Chapter 27: Out of control

"Bakit hindi niyo alam na may sakit ang ate niyo? Bakit siya may sakit?" Seryosong usal ni Mommy. Gusto ko sanang matawa sa mga sinasbi niya pero hindi ko magawa.

"We don't know the reason either, Mom. Ikaw nga hindi mo alam." Sagot ni Prim.

Nanatili akong nakapikit habang pinapakinggan ang usapan nila. Bahagya pa din akong nahihilo. Nakaramdam ako ng kaba ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko at pigain ito. I know si Glen iyon dahil kabisado ko na ang texture ng kamay niya.

"Ano daw ang sabi ng doctor?" Ulit na salita ni Mommy.

"They're running some test. Can you please calm down, Mom. Wag kang excited.." Rinig ko naman ang iritableng boses ni Sage. Gustong gusto ko nang dumilat pero natatakot ako. Natatakot ako sa hindi ko alam na dahilan.

"Paanong hindi magkakasakit si, Maggie, she's always sleeping. Ni, hindi ko nga alam kung nasisikatan pa yan ng araw. Look at her, she's pale." Sagot ulit ni Prim. Yeah, hobby ko na naman ang matulog noon pa man. It's just that-- mas malala lang ito ngaun. I always feel weak kaya tulog ako ng tulog.

"Let's just hope that she's fine." Kumalabog ng usto ang puso ko ng si Glen na ang sumagot. Huminga ako ng malalim at dahan dahan iminulat ang mata ko. Napapikit pa nga ako ulit ng masilaw ako sa liwanag ng ilaw.

"Water," unang salita na sinabi ko. Pakiramdam ko ay tuyong tuyo ang lalamunan ko at barado sa hindi ko alam na dahilan.

"She's awake." Salita ni Glen kaya mabilis silang nagtayuan at lumapit sa akin. Mom stare at me with her worried face. Ganon din si Daddy at ang kambal. Napatingin ako kay Glen na seryoso lang nakatingin sa akin.

"Are you okay? Ano masakit seyo? May nararamdaman kabang kakaiba?" Sunod sunod na tanong ni Mommy. She sat beside me kaya bahagyang lumayo si Glen.

"I want water," sagot ko ulit. Hindi ko pinansin ang sunod sunod na tanong ni Mommy. Tumalikod si Sage at mabilis na kumuha ng bottled water sa side table. Si Glen naman ay hindi ko maintindihan kung bakit tahimik lang sa gilid.

Umusad ako ng bahagya para makaupo. Halos matumba na naman ako dahil sa pagkahilo.

"Are you sure you're fine?" Nasapo ako ni Prim nang muntik na akong matumba. Nang maiayos niya ako ng upo ay sumandal muna ako sa headrest at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay hirap ako sa paghinga. What is wrong with me?

"I'm fine, really." Uminom ako sa bottled water na inabot ni Sage. Halos maubos ko ang laman nito sa sobrang uhaw na nadadama ko.

"Tulog ka kasi ng tulog! Hindi ka nageexercise. Alam mo bang hihina ang katawan lupa mo, Maggie? huh?" Sermon ni Mommy sa akin. Lalong sumasakit ang ulo ko sa ingay ni Mommy! UGH--

"Mom, can you please stop? Hello? Lalong nakakapanghina yan boses mo! Mas magkakasakit si Maggie sa ingay mo, eh." Iritableng sagot ni Sage. Patuloy ang sagutan nila. Lumingon ako sa gawi ni Glen. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin. He smiled at me. I creased my forehead, ang lungkot kasi ng ngiti niya.

Titig na titig pa din ako sa kanya habang inaalala ang nangyari kanina. My heart race so fast nang mapagtanto ko na magpopropose siya kanina sa akin. Then how Simon ruined everything before I passed out.

That devil! He's giving me so much stress.

"Glen.." salita ko kaya natahimik sa pagtatalo si Mommy at si Prim. They're literally staring at us. Natahimik si Glen pero hindi nawala ang tingin niya sa akin.

