Chapter 28: Worst

Tulala ako habang nakatingin kay Mommy na tuwang tuwang pinagmamasdan ang gown na susuotin ko. Months ago, isa akong ordinaryong babae na may ordinaryong buhay. Months later, unwanted pregnancy happened at ngaun ay ikakasal na ako. Hindi naman sa hindi ko gusto o hindi ko mahal ang magiging baby ko. It's my own flesh and blood, how could I not love the baby? Kahit naman nasusuklam ako sa ama niya at hindi pa ako handa ay tinanggap ko na siya.

After everyone knew that Simon and I are going to have a baby, they settled the wedding instantly. Hindi ako nakisali sa plano nila. My mom's dead serious when she said that she's going to disown me if I'm not going to marry Simon. She loves Simon, ni hindi nga siya nagalit nang malaman niya na buntis ako at Simon ang ama. Grabe lang diba? Siya nalang kaya ang magpakasal kay Simon?

Nevertheless, hindi ko kaya na itakwil nila ako. I'm a big disgrace to the family kapag nagka-anak ako ng walang ama. Simon's right, there's no escape from him. But I'll make sure I'll make his life living hell. I'll make sure he's the one who'll ask for his own escape.

I'm still into deep pain. Glen's changed a lot. Naging warfreak at badboy na siya at palaging sangkot sa gulo. Malayo na sa Glen na nakilala ko. Kapag nagkikita kami? He looked at me like he disgust me. Masakit iyon, alam ko naman na hindi na niya ako mapapatawad pero sana naman ay pinakinggan niya ako. I smiled bitterly. I betrayed him, paano pa siya maniniwala sa akin? Lalo lang akong nakonsensya knowing that I broke him.

"Maggie, umayos ka nga! Mukha kang sinakluban ng langit at lupa!" Salita ni Mommy kaya nabalik ako sa ulirat. Inayos ng make up artist ang buhok ko. Itinaas niya ito na pabilog at pinalibutan ng kumikinang na mga crystal.

"And smile, too. It's your wedding." Pahabol ni Mommy. Umiwas ako ng tingin at umirap. Tao ako! Ano ba akala nila sa akin? Walang feelings? Sinunod ko naman ang gusto nila pero wag nila akong gawin robot. So what if this is my wedding? It's out of my free will. Ginagawa ko lang ito para sa ikakatahimik ng lahat! And as if I have choice? Pinagtulungan nila ako!

"Smile," napakunot ang noo ko sa photographer na pilit akong pinapangiti. Ayoko ngang ngumiti! However, pilit akong ngumiti dahil nahihiya ako sa mga taong nakapalibot sa loob ng hotel room ko. Everything's extravagant kahit simpleng wedding lang naman ang gusto ko. I never invited anyone. Lahat ng tao dito ay relatives ko at ni Simon, tsaka mga friends nila.

"Oh--God, Maggie.." maluha luha si Mommy na lumapit sa akin. I rolled my eyes for the hundrth times. Poker face lang akong nakatingin sa salamin habang suot ko ang gown ko. Ang ganda sana niya kung sa taong gusto ko ako ikakasal. I mean-- yung totoong nagmamahalin kami. "I remember when I was at your age, I mean-- nung kasal namin-" hindi ko na siya pinagpatuloy magsalita dahil naiirita na talaga ako.

"Mom, please-- it's not the right time to reminince." Blanko lang ako sa kanila. I want them all to see how they force to agree with this fucking wedding!

Naging seryoso si Mommy at pinunasan ang luha sa mata niya. "Magiging magulang at asawa kana, Maggie.. don't act like you're the only person in the world. I want you to be responsible sa buhay na pinasok mo. Simon's a good man--"

"He isn't." Putol ko sa sinabi niya. Umiling si Mommy at malungkot na ngumiti.

"Why are you so hard on him? Learn to love him." Seryosong usal ni Mommy. I smiled sarcastically. Hindi niyo alam kung bakit ako ganito dahil hindi niyo alam ang pinagdaanan ko.

Siguro, kung hindi ako kinuha sa ganitong paraan ni Simon ay mamahalin ko siya ng buo. I liked him. I mean-- nagustuhan ko siya. Naging ok nga kami diba? Pero sa ginawa niya? He made me hate him the most.

"Forgive and forget, Maggie. Whatever happened to the three of you. May rason iyon. Maybe Simon's really your end game."

