Chapter 29: Try
Iminulat ko ang mata ko ng makaramdam ako ng gutom. I yawned and streched my arms widely. Napatigil ako ng mapagtanto ko na wala na ako sa kwarto ko. My goodness! Nasa condo na nga pala ako ni Simon nakatira ngaun. Parang kahapon lang ay nasa bahay ako at tulog ng tulog. Ngaun? Tulog pa din naman ako ng tulog pero hindi ako komportable. Hindi pa din ako masanay sanay.
Halos ala nga akong ginagawa kundi matulog at kumain. Hindi kasi ako pinapayagan ni Simon na kumilos. Siya lahat ang gumagawa ng trabaho. Well, ok na iyon. Atleast hindi ko siya sinisigawan or inaaway araw araw. Nakakapagod din pala magalit. At wala na naman akong magagawa kung magalit ako. It doesn't make sense anymore. Hindi ko naman mababago ang lahat. Still, hindi pa din kami maayos ni Simon.
Hindi ko pa din makuhang patawarin si Simon kahit na sorry siya ng sorry. What for? Maibabalik paba ng dati ang sorry niya? Hindi naman diba?
Sa araw na araw na pagising ko ay parang patay ako. Hindi ako lumalabas dahil natatakot ako sa sasabihin ng tao. About my schooling? Hihinto muna ako sa susunod na pasukan.
Napahawak ako sa maliit na umbok sa tiyan ko. "You know what, baby? You are enough reason to make me smile." Bahagya akong ngumiti. Ang baby ko nalang ngaun ang rason kaya gusto kong mabuhay. Kasi kung ako lang? Ayoko ng mabuhay.
"Good morning," napaayos ako ng upo ng biglang pumasok sa kwarto si Simon. Umiwas pa nga ako ng tingin dahil topless siya at naka boxer shorts lang. Meron din siyang dalang tray na may laman pagkain. I wonder how Simon can do that? Ala na ba siyang pride para sa sarili niya? Kahit anong pagtaboy ko sa kanya ay parang wala lang. "Are you hungry, Love?" Masuyong salita niya. Umagang umaga pero napapakulo na naman niya ang dugo ko! How can he act normal when everything about us isn't normal.
Hindi ako kumibo. Inilapag niya ang tray sa kama. Napalunok pa ako ng humaplos sa pang amoy ko ang amoy ng bacon at fried rice. "I'm not hungry," malamig na salita ko. Simon sigh heavily like he's having a hard time on me. Ginusto mo yan'.
"You have to eat, Maggie. You need to eat." Dinampot niya ang kubyertos at hinimay ang bacon at hotdog sa plato ko. Tinignan ko ang bawat galaw niya. I still can't believe that Simon Aries Silverio will be this low. I mean-- siya yung tipong pinagsisilbihan pero eto siya sa harap ko at pinagsisilbihan ako. How ironic!
"Fine," inagaw ko ang kutsarang hawak niya." Leave me alone." Dugtong ko. Huminga ulit ng malalim si Simon. " alright, but finish your food, okay?" Nagsimula siyang maglakad palabas. "And take your vitamins, too."
Pagkasarang pagkasara ng pinto ay sandali akong natulala sa nilabasan niya. Everyday, ganito ang senaryo namin dalawa. Hindi siya napapagod na suyuin at alagaan ako kaya hindi din ako napapagod na pahirapan siya. You don't deserve happiness. Kagaya ng binigay niya sa akin.
When I finished my food. Nagligpit ako ng pinaghigaan ko at nag ayos ng sarili. Maya maya ay lalabas ako dahil aalis na si Simon. I really don't know kung saan siya nagpupunta or ano ang ginagawa niya. Besides, ala naman ako pakialam.
"I told you not to do that." Napasinghap ako ng biglang lumitaw si Simon sa likuran ko. Kumabog ang dibdib ko sa di malaman na dahilan. Ang halimuyak ng pabango niya na gustong gusto ko ngaun ay kumapit na naman sa ilong ko.
I looked at him with cold expression. Ayokong makita niya na bahagya akong lumalambot at naapektuhan sa presensya niya. I want him to see that he's nothing to me.