"I think kailangan muna natin lumabas." Hinila ni Sage si Prim kaya hinila ni Prim si Mommy. Bahagya pa ngang nagpumiglas si Mommy.

"But--" hindi na nakapagsalita si Mommy ng nahila na siya ni Prim.

Biglang tumahimik ang silid. Nakakabingin katahimikan. Silence that scares me more.

Huminga si Glen ng malalim at tumayo palapit sa akin. I don't know why I felt saddened. Glen's eyes looked pain. I hate seeing him like that. Glen's doesn't deserve pain.

"Are you okay?" Salita ko ng makalapit siya sa akin. Umupo siya sa gilid ko pero tahimik pa din.

He carressed my hair kaya napapikit ako ng kaonti. "I should be the one to ask you that, Mags." Seryoso ulit na sagot niya dahilan para mapalunok ako. Parang hindi siya si Glen. Parang biglang may nag iba. Something cold embraced the room. Pakiramdam ko ay ang lamig lamig niya sa akin. Where did his warmth go?

"Why you're not asking me, then." Nilaro laro ang dulo ng kumot na nakabalot sa akin. Kinakabahan pa din ako.

"Is there something happened here while I'm gone?" Biglang sabi niya kaya natahimik ako at mabilis nag-iwas ng tingin. What does he mean? Did Simon tell him? "May hindi ba ako alam, Maggie?" Halos magtayuan ang balahibo ko sa sobrang kaba na nadadama ko. Ang lamig lamig ng boses ni Glen. He's not the Glen I knew. Parang bigla nalang may nag iba sa kanya.

Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Besides, kung sasagot ako ay alam kong lolokohin ko lang siya. Ayoko na, hindi ko na kayang lokohin si Glen. Madami na akong maling nagawa sa kanya. I fell for the devil's trapped. Sabihin ko man na hindi ko iyon ginusto ay wala nang magbabago. I still betrayed Glen. All I want now is his forgiveness, his understanding na alam kong malabo. When I woke up awhile ago. I decided to tell him the truth. Hindi ko na kaya. Masaydo na akong nakokonsensya. If he gets mad at me? I deserved it.

"Answer me, Maggie.." malamig na salita ulit ni Glen kaya napasinghap ako. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Damn. Paano ko ba sisimulan Glen?

"Aviel--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa ang doctor. Abo't abo't ang paglunok ko sa kaba kung ano resulta ng mga test ko.

"Goodevening." The doctor said while smiling. Nakangiti siya! So I guess ok lang ako? Na walang mali sa akin?

Tumayo si Glen mula sa pagkakaupo. Lumapit siya sa doctor at nakipagkamay. I can't utter any word.

"How is she, doc?" Malamig pa din ang boses ni Glen na lalong nagpapabigat ng nadadama ko. The doctor smiled widely.

"She's fine. Medyo maselan lang talaga ang situation niya ngaun but it's normal." Nakangiti pa din ang doctor. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ok ako pero maselan ang situation ko? What the hell does it mean?

Ramdam ko ang pagbigat ng hinga ni Glen. Ako naman ay halos di na humihinga sa kaba. Inabot ng doctor ang kamay niya kay Glen. "Congrats, sir, she's pregnant." Nawala ang ngiti ko. Para akong binuhusan ng isang timbang tubig na malamig. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinalita ng doctor.

"She's what?" Lalo akong kinabahan at napapikit ng madama ko ang galit at gulat sa boses ni Glen. Damn! What was that? I mean--- bakit ganito? You ruined me Simon!

"She's pre-" hindi na pinatapos ni Glen ang sasabihin ng doctor ng bahagya siyang napasigaw. "Leave!" Napasinghap ulit ako at isa isa ng nagbagsakan ang luha ko. I thought one night stand with Simon was my biggest dilema. Ano 'to? May mas grabe pa pala sa nagawa ko.

I'm pregnant? I'm going to be a mom? Bakit hindi masaya ang pakiramdam ko? I mean-- hindi pa ako handa sa ganito. Madami pa akong pangarap. Anong nangyari? Bumagsak lahat ng pangarap ko. Tuluyan ng mawawala sa akin si Glen.