Umiling ako at naiyak ng bahagya. He wasn't supposed to be my end game. Dinaya niya ang laro! Nakuha niya ako sa paraan na hindi ko ginusto. He ruined everything. He took everything. How can I love him if he only cares about was his feelings?

Marahan pinunasan ni Mommy ang luha sa mga mata ko. "You're just mad, it will pass, the pain-- and everything. Think about the bright side, anak. He gave you the most beautiful gift in the world."

Hinawakan ni Mommy ang impit na tyan ko kaya lalo akong naiyak. Still, he forced me. I'm sorry mom, but you can't force me to love him.

Lumabas ako ng silid kasabay si Mommy at Daddy. Panay ang kislapan ng flash ng camera pero hindi ko pa din makuhang ngumiti.

"Maggie, pwede bang magpanggap ka muna? kahit ngaun lang?" Napasinghap ako ng biglang lumabas si Sage sa likod ko at bulungan ako. I sighed.

"I'll try, but I won't promise." Dumiretso kami sa limousine na pinadala ni Simon as my bridal car. Umiling ako. Kahit eroplano ang iharap niya sa akin ngaun ay hinding hindi pa din ako matutuwa sa kasal na ito.

Tahimik ang byahe namin. Tulala lang ako at nakamasid sa labas ng sasakyan. I don't know why Mom suddenly shut her mouth. Hindi kasi iyon normal sa kanya. Ang kambal naman ay tahimik lang sa sulok at malungkot na nakatingin sa akin like they pity me. Hindi ako tumitingin sa kanila dahil lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Garden wedding ang napili nilang kasal. Nang makarating kami sa lugar ay natahimik ako at biglang kumalabog ang dibdib ko. The place was superb. Sobrang ganda at sobrang pinaghandaan. Everyone's outside wearing their smile. I smile sadly. Sana kaya ko din ngumiti kagaya nila. Sino niloko ko? Nasasaktan pa din ako. At hindi ako matatahimik knowing na nagbago si Glen dahil sa sakit na naibigay ko.

I saw Simon's parents outside na kausap na nila Mommy.

"Tara na?" Wika ni Sage kaya napatingin ako sa kanya. Naiwan na pala kaming dalawa dito sa loob.

Kumunot ang noo ko. " Bakit hindi ka masaya, Sage? Diba eto naman ang gusto niyo? Diba gusto mo din si Simon?" Nangilid ang luha sa mga mata ko. Tumingala ng bahagya si Sage at tipid na ngumiti.

"Yeah, I like him for you.. but, kapatid kita. Mas mahal kita sa kanya." Parang punyal iyon na tumama diretso sa puso ko. " Kahit gusto ko siya, mas gusto ko pa din kung san ka masaya."

"Then help me to run away." Sagot ko na ikanailing niya.

"Stop that, Maggie. Hindi lang ikaw ang intindihin mo. You'll have a baby, soon. Nakita ko kung paano ka tumingin at ngumiti kay Simon noon. You have something for him. Ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo."

Umiling ako. "You're wrong. Si Glen ang mahal ko."

Ngumiti ng tipid si Sage. "Sa isip mo, pero si Simon ang mahal ng puso mo."

Lumabas ng sasakyan si Sage and left me dumbfounded. Inalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Simon--Uggh-- No! Hindi ko mahal si Simon! He's a devil! No one will understand me.

Nagsimula na ang programme ng kasal. Sinukbit ko ang magkabilang kamay ko sa braso nila Mommy. Nang magsimula akong lumakad sa red carpet ay parang hinang hina ako sa bawat hakbang na ginagawa ko. Umihip ang hangin kaya nagliparan ang mga telang kulay Silver na nasa itaas. Sa bawat hakbang ko ay isa isang naglalaglagan ang petals ng bulaklak na hindi ko alam kung saan nagmula. Sinabayan ng isang kanta na naging daan para masabing mong totoo ang lahat. Everything's magical aside from me.

Nang nasa kalagitnaan kami ay napatingin ako kay Simon na matikas ang tindig at malaki ang ngiti. Gusto kong sumigaw at murahin siya dahil sa asta niya. How could he smile after what he'd done to me and Glen? Paano niya nakukuhang ngumiti sa kabila ng sakit na ibinigay niya sa amin?