"Kaya ko naman, buntis ako pero hindi ako lumpo." I tried to sound irritated. Inagaw niya ang mga nililigpit ko at siya ang gumawa. Pagkatapos niyang maayos ito ay hinarap niya ako. " I'm leaving. May gusto kang pasalubong?" Seryosong tanong niya. Mabilis akong umiling at nag iwas ng tingin.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung saan ako pumupunta?" He suddenly asked kaya napatingin ako sa kanya.
"I really don't care, Simon. Just go!" Huminga ulit siya ng malalim. You marry the wrong person, Simon. What we have now is survival of the fittest. You want me? Then deal with me.
"You take care. I already cooked your lunch, init mo nalang." Hindi ako sumagot. He stare at me like he's going to say something pero di niya ginawa.
Pagkatapos kong magtanghalian ay antok na antok na naman ako. Pinipigilan ko pa ngang matulog dahil tumataba na ako. Nung unang beses kong nagpacheck sa ob ay 8 weeks na ang baby ko. I was with my Mom, ayoko kasing si Simon ang sumama though nagpupumilit siya. I still won.
Panay ang lipat ko ng chanel dahil naiinis ako sa mga morbid na palabas na nakikita ko. Inilipat ko naman sa iba pero wala pa din akong mahanap na magandang mapanuod. I'm starting to get bored. Ilan linggo palang ako nandito at nakakulong pero pakiramdam ko ay inip na inip ako. I'm a home buddy person pero ngaun ay puro inip na ang nadadama ko.
Humiga ako sa kama sabay ng pagkagulat ng biglang magring ang cellphone ko. Padabog ko itong kinuha at itinapat sa tainga ko.
"Kumain kana? Ininom mo ba yung vitamins mo? You want anything?" Sunod sunod na tanong ni Simon. I rolled my eyes. Palagi nalang siyang ganyan. Kahit nga ang cellphone ko ay pinakialaman niya para i alarm sa oras ng pagkain at pag-inom ng vitamins.
"I'm done, are you what? Hindi kaba napapagod sa ginagawa mo? Just do your thing. Ayos lang ako." Bininaba ko ang tawag at mabilis akong nagbuntong hininga. I want Simon to stop. Pero sa tuwing tinutulak ko siya ay mas lalo lang siyang lumalapit. Nakakabaliw!
Mga ilang minuto akong tulala sa kisame ng magring na naman ang phone ko. Mag aalas singko na ng hapon kaya alam kong dapat na akong uminom ng vitamins. Naiirita ko itong dinampot sabay tapat sa tainga ko.
"Why are you so nosy? I'm--" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko na hindi si Simon ang nasa kabilang linya.
"Maggie," I froze when I heard Dominic's voice. Hindi niya pa alam ang kalagayan ko. I don't know if Glen told him na pero hindi ako sigurado.
"D-Dom," I stuttered. Hindi ko alam kung bakit bumigat ang pakiramdam. I hate being like this. I mean-- nagiging iyakin at emosyonal na ako.
"I'm with Glen, he got in fight. What happened to him?" Sagot niya. Kumalabog ang puso ko at lalong bumigat ang pakiramdam. Why are you ruining your life Glen? Sinaktan kita pero hindi mo dapat sirain ang sarili mo. Mas lalo lang akong nakokonsensya. So hindi pa alam ni Dom? Ngumiti ako ng mapait. Of course, bakit naman sasabihin ni Glen ang nakakadiring ginawa ko kay Dom.
"Umhh--" hindi ko magawang magsalita. How will I tell Dom?
"Fuck," napatayo ako mula sa pagkakahiga ng biglang nagmura si Dom. Nakarinig din ako ng matindi hiyawan sa kabilang linya.
"What, Dom? Ano nangyari? Nasan si Glen?" Sunod sunod na tanong ko.
"Bulshoi Booze." Pagkatapos niyang magsalita ay binaba niya ang tawag. Nagmamadali akong nag ayos ng sarili para puntahan si Glen. Kung kailangan kong lumuhod sa harap niya para bumalik lang siya sa dati ay gagawin ko. Hindi ako matatahimik at habang buhay akong kakainin ng konsensya ko knowing that I made him worst.