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay lalo akong kinabahan. I never thought things will go this way. Aamin naman ako, e. Pero hindi sa ganitong paraan. Deafening silence filled the room.

"Why, Maggie?" Napapikit ako ng mariin ng madama ko ang pagkabasag ng boses ni Glen. I don't want to see him. Ayokong makita ang pagkawasak niya sa harap ko. At nasasaktan ako dahil ako ang dahilan 'non.

"I know marami akong pagkukulang pero bakit ganito? I respect you. I loved you. Why?" Basag pa din ang boses ni Glen. Patuloy ang agos ng luha ko. I don't know what to do. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko siya kayang sagutin dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam.

"Sino ang tatay ng baby, Maggie?" Niyugyog na ako ni Glen. Lalong bumuhos ang luha ko. Hindi ko pa din siya makuhang tignan dahil nasasaktan ako, natatakot, at nanlulumo.

"Can you fucking face me and tell me who's the damn father of the baby!!" Sigaw niya. "Tell--"

Sabay kaming napatingin ni Glen ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Tumambad sa amin ang alalang alalang mukha ni Simon. Gusto kong tumakbo sa kanya at sampalin siya ng sampalin hanggang sa mapagod ako. He fucking got me pregnant! He screwed everything!

"What are you doing here, Simon?" Kinilabutan ako sa tono ng boses ni Glen. All my life ngaun ko lang narinig ang ganyang boses niya. Scaring and dangerous.

Nilagpasan siya ni Simon at dumiretso sa akin. Mas lalo lang akong naiyak.

"Sino tatay ng anak mo, Maggie!" Sigaw ulit ni Glen. I saw how Simon got froze. I got froze, too.

"You're p-pregnant?" Hindi ko alam kung gulat o natutuwa si Simon sa narinig niya. Malamig ko siyang tinignan pero hindi pa din mawala ang ngiti niya. Nakukuha pa niyang ngumiti? Knowing that me and his brother are both in pain?

"Yeah, she's pregnant." Malamig na usal ulit ni Glen. Pumikit ulit ako dahil sa hilo na umatake na naman sa akin.

"With my child? Damn." Napatingin ako kay Simon. Talagang nakuha pa niyang matuwa sa situation? Hindi ba niya kami naisip ni Glen? Yung nararamdaman namin ngaun? He's so selfish!

"Your child?" Puno ng gulat at pait na salita ni Glen. Simon clenched his jaw and face Glen. "Our child." Tumayo siya sa harap ni Glen at nakipagsukatan ng tingin. Glen clenched his fist and punched Simon straight to his face.

"I'm sorry, Glen.." panay ang luha ko. I don't care about Simon! Hindi ko alam kung paano mag-explain sa kanya. I just felt that sorry will do for now.

"Fuck with your sorry, Maggie! You betrayed me!" Galit na galit na sigaw ni Glen. Napahagugol na ako ng iyak.

"Don't talk to her like that, Glen." Pinahid ni Simon ang dugo sa labi niya.

"And what? Paano ba dapat? Kapatid kita, Aries! Alam kong may feelings ka kay Maggie pero hindi ko alam na kaya mo akong gaguhin!" Sigaw ni Glen. " I sacrificed my life para sa obligation na dapat ikaw ang gumagawa! You selfish bastard!" Sinuntok ulit ni Glen si Simon. Hindi lumaban si Simon at tinanggap lahat ng suntok ni Glen. Malamig lang siyang nakatitig kay Glen na malaya siyang pinagsusuntok.

"Si Maggie lang ang meron ako pero, ano? Kinuha mo pa din? You son of a bitch!" Panay pa din ang suntok ni Glen kay Simon na hindi naman lumalaban sa kanya. I can't do anything aside from crying.

