sa likuran bulsa at buksan. Nagulat ako ng meyroon siyang picture namin dalawa sa loob nito. It was our picture na nakalagay sa sala nila noon. Inilagay niya sa tabi ng picture namin ang picture ng baby. I laugh softly.
"Why are you putting it in there?"
He shrugged." It's our first family picture."
Nagpatuloy siyang maglakad. May kung anong kumurot sa puso ko. Umiling ako at bahagyang ngumiti. My day wasn't good at start, but Simon just made it. Baliw talaga siya! Somehow, It's not bad that I tried.