Nang makasakay ako sa kotse ko ay sunod sunod ang ring ng cellphone ko. Si Simon iyon. Hindi ko iyong binigyan pansin hanggang makarating ako sa Bulshoi. It's almost seven in the evening ng makarating ako don'. Masyado kasing malayo ang Bulshoi from where we live. Nakaramdam pa ako ng kirot sa puson ko na hindi ko na binigyan pansin.
Makapal na usok ng sigarilyo ang bumungad sa akin sa entrance. Hindi pa nagsisimula ang party but marami na ang tao. Luminga linga ako para hanapin sila Dom pero hindi ko sila makita. Nagvibrate ulit ang cellphone ko pero hindi ko ulit binigyan pansin.
"What the hell are you doing here, Maggie?" Napalingon ako sa matigas na boses ni Luther sa likuran ko.
"Kailangan ko ba mag explain seyo?" Pabalang na sagot ko. Nag- igting ang panga ni Luther na tila ba nairita sa sinagot ko.
"Are you serious? Buntis ka--" hindi na natuloy ni Luther ang sasabihin niya ng biglang lumabas si Dom from nowhere. Kunot noo siyang tumingin sa akin pababa sa tyan ko.
"You're pregnant?" May halong gulat at dissapointment sa tinig niya. Hindi ako kumibo. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil sa situation ko.
"She is," sagot ni Luther tsaka kami nilagpasan.
Dom held my hand at hinila ako sa vip room ng Bulshoi. Nanlaki ang mata ko ng makita ko how mess Glen is. Nakadukdok siya sa table at gulo gulo ang itsura.
"What happened, Maggie? Kaya ba biglang nagbago si Glen? Ano nangyari sa inyo?" Seryoso si Dom.
Hindi ko siya sinagot. Instead, I walk towards Glen's direction. Bawat hakbang ko ay kumakalabog ang puso ko. "Aviel..." mahinang sambit ko sapat na para madinig niya. He groaned a little at bahagyang iniangat ang ulo niya.
Nagtuluan na ang luha ko ng makita ko ang maliit na pasa sa mukha niya. Yung mga mata niya na puno pa din ng sakit na ako ang may bigay. I want to touch his face. I want to hug him and comfort him pero hindi ko magawa.
"What are you doing here?" Malamig na salita niya. He still looking at me with disgust. Ang sakit! Yung tingin niya sa akin noon ay wala na talaga.
"I'm sorry," nanginig ang boses ko. Wala akong makapang salita para pagaanin ang loob niya or kung ano man. I want to lessen his pain pero hindi ko alam kung paano. Gusto ko lang mapatawad niya ako para mawala na din ang bagahe na dinadala ko.
"You always sorry, I don't want to hear any sorry coming from you. I don't want to even see you. Stop calling me Aviel and leave me alone." Marahas siyang tumayo at naglakad palabas. Naiwan akong tulala at iyak pa din ng iyak. Dom look at me with pity on his eyes. Tinapik niya ang balikat ko at sinundan si Glen. He doens't care for me anymore.
Pinahid ko ang luha ko. Naglakad ako sa palabas ng Bulshoi na hinang hina. Everyone's mad and dissapointed with me. How can I live my life now?
Paglabas ko ng Bulshoi ay tuluyan na ulit nagbagsakan ang luha ko. I went to the parking para hanapin ang sasakyan ko. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humawak sa braso ko.
"Maggie," napatingin ako kay Simon na alalang alala ang itsura. Nakita ko din ang pagod sa mga mata niya.
"I hate you!!" Napahagugol ulit ako at marahan siyang pinaghahampas sa dibdib. Walang salitang binitawan si Simon. Tinanggap niya lahat ng hampas ko hanggang sa mapagod ako.
" I'm sorry.." bahagya akong natigilan ng marinig ko ang pagkabasag sa boses niya. Lalo akong napaiyak. Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Simon at ikulong sa dibdib niya. Damang dama ko ang bigat ng bawat paghinga niya at mabilis na pintig ng puso niya.
Hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong kapayapaan sa yakap ni Simon. I felt that siya nalang ngaun ang taong hinding hindi ako iiwan at huhusgahan. His hug comforts me.
Tumahimik kaming dalawa hanggang sa dahan dahan akong inilayo ni Simon sa kanya. He cupped my face and look straight through my eyes.
"Let's try, Maggie. Let's try to work out our marriage. Try me. Try us.."