"I can hurt and break anyone for, Maggie, Glen. Even you." Tumayo si Simon na meron pang bahid ng dugo ang mukha. " You're weak, you don't know how take care of her that's why she betrayed you, she maybe realized that she's better with me. You took forgranted her! Pinabayaan mo yung babaeng pangarap ko. Admit your fault! Wag kang manisi! Sinapo ko siya, Glen. Akin siya. Akin lang siya!" Sigaw ni Simon. Hindi ako makapagsalita pero punong puno ako ng galit ngaun para sa kanya. I'm not better with you, Simon. Never.

Umiling si Glen sabay tingin sa akin. "Fuck your reasons Simon!" Umiling siya ng sunod sunod. " Kung gusto mo pala ng sex sana sinabi mo! Willing naman ako.." may panunuyang salita ni Glen. I got shocked when Simon throw him a hard punch.

Hindi rin natinag si Glen. Sabay na nag igting ang panga nila. " One more word, Glen." May halong pagbabanta sa boses ni Simon.

"What?" Ngumisi si Glen. " are you going to kill me? Go ahead! Tangina! Para niyo na din akong pinatay." Tumingala si Glen at hinilamos ang kamay sa mukha. Humagugol ako ng humagugol. "I'm sorry.." pilit kong sinalita.

"Damn your sorry, Maggie! You're not worth it." Umiling si Glen sabay bato ng box ng sing sing na dapat ay ibibigay niya kanina kaya napapikit ako at lalong napaiyak. Lumakad siya at bahagya pang tinabig si Simon hanggang tuluyan ng makalabas. His eyes. Galit na galit at puno ng sakit. I want to run para sundan siya pero hindi ko kaya.

Rinig ko ang yabag ni Simon na papalapit sa akin. Hinang hina ang pakiramdam ko. Ayoko nang mabuhay!

Hinawakan ni Simon ang braso ko at marahan akong niyakap. Pagod ko siyang tinignan. Pinunasan ko ang luha ko na patuloy pa din ang pag agos. " Screw you, Simon! I hate you.." Nanghihinang sabi ko at patuloy ang paghikbi. Bahagya ko pang pinaghahampas ang dibdib niya. Hindi ko alam kung kaya kong maging ina. I'm just 20, marami pa akong pangarap. And Glen, he's extremely mad at me.

"I control everything before. What did you do?" Tahimik lang si Simon. Ang bigat bigat ng nadadama ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas mabuhay. How can I face everyone?

Nag igting ang panga ni Simon. "Somtimes, things happened that is out of your control." Malamig na usal niya.

Pagod akong umiling at ngumisi. Paano mo ito nagawa Simon? You ruined me and your brother! You ruined ourlives!

"You tricked me." Sagot ko.

"Because, I love you.." sagot niya. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak habang natatawa. My life is a mess.

"Fuck you, Simon!" Sagot ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at pagod na tumingin sa kanya.

"It's okay, Love.. I still love you." Seryosong sabi niya. He's a devil! Selfish! Monster! Hindi manlang ba siya nakaramdam ng guilt or konting pagsisi? Kasi ako mamatay na sa sobrang pagsisi. He'll never change. Halos sumabog ako ngaun. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo sa galit na nadadama ko.

"I hate you, Simon! You are so evil! How could you do this to me? How could you do this to, Glen?" Sumigaw ako para mailabas ang bigat na nadadama ko. Nothings change. Mabigat pa din sa pakiramdam, ni hindi manlang nabawasan. Blanko niya akong tinignan at hindi nagpakita ng kahit anong emosyon. "Hinding hindi kita mamahalin, you deserve hell! You'll never have me, never!" Galit na galit na sigaw ko. I mean it!

Pumikit ng mariin si Simon at huminga ng malalim. Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Hinding hindi ko babawiin iyon! At hinding hindi ko pagsisisihan na sinabi ko iyon!

Blangko niya ako tinignan sabay pag igting ng panga niya. "I will do everything just to have you, Maggie. You were born for me, so am I to you. If I have to be friend with the devil just to have you, I will. I will force you to love me. There's no escape from me, Maggie. You can't escape from me.."