Halos mastatwa ako ng biglang lumabas si Glen sa gilid ni Simon na blangko ang expresyon. I want to run to him and kneel infront him hanggang mapatawad niya ako. Nagsimula ulit magtubig ang mga mata ko habang nakatingin sa malamig na mga mata niya. Iba na siya, he's not the Glen I knew for a long time. Isang buwan lang ang nakalipas pero ang laki na ng pinagbago niya. Hindi ko na siya kilala.

"Take care of her, son." Magkasabay na sabi ni Mommy at Daddy ng makalapit kami kay Simon. His parents kissed me on my cheeks. Lumingon ulit ako kay Glen na mabilis tumalikod sa akin.

"I will." Nakangiting salita ni Simon. I want to shout at him to stop smiling but I don't want to embarass my parents.

Biglang hinapit ni Simon ang beywang ko kaya natigilan ako. Napatingin ako sa kanya na malaki pa din ang ngiti." Don't touch me." Bulong ko. Hindi natinag si Simon, hindi niya inalis ang kamay niya sa beywang ko hanggang makarating kami sa harap.

Maraming seremonyas ang nangyari. Simon's now facing me while holding my hand. Ibibigay niya na ang vow niya na wala naman akong pakialam.

"Ehem-" halos umirap ako ng magsimula siyang magsalita. Tahimik ang mga tao na tila ba hinihintay ko ano man ang sasabihin ni Simon.

"Maggie, I'm giving you this ring as the sign of my love and fidelity. From this day onward, I'm giving you my heart, my love, my soul, my everything . My willingness to love and take care of you till my last breath." Namula ang mata ni Simon habang nakatingin sa akin. Sa di ko malaman na dahilan ay biglang kumalabog ang puso ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Napatingin ako kay Glen na nakamasid sa amin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis siyang nag iwas ng tingin. I sigh heavily.

Sinuot ni Simon ang sing sing sa akin kaya nagpalakpakan ang mga tao. Malaki pa din ang ngiti niya na para bang masayang masaya. I stare at him blankly ng ako na ang magbibigay ng vow. Gusto ko sanang sabihin na ihanda niya na ang sarili niya sa impyerno na ibibay ko sa kanya pero di ko nalang ginawa. Instead, hindi ako nagbigay ng vow. Sinuot ko lang ang sing sing sa kanya. I frowned at him. Talaga bang adik si Simon? Hindi kasi maalis ang ngiti niya.

"Congratulations," panay ang bati ng mga bisita sa amin ng nasa reception kami. I can't smile. Ayokong lokohin ang sarili ko at magpanggap na masaya.

"You want to eat?" Nagulat ako ng bigla akong hinarap ni Simon. Malaki pa din ang ngiti niya at panay ang bati sa mga bisita na dumadaan.

"I'm not hungry," sagot ko.

Simon sigh heavily. " You want to seat and take a rest?"

Sasagot na sana ako ng biglang lumitaw si Luther sa harap namin. He's serious unlike Simon na hindi maalis ang ngiti.

" Hey, congrats." Tumango lang ako sa kanya. May kung anong binulong ito kay Simon na bahagyang ikinawala ng ngiti niya. Tumango lang si Luther sa kanya sabay tapik ng balikat niya.

Nang matapos ang sinasalubong namin bisita ay hinarap ulit ako ni Simon. "You want to eat? What do you want--"

"I want you to stop smiling." Malamig na usal ko. Gumilid kami ng bahagya ni Simon. Nawala ng bahagya ang ngiti niya sabay igting ng panga. "Don't you have a heart? You're extremely happy knowing that you hurt us? Knowing that you force me from this wedding? Knowing that we're in pain?" I trembled. Nangingig ako sa pag pipigil ng emosyon ko.

Nawala ng tuluyan ang ngiti ni Simon. Hinilot niya ang bridge ng ilong niya at bahagyang tumingala sabay ng marahang pagpikit. When he faced me, there's a blood shot on his eyes.

"It's my wedding, I should be happy, right?" Malungkot siyang ngumiti. "You think I'm happy knowing that my bride doesn't really want to marry me? Fuck! I'm only smiling just to keep my tears from falling. That's the worst kind of pain, Maggie."

Huminga siya ng malalim at tinalikuran ako. Binalik niya ang malaking ngiti niya kanina. Naglakad siya pabalik sa mga bumabati sa amin wearing a smile. Damn! Bakit biglang tumulo ang luha